You are on page 1of 17

KABANATA I

Mga Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Ayon kay Pagdilao (2021) Ang pananamit ay isa sa mga pangunahing paraan ng
pagpapahayag ng ating kultura, personalidad, paniniwala at estado sa buhay. Ito ay
kabilang sa mga mahahalagang aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay dahil ito ay
nagbibigay ng unang impresyon at nagpapakita ng ating paggalang sa iba.
Ang pananamit rin ang tumutukoy sa mga kasuotan o damit na isinusuot ng isang tao. Ito ay
bahagi ng kultura at tradisyon ng bawat bansa at grupo ng mga tao. Ang iba't ibang uri ng
pananamit ay maaaring magpakita ng mga kaugaliang kultural, paniniwala, uring trabaho, at
iba pang mga aspeto ng buhay ng isang tao. Maari rin itong magpakita ng personalidad,
pagkatao, at panlasa ng isang indibidwal.

Ayon kay Mora (2004), Sa iba't ibang kultura sa buong mundo, mayroong mga
tradisyunal na kasuotan at paraan ng pananamit na ginagamit sa mga espesyal na okasyon
tulad ng kasal, pagdiriwang ng pista, at iba pa. Ito rin ay maaring magbibigay ng
impormasyon tungkol sa estado ng buhay, personalidad o trabaho ng isang tao tulad sa mga
lugar na uniformed a trabaho kagaya ng militar, pulisya, at iba pa, ang. pananamit ay
naglalayong magbigay g pagkakakilanlan at pagpapakita ng pagiging propesyonal. Bukod sa
mga praktikal na layunin, ang pananamit ay maaari ring maging isang paraan ng
pagpapahayag ng ating mga damdamin at personal a pagkatao. Ito ay maaaring magbigay
ng kumpiyansa at pagkakakilanlan sa atin at maging isa sa mga paraan para ipakita natin
ang ating pagpapahalaga sa kalinisan at pagkakaroon ng mayos na anyo.

Sa kasalukuyang panahon, ang pananamit ay patuloy na nagbabago at nag-aadapt sa


mga bagong panahon at kultura. Maraming to ang nakikisabay sa mga kasalukuyang trend
sa fashion habang mayroon ding iba na nananatiling tapat sa kanilang tradisyunal a
kasuotan at paraan ng pananamit.

Ayon sa shanekimalla.blogspot.com (2018) Sa paglipas ng panahon unti-unting


nagbabago ang kaantasan nating Pilipino pagdating sa kasaotan mahihinuha mo a sila ay
mahihinhin. Ang kanilang pananamit ay balot a balot. Sila ay nagsusuot ng filipiniana kung
tawagin. Mga pormal at kagalang -galang kung ating pagmamasdan. Na sa panahon ngayon
ay masasabi natin na ito ay kasaysayan a lamang. Wala pang social media na kung saan ay
maaring pagbatayan o tignan kung ano ang mga napapanahong kasuotan. Ngayon kapag
ikaw ay nakasuot ng ganitong uring damit ay isipin nila na may pormal na pagtitipon kang
dadaluhan. Nagagamit a lamang natin ito kapag buwan ng wika na kung saan ay nagsusuot
tayo ng makalumang kasuotan a filipiniana kimona at saya sa kababaihan at barog tagalog
naman sa kalalakihan upang gunatain ang ating pagkapilipino.

Isa sa malaking dahilan ang hindi pagpapanatili ng materyal na bagay tulad ng


kasuotan ang pagusbong ng teknolohiya na siyang bumabago sa kulturang gawi ng mga
tao. Ayon kina Pinopio et. Al (1984, p.45), technologies refer to techniques and know how in
utilizing raw materials to produced food, tools, shelter, clothing, means of transportation and
weapons. Makikita sa pahayag na ito na ang teknolohiya ang bumabago sa lahat kahit
mapadali man ang gawain ng mga tao o kahit may mawala pa sa isang kulturang
nakagisnan.

Sa pag-usbong ng tinatawag na social media nagdulot ito ng malaking pagbabago


pagdating sa pananamit. Ang mga kabataan an pangunahin na naiimpluwensyahan nito
dahil sila ang mas madalas gumamit at marami ang kaalaman pagdating sa social media.
Kung ano ang uso yon ang kanilang sinusunod. Makikita mo a hindi sila balot a balot
kumpara sa dating pananamit. May pag ka maiksi at medyo hapit ang uri ng pananamit
ngayon. Lubhang mapanuri sila at magaling pagdating sa fashion.

Ang social media ay may malaking epekto sa pananamit ng mga tao. Sa pamamagitan
ng mga social media platform, maaaring makita ng mga tao ang mga kasalukuyang uso at
mga trend sa pananamit, kung saan maaaring magdulot ito ng impluwensiya sa kanilang
mga desisyon sa pagpili ng damit. (Wordpress.com 2016)

Maaari ring magdulot ng pressure sa mga tao na sumunod sa mga popular na estilo at
pananamit sa social media upang hindi maging out of trend o out of place sa mga social
setting. Sa kabilang banda, maaaring magbigay din ng oportunidad ang social media sa mga
tao na magpakita ng kanilang sariling estilo at pananamit, at magpakalat ng mga idea sa
pananamit sa iba. Sa pangkalahatan, ang epekto ng social media sa pananamit ay
nakabase sa kung pano ito ginagamit ng tao at kung paano sila nagre-respond sa mga
impluwenslya at mga trend sa pananamit na nakikita nila sa social media.

Sa kabuuan, ang social media ay nakakapagbigay ng malakas na impluwensiya sa


mga tao tungkol sa pananamit, kaya't mahalagang maingat ang mga tao sa pagpili ng
tamang style ng pananamit na angkop sa kanilang personal a pagkatao at kultura.
Layunin ng mga mananaliksik na matukoy at maunawaan ang epekto ang sa pananamit
sa panahon ng pandemya at ng impluwensyang dulot ng social media sa mga mag-aaral sa
ika-labing isang baitang ng Norala National High School.

Paglalahad Ng Suliranin

Ang pag aaral na ito ay naglalayong matukoy ang naging epekto ng pandemya at
impluwensya ng social media sa persepsyon ng pananamit sa mag- aaral ng ika-labing
isang baitang ng Norala National High School.

Ang mga sumusunod ay mga tiyak na katanungan na inaasahan matugunan sa pag–aaral


na ito:

1.Paano nakakaapekto ang social media sa mga istilo ng pananamit ng mga estudyante ng
ika-labing isang baitang?

2.Ano ang mga positibong epekto ng social media sa pananamit ng mga estudyante?

3. Ano ang mga negatibong epekto ng social media sa pananamit ng mga estudyante?

4.Sa anong paraan nagbabago ang pananamit ng mga estudyante dahil sa mga influencer
at fashion trends sa social media?

Saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang kung paano nakakaapekto ang impluwensya ng
social media sa pananamit, kung saan ang saklaw ng pag aaral na ito ay ang mga mag-
aaral sa ika-labing isang baitang ng Norala National High. Dahil sila ang makapag bibigay
opinyon ukol sa unti - unting pagbabago ng kaatasan nating Pilipino pagdating sa mga
kasuotan dulot ng panahon ng kasagsagan ng pandemya at pag- usbong ng tinatawag na
social media.

Kahalagan ng Pag- aaral

Ang pag-aaral na ito ay, inilalahad ng pag-aaral para sa sumusunod:


Para sa mga mag-aaral, Ang pag-aaral na ito upang malayang pumili sila sa pagsuot na
naayon sa kanilang istilo, damdamin at personal na pagkatao.

Para sa mga guro, makakatulong ang papel pananliksik na ito upang maunawaan ng mga
guro at magbigyan ng tamang gabay ang mga estudyante. Sa pamamagitan pag unawa ng
kanilang pananamit, mas madali para sa guro na malaman ang mga interes at kultura ng
kanilang estudyante at makakatulong sa pagbuo ng mas magandang relasyon.

Para sa mga magulang, upang malaman at mabigyan gabay nila ang mga anak sa pag pili
ng tamang kasuotan na nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa edukasyon at pag-
aaral. Bukod pa rito ang magulang ay maari ring magbigay ng suporta sa kanilang mga anak
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga damit na angkop sa kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Para sa komonidad, mahalagang maunawaan ng kumunidad ang pananamit ng mga


estudyante upang magkaroon ng respeto at pag-unawa sa kanilang mga kaugalian at
pagkakakilanlan.

Para sa mga mananaliksik, upang malaman at masagot ang mga katanungan ukol sa
paksa na isinasagawa upang matukoy ang mga pakinabang.

Para sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral sa pagsasaliksik ay maaring


magbigay ng impormasyon, kaalaman at maaring maging batayan para sa pagaaral sa
hinaharap.
Katuturan ng termino

Pananamit- Ay tumutukoy sa paraan ng pagpili, paggamit, at pagsuot ng kasuotan o damit.

Trend- ang “trend” ay isang salitang Ingles na ginagamit upang tukuyin ang kaulukuyang
popularidad o pagkakagusto ng mga tao sa isang particular na panahon. Ito ay karaniwang
naguugnay sa mga kaganapan, mga ideya, estilo, produkto, o iba pang mga bagay na
sumasalamin sa pangkalahatang interes at pag-uusisa ng mga tao sa isang particular na
panahon, kapag sinasabing isang bagay ay “trending” o “trending topic,” nangangahulugan
ito na ito ang kasalukuyang pinag-uusapan o sikat na paksa sa isang particular na lugar o
online. Ang mga trend ay maaaring magmuyla sa iba’t ibang larangan tulad ng fashion,
musika, teknolohiya, kultura, atbp.

Social Media- ay tumutukoy sa mga online na plataporma at serbisyo na naglalayong


magdala ng mga tao at mga komunidad na magkasama sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng mga mensahe, mga larawan, mga video, at iba pang uri ng nilalaman. Ito ay isang
malawak na kategorya na kinabibilangan ng mga sikat na plataporma tulad ng Facebook,
Twitter, Instagram, YouTube, LinkedIn, at marami pang iba.

Fashion- Ang fashion ay isang konsepto at industriya na naguugnay sa pananamit, estilo, at


pagpapahayag ng personalidad at panlasa sa pamamagitan ng mga kasalukuyan trend at
pagkakabuo ng mga damit at aksesorya. Ito ay isang malawak na larangan na nagbabago at
nag-e-evolve sa paglipas ng panahon.

Filipiñana- Ang Filipiniana ay ang pambansang kasuotan ng babae ng Pilipinas na binubuo ng


manipis at binurdahang pang-itaas at palda o saya na makulay.
Bibliograpiya

Tela, ang malayang ensiklopedya. (n.d.). Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.


Retrieved May 23, 2023, from https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Tela

Meaning of kumpiyansa. (n.d.). Tagalog Dictionary.


https://tagalog.pinoydictionary.com/word/kumpiyansa

Paraan Ng pananamit Sa kasalukuyan. (n.d.). Paraan ng pananamit sa


kasalukuyan. https://shanekimalla.blogspot.com/2018/09/noon-ay-ganito-ano-naman-ngayon

Kwp. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/431930671/KWP

Noon at Sa Kasalukuyan. (n.d.). Noon at sa Kasalukuyan.


https://niwrad31900.blogspot.com/2016/10/httpellenjoydg
Fildis.doc

Pagbabago Ng Kasuotan Sa Pagdaan Ng Panahon. (2016, October 19). Site Title.


https://pinoykidsblog.wordpress.com/2016/10/19/pagbabago-ng-kasuotan-sa-pagdaan-ng-panahon/
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito inilahad ang mga kaugnay na literatura, kaugnay na pag-aaral at iba
pang babasahin upang mapalawak pa ang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang pananamit ay isa sa mga pangunahing pangangailangan kasabay ng pagkain at


tubig. Ayon sa kaugalian, malimit na naipakilala ang makabagong kalakaran na may
patungkol sa pananamit dahil sa suplay at demand ng mga tao. Sa gayon, nagbago na ang
sistema ng pagpapakita ng mga makabagong kalakaran. Ang pagmumungkahi ng
modernong pananamit ay kasalukuyang naipakilala sa loob ng lingguhang batayan.
Samakatuwid, nalikha ang katawagang “Fast Fashion”.Ang terminong ito ay nagpapatungkol
sa mabilisang produksyon ng murang pananamit. Lubhang makikita sa mga Pilipino ang
kultura nitong tapatang sumunod sa kung ano ang tinaguriang “uso” sa lipunan. Makikita sa
kaugalian ng karamihan ng mga Pilipino na mas bibilhin nila ang mga makabagong
pananamit na may brand kaysa sa pananamit na lokal na nilikha (Perez, 2019).

Ayon kay everdeenprime (septyembre 22, 2019) Sa ating panahon na kung tawagin ay
Modern Age, ang ating kasuotan ay naaayon sa uso. Nakikisunod sa mga uso ang mga
Pilipino pagkat ito ay nakikita nila online at napapanood din sa telebisyon. Ang bansang
tulad ng America at Korea ay malaki ang impluwensya sa atin pagdating sa fashion. Nauso
ang kasuotang vintage at korean inspired outfit sa mga Pilipino. Mas lamang ang mga babae
kumpara sa lalaki pagdating sa mga fashion style. Ang daming malilikhaing ideya ang mga
babae sa pananamit dahil na din ito ay binabagay nila sa kanilang make-up.

Ayon sa artikulo ni Butler (2018), mas magiging isang perwisyo ang pananamit kung
ito ay tinatapon kaysa kung ito ay pananatilihin at itago. Kaya’t gusto ng mga mananaliksik
na malaman kung may kamalayan ba ang kabataan tungkol sa Fast Fashion at ang mga
epekto nito sa kapaligiran at iba pang aspeto. Sa kasalukuyan, ang mga nakababatang
henerasyon lalo na ang mga estudyante ang siyang naiimpluwensiyahan nang lubusan ng
Fast Fashion. Ang mga kabataan ngayon ay may malaking pagkatuto at pagkabatid mula sa
mga institusyong pang-edukasyon at mga nakapaligid nito. Hindi maitatanggi na maaaring
naiimpluwensiyahan ang kabataan sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral. Maaari na ang
peer pressureang nakahihikayat ng mga estudyante at lantad ito sa paaralan.
Ayon sa sangkapkasuotan.blogspot.com (Agosto 8,2021) Ngayon ang mga kabataan
ay sumusunod sa uso sumusunod sa mga bagong modernong uri ng pananamit o fashion.
Ang totoo hindi naman problema ang tela dahil mabilis ang produksyon at nakatitiyak ako na
marami ang nagsusuplay nito.

Ayon sa Fashion trends sa Pilipinas (September 2019) Ipinapakita na sa pag lipas ng


panahon, nagbabago rin ang mga kasuotan na nakasanayan na natin. Kung susuriin halos
walang pagkakaiba ang mga kasuotan noon hanggang ngayon, dahil tayong mga pinoy ay
sadyang malikhain. Malaking tulong ang teknolohiya sa pagbibigay ng impormasyon sa mga
tao tungkol sa Online Fashion sa Pilipinas madalas kahit hindi atin na fashion ay
nagkakaroon ng adaptasyon galing sa ibang bansa at hindi narin tayo nahuhuli sa uso
madalas ang Pilipinas pa nga ang nangunguna pagdating sa mga pormahan na pamatay.
Malawak ang naging impluwensya ng teknolohiya sa panahon ngayon kaya nabuksan ang
mga makukulay na ideya ng mga Pilipino pagdating sa pagpili ng mga damit. Nakakakuha
ng paraan ang mga tao sa mga social media sites upang mas lumawak ang pagiging
malikhain nila. Sa mga nakikita nila sa mga social media ay nakakakuha sila ng
magagandang paraan upang maging kaaya-aya ang mapipili nilang damit. Sa mga kasuotan
naipapakita natin ang ating sariling style ng pananamit. Kung tutuusin mas magaganda ang
kasuotan noon kumpara ngayon. Noon maipapakita talaga ang respeto sa sarili dahil
kagalang galang ang kanilang pananamit. Ngunit dahil nasa bagong henerasyon tayo ay
mas pinipili nating tangkilikin ang napapanahon. Kung ano ang naging damit nung 80's ay
nauulit lang ngayon at nabibigyan lang kaunting twist na maaaring hanggang sa susunod na
henerasyon.

Ayon kay Jan's Blog (Pebrero 4,2018) ang industriya ng moda ay produkto ng
modernong pagbabago. Sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo, karamihan sa mga
kasuotan ay pasadya. Madalas ay sarili gawa sa bahay o paggawa sa mananahi, at
Handmade o tanging kamay lamang ang gamit sa paggawa ng mga ito. Sa simula ng
ikadalawampung siglo ay nagusbog ang pagunlad ng teknolohiya at malaki ang naging
epekto nito sa industriya ng moda. Nagsilabasan at nauso ang mga makinilya (sewing
machine) o makinang ginagamit sa pananahi. Sa patuloy na pagunlad ng teknolohiya ay
naitayo ang mga pabrika o pagawaan ng mga kasuotan. Dahil sa mga pabrikang ito ay
naging posible ang maramihang produksyon ng mga kasuotan at kasabay nito ang
pagusbog ng mga almasen o department store kung saan naibebenta ng maramihan ang
mga kasuotan. Sa kasalukuyan ay matutunghayaan ang
naging epekto ng moda sa mundo, kung saan nagkakaroon ng kumpetisyon sa mga bagong
estilo at kabagayan ng kasuotan. Isang malaking asset ng pandaigdigang kapitalismo ang
industriya ng moda.

Ayon kay Ms. Jayvie Calderon, isang entrepreneur, founder ng By the Oceane. Ang
fashion ay parte ng pamumuhay kung saan pwede natin maipakita ang ating personalidad
base sa mga damit, sapatos, aksesorya, atbp na isinusuot natin sa ating katawan. Sa
pamamagitan nito, tayo ay nakakahugot ng lakas para sa ating mga sarili, para tumaas ang
kumpiyansa natin at maramdaman natin lalo gaano tayo kaganda.

Teyoritikal na Balangkas

Malaki ang pagkakaiba ng mga kababaihan noon at ngayon. Isa na rito ay ang paraan ng
pananamit. Kung dati'y baro't saya ngayon naman ay walang manggas at mini-skirt. Ang iba pa nga'y
nakalitaw ang pusod at ang iba'y lumalabas na ang dibdib.(Munsayac, Fajardo, Vijil, Irinco,
Macrohon 2014)

Napansin ang malaking pagkakaiba ng mga kababaihan noong nakaraan at sa


kasalukuyan. Isa sa mga pagkakaiba ay ang kanilang estilo ng pananamit. Noong una,
karaniwang sinusuot ang baro't saya, ngunit ngayon, mas pabor sa mga walang manggas at
mini-skirt. Mayroon pang iba na nagpapakita ng pusod at ang ilan ay nagpapakita na rin ng
dibdib.(Munsayac, Fajardo, Vijil, Irinco, Macrohon 2014)

Ang pangunahing layunin ng pananamit ay patuloy na takpan ang ating katawan at


protektahan ito mula sa mga elemento. Bagaman may mas kumplikadong mga layunin na
kaakibat na ngayon ang pananamit, nanatili pa rin ang mga nasabing layunin. Sa
Kasalukuyan, ang pananamit ay nagpapahiwatig ng maraming bagay tulad ng yaman,
katayuan sa lipunan, kakanyahan, o pagiging bahagi ng isang grupo. Gayunpaman,
napapansin din sa pamamagitan ng pananamit ang ating mga ugali at mga bagay na
pinahahalagahan natin. Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, ang ating pananamit ay
nagpapakita ng ating pag-unawa at katapatan sa ebanghelyo ni Jesucristo.(Silvia H. Allred
2009)

Naniniwala ang mga fashion theorists na ang fashion ay repleksyon ng panlipunan, ekonomiya,
pampulitika, at kultural na mga pagbabago, ngunit din na ang fashion ay nagpapahayag ng
modernidad at sumasagisag sa diwa ng panahon (Lehmann, 2000; Blumer 1969; Laver 1937). Ang
fashion ay parehong sumasalamin at nagpapahayag ng tiyak na oras sa kasaysayan.
Ang fashion ay tumutukoy sa ideya ng kung ano ang sikat o nasa uso. Maaari ding isipin ng isa
ang tungkol sa fashion bilang kung ano ang nangyayari sa isang partikular na oras at lugar. Ang
fashion ay sumasailalim sa isang proseso ng dynamic na pagbabago: sa loob ng isang fashion system,
mayroong patuloy na pagbabago sa kung ano ang nasa uso, o sa fashion, sa paglipas ng panahon.
Maaaring napakahirap na masubaybayan ang mga pinagmulan ng isang partikular na trend ng fashion
tulad ng motif, disenyo, o silhouette (Reilly, 2012).

Ayon kay Leea China(2013) na sa social media ay nagbibigay ito ng kakayahang umangkop sa
pagkatuto, pasiglahin ang mga makabagong ideya at dagdagan ang interpersonal na relasyon sa mga
mag-aaral. Nagbibigay din ito ng negatibong epekto sa mga mag-aaral dahil may ilan sa mga ito na
gumagamit nito para sa paghahanap ng isang paningin na hindi kaya para sa kanila, binabawasan din
nito ang kanilang pag-uugali sa lipunan at kasanayan sa akademiko. Napag-alaman ng mananaliksik
na mayroong ilang mga mag-aaral na hindi nagpapaganda sa kanilang pisikal dahil sa pagsunod sa
paggamit ng iba't ibang mga gadget. Sa sobrang rate ng mga mag-aaral na gumagamit ng social media
networking sa pang-araw-araw na batayan, may malakas na pag-aralan ang lawak ng kung saan ang
social media ay nakakaapekto sa mga mag-aaral.

Ayon kina Harziko et. al (2019), "Customary clothing is a clothing that is hereditary
used by the community in his day with the characteristics that indicate the local culture
created the traditional fashion." Sinasabi na ang pananamit na sinusuot ng buong
komunidad ang sumisimbolo ng lokal na kultura na siyang humuhulma sa kanilang tradisyon
na pangkasuotan.

Sa pahayag ni Mora (2004), sinasabi na sa bansang Italya, ang sistema ng pananamit


ay nakabatay sa kung ano ang kintatayuan ng isang tao sa lipunan at bawat disenyo ay may
kaakibat na ibig sabihin na hinango sa sining at relihiyon na mayroon sila.

Gamit ang pag-aanunsyo, mas nagsisilbing makabuluhan para sa mga taong nakatira
sa Italy ang paggamit ng iba't-ibang imahe na mayroong halaga lalong lalo na sa sining at
imprastraktura (Crane, 2000).
Konseptwal na Balangkas

Sa paglipas ng panahon unti-unting nagbabago ang kaantasan/estilo nating pilipino sa


kasautang lalo na’t sa pag-usbong ng tinatawag na social media na nagdulot ng malaking
pagbabago pag dating sa pananamit. Kaya naman nais suriin ng mga mananaliksik ang mga
ito sa mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng konseptwal na balangkas
para sa magiging input, proseso, at awtput ng pananaliksik.

Input
Nais ng mga mananaliksik na malaman kung ano ang epekto ng impluwensya ng
social media sa persepyon ng pananamit ng mag aaral ng Senior High School ng
Norala National High School.

Proseso
Upang maisakatuparan ang aming pananaliksik, kami ay may-iinterbiyu ng ilang
indibidwal sa Senior High School ng Norala National High School upang malaman ang
mga impormasyon na kanilang kailangan. Sa ganitong paraan, malalaman ng
mananaliksik kung ano ang ibat-ibang epekto ng social media pagdating sa puso ng
mag -aaral sa pagpapili ng kanilang damit at kanilang persepsyon sa pagpili ng
pananamit.

Awtput
Pagkatapos ng pangangalap ng datos na kailangan, mapag-aralan na ng mga
mananaliksik ang epekto ng social media sa mag-aaral ng Senior High School
pagdating sa kanilang pananaw at istilo tungkol sa pananamit. Maaring maganda ang
nadudulot ng social media, o di kaya nama’y maganda ang nadudulot nito sa karamihan
lalo na’t pagdating sa salitang pananamit.
Pigura 1. Iskima ng Paradym ng Pananaliksik

Daloy ng Pag-aaral

Pagprepara ng mga Talatanungan na gagamitin sa


Pangangalap ng datos

Pagpapasagot ng interbyu sa mga Respondante

Pagpapagawa ng buod at pag-aanalisa ng mga impormassyon na nakalap

Paggawa ng Konklusyon

Bibliyograpiy

Pagwawasto sa tagapayo

Pigura 2. Paradigma ng Daloy ng Pag-aaral


Bibliyograpiya

Sample Pananaliksik Pdf.pdf - 1 Kabanata 1 Ang Suliranin at Saklaw Nito Panimula


Ang Pananamit ay Isa Sa Mga Pangunahing Pangangailangan Kasabay Ng - STEM101 |
Course hero. (2021, July 12). Course Hero | Own the study hour.
https://www.coursehero.com/file/100204889/SAMPLE-PANANALIKSIK-PDFpdf/

Fashion trends Sa Pilipinas. (2019, September 23). Fabuloushionista.


https://prometheanexplorers53113858.wordpress.com/2019/09/22/

(n.d.). jane's blog. https://jane814920134.wordpress.com/

Sangkap kasuotan. (2022, May 8). sangkap kasuotan.


https://sangkapkasuotan.blogspot.com/?m=1

Mga sanhi Ng pagbabago Ng mga kababaihang Pilipino Sa kasuot. (n.d.). prezi.com.


https://prezi.com/cyjgp7ze-ofd/mga-sanhi-ng-pagbabago-ng-mga-kababaihang-pilipino-sa-
kasuot/

Pagiging Disente: Isang Walang Kupas Na Tuntunin para Sa Lahat. (2009, July 1).
The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2009/07/modesty-a-timeless-principle-for-
all?lang=tgl

Pananamit Ng Pilipinas: Pagkakaiba Sa mga binago. (n.d.). Wikipedia, ang malayang


ensiklopedya. Retrieved May 31, 2023, from
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Natatangi:MobileDiff/1810345

Fashion trends: Isang Pagsusuri. (n.d.). Fashion Trends: Isang Pagsusuri.


https://bspsych1a-mypointofview.blogspot.com/?m=1

Theories of fashion. (2013, October 4). LoveToKnow.


https://www.lovetoknow.com/life/style/theories-fashion
Reilly. (2020, August 1). Fashion theories – Dress, appearance, and diversity in U.S.
society. Iowa State University Digital Press – Open Access Books and Educational
Resources Publishing.https://iastate.pressbooks.pub/dressappearancediversity/chapter/
fashion-theories/

Leea China. (n.d.). Pananaliksik tungkol Sa epekto Ng social media Sa mga mag
aaral Ng 11 humss n2 Ng swu phinma. Studocu.
https://www.studocu.com/ph/document/naga-college-foundation/ab-filipino/pananaliksik-
tungkol-sa-epekto-ng-social-media-sa-mga-mag-aaral-ng-11-humss-n2-ng-swu-phinma/
13862632

Fildis.docx. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/512775208/fildis-docx

KABANATA III
PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng disenyo ng pag-aaral, mga respondante ng


pananaliksik, kapaligiran ng pananaliksik, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng
pananaliksik, pamamaraan ng pangangalap ng data, pagsusuri ng data at interpretasyon,
etikal na pagsasaalang-alang na ginagamit ng mga mananaliksik sa tagal ng pag-aaral na
ito.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng Descriptive Qualitative na paraan ng pagsasagawa ng


isang pananaliksik. Ang pangunahing layunin ng disenyo ng pag-aaral na ito ay upang suriin ang
epekto ng social media sa pananamit ng mga mag-aaral sa Senior High School Ng Norala National
High School . Ang pamamaraang ito ay gagamitin upang makapanayam at ireserba ang mga
natuklasan.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananliksik na ito ay isasagawa sa Norala National High School kung saan ang
pagkukunan ng Datos ay mga estudyante ng senior high school.

Ang Norala National High School ay matatagpuan sa Poblacion, Norala, South Cotabato .

Pigura 2. Demograpikong Lokasyon ng Norala National Highschool


Pangakalahatang Pamamaraan
Ang mga mananaliksik ay magpapadala ng liham pakikiusap sa Punongguro ng Norala
National High School tungkol sa partisipasyon ng mga respondente ng pag-aaral at upang
pahintulutan na maisagawa ang panaliksik. Ang panayam ay personal na isasagawa sa mga mag-aaral
ng Senior High School ng Norala National High School.
Bibliograpiya

Pananaliksik tungkol Sa epekto Ng social media Sa mga mag aaral Ng 11 humss n2 Ng swu
phinma. (n.d.). Studocu. https://www.studocu.com/ph/document/naga-college-foundation/ab-
filipino/pananaliksik-tungkol-sa-epekto-ng-social-media-sa-mga-mag-aaral-ng-11-humss-n2-ng-swu-
phinma/13862632

Montera, M. G., & Plasencia, N. R. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang


testosterone tungo sa pananaliksik. University of San Carlos Press.

You might also like