You are on page 1of 1

“POSIBLE BANG MABUHAY NANG WALANG INTERNET”

Talumpati ni : Airies Ann Gasapo

Kaya mo bang mabuhay ng walang internet? o kaya naman mga teknolohiya tulad nalamang ng laptop,
cellphone, computer, at iba pa? Hindi maitatangi na malaki at malawak na ang naitulong sa atin ng mga
makabagong teknolohiya lalong-lalo na sa ating pag-aaral. Simula pag gising natin sa umaga
hanggang sa pag tulog, ito ay nakakasama natin kaya naman hindi natin maikakaila na malaki ang
parte nito sa buhay ng tao. Mapa matanda, bata, lalong-lalo na ang mga kabataan ay ginagamit ito.

Magandang araw sa iyong lahat ako nga pala si Airies Ann Gasapo, Ngayon ay narito ako upang pag-
usapan kung posible bang mabuhay nang walang internet, Ang internet ay naging isang mahalagang
bahagi ng ating buhay ginagamit natin ito sa lahat mula sa ating komunikasyon, libangan, pamimili,
edukasyon at iba pa. Ito ay naging napakalawak na mahirap isipin kung mabubuhay kaba kung wala
ito, ngunit posible nga bang mabuhay nang walang internet? Ang sagot ay oo, possible kang mabuhay
sa katunayan maraming tao sa buong mundo ang nabubuhay nang walang internet sila ay nabubuhay
sa isang hindi konektado sa digital na mundo halimbawa nalamang ay ang mga taong nakatira sa
bundok o kaya mga taong na walang kakayahang gumamit nito at kahit walang internet ay nakakaya
nilang mabuhay at ayon sa aking nakalap sa internet ay maraming sagot na kaya nilang mabuhay na
wala ito, tingnan natin ang ilan sa mga paraan kung paano nabubuhay ang mga tao nang walang
internet.

Una, umaasa sila sa mga tradisyonal na pamamaraan ng komunikasyon gamit ang pagsulat ng mga
liham, tawag sa telepono, at harapang pag-uusap upang manatiling nakikipag-ugnayan sa kanilang
mga mahal sa buhay o kakilala, at sa pamamaraan upang makakuha sila ng impormasyon ay umaasa
sila sa mga libro, pahayagan, dyaryo at magasin para sa impormasyon na kanilang kailangan sa
pamamaraan na ito ay walang kahit anong internet na ginagamit. Pangalawa, umaasa sila sa mga
tradisyonal na pamamaraan ng pamimili pupunta lamang sila sa mga pisikal na tindahan o palengke
para bumili ng mga pangangailangan nila sa pamamaraan na ito makakapamili ka nang hindi
gumagamit ng internet hindi katulad ng henerasyon ngayon dahil umaasa nalamang ang mga tao sa
internet upang mamili. Pangatlo, sa mga pamamaraan ng paglilibang, ang pagpunta sa mga may
palabas na pelikula, panonood ng telebisyon, at pakikinig sa radio at para sa mga bata ay ang pag
lalaro sa mga palaruan kagaya ng parke o kahit pakikipag laro nalamang sa mga kaibigan sa labas ng
kanilang bahay. Higit sa lahat, ang pamamaraan ng edukasyon, nag-aaral sila sa mga pisikal na
paaralan at unibersidad, at umaasa sa mga aklat at aklatan para sa pagsasaliksik. Kaya, tulad ng mga
pamamaraan na nabanggit makikita mo posible na mabuhay nang walang internet. Higit sa lahat hindi
mababase sa internet kung possible bang mabuhay ang isang tao dahil maraming pamamaraan na
hindi sa internet lamang bumabase. Maaaring mahirap at hindi maginhawa, ngunit posible ngunit sa
parehong oras mahalagang kilalanin ang mga benepisyo ng internet. Ginawa nitong mas madali at mas
maginhawa ang ating buhay sa maraming paraan. Nag bukas din ito ng mga bagong pagkakataon para
sa komunikasyon, libangan, pamimili, edukasyon, at pananaliksik. Kaya, habang posibleng mamuhay
nang walang internet, mahalagang kilalanin ang mga benepisyong naidulot nito sa ating buhay.

You might also like