You are on page 1of 3

I.

Title Page: Child Labor

II. Panimula

A. Pagpapakilala ng Paksa

Nadarama pa rin ang suliraning dala ng pagkakaroon ng mga batang


kalahok sa bilang ng manggagawa kahit na nararapat na nasa paaralan sila. Ito ang
tinatawag nilang "child labor" na kung saan ay kinabibilangan ng pag-aalipin o
kahalintulad ng mga ginagawa ng mga alipin. Ito rin ay ang sapilitang pagtatrabaho sa
mga bata bilang pantustos sa kahirapan ng kanilang buhay.

B. Ang sariling pananaw sa isyu

Ang aking sariling pananaw sa isyu na ito ay syempre hindi ako sangayon
sa ganitong uri ng gawain ng mga bata. Una, masyado pa silang bata para maexpose sa
mga mahihirap na gawain, hindi kakayanin ng kanilang katawan. Pangalawa, magulang
ang dapat na nagtatrabaho para sa kanilang mga anak. Sila ang dapat na bumubuhay
sa mga bata at ang mga ito ay dapat na nagsasaya at naglilibang at nakikipaglaro sa
mga iba pang bata. Huli, ang mga bata ay dapat na nasa paaralan, obligasyon ng mga
magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak para matuto.

III. Mga Agumento sa Isyu

A. Buod ng mga Argumento

Sa bawat Iiwasan at sulok ng mga pangunahing pook sa ating bansa, hindi


natin maikakaila na talagang namamalas na ng kahit na sinong tao, Pilipino man o
dayuhan, ang kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Kaya naman pati kabataan ay nagagawa
ng magtrabaho para lamang maiwasan ang problema na tinatawag ngang kahirapan.
Oo ang mga bata ay nakakatulong para maibsan ang lumalala nilang kahirapan pero
sila ay bata pa lamang at hindi pa maayos ang kanilang katawan para magbanat ng
buto.

B. Mga Impormasyong sumusuporta sa mga argumento

Napakasalimuot ng katotohanang ito sapagkat ayon sa pag-aaral na


isinagawa sa pangunguna ng United States Department of Labor, ang pinakamatinding
uri ng child labor ang matatagpuan sa Pilipinas. Karamihan sa mga batang
manggagawa sa Pilipinas ay nagsisilbi sa mga sektor ng agrikultura, droga, terorismo
at pag-aalipin.

C. Mga ebidensya para sa mga argumento-

Ayon sa International Labor Organization o ILO, mahigit sa kalahati o 53


porsyento ng 25 milyong batang manggagawa sa buong mundo na nasa lima hanggang
14 na taong gulang ang nagtatrabaho sa mapanganib na industriya.

IV. Ang sariling posisyon sa isyu


A. Unang punto ng iyong posisyon

1. Opinyon sa unang punto

Ang mga batang nagtatrabaho ay dapat na nasa paaralan. Sila ay dapat na


natututo sa paaralan para may alam sila sa kanilang kapaligiran at sa buhay. Hindi nila
dapat binubuhay ang kanilang sarili bagkus ang mga magulang nila ang dapat na
gumagawa nito.

2.Mga Ebidensya

Maraming mga kabataan ang nagtatrabaho ng hindi dapat. Marami rin sa


tabi-tabi ang nanlilimos para lang may maipangkain sila.

B. Pangalawang Punto ng iyong Posisyon

1. Opinyon sa pangalawang punto

Ang mga bata ay hindi pa ganap na tao para matrabaho. Ang katawan nila ay
hindi pa sapat para gumawa ng mga gawain na sobrang hirap tulad na lamang ng
pagbubuhat ng mabibigat, utusan kung saan saan, panlilimos, pang-aalipin at marami
pang iba.

2. Mga Ebidensya

Isa sa mga ebidensya dito ay yung mga nakikita nating mga bata sa labas ng
mall. Andun sila minsan para manghingi ng abuloy para lang may maipangkain.
Maaaring sila ay inutusan o kusa lang nila itong ginawa. Meron din akong kaibigan na
nangingisda na kaedad ko lang ay nangingisda at tinutulungan ang kanyang ama na
pumalaot. Hindi man niya sinasabi ay ramdam ko na hirap siya sa ganoong gawain.

C. Ikatlong Punto ng iyong posisyon

1. Opinyon sa ikatlong punto

Ang ibang bata ay nawawala na sa kanilang landas. Ang iba ay hindi na iniisip
ang prayoridad nila sa buhay basta makapagtrabaho lamang sila at yung iba naman
habang nagtatrabaho ay nag-aaral din pero sa huli mas nawawalan siya ng oras sa pag-
aaral na kung saan ito ay pinakamahalaga.

2. Mga Ebidensya

Mga ebidensya nito ay yung mga batang tambay sa tabi tabi. Wala na sila sa
kanilang landas kaya ganyan. Yung iba pa ay yung mga nakukuha nilang pera sa
pagtatrabaho ay ginagamit sa pagrarugby at ang iba naman ay sa shabu. Hindi nila
alam kung ano ang tama at mali kaya sila nagkakaganun. Hindi rin sila nagagabayan ng
maayos ng mga magulang nila.

IV. Konklusyon
A. Buod ng iyong posisyon

Ang aking napiling paksa ay ang child labor. Ang child labor ay ang
pagtatrabaho ng mga bata para lamang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ito
rin ay ang pagaalipin sa mga batang wala pang muwang dito sa mundong ibabaw. Ang
mga batang ito ay maagang nagbabanat ng buto para magkapera at para may
maipantustos sa kanilang pamilya. Malalaman mo rin na kaya nila ito ginagawa ay dahil
sa kahirapan. Wala naman silang magagawa kung bakit nila ito ginagawa kahit may
batas na para dito.

Dahil sa isyu nga ng Child Labor ay itinakda ng International Labor Organization


(ILO) ang June 12 bilang "World Day Against Child Labor". Binigyan ito ng pansin, lalo
na ng Pilipinas alinsunod sa pagharap ng bansa sa mundo: ang sapilitang
paghahanapbuhay ng mga kabataan dahil sa kahirapan. Kadalasan, ang mga kabataang
ito ay di nakapag-aral sa kabila ng pagkakaroon ng libreng edukasyon.

Ang huli, hindi ako sangayon sa ganito dahil nga hindi ito pangkaraniwan.
Magulang ang dapat na gumagawa o bumubuhay sa mga anak nila. Hindi dapat
nagtatrabaho ang mga bata, sila ay may kalayaan at karapatan na maglibang at
makapagaral

B. Plano ng Pagkilos

Pinapalakas na ng pamahalaan ang giyera laban sa child labor sa bansa. Nagsanib


puwersa ang Department of Labor ang Employment (DOLE) at Department of Social Welfare
and Development (DSWD). Tayong mga Pilipino ay dapat silang suportahan lara mailigtas natin
ang mga batang wala pang muwang dito sa ating mundo.

You might also like