You are on page 1of 3

MAIKLING KUWENTO TUNGKOL SA

BUHAY NG ISANG OFW

STUDENT: JELLIAN S. BOJOS


TEACHER: SARAIH DIGNOS
ANG HIRAP AT TIYAGA NG ISANG OFW

Masakit iwanan ang ating mga anak, ngunit mas masakit isipin na wala silang
magandang kinabukasan.

Ako nga pala si Bea, isa po akong OFW sa loob ng 5 taon. May apat po akong
anak, at ang aking bunso ay 11 months palamang ng ako’y mag apply sa pagiging
isang OFW, ang aking bunsong anak ay may sakit sa puso ng ipinanganak ko siya.
Nasa crisis ang pamilya at wala narin kami ng aking asawa. Kaya naisip ko na kung
hindi ako magtatrabaho, sino ang magbibigay ng mga pangangailangan ng aking
mga anak? Pano ko sila i-aahon sa mahirap namin na buhay? Pano ko sila bibigyan
ng magandang kinabukasan sa buhay? Kaya naisip ko na mag trabaho abroad,
masakit man isipin na iwan ang aking mga anak, ngunit wala narin akong
magagawa dahil sa kalagayan namin noon.

Isa akong caregiver sa Dubai, mahirap ang trabaho ngunit kailangan na kayanin
para sa aking mga anak. Mahirap isipin na araw araw ay inaalagaan ko ang ibang
tao ngunit sarili kong mga anak ay hindi ko napagsilbihan.
Nagpapadala ako ng pera sa Pinas kada sahod ko, halos lahat ng aking sahod ay
ipinipadala ko sa kanila, at naglalaan lamang ng maliit na pera para sa aking
sariling allowance at para sa aking ipon.

May mga panahon talaga na sinsubok tayo ng Diyos. At ang panahon na iyon ay
dumating sa akin sa hindi inaasahang pangyayari. Biglaan na lamang inatake sa
puso ang aking bunsong anak, at nang nalaman ko iyon ay muntikan na akong
nawalan ng malay.Kailangan ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng
aking anak, at mabuti nalang ay may naipon rin akong pera sa pagtatrabaho ko at
nasolusyonan ang pera para sa kanyang operasyon. Ngunit ang pera na iyon ay
inilaan ko sana para sa pagpapagawa sa aming bahay sa panahong makauwi ako
sa Pinas , ngunit wala akong magagawa dahil buhay na ng aking anak ang pinag-
uusapan dito. Matapos ang ilang mga buwan ay gumaling narin ang aking anak.

Malapit na sanang matapos ang aking kontrata doon, ngunit i-nextend ko ito dahil
sa naubos na ang aking perang ipon na para sana sa pagpapagawa ng bahay kaya
hindi ako umuwi sa Pilipinas sa mga panahong iyon.

Miss na miss ko ang aking mga anak araw-araw.

Parang napapalayo ang kanilang loob sa akin dahil nga sa wala ako sa kanilang
tabi sa matagal na panahon, naiintindihan ko naman ang sila, ngunit masakit parin
talaga para sa akin. Takot ako na baka hindi na nila ako kilalanin bilang kanilang
ina.

Tiniis ko ang pakiramdam na iyon hanggang sa matapos ko ang aking kontrata


doon sa Dubai. Nakaipon narin ako ng sapat nap era para makapagpatayo ng
bahay at para makapagsimula ng maliit na negosyo dito sa Pilipinas. Nang sa
ganun ay hindi ko na kailangan na mapalayo pa ng muli sa aking mga anak.

Araw na ng pag-uwi ko sa Pilipinas at excited na akong makita at mayakap muli


ang aking mga anak. Pagdating ko sa Pilipinas ay agad silang sumalubong sa akin,
napalayo mn ang kaniang loob sa akin, ngunit mabuti nalang ay tinuring parin nila
ako bilang kanilang ina, sobrang saya ko non. Malalaki na ang aking mga anak, at
ang aking bunsong anak ay malayo narin sa peligro. Nagbunga ang mga paghihirap
na aking ginawa sa pagtatrabaho abroad, mahirap ngunit kinaya.

You might also like