You are on page 1of 2

Sex Education: Sandatang Kaalaman Ukol sa Makamundong mundo

Minsan nang giniit ng pambasang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang mga
kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sa kanilang mga makabagong kaalaman. Ngunit
sa nangyayari sa kasalukuyan, tila nagiging Exposed na ang kanilang mga kaisipan sa
mga paksang hindi angkop sa kanilang murang isip na marahil ay bunga kanilang
kuryosidad. Ang mga makamunduhang paksa ay malayang pumapasok sa kanilang
mga pagkatuto kahit na hindi ito nararapat. Kung kaya’t kailangan nila ng isang
naangkop na kaalaman upang mas maging kumprehensibo ang kanilang mga
natuklasan at may halong tamang gawi upang humarap sa isang kaligtasan,
responsibilidad at tamang aksyon ukol sa sekswal na Paksa.
Nagiging bukas na ang paksang Sekswal sa kabataan at tila ay isang normal na
talakayan na lamang ito sa kanila. Marahil ay bunga ng modernisasyon ng mundo at
ang mga ganitong uri ng usapin ay isang hamak na parte lamang ng konbersasyon o
hindi kaya’y bunga ng kanilang kuryosidad upang pumasok sila sa ganoong uri ng
sitwasyon at gawin ito. Ang teknolohiya ay isang malaking instrumento at isama na rin
ang Internet na siyang nagpapadali sa mga kabataang talamak ang pag-gamit nito
upang pumunta kusang mag punta sa mga sites na may mahahalay na content o di
kaya’y may kusang lilitaw na adbertismo at magdadala na sa kanila sa mga ganoong
sites. Kadalasan naman ay bunga ng mga mapangabusong mga tao sa paligid nila ang
napaparanas at nagpapaalam sa kanila kung ano ba ang sekswal.
Isang malaking Hakbang ang pagdagdag ng Sex Education ng aspeto ng
edukasyon sa Pilipinas lalo na at ilalapat ito para sa mga kabataan na siyang mas
sangkot sa mga sekswal na usapin upang malinawan sila na bagay na kanilang
natututunang Unconsciously o Consciously. Ito ay nakailalim sa Responsible
Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354) na kung
saan ay naglalayon na magbigay na universal access sa contraception, fertility
control, sexual education, at maternal care.Higit pa roon, mas mabuting magiging
pokus sila sa kanilang kaligtasan at responsibilidad na kanilang dapat harapin sa oras
na sila’y nakakalap ng impormasyon ukol dito. Nakakalungkot mang isipin ngunit ang
mga musmos ang kadalasang nagiging buktima sa mga pangaabusong sekwal dahil
nilalapastanganan ang kanilang musmos na kaisipan. Ang mga teenager naman ay
nagiging sangkot sa Early Pregnancy, Pre-Marital Sex at HIV sa mga sakit.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, Ang rape, Sexual abuse at incest ang
ikalawa sa may pinakamataas na kaso ng Child Abuse na baitala noong taong 2009 at
2010. May porsyento ito ng 29.6% noong 2009 at 27.3% noong 2010. Sa kasamaang
palad ay mas tumataas pa lalo ang naitalang kaso hanggang sa kasalukuyan. Malaking
tulong ang Sex Education dahil ito maituturo nito sa mga musmos na siyang
kadalasang biktima ang mga tamang gawi at pagtuklas kung ano ba ang tama sa mali.
Kasama sa leksyon nito ay ang Good, Bad at Safe Touches na kung saan ay ituturo sa
mga bata kung ano ba ang mga pinagkaiba ng mga Haplos at hawak na kadalasan
nilang nararanasan at kung kalian sila iiwas o hi-hindi.
Ang Porsyento ng Maagang pagbubuntis parsa mga kabataan ay lumulobo ayon
sa din sa Philippine Statisytics Authority. Isa sa sampung kabataan ay nagdadalang tao:
8% ay isa nang Ina at 2% naman ay pinagbubuntis ang kanilang unang anak. Ito ay ang
pinal na tala noong taong 2013 hanggang sa kasalukuyan. Isa sa mga layunin ng
pagsasakatuparan ng Sex Education ay ang pag udyok na magkaroon ng Ligtas na
pagtatalik para sa mga teeangers. Nilalayon din nito nag awing malinaw para sa mga
mag-aaral kung ano ang mga responsibilidad na haharapin at kung papaano ito
haharapin. Kung kaya’t ang araling ito ay magiging alalay ng mga kabataan sa kung
ano ang tamang gawin.

Ang HIV (human immunodeficiency virus) ay naitala bilang “Youth Epidemic” sa


kasalukuyan dahil sa mga kabatang nasasangkot sa maagang pakikipagtalik mula sa
kanilang murang edad o ang Pre-marital Sex. Ayon sa Youth Comission, ang opisyan
na porsyento ng kaso ng HIV ay 62% at mula sa sa mga kabataang edad 15 hanggang
24 taong gulang. Mula sa 29 ng Filipino ang nagkakaroon ng HIV, kalahati o 19 sa
kanila ay mula sae dad 15 hanggang 24 taong gulang habang ang 25 naman ay mula
15 hanggang 30 taong gulang. Ang pataas nang pataas na kaso ng HIV sa Pilipinas ay
malaking ambag mula sa mga kabatan, kung kaya’y ang Sex Education ang siyang
magpapalawig sa mga kabataan kung ano ang malaking tulong ng pagkakaroon ng
malinaw na kaalaman sa pagkakaroon ng ligtas na pagtatalik gamit ang pagsusuot ng
condoms, pag gamit ng contraceptive pills at hindi pagiba-iba ng makakatalik nito.

Lubos na nagiging malala ang pagiging sangkot ng mga kabataan sa sekwal na


paksa at paging sa mga gawain na ito. Ang Sex Education ay ang magiging sandata ng
mga kabataan sa pagharap sa mga sitwasyon na may kinalaman sa pagtuklas na mga
bagay na siyang kanilang magagamit sa pangaraw-araw. Magkakaroon din ito ng
ambag lalo na kanilang Kaligtasan at responsibilidad. Ang pagsabay ng bansa sa
pagbabago at modernisayon at magiging mas epektibo kung sasamahan ng matibay na
edukasyon lalo na kung ang mga kabataan at malaking parte nito.

You might also like