You are on page 1of 2

Dear Ate Charo,

Ang unang pagkakataon nung inutosan kami ng ate ko magharvest ng kape, iyon pala ay may balak na
pala siyang iwan kami. Ako ay nabigla dahil dumating ang papa at kapatid ko. Nagbalita sa amin na
iniwan na kami ng mama naming at hindi alam ng papa ko kung saan nagpunta ang mama at kapatid ko.
Kinuha kami ng papa ko doon sa tito ko sa Metebago, Kitaotao Bukidnon at bumalik kami sa isla berde
Sinaloc El Salvador City. Hinanap namin ang mama at kapatid ko, kung saan saan na kami nakakarating
sa paghahanap sa mama at sa kapatid ko at sa kasawiang palad hindi namin sila mahanap. Dala na siguro
ng pagod itinigil na namin ang paghahanap sa nanay at kapatid ko. Dahil doon nagsimula akong
magtrabaho sa edad na 13 anyos bilang isang laborer sa isang construction site para lang makabili ng
bigas at pagkain dahil nag-asawa ulit ang tatay ko at iniwan kami ng mga kapatid ko. Ako ang tumayong
ina at ama sa mga kapatid kong lalaki. Nung matapos ang ginagawa namin sa construction site, sumama
ako sa isang contractor papunta sa Luinab Iligan City at nagpatuloy sa pag ta trabaho bilang laborer sa
edad na 14 anyos. Lumipas ang ilang buwan nagkayayaan ang mga katrabaho ko na pumunta sa isang
beerhouse, ngkatuwaan kami hangang sa di namin namalayan ang laki na nang bill namin at dahil di
kami makabayad muntik pa kaming makulong buti nalang napakiusapan namin ung may-ari na hindi
namin alam na ganon pala kamahal yung mga ininum namin. Makalipas ang 8 buwan, may natanggap
akong balita na kawawa daw yung mga naiwan kong kapatid dahil kung saan saang bahay nalang daw
kumakain kaya nakapagdecision ako na umuwi nalang sa Isla Berde. Hinikayat ako ng asawa ng ate ko na
isang Leadman sa isang construction site na magtrabaho sa kanila sa edad na 15 anyos, kaya pumayag
ako at isinama ko ang mga kapatid ko pauwi sa bahay namin sa isla berde. Naging masaya kami sa mga
panahong yon, dahil magkakasama nakami ng mga kapatid ko. Lumipas ang mga buwan, natapos na
yong construction site na pinagtatrabahoan ko. At para matustusan yong pang araw-araw namin ng mga
kapatid ko, naghanap ulit ako ng trabaho. Hindi sana ako tatanggapin sa companyang pinagaapplyan ko
dahil 15 anyos palang ako buti nalang napakiusapan ng leadman namin yung ng hahire ng mga
trabahante sa isang trucking dahil di naman daw halata sa mukha ko na bata pa ako kasi matured na ako
tingnan dahil sa mga bisyo ko. Lumipas ang ilang taon ay may nakilala akong isang babae, si Ledelyn,
Nagostohan namin ang isa’t isa kaya niligawan ko siya at sinagot niya naman ako. Hindi alam ng
girlfriend ko na umiinum ako, hanggang sa isang araw nakita niya akong uminom, sinabihan niya akong
wag daw akong uminom kasi masisira daw katawan ko,hindi ako nakinig sa kanya kaya pinagpatuloy ko
yung paginum ko ng alak. Kaya pinagalitan siya ng mama niya dahil nakita siyang umiiyak ng dahil sa
akin, sinabihan pa siya ng mama niya kung ginto ba yong ari ko dahil iniiyakan ako. Pero dahil mahal ako
ni Ledelyn hindi siya nakinig sa mama niya at niyaya ko siyang mag tanan kami, sumama si Ledelyn sa
akin at nagbunga yung pagmamahalan namin. Nakita kong kailangan ko ng taong mag-aalaga sa akin
kaya, namanhikan ako ky sa mga magulang ni Ledelyn. Nung nagsamana kami, dun ko lang nalaman na
pera lang pala ang habol ni Ledelyn sa akin, gusto niya lahat ng sahod ko mapupunta sa kanya, ibinibigay
ko lahat sa kanya yung sahod pero ni kusing hindi niya ako binibigyan kahit pang snack ko lang sa
trabaho. Kaya nakapagdecision ako na papasok nalang bilang isang pahenante sa isang trucking na
attached sa isang companya, natanggap ako at nagtrabaho dun sa loob ng limang taon, nagsikap ako
para maging driver sa trucking na pinapasokan ko. Naging mabait ako sa aking driver na si Joseph, lahat
ng bagay na inaayos sa isang truck or chinecheck pinagaralan ko, at dahil sa tuwa ng driver ko tinuruan
niya akong magdrive at natuto nman ako kaya masayang masaya ako. Nagpatulong ako kay Joseph na
kumuha nang Lisensya kasi desidido na talaga akong maging isang driver ng truck. Hinding hindi ko
makakalimutan si Joseph, dahil, kung hindi sa kanya hindi ako makakapasok bilang isang driver na
nagtagal ng 5 taon sa companyang pinapasokan namin. Nakapasok ako sa isang companya at binigyan
pa ako ng isang unit na sira, at dahil marunong naman akong magkumpuni, inayos ko yung unit ko na
nagtagal ng 2 buwan, wala ako sahod sa loob ng dalawang buwan na iyon pero tiniis ko at nagsimula na
akong bumiyahe, karga ko ay mga manga from Libungan Cotabato to Cagayan de Oro City. Sobrang saya
ko nung nakarating ako ng Cagayan de Oro dahil isang ganap na driver na talaga ako. Dumating ang
panahong na destino ako sa isang companyang napasokan ko dati, nagkaroon ako ulit ng mga bagong
kaibigan, at lagi akong nasasama sa inuman, nagkaroon ako ng Girlfriend dahil na rin sa pag ba byahe ko,
sa tuwing dumadaan ako sa lugar ng girlfriend ko nakikitolog ako sa kanila at di maiwasang di kami
magtalik hanggang sa dumating yung panahon na lagi na kaming nag aaway ng asawa ko at nakikisali na
rin yung biyanan ko sa away namin na sa tuwing umaalis ako ng bahay para bumiyahe pinagsasabihan
nila ako ng masama na sana ay mabangga yung truck na pinagmamaniho ko or madisgrasya ako. At sa
hindi malamang kadahilanan ay nagkatotoo yung sinabi nila, nagkaroon ako ng sugat sa kamay na
nagkaroon pa ng peklat, dahil rin sa incidenting yun ay natanggal ako sa trabaho ko bilang isang driver.

Nag apply ulit ako sa isang trucking company bilang isang driver at nung natanggap ako
nagsimula akong magdrive sa isang dump truck sa surigao mining, pero di rin nagtagal nagpasya akong
umuwi sa Cagayan de Oro at nakipagkita sa boss kong si General Antonio Bautista, sinabihan niya ako
kung bakit ako umuwi, sabi ko namimiss ko na yong pamilya ko, kaya sinabihan niya ako kung gusto ko
ba mag drive sa isang 10 wheelers truck at ma a assign ako sa companya na malapit lang samin kaya
tinanggap ko na ang alok ni Boss Antonio, dumaan ang ilang buwan nagpatuloy ako sa pag da drive ko,
pati na rin sa mga bisyo ko, kaya nagalit ang panginoon sa akin at na acidente ulit ako sa Maluko
Bukidnon at nasira ang unit ko. Nag apply ulit ako sa ibang companya bilang isang part time driver,
bumiyahe ulit ako simula Manolo Bukidnon papunta Damulog Bukidnon hanggang Banasilan Wao
umabot kami dun ng pitong araw at sa pagbalik namin hinintay ko na maayos yung unit ko at
pinagsabihan ako ng boss ko na mag iingat sa pagmamaneho. Lumipas ang taon naging maayos naman
ang trabaho, hanggang sa may nakabuntis ako at sinabing sa akin daw yong dinadala niyang bata.
Inalagaan ko siya, sinustintohan ko yung pangangailangan niya hanggang sa manganak siya, binayaran
ko rin lahat ng bills niya pero pagkatapos niyang manganak nawala nalang siya na parang isang bula.
Simula non ngtrabaho ulit ako bilang isang driver at dumating ang araw naaksidente ako na kamuntikan
ko ng ikamatay, naoperahan ako sa ulo at natanggal sa trabaho. Naghanap ulit ako ng trabaho nung
naging maayos na yung kalagayan ko, at swerte nakapasok ako sa manufacturing na kompanya kalapit
lang din na kompanya ng dating pinapasokan ko. Naghiwalay na rin kami ng asawa ko at ngayon ay ako
nalang magisa sa buhay. Naging mabait ako sa bagong kompanyang pinasokan ko. Naging inspire rin ako
sa bagong kompanya dahil nakikita ko ang babaeng mahal ko kahit na meron na siyang mahal na iba.
Okay lang sa akin yon basta makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako.

Sa mga anak ko, lagi niyong iisipin na mahal kayo ng papa niyo. Hinding hindi ko kayo papabayaan.

Hanggang dito nalang po. Lubos na gumagalang Boyet.

You might also like