You are on page 1of 1

Gadyet, sa literal nitong kahulugan, ito ay isang maliit na gamit pang

teknolohiya. Ito ay isang bagay na maraming naitutulong at madaling


gamitin. Ngunit, sa kabila ng mga pakinabang nito, mayroon din itong
mga hindi magandang maidudulot sa atin. Sa maikling pelikulang
pinamagatang, “Disconnected,” ipinakita rito ang tungkulin ng mga
gadyet sa pang araw-araw na pamumuhay ng iba’t-ibang klase ng tao.
Mapa-bata man o matanda sa panahon ngayon ay gumagamit na ng mga
gadyet.
Hindi na nakakabigla ang ganitong sitwasyon sapagkat ito ay parati na
lamang nating naoobserbahan. Tipikal na sa pagkagising pa lang ng tao
ang unang hinahanap ay “cellphone.” Hindi na rin natin kayang umalis ng
hindi dala ang ating mga gadyet. Saan man tayo magpunta, mapa-banyo
man, sa hapag-kainan, at maging sa simbahan ay dala natin ito.
Sanay man tayong nasusulyapan ang ganitong problema, hindi pa rin
mapagkakailang ito ay nakakalungkot isipin. Nang dahil sa mga gadyet,
hindi na natin nabibigyan ng oras ang ating pamilya. Maraming tayong
oras na nagagamit at nasasayang dahil lamang sa paggamit ng mga
teknolohiyang ito.
Nakakatawa na lamang na realidad na ang mga bagay na
ginagamit natin upang makonekta tayo sa isa’t-isa ay sila rin ang dahilan
upang tayo ay magkalayo-layo. Hindi natin namamalayan na tayo ay
nakaposas na sa ating mga maliliit na teknolohiya.

You might also like