You are on page 1of 30

EPEKTO NG FACEBOOK SA PANANALITA NG MGA MAG AARAL NG

INTERNATIONAL ACADEMY OF MARAWI

Isang Akademikong Sulatin na Ipinasa Kay


Sir Jalani Obia Alanoden
Ng kagawaran ng Filipino
International Academy of Marawi, Cadayonan, Marawi

Bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan


Para sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
At Kulturang Pilipino

LAMPACO, MAYRA G.
MAGANGCONG, MUSANIF M.
MANGONDAYA, JAFFAR H.
MARUHOM, JASMINAH L.
MOSANIF, AINOL-RAHMAN I.
RAMOS, SAADODIN B.
SAMBOLAWAN, ROSENIFAH E.
SARIP, NORHAILA P.
TAMANO, HANA SOPHIA A.

ENERO 2023
PASASALAMAT

Ang pag-aaral tungkol sa Epekto ng Facebook sa Pananalita ng mga Mag-aaral ng


International Academy of Marawi na isinagawa ng mga mananaliksik ay lubusang
nagpapasalamat sa mga sumusunod:

Sa aming guro na si Sir Jalani Obia Alanoden na walang sawa sa pagtuturo sa amin na
magsisilbing pundasyon naming upang magkaroon ng mas marami pang kaalaman at
lumawak ang aming kaisipan.

Sa aming mga magulang na walang patid sa pagsuporta sa aming pag-aaral at sa


pagkamit namin ng aming mga pangarap at mga mithiin na nais naming maisakatuparan.
Gayundin sa pagkaloob sa amin ng tulong pinansyal.

Sa aming mga kamag-aral sumuporta sa paggawa naming ng aming pamahunang papel.


Sa pagsagot sa talatanungan na aming ginawa at sa pagbigay ng kanilang mga opiniyon at
impormasyon sa aming ginagawang pamanahuang papel.

Sa poong maykapal na gumagabay sa amin sa laha ng oras gayundin sa pagbigay at


pagkaloob sa amin ng karunungan at lakas upang mapagtagumpayan naming ang
pananaliksik na ito.

DAHON NG PAGPAPASYA

Ang Thesis na ito na may Pamagat na EPEKTO NG FACEBOOK SA


PANANALITA NG MGA MAG AARAL NG INTERNATIONAL ACADEMY OF
MARAWI na inihanda ng mga mag-aaral ng Senior High School, Baitang 11 bilang bahagi
ng pagpatupad sa mga pangangailangan para Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika At Kulturang Pilipino at pagtibayin para sa isang pagsusulit na pasalita.

ii
TALAANAN NG NILALAMAN

Preliminaryo Pahina
Pamagat ng Pahina i
Dahon ng Pagpapasya ii
Pasasalamat ii
Talaan ng Nilalaman iii
Talaan ng mga Talahanayan

Tsapter

1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL 1


Rasyonale 1
Layunin ng Pag-aaral 5
Paglalahad ng Suliranin 5
Kahalagahan ng Pag-aaral 5
Saklaw at Lemitasyon 7
Depinisyon ng Termino 7

2. KONSEPTUWAL NA LITERATURA AT PAG-AARAL 9


Kaugnay na Literatura 9
Kaugnay na Pag-aaral 11

3. METODOLOHIYA 14
Disenyo ng Pananaliksik 14
Lokal ng Pag aaral 14
Instrumento ng Pananaliksik 16
Respondente 16
Tritment ng mga Datos 17

MGA REPERENSYA 18

CURRICULUM VITAE 20
TSAPTER 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Rasyonale

Ang Facebook ay isang social network service. Itinatag ang website na ito noong

Pebrero, 2004 at pribadong pagmamay-ari ng Facebook, Inc. Ang nagtatag nito ay ang

magkakaibigan at magkakamag-aral sa computer science na sina Mark Zuckerberg, Eduardo

Saverin, Dustin Moskovitz at Chris Hughes. Sa umpisa ang mga lihitimong miyembro nito ay

limitado lamang sa mga mag- aaral sa Unibersidad ng Harvard, subalit sa paglipas ng

panahon ito ay lumaganap ng tuluyan. Noong Hulyo 2010 itinatalang nasa 500 milyon na ang

aktibong gumagamit ng Facebook. Ang pangalang Facebook ay hango sa kolokyal na

pangalan ng aklat (book) na ipinamimigay sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng pasukan, sa

layunin na makatulong ito upang makilala ng mabuti ang isa't-isa. Sinumang nasa 10 taong

gulang o pataas ay maaring maging miyembro at gumamit ng Facebook.

Napakaraming gumagamit ng Facebook dito sa atin bansa. Ayon nga sa estatistika ng

statista.com, nasa 37.2 milyong katao ang gumagamit ng Facebook sa bansa sa taong 2015 at

nasa 42.1 milyong naman ang kasalukuyang bilang (2016) na inaasahan pang tumaas sa mga

sumusunod pang taon.

Ang paggamit ng Facebook ng karamihan, halos lahat ng kabataan, lalo na ang mag-

aaral, ay tila ba unti-unting nagiging karaniwan na sa mga ito. Ayon sa estatistika ng

gethooked360.com, ang mga gumagamit ng Facebook sa bansa sa taong 2013 ay nasa milyon

na kung saan 40% ay nasa edad na 18-24 at 15% ay nasa edad na 13-17, karamihan ay mga

kabataan na maaaring mga mag-aaral. Dahil sa mga malalaking bilang na ito, hindi

maiiwasan ang pagkakasama nito sa karaniwan o “mainstream” nang mga gawain.

Ang paggamit ng Facebook ay mayroong mga benepisyo at mga kapakinabangan.

Ayon nga sa depinisyon nito, ang Facebook ay tumutulong sa komunikasyon. Ito ay mas
malaking tulong sa mga taong magkalayo at nagnanais na makausap ang isa't isa. Mas

"advanced" ang anyo ng komunikasyon na ito kaysa sa pagtetext at pakikipag-usap sa

telepono, sa maraming paraan. Isa pa sa kabutihan nito ay ang mas maayos na pakikipag-

ugnayan sa ibang tao. Ngunit sa kabila ng mga kabutihang naidudulot nito, mayroon din itong

mga kapinsalaan na naidudulot. Isang disbentahe nito, ayon kay Bolton (2016), ay "adiksyon

sa paggamit nito."

Ang gumagamit nito ay makakagawa ng kanyang personal profile na may larawan,

listahan ng mga personal na interes, numerong makokontak, makadaragdag at makakaanyaya

ng ibang gumagamit bilang kaibigan, maaring makipagpalitan ng mga mensahe maging sa

mga matagal nang hindi nakikitang mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.

Dahil na rin sa mabilis na pagkalat nito ay agad ang pagtangkilik hindi lamang ng

mga kabataan kundi maging ng mga magulang, propesyonal, may trabaho o wala at iba pa.

Naging daan ito upang magkausap ang dalawang tao o higit pa mula sa ibang panig ng

mundo. Naging posible ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kumunikasyon dahil na

rin dito tulad ng malalaman natin ang mga kasalukuyang pangyayari tungkol sa buhay ng

mga taong malapit sa atin. Ang paglipana ng mga internet shops malapit sa mga eskwelahan

ay siyang naging daan upang lalong mahumaling ang mga estudyante sa nasabing social

network. Ayon sa sarbey noong Enero 2011 ay mayroong 600 milyong aktibong mga users

ang nasabing social network. Dahil na rin sa nakababahalang laki ng populasyon nito ay

isasagawa namin ang pag-aaral ukol sa mga maaaring maging epekto nito sa pag-aaral ng

mga estudyante.

Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang ating mga ninuno ay mayroon

ng sariling sistema ng pagsusulat, ito ay tinatawag na Alibata. Sa paglipas ng panahon, ito ay

napalitan ng alpabetong Filipino na atin ngayong kasalukuyang ginagamit.


Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, natuklasan ng mga Kastila noong 1521, na

mayroong humigit kumulang dalawang daang dayalekto ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa

mga dayalektong ito, ang Tagalog ay ang pinakalaganap sa bansa at ito ay itinalaga bilang

opisyal na wika sa kapuluan ng Luzon.

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, kanilang pinalaganap ang wikang Ingles,

subalit tinuturo pa rin ang wikang Tagalog. Sa panahong ito, nagkaroon ng pagpapasya sa

paghirang ng Wikang Pambansa sa ilalim ng saligang batas at ang wikang Tagalog ang

itinalaga. Pinili ang wikang ito dahil ito ay ang wikang pinakamadaling pag-aralan, madaling

maunawaan, may pinakamayaman na talasalitaan, panitikan at pinakalaganap sa buong

kapuluan. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ay tinatawag na wikang Filipino.

Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, may iba't-ibang klase ang wikang Filipino. Ito ay ang

Puristic Tagalog, ang Taglish o Enggalog at ang Bertaglish. Ang Puristic Tagalog ay wikang

nililikha sa halip na humihiram. Ang Taglish o Enggalog naman ay pinaghalong Tagalog at

English habang ang Bertaglish naman ay binubuo ng Bernakular, Tagalog at English.

Ayon naman kay Gonzales taong 1977, ang mga Pilipino ay nagsasalita ng bersyon ng

Taglish para sa layuning pang- sosyolinggwistika at hindi dahil sa hindi alam ang sistemang

pangwika.

Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas epektibong

komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Ito ay

sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng kahulugan, interpretasyon at kabuluhan sa

pamamagitan ng mga salita at simbolo na ating nakikita, naririnig at nababasa.

Ang pagiging daynamiko o nagbabago ay isa sa mga makabuluhang katangian ng

wika. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran at

dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao na nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon ng mga

bagong salita.
Sa pag-usbong ng moderno at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ang mga tao ng

mga bagong kaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing pag-iisip. Isa sa mga produkto ng

makabagong teknolohiya ay ang pagkakaroon ng mga Social Media.

Ang pagkakaroon ng mga Social Media ay may iba't-ibang dahilan. Ang pagkakaroon

ng mas mainam na komunikasyon ay isa na rito. Ang Facebook ay isang Social Media site na

ginagamit sa buong mundo. Sa pamamagitan nito, nakakakapag-usap ang mga gumagamit

nito kahit saan mang dako ng mundo naroroon.

Malaki na ang naitulong ng Facebook sa mga tao, ngunit hindi sa wika. Dahil,

madalas napapalitan ang orihinal at tamang pakabaybay ng mga salita. Halimbawa, sa halip

na sabihing "dito" ay "d2" nlang ang ginagamit. Habang may mga bagong lenggwahe naman

ay nabubuo katulad ng Jeje Language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba pa.

Nagkakaroon din ng bagong salita tulad ng "gg" na ang ibig sabihin ay good game, selfie, at

iba pa. Ang paggamit ng mga bagong grupo ng mga salita ay nabubuo din tulad ng edi wow!,

rak na itou at pusuan tayo.

Ang mga nabanggit na suliranin ang nagtulak sa mga mananaliksik upang tuklasin at

alamin ang kalagayang pangwika sa mga mag-aaral nang dahil sa paggamit ng Social Media.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matugunan ang mga suliranin ng mga mag-

aaral sa pagkakaroon ng sapat nakaalaman sa ating sariling wika. Ang pagmulat sa isipan ng

mga mag-aaral tungkol sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng makabagong

teknolohiya ay isa rin sa layunin ng mga mananaliksik. Buhat sa pag-aaral na ito,

magkakaroon ng kaisipan ang mga mag-aaral kung paano gamitin ng tama at wasto ang ating

sariling wika, ang wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pagsusuri sa mga epekto ng Facebook sa

mga mag-aaral ng IAM sa deparmento ng Senior High School. Ito rin ay naglalayong

tugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang epekto ng Facebook sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng IAM?

2. Ano-anong wika ang kadalasang ginagamit ng mga mag- aaral sa Facebook?

3. Bakit iniiba ng mga mag-aaral ang mga salita sa wikang Filipino sa Facebook?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang paggamit ng Facebook ng mga mag-

aaral ay pwedeng magbigay suliranin sa kanilang pag-aaral at kinabukasan. Ang edukasyon

ang maituturing na pinakamahalagang kayamanan ng isang tao kung kaya't ang hindi lubos

na pagbibigay ng kaukulang atensyon at patnubay ng magulang ay maaaring magbigay ng

problema sa hinaharap.

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral... Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maiaambag upang malinawan ang

kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa Facebook, at upang maiwasan ang mga masasamang

epekto na maidudulot nito sa kanilang pag- aaral.

Sa Mga Magulang... Sa pag-aaral na ito ay mababatid nila ang mga saloobin at karanasan ng

kanilang mga anak sa Facebook na kadalasang pinagwawalang- bahala na lamang. Maging

daan din sana ito upang patnubayan at magabayan ng wasto ang kanilang mga anak sa

paggamit ng Facebook.

Sa Mga mamamayan... Sa pag-alam kung gaano naiimpluwensiyahan ng Social Media ang

Wikang Filipino, mas magiging maingat at mapili ang mamamayan sa mga salitang gagamiin

Sa Mga Guro... Magsisilbing monitor ito na makatutulong ng malaki upang lalo pa nilang

pagbigyan-pansin at pigilan kung kinakailangan ang mga estyudante sa pagkahumaling sa

paggamit ng Facebook.
Sa Mga Mananaliksik Sa Hinaharap... Pagdamutan at kaluguran ninyo sana ang aming

nakayanan. Sana ay makatulong at magsilbing batayan para sa mas masusing pag-aaral

tungkol sa internet ang paksang ito.

Saklaw at Lemitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng mga epekto ng paggamit ng

Facebook sa pananalita ng mga mag-aaral ng International Academy of Marawi.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa pananalita dahil

sa paggamit ng social media. Pinagtutunan din ng pansin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang

lenggwahe na ginagamit sa Facebook ng mga mag-aaral.

Depinisyon ng Termino

 Computer - ay isang programmable machine na tumatanggap ng input, at

awtomatikong nagmamanipula ng mga datos, at nagbibigay ng output sa isang kapaki-

pakinabang na format.

 Facebook - ay isang popular na social networking website na inilunsad noong

Pebrero 2004 na ngayon ay pinamamahalaan at pribadong pag- aari ng Facebook, Inc.

 Feature - ay isang sistema na nagbibigay ng kakaibang atraksyon sa mga gumagamit

ng Facebook.

 Internet - ay isang sistema sa computer na nagkokonekta sa buong mundo sa

pamamagitan ng paggamit ng TCP/IP (Transmission Control Protocol / Internet

Protocol), isang set ng mga pamantayan para sa pagpapadala at pagtanggap ng mga

digital na datos.
 Network - ay isang sistema na kombinasyon ng computer na konektado sa linya ng

telepono o cable na ginagamit upang makapagpadala o makatanggap ng mga

impormasyon.

 Profile - ay isang koleksyon ng mga personal na datos na nauugnay sa partikular na

gumagamit.

 Website - ay isang koleksyon ng mga site na pinapamahalaan ng isang prebadong tao

or organisasyon.

 Social Media – ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon o mga

ideya sa isang virtual na komunidad gamit ang internet o mobile cellphone

(Cambridge Advanced Learner’s Dictionary & Thesaurus).

 Wika – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang

tiyak na lugar para sa isang partikular na layunin para makapagpaliwanag (Astorga,

2010).

 Wikang Filipino – ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal

na wika ng Pilipinas.
TSAPTER 2

KONSEPTUWAL NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Mula sa The Sunday Times ni Jonathan Leake at Georgia Warren noong Abril 12,

2009, ang Facebook ay nakakasira sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng Facebook araw-araw ay mas

madalang ang pakikipagsalamuha sa loob ng silid aralan sa loob ng buong semester kesa sa

mga mag-aaral na hindi gumagamit nito.

Natuklasan ng mga mananaliksik kung paano ginagamit ng mga estudyante ang

kanilang oras sa paghahanap ng mga kaibigan, pakikipagkamustahan sa mga ito at "poking" o

pagtawag sa atensyon ng taong kausap o kaibigan.

Natuklasan din na dahil sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagkalap ng mga

kaibigan at pakikipag-chat ay halos isang oras na lamang sa isang linggo ang nailalaan nila

para sa kanilang mga akademikong gawain. Dahil dito nais ng mga magulang at guro na

ipagbawal ang nasabing social networking website kagaya ng ginagawa sa mga opisina upang

hindi masayang ang oras ng mga mag-aaral.

Ayon sa GMA News (2011) lumitaw sa isang pag-aaral sa US na mababa raw ang

marking nakukuha sa paaralan ng mga kabataan na nahuhumaling sa facebook. Sa ulat ni

GMA News Pia Arcangel sa 24 oras nitong Martes, sinabing nakitaan sa isinagawang pag-

aaral ng American Psychological Association ang koneksiyon ng social networking site gaya

ng Facebook sa pagbaba ng marka ng mga estudyante doon. Ayon sap ag-aaral, mas mababa

ang grado sa eskuwelahan ng mga mag-aaral na bumibisita sa Facebook tuwing ika-15

minuto. Bukod dito, ang mga kabataan na nahuhumaling sa naturang social networking site

ay may posobilidad na magpakita ng psychological disorder, maging depress at maging

mapagsarili.
Ayon sa PC Encyclopedia, ang pinakasikat na social networking site, na nagbibigay-

daan sa sinuman na magbahagi ng mga larawan, komento at video sa online. Itinatag noong

2004 ni Mark Zuckeberg, ang site ay libre sa mga miyembro at nakukuha ang kita mula sa

mga advertisement. Ang pangalan na ito ay mula sa dokumentong papel na may mga

pangalan at mukha na ibinigay sa mga nag-aaral sa kolehiyo upang tulungan silang makilala

sa isa’t isa. Gamit ang built-in na paghahanap, maaaring mahanap ng mga miyembro ang iba

pang mga miyembro ng facebook at “kaibigan” sa kanila sa pamamagitan ng pag papadala sa

kanila ng isang paanyaya, o maaari silang mag-imbita ng mga tao na sumali sa facebook. Nag

aalook ang facebook ng agarang mensahe at pagbabahagi ng larawan, at ang email ng

facebook ay ang tanging Sistema ng pagmemensahe na ginagamit ng maraming mag-aaral.

Mula sa The Sunday Times ni Jonathan Leake at Georgia Warren noong Abril 12,

2009, ang Facebook ay nakakasira sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng Facebook araw-araw ay mas madalang

ang pakikipagsalamuha sa loob ng silid aralan sa loob ng buong semester kesa sa mga mag-

aaral na hindi gumagamit nito.

Natuklasan ng mga mananaliksik kung paano ginagamit ng mga estudyante ang

kanilang oras sa paghahanap ng mga kaibigan, pakikipagkamustahan sa mga ito at "poking" o

pagtawag sa atensyon ng taong kausap o kaibigan.

Natuklasan din na dahil sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagkalap ng mga

kaibigan at pakikipag-chat ay halos isang oras na lamang sa isang linggo ang nailalaan nila

para sa kanilang mga akademikong gawain. Dahil dito nais ng mga magulang at guro na

ipagbawal ang nasabing social networking website kagaya ng ginagawa sa mga opisina upang

hindi masayang ang oras ng mga mag-aaral.


Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa bagong pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na estudyante ng IAM,

walang kaugnayan sa isa't isa ang pagkonsumo ng mga estudyante ng kanilang oras sa

paggamit ng social media at ang resulta ng kanilang grado. Sa kabila ng patuloy na paglala ng

Facebook addiction, ay hindi lumabas na nagkaroon ito ng negatibong epekto sa mga mag-

aaral.

Ang mga resulta ay nagpakita na ang 63 bahagdan ng mga laging Facebook

gumagamit ay nakakuha ng A at B na grado, kumpara sa 65 bahagdan na mga gumagamit ng

paminsan minsan lamang gumagamit ay nakakuha ng katulad ng sa naunang nabanggit.

Katulad din na 37 bahagdan ng mga laging gumagamit ng Facebook na nakatanggap ng mas

mababa kaysa sa B na grado, kumpara sa 35 bahagdan na paminsan-minsan ang paggamit

nito ay nakakuha ng mas mababang grado sa B.

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena ng St Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang quality

time ng mga bata, lumalawak din umano communication gap sa kanila at nawawala ang tutok

nila sap ag-aaral. Dahil may maganda rin naman daw naiududot ang internet sa kaalaman ng

mga kabataan, sinabi ni Arcena na kailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata.

Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick, 12-anyos, inamin ng

bata na nahumaling siya noon sa internet partikular sa Facebook kaya bumagsak ang kanyang

marka ng hanggang 65. Pero kung dati ay nagbababad si Nick sa mga internet shop ng mula

hapon hanggang hatinggabi araw-araw, ngayon ay dalawang oras na lang umano para

makabawi sa kanyang pag-aaral.


Batay naman sa mga pagaari ni Fiona Mae Abainza 2014, ang social media katulad ng

facebook ay isang daan na maaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito

ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng

komunikasyon dahil sa paggamit nito. Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag-

aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon.

Ayon sa sorbey na gianawa nila Paula Mae Andoque, Jehan Lucman, Jennefer Edrozo,

Jade Kevin Gerzon at Errol Flynn Magbanua noong ika-3 ng Agosto taong 2015 na may

kabuuang bilang na 50 respondante ang nakilahok. 36% ng mga respondante ang nagsasabing

nawawalan sila ng ganang mag aral dahil sa pag gamit ng facebook, 30% naman ang

nagsasabing nababawasan ang oras nilang mag-aaral dahil dito, 20% ang umikli ang marka at

14% ang nagsasabing nahahati ang kanyang oras na para sa mga akademikong Gawain.

Ayon kay Susan Greenfield (n.d), isang propesor sa kursong pharmacology sa Oxford

University at direktor ng royal institution of great Britain sa isang pahayagan na ang social

networking parang “sanggol na kailangan bantayan bawat kilos at asikasuhin oras-oras.

Ayon kay Ali Kingston Mwila (2013) na ang social media sa mga-aaral at mga

eksperto ay nakababahagi at nakakapag-ugnay sa kapareho nilang hilig at makapaglagay ng

saloobin at opiniyon sa mga isyu. Isa pang positibong epekto ng social media sites ay mapag-

iisang mga tao at makamit ang kanyang nais. Ang pagkahumaling sa social media ay isa sa

negatibong epekto nito. Pagkawala sa atensyon sa pokus sa isang partikular na gawain ay

dahilan ng paggugol ng labis na oras sa paggamit nito. Nakabase ang mga mag-aaral sa

teknolohiya at internet imbis na sa normal napagkatuto tulad ng pagsisiyasat sa mga libro at

iba pang reperensya.


Batay sa pananaliksik na ginawa ng mag-aaral ng perpetual (2013) natuklasan na dahil

sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagkalap ng mga kaibigan at pakikipag-chat ay halos

isa ng oras na lamang sa isanng linggo ang nailalaan nila para s kanilang mga akademikong

gawain. Dahil dito nais ng mga magulang at guro na ipagbawal ang nasabing social

networking website kagaya ng ginagawa sa mga opisina upang hindi masayan oras ng mga

mag-aaral. Sa panahon ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi

na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng social networking website.

Masasabi na ang isang daan ito para makausap ang mga malalayong kamag-anak at kaibigan

ng walang masyadong nagagstos. Ang networking website ay nagbibigay sa mga mag-aaral

ng mga akala o masasabi nating sa pamamagitan ng networking websites na ito ay

nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance relationship. Isa pa sa masamang

epekto nito ay nakakagawa ito ng isang katauhan at maling tala ng isang tao sa isa, nakatala

sa pag-aaral ng mga taong walang masyadong social life ay dinaraanan ang pananhimik sa

networking.
TSAPTER 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalaman o naglilinaw ng kung ano mang paraan ang

ginagamit sa disenyo ng pananaliksik kung sino sino ang mga respondente at kung ano ang

instrumentong ginagamit ng mga mananaliksik upang masuri ang pag aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya na

gumagamit ng talatanungan para makalikom ng datos. Naniniwala ang mananaliksik na

angkop ang disenyong ito sa pag aaral na ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng

datos mula sa maraming respodente. Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga

tala tanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dam ing

sumagot sa mga talatanungan.

Lokal ng Pag aaral

Ang pag aaral na ito ay isinagawa sa International Academy of Marawi sapagkat ang

respondente at ang mga mananaliksik ay mag-aaral ng paaralang ito. Ang paaralang ito ay

matatagpuan sa Cadayonan II, Marawi City, Philippines. Ang praybeyt na paaralan na

nabanggit ay makikita sa sumusunod na larawan na kasangkot sa pananaliksik.


Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pag sasarbey at pakikipanayam.

Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey questioner na maglalayong

makahanap ng mga datos upang malaman ang mga dahilan at epekto ng pagkahumaling sa

facebook ng mga kabataan sa murang edad.

Magsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa mga

iba’t ibang mga hanguan tulad nalang ng proposal at pagkuha ng impormasyon sa google.

(nimfamojary13)

Respondente

Ang mga pipiliing respondente sa mga pag aaral na ito ay ang mga mag aaral sa

Seksyon A at Seksyon B. Sa seksyon A ay mayroong kabuuang respondente na tatlumpu (30)

samantalang sa Seksyon B naman ay dalawampu (20) na mayroong kabuuang limampu (50).

Ang mga mananaliksik ay naki panayam sa mga respondente kung gaano sila kalulong

o kung gaano sila madalas gumamit ng social media.

Makikita sa unang talahanayan sa ibaba ang populasyon o bilang ng mga respondente

mula sa sekyon A at seksyon B


Talahanayan 1. Bilang ng mga Respondente

Seksyon Babae Lalaki Total

Seksyon 11-A 16 14 30

Seksyon 11- B 9 11 20

Kabuuan 25 25 50

Tritment ng mga Datos

Dahil sa pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kung paano gumawa

ng tesis at hindi pa naman pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng disertasyon,

walang gagawing pagtatangka upang masuri an gang mga datos sa pag aaral na ito sa

pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamangng

mga pipili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa palatanungan ang aalamin ng mga

mananaliksik. Samakatuwid ang pag ta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang

kinakailangang gawinng mga mananaliksik. (nimfamojary13).


MGA REPERENSIYA

A. INTERNET
https://www.studocu.com/ph/document/naga-college-foundation/ab-filipino/pananaliksik-
tungkol-sa-epekto-ng-social-media-sa-mga-mag-aaral-ng-11-humss-n2-ng-swu-
phinma/13862632

https://www.teacherph.com/social-networking-sites-ang-mga-epekto-nito-sa-mga-mag-aaral/
https://www.studocu.com/ph/document/cavite-state-university/human-resource-
management/pananaliksik-epekto-ng-social-media-sa-wikang-filipino/22096734

social media. 2016. Sa Merriam-Webster.com. Kinuha noong Hulyo 15, 2016, mula sa
http://www.merriam-webster.com/dictionary/social media

Mark Zukerberg's IPO Letter Describing Facebook's Purpose, Values & Social Mission.
(2012. Pebrero 5). Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://prosperosworld.com/mark-
zukerbergs- ipo-letter-describing-facebooks-purpose-values-social-mission/2012/

Facebook Management. (2013, Enero 16). Kinuha noong Hulyo 15, 2016, mula
http://www.gethooked360.com/facebook-reaches-30-million-users-in-the-philippines/

Sulaiman et. al. (2015. Enero 8). Facebook usage, socialization and academic performance.
Computers & Education, 83, 64-73. doi: 10.1016/j.compedu.2014.12.018

Mark Zukerberg's IPO Letter Describing Facebook's Purpose, Values & Social Mission.
(2012. Pebrero 5). Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://prosperosworld.com/mark-
zukerbergs- ipo-letter-describing-facebooks-purpose-values-social-mission/2012/

Wigmore, I. (2015, Mayo). What is social media? - Definition from Whatls.com. Kinuha
noong Hulyo 15, 2016, mula sa http://whatis.techtarget.com/definition/social-media

Bolton, N. (w.p.). What Are the Disadvantages of Facebook? Kinuha noong Hulyo 15, 2016,
mula sa http://techin.oureverydaylife.com/disadvantages-facebook-3355.html

Morse, S. (w.p.). How Facebook Helps Us Communicate. Kinuha noong Hulyo 12, 2016,
mula

sa http://smallbusiness.chron.com/facebook-helps-communicate-66432.html

Wagner K. (2016, Hulyo 7). Facebook is the social network for news. Kinuha noong Hulyo
12,

2016, mula sa http://www.recode.net/2016/7/7/12110326/facebook-twitter-news-


consumption- growing-pew-research
B. THESIS

Gulod Senior High School (2019). Epekto ng Social Mediasa Paggamit ng Wika from
https://www.scribd.com/document/518924915/Epekto-ng-Social-Media-sa-Paggamit-ng-
Wika

Cavite State University (2017). Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino from
https://www.studocu.com/ph/document/cavite-state-university/human-resource-
management/pananaliksik-epekto-ng-social-media-sa-wikang-filipino/22096734
Magtibay, L.D. (2015). Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino from
https://www.scribd.com/doc/284753606/Ang-Epekto-Ng-Social-Media-Sa-Wikang-Filipino-
Sa-Mga-Mag-Aaral-Ng-PNTC-Sa-Unang-Antas
Bhoxsnylrej, D.A. (2014). Epekto ng Facebook from
https://www.scribd.com/document/250022284/epekto-ng-facebook-1-doc
Ian D. (2019). Epekto ng Paggamit ng Facebook from
https://www.scribd.com/document/431406967/Mga-Epekto-Ng-Paggamit-Ng-Facebook

https://www.scribd.com/document/518924915/Epekto-ng-Social-Media-sa-Paggamit-ng-
Wika
CURRICULUM VITAE

NORHAILA P. SARIP

Bo.Green, Lanao Del Sur

0926-692-8455

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: November 09, 2006

Lugar ng Kapanganakan: General Hospital Quezon City, Manila

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Abdul Cader B. Sarip

Saira M. Pangali
JASMINAH LANTO MARUHOM

Basak Malulut, Purok 1 Marawi Ciy

0963-583-0655

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: July 11, 2006

Lugar ng Kapanganakan: Sureway, Maternity Iligan City

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Samanona Saripada Maruhom

Omina Sarip Lanto


MAYRA G. LAMPACO

Substation Matampay, Marawi City

0975-628-7012

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: Abril 03, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Bo. Salam Marawi City

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Mardan P. Galo

Raquela D. Lampaco
ROSENIFAH SAMBOLAWAN

MSU, Housing Marawi City

0970-544-1713

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: February 23, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Tugaya, Lanao Del Sur

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Alinader Sambolawa

Rohanie Esmail
TAMANO, HANA SOPHIA

BRGY. Sikap MSU Marawi

0919-273-3238

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: February 24, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Manila City

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Sharon R. Tamano

Noraisa A. Tamano
MOSANIF, AINOL RAHMAN I.

Batal, Marantao LDS

0905-320-4128

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: February 06, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Iligan City

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Moh’d Ali M. Usman

Noresma A. Ismail
RAMOS, SAADODIN B.

Marawi City, Brgy. Cadayonan II

0977-198-0357

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: June 02, 2005

Lugar ng Kapanganakan: Sanitarium, Iligan City

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Saanodin M. Ramos

Sharifa Jeaniza B. Ramos


MAGANGCONG, MUSANIF M.

Maul, Marantao LDS

0955-483-5239

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: February 10, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Maul, Marantao LDS

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Amerodin U. Magangcong

Khadijah M. Magangcong
MAGONDAYA, JAFFAR

Tampilong, Marawi City

0963-134-4875

Personal Na Datos:

Petsa ng Kapanganakan: April 26, 2003

Lugar ng Kapanganakan: Tampilong, Marawi Cit

Civil Status: Single

Tribo: Maranao

Relihiyon: Islam

Nationality: Filipino

Mga Magulang: Esmail Tacder Mangondaya

Zaalica Hadjizaman

You might also like