You are on page 1of 41

Republic of the Philippines

MARINDUQUE STATE COLLEGE Page


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 1

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG- AARAL

Panimula

Ang Social Networking Sites ay isang mahalagang bahagi ng makabagong

teknolohiya na nagsisilbing sanggunian ng mga taong nagnanais manaliksik ng iba’t

ibang impormasyon at kagamitan na nakaapagpapadali ng proseso ng ating

komunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang bawat indibidwal ay madaling magkaroon ng

mas matibay na komunikasyon sa kabila ng malaking distansya ng mga taong nagnanais

magkaroon ng ugnayang sosyal, mapa- ibang bansa man o lokal. Ang paggamit ng social

networking sites na ito ay isang kagamitan na nakapagpapadali ng proseso ng ating

komunikasyon. Ito ay lumilikha ng iba’t ibang ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong

may magkakatulad na interes, gawain, karanasan o mga ugnayan sa tunay na buhay.

Dahil sa mga social networking sites, mas napapadali ang pakikisalamuha ng bawat isa.

Madali na ring nakikita at nakakausap ang mga taong madalas na lang makita ng

personal. Maliban pa dito, mas napapadali na ang pangangalap ng mahahalagang

impormasyon o datos at makatulong na madagdagan ang ating kaalaman. Subalit ang

pamamaraang ito ay may kaakibat na mga positibo at negatibong resulta sa mga

nakikinabang na marapat na bigyang pansin at agarang solusyon. Ang mga kaalaman na

ito ay makatutulong sa madla upang magkaroon ng malawak na pang-unawa sa nasabing

aspeto.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 2

Ayon kina Boyd at Ellison (2007), “ang networking sites ay serbisyong web-

based na nagbibigay sa mga indibidwal na bumuo ng isang pangpublikong profile. Ang

profile na ito ay isang impormasyong pormal na binigay kapag nakarehistro sa isang

system. Ito ay nagiging sikat sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibidwal na

makakilala ng ibang tao.” Ang lahat ng tao ay malayang makagamit ng networking sites.

Sa paggamit nito, makakakilala tayo ng iba’t ibang taong gumagamit din nito at

magkaroon ng kaibigan sa pagitan ng mga estrangero. Ayon pa sa kanila, ang pag- unlad

ng networking sites ay nagsimula sa isang websayt. Sa websayt na ito, nabibigyan ng

pagkakataon ang mga tao na makagawa ng profile. Nakatulong din ito sa mga tao para

makakonekta at makapagpadala ng mensahe sa mga kaibigan. Sa paggamit ng

networking sites, napapadali ang komunikasyon ng bawat indibidwal. Naipapahayag ng

bawat isa ang kanilang mga mensahe ng madalian patungo sa ibang taong gumagamit din

nito.

Ang mga networking sites ay naglalaman ng mga madadaling salita para lubos na

maintindihan ng mga gumagamit. Sa kasalukuyan, maraming indibiwal na ang

gumagamit ng iba’t ibang networking sites. Sa bawat indibidwal na nakikilala natin sa

pamamagitan ng networking sites, nalalaman natin ang kanilang mga katangian. Maaari

din ang kanilang personal na impormasyon. Madali tayong maging konektado sa lahat

kahit na tayo’y may iba’t ibang kaugalian, ideya o hilig. Sinabi ni Armstrong (2010),

“maaaring tumagal ang mga social networking sites na ito ngunit nakasalalay ito sa

milyon- milyong gumagamit nito.” Dahil madali na lamang makakonekta sa mga

networking sites na ito, marami na sa mga gumagamit lalong lalo na ang mga estudyante
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 3

ay nagsisimula ng umasa na makakuha ng mga impormasyon o mga kasagutan sa

pamamagitan nito. Karagdagan pa dito, nakatutulong ang social networking sites na ito

upang madagdagan ang kaalaman pagdating sa pananaliksik, talaarawan at iba pa.

Makatutulong din ito upang makakakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga sikat at

napapanahong isyu. Ayon kay Green (2008), ang sikat na isyu o usapan ay nakabase sa

mga politiko, agham at teknolohiya, mga artista, nakakamanghang katotohanan at mga

bagong tuklas na kaalaman. Isang malaking pagkakaton ang social networking sites

upang makapangalap ng impormasyon sapagkat maraming artikulo ang makikita dito.

Ang mga social networking sites ay hindi lamang nakakabuti para sa mga

gumagamit dahil ang ibang sites ay naglalaman ng hindi akma para sa lahat, tulad na

lamang ng pornograpiya, mga kumakalat na mga hubad na litrato at iba pa. Maliban pa

dito, ayon kay Wallace (2000), ang paggamit ng social media ay nag- uugnay sa madalas

na paggamit ng mga kabataan ng mga malalaswa o agresibong salita. Ang paggamit nito

ay nakakatulong upang magkaroon ng mga bagong kaalaman, ngunit hindi lamang sa

magagandang bagay kundi gayundin sa mga masasamang gawain.

Ayon kay Ball (2012), sa bansang Rusya ay talamak ang lubusang paggamit ng

iba’t ibang social sites na napapakinabangan ng mga netizens sa maraming paraan.

Bukod sa pagiging aktibo ng mga tao sa dimensyong ito, madami din ang matagumpay

na social networking sites na nagmula sa nasabing bansa. Samantala, ipinahayag naman

ni Ellison (2007) na ang ilan sa mga sites na ito ay ginawa upang magkaroon ng

promosyon sa magagandang tanawin sa lugar.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 4

Isinalaysay naman ni Cascaro (2013) sa kanyang artikulo na sa kabila ng

malawakang paggamit ng mga social media sa buong mundo, sa bahaging urban ng

Mindanao, may iilan pa ding hindi mulat sa inobasyong ito. Dulot ng kahirapan, nagiging

malabo ang pagiging bukas ng ilang mamamayan sa ganitong larangan. Sa kabilang dako,

inilahad naman nina Acut, Magsayo, at Caparoso (2016), na ang mga kabataa’y nagiging

kasali sa grupo ng mga netizens sapagkat ang iba’t ibang sites ay maaaring

makapagbigay impormasyon kaugnay sa kanilang napapag-aralan. Madaming mag-aaral

ang itinuturing na kalamangan ang pagkakaroon ng social networking sites upang mas

tumaas ang kanilang marka sa paaralan.

Sa kasalukuyan, sa lalawigan ng Marinduke, hindi nagpapahuli ang mga tao sa

larangan ng social sites. Maging ang mga sanggol na anak ay ginagawan nang kanilang

mga magulang ng mga sites at accounts upang maisabay sa uso. Sa kabilang dako, ito ay

nagsisilbing daan ng mga namumulitiko sa pagpapakita ng kanilang mga naisagawang

proyekto sa ilalim ng kanilang panunungkulan.

Sa bawat paaralan ay itinuturing ang social sites bilang isa sa mga mahahalagang

bahagi na may malaking ambag sa progresyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nagsisilbi itong daluyan ng mga ibinabahaging handouts mula sa ahensya ng edukasyon.

Ang kakulangan ng nailimbag na libro sa ibang paaralan ay napupunan ng mga

magagamit na librong nasa anyong pdf na maaaring mai-download ng kahit sinong

nangangailangan.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 5

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating makabagong panahon, ang lahat ng bagay ay

maaaring mangyari sa mura at mabilis na proseso o paraan. Laganap na ang ibat ibang

“Social Networking Sites” na ito at pwedeng magamit ng sinuman na walang pinipiling

oras o panahon. Malaki ang naitutulong nito para sa mga kabataan nag-aaral upang

makakalap ng ibat ibang impormasyon, subalit sa kabila nito ay may epekto ring

naidudulot dahil sa hindi wastong paggamit. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang

magkaroon ng kamalayan ang bawat indibidwal, lalong lalo na ang mga kabataang. Ito

din ay magpapahayag ng mga epektong maaaring maidulot ng dimensyong ito, positibo

man o negatibong kahihinatnan ng paggamit nito.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 6

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay sadyang inilahad ng mananaliksik upang mabigyang

pansin at masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga mag- aaral ayon sa:

1.1.Kasarian

1.2.Edad

1.3.Kurso

2. Ano- anong networking sites ang madalas gamitin?

3. Ano ang maitutulong ito sa pag- aaral?

4. Mayroon bang mahalagang kaugnayan ang social networking sites sa

akademikong pagganap ng mga mag- aaaral sa iba’t ibang mag- aaral?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral ng

Marinduque State College, Matalaba Santa Cruz, Marinduque. Ang tanging kasangkot sa

pananaliksik na ito ay ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang programa ng

nasabing paaralan.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 7

Layunin ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matuklasan ang mga epekto ng social

networking sites sa piling mag- aaral mula sa iba’t ibang programa ng Marinduque State

College. Naglalayon din itong matuklasan kung mayroon bang kaugnayan ang mga

epekto ng social networking sites at ang pag-aaral ng mga piling mag- aaral mula sa iba’t

ibang programa.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maisagawa ang sumusunod na layunin:

1. Upang masiyasat ang maaaring epekto ng social networking sites sa mga estudyante.

2. Upang masuri ang kapakinabangan ng social sites sa pagiging isang estudyante.

Kahalagahan ng Pag- aaral


Ang pag- aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng mga epekto ng mga social

networking sites sa mga piling mag- aaral mula sa iba’t ibang programa ng Marinduque

State College. Ang magiging resulta ng pag- aaral na ito ay magsisilbing kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag- aaral – ang pananaliksik na ito ay magiging gabay ng mga mag- aaral sa

mabuting paggamit ng social networking sites.

Sa mga magulang – malalaman nila ang dahilan kung bakit ang kanilang mga anak ay

madalas gumagamit na social networking sites at gayundin ang epekto nito sa kanilang

pag- aaral.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 8

Sa komunidad – ito ay magiging gabay sa wastong paggamit ng social networking sites

tungo sa kapakinabangan ng komunidad.

Sa mga guro – ang pag- aaral na ito ay magsisilbing instrumento upang gabayan ang

kanilang mga estudyante.

Sa paaralan – ang pananaliksik na ito ay magiging gabay sa mga empleyado ng paaralan

para sa epektibong paghuhubog sa mga mag- aaral.

Sa susunod pang mananaliksik – ang pag- aaral na ito ay maaaring maging gabay o

reperensiya kung saan sila maaaring kumuha ng ideya patungkol sa pag- aaral na ito.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 9

Kabanata II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Ang rebyu ng literaturang ito ay naglalaman ng mga impormasyon at detalyeng

kaugnay sa social networking sites, napaggagamitan ng mga social sites, kahulugan at

kahalagahan nito sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon kina Prasad at Sumana (2005), ang social networking site ay nagagamit sa

pakikipagugnayan sa mga kaibigan, kakilala at pamilya. Ito ay naglalaman ng paikot na

daloy ng komunikasyon sa pagitan ng mga taong kasama sa pakikipagpaitan ng ideya at

bagong kaisipan. Ang “social” ay nangangahulugan kung paano makipag-usap ang

isang tao sa kapuwa samantalng ang network namn ay ang nagkokonekta sa mga tao

mula sa iba’t ibang lugar upang makapagpalitan ng mga kaisipan.

Ayon kina Boyd at Ellision (2015), ang Social Networking Sites ay isang serbisyo

na nagdudulot sa isang tao upang makagawa ng isang restriktong propayl sa loob ng

isang sistema gamit ang mga digital devices na kung saan ay naipapahayag ng bawat

indibidwal ang kanilang ideya, nararamdaman, o kaisipan sa grupo ng mga tao.

Gayunpaman, dulot ng mga sites na ito ay nagkakaroon ng pagbabago sa napaglilibangan

ng mga kabataan sapagkat naigugugol ang oras sa pakikipagtalastasan sa social media.

Ngunit ang ibang mag-aaral ay mas lalong gumaling sa pag-aaral sa tulong ng mga

naibibigay na impormsyon ng social sites.Ito ay nagging sanhi din upang magkaroon ng

koneksyon ang bawat isa sa bawat sulok ng mundo.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 10

Ayon naman kina William, Boyd, et,al. (2009), itinuring na pinakaprogresibong

daluyan ng komunikasyon ang internet. Batay sa kanilang naging surbey, malaking

porsyento ang bumibisita ng mga social networking sites na nagagamit sa pakikipausap at

pakikipagkoneksyon sa iba’t ibang tao. Ang mga social sites na ito ay nabibisita ng mga

users upang gamitin sa negosyo, personal na interes, o di kaya naman ay para sa

akademikong perspektibo. Batay kay Salita (2009), napapansin ng mga may negosyo ang

kahalagahan ng social networking sites sa kanilang buhay. Sa pamamagitan nito,

gumagamit sila ng iba’t ibang estratehiya para maisulong at makilala ang kanilang mga

produkto. Labis na ang gumagamit ng mga social networking sites na ang ilan ay may

layuning makapagsulong ng kanilang mga produkto.

Ipinahayag naman nina Oche at Aminu (2010) na mayroong direktang relasyon

ang maoobserbahan sa pagitan ng paggamit ng social media at sa akademikong pagganap

ng mga mag-aaral sa paaralan. Ang social sites ay nakatuon sa pagpapatibay ng

pakikipagkapwa ng mga tao na nagbabahagihan ng parehong interes. Ang ibang mag-

aaral ay mas nakukuhang mag-online sa halos lahat ng oras at nalilimutan na nilang

gumawa ng gawaing pampaaralan. Samantalang ang iba naman ay mas nahalinang mag-

aral dulot sa malawak at espisipikong detalyeng naibibigay ng internet.

Batay naman kay Olubiyi (2012), sa kasalukuyan, madaming mga estudyante ang

masyadong natutok sa social media na ang karamihan ay dalawampu’t apat na oras ng

nakaonline. Ayon din sa mga naoobserbahan, maging sa mga silid-aralan habang

nagtuturo ang mga guro ay may mga iilang mag-aaral pa din ang gumagamit ng social

sites. Pinatunayan ni Young (1996), may dalawang klaseng gumagamit ng social


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 11

networking sites, ito ay ang “dependent” na gumugugol ng tatlumpo’t siyam na oras sa

internet para sa sosyal na pakikipag- usap at pakikipag- ugnayan. Samantala, ang

“independent” naman ay gumagamit ng limang oras lamang para sa “net surfing” o

“email”.

Idinetalye naman nina Obi, Bulus, Adamu, at Sala’at (2012) sa kanilang pag-aaral

na ang paggamit ng iba’t ibang sites ay mayroon ding epekto sa paggamit ng salitang

ingles at ang pagsasaayos ng balarila bago ipost sa kanilang mga propaly.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 12

Teoritikal na Balangkas

Ang teoritikal na balangkas na ito ay naglalaman ng mga teoryang iminungkahi

ng mga propesyonal sa kanilang pag-aaral na maaaring maiugnay sa pagsusuring

kasalukuyang isinasagawa ng mga mananaliksik.

Ang Epekto ng Social Networking Sites ay masusuportahan ng Signaling Theory

ni Donath (2007) at Warranting Theory ni Walter (2008). Ang Signaling Theory ay

nagpapahayag na kaakibat ng social sites ang pagsasagawa ng mga pekeng propayl,

pagpapanggap at pakikipagusap sa di-kakilala. Bukod pa dito, sinasaad ng teorya na may

malaking kaibahan ang karakter ng isang tao sa Social Networking Sites at sa mismong

personal na pakikipagkapuwa. Sa kabilang dako, ipinapaliwanag naman ng Warranting

Theory na ang pagkakaroon ng panghuhusga sa isang tao ay nakabase sa mga

pampublikong propayl ng isang indibidwal. Ang tuon ng teoryang ito ay kung paano

inilalarawan ng isang tao ang ugali ng kapuwa gamit lamang ang ugaling naobserbahan

sa social media.

Ayon sa teorya ni Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal

na pag- aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng internet ay may kinalaman

sa pagtaas ng depresyon at madalang na uganayan sa mga kaibigan at pamilya. Isang

surbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph. D. sa 13,000 mag- aaral sa kolehiyo sa

walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng internet upang makilala

kung paano nito naapektuhan ang pakikihalubilo at akademikong pamumuhay.

Lumalabas na ang tipikal na gumagamit ng internet ay kumokonsumo ng 100 minuto


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 13

bawat araw at ang maliit na grupong ito ang nagsasabing ang internet ay humahadlang sa

ilang aspeto ng kanilang buhay.

Konseptwal na Balangkas

Nakpag-iisang Baryabol Di- nakapag-iisang Baryabol

Social Epekto sa mga


Networking Sites Mag- aaral

Diyagram 1. Paradym ng Pag- aaral

Ang diyagram 1 ay nagpapakita ng dalawang uri ng baryabol, ang nakapag-iisang

baryabol at di- nakapagiisang baryabol. Sa nakapag-iisang baryabol nakapaloob ang ibat-

ibang uri ng mga social networking sites at ang mga epekto naman ng mga social

networking sites ay nakapaloob sa di nakapag-iisang baryabol.

Ayon kina John Barnes at J. Clyde Mitchel, ang social networking theory ay

nagpapakita ng relasyong social na kung saan ang kakayahan ng teoryang social network

ay nagmula sa iba’t ibang pag- aaral sa sosyolohiya na maaaring katangian ng bawat

aktor. Ang teoryang ito ay nagbigay daan upang makatulong sa pagpapaliwanag ng mga

tunay na pangyayari, maaari ring makaempluwensya sa pagkamit ng tagumpay.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 14

Depinisyon ng Terminolohiya
Ang sumusunod na mga terminolohiya ay binigyang kahulugan ng mga

mananaliksik ayon sa pagkakagamit:

Websayt. Isang sangay ng teknolohiya na kung saan maaaring makagawa ng iba’t

ibang uri ng social networking sites.

Estranghero. Mga taong hindi kilala ng personal na kilala lamang batay sa mga

impormasyong nakatala sa social networking sites.

Propayl. Isang pampublikong impormasyon ng isang indibidwal na nakarehistro

sa isang sistema.

Social Networking Sites. Ito ay mga website na maaaring masalihan ng sinuman

sa pamamagitan ng internet na nakapagbibigay ng malawak na impormasyon at

nagagamit bilang komunikasyon ng bawat gumagamit.

Interes. Ito ay patungkol sa iba’t ibang hilig at mga kagustuhan ng bawat

indibidwal.

Agresibong Salita. Mga salitang hindi angkop na maggamit ng lahat na maaaring

makasakit sa damdamin ng iba at maaaring makasira sa koneksyon ng bawat isa.

Mga Netizen. Tawag sa mga taong gumagamit ng social media.

Mga Propesyonal. Mga taong mayroong malawak na kaalaman at mataas na

pinag- aralan patungkol sa social networking sites


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 15

Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagtatalakay sa mga ginamit ng mga

mananaliksik sa pag-aaral. Ang mga ito ay ang disenyo ng pag-aaral, lugar ng

pananaliksik, populasyon ng pag-aaral, instrumentong ginamit sa pag-aaral, pamamaraan

ng pangangalap ng impormasyon at ang istatistikang ginamit sa pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang paglalarawang pagsisiyasat. Ayon kina

Edmonds at Kennedy (2012), ang kwantitatib na disenyo ng pag-aaral ay isang istruktura

na nagpapahayag kung alin ang impormasyong kokolektahin, kalian isasagawa ang

interbensyon ng pag-aaral at ang mga taong makapagbibigay ng kasagutan.

Makatutulong ito upang malaman ang mga epekto ng social networking sites sa

piling mag-aaral mula sa iba’t ibang programa ng Marinduque State College. Ang

disenyo ng pag-aaral na ito ay nagbibigay-diin sa pangangalap, pagkaklasipika at

pagpapakita ng mga datos. Ito ay koleksyon ng pangkalahatang katangian ng datos.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 16

Lugar ng Pananaliksik

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa sa Marinduque State College, Matalaba Santa
Cruz Marinduque. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maisagawa sa Santa Cruz,
Marinduque na kung saan ay kasalukuyang nag- aaral ang mga mananaliksik.

MSC STA. CRUZ


(MATALABA)

Diyagram 2. Lugar ng Pananaliksik

Populasyon ng Pag- aaral

Ang target na populasyon ng pag- aaral na ito ay ang mga piling mag- aaral mula

sa 4th year Pre- Elem, 4th year A- General Education, 4th year B- General Education, 1st

year General Education, 1st year AB Political Science at 1st year Information System.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 17

Instrumento ng Pananaliksik

Upang matukoy ang epekto ng networking sites sa piling mga mag- aaral mula sa

iba’t ibang programa ng Marinduque State College, Santa Cruz branch, ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng survey sa pamamagitan ng kuwestyonaryo na pinamahagi

at pinasagutan sa mga respondente. Ang kuwestyonaryo ay binubuo ng mga posibleng

epekto ng mga social networking sites sa pag- aaral ng mga mag- aaral.

Istatistikang Ginamit sa Pag-aaral

Ang mga sumusunod na istatistikang formula ang gagamitin ng mga mananaliksik

sa pag-aanalisa at pakahulugan ang makakalap na impormasyon.

1. Weighted Mean

Upang makuha ang weighted mean, ang frequency ng respondents sa bawat item ay

imumultiply sa kakatumbas na numero.

WM = weighted mean

=kabuuang weighted frequency

= kabuuang frequency
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 18

2. Percentage

Upang masagot ang mga propayl ng mga piling mag- aaral mula sa iba’t ibang

programa ng Marinduque State College, Santa Cruz branch, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng percentage gamit ang sumusunod na pormula.

Pormula: P= f/n × 100

Kung saan ang;

P= percentage

f= frequency

n= number of cases

Paraan ng Pananaliksik

Ang bahaging ito ay magtatalakay ng mga hakbang upang makuha ang mga

kinakailangang datos. Ito ay natapos sa loob ng apat na bahagi.

Unang bahagi: ang mga mananaliksik ay bumuo ng kuwestyonaryo na

ginamit sa pangangalap para sa kinakailangang datos.

Ikalawang bahagi: ibinahagi ng mga mananaliksik at pinasagutan ang

kuwestyonaryo sa mga respondent.

Ikatlong bahagi: ang mga mananaliksik ay nagsimulang magtara,

magkwenta, at bigyang pakahulugan ang mga nakalap na datos.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 19

Kabanata IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga pagsusuri at interpretasyon ng mga

nakalap na datos. Ang resulta na nakuha mula sa mga piling mag- aaral mula sa iba’t

ibang programa ng Marinduque State College ay ipapakita sa pamamagitan ng mga

talahanayan. Nakabase ang resulta ng pag- aaral sa binigay na mga tanong na inilahad sa

kabanata 1.

Talahanayan 1.1. Kasarian ng mga respondent

Kasarian Frequency Percentage

Lalaki 144 80%

Babae 36 20%

total 180 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 1.1 na mayroong 144 na mga lalaki at 36 na mga

babae ang nagging kabilang sa mga respondente. Mapapansin na umabot ng 80% ang

bahagdan ng mga kalalakihang mag- aaral mula sa iba’t ibang programa, samantalang

20% naman ang porsyento ng mga babae na kabilang sa mga respondente. Ito ay

nangangahulugan lamang na mas madaming kababaihan ang gumagamit ng social

networking sites kaysa sa mga lalaking respondent.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 20

Ayon kina Wiley at Sisson (2006), mahigit 90% ng mga mag-aaral ng kolehiyo ay

gumagamit ng mga Social Networking Sites. Ipinahayag naman nina Bonds at Raacke

(2008) sa kanilang pananaliksik na sobrang kinahihiligan ng kababaihan at kalalakihan

ang iba’t ibang SNS subalit mas madalas pa din na babae bukas ang mga kaisipan sa

pagagamit ng mga SNS.

Talahanayan 1.2. Edad ng mga respondent

Edad Frequency Percentage

23- 24 8 4%

21- 22 22 12%

19- 20 78 43%

17- 18 72 41%

total 180 100%

Ipinapahayag naman ng Talahanayan 1.2 ang bahagdan ng mga mag-aaral batay

sa edad ng bawat estudyante. Sa pamamagitan ng talahanayang nasa itaas masasabing

madami sa mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang programa ay kasalukuyang nasa ika-

labing siyam hanggang ika-dalawampu na taong gulang sapagkat ito ay mayroong

bahagdan na 43%. Samantalang umabot ng 41% ang bahagdan ng mag- aaral na may

gulang na labing pito. Gayunpaman, sa 180 na respondante na gumagamit ng social

networking sites, 78 na mag-aaral ay nasa gulang na labing siyam hanggang dalawampu

at 8 lamang ang nasa ika- dalawampu’t tatlo hanggang ika- dalawampu’t apat taong
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 21

gulang. Iminungkahi naman ni Lewis (2008), na ang mga kabataan talaga ang mga

nangunguna sa paggamit ng social media upang maging updated sa mga bagay-bagay.

Ang mga naunang henerasyon ay hindi na masyado pasok sa mga ganitong usapin. Ayon

naman kay Kist (2008), sa kabila ng magkakaibang henerasyon, hindi naging hadlang sa

iba’t ibang gulang ang maging kabilang sa mga sites subalit mas madami pa din ang mga

kabataang nakikinabang sa iba’t ibang social sites.

Talahanayan 2. Mga networking sites na madalas gamitin ng mga piling mag-aaral mula
sa iba’t ibang programa.

Social Networking Sites Weighted Mean Interpretasyon

1. Facebook 4.41 madalas

2. Twitter 2.14 minsan

3. Instagram 2.61 medyo madalas

4. Google 4.25 madalas

5. Yahoo 2.3 minsan

6. Tumblr 1.61 minsan

7. Youtube 3.64 madalas

8. Viber 1.69 minsan

9. Skype 1.86 minsan

10. My space 1.44 di- gumagamit


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 22

Pinapakita sa talahanayan 2, na ang mga social networking sites na madalas

gamitin ng mga piling mag- aaral mula sa iba’t ibang programa ay ang facebook na may

weighted mean na 4.41, sumunod ang google na may 4.4 na weighted mean at youtube na

may 3.64 na weighted mean. Ang instagram, twitter, yahoo, viber, skype, tumblr, at my

space ang mga socialng networking sites ang nakakuha ng mas mababang weighted

mean.

Ang naging resulta ay masusuportahan ng pag-aaral ni Smith (2011), na

nagsasabing ang facebook ang pinakapopular sa mga mamayan ng Amerika. Mahigit

pitumput-pitong bahagi ng populasyon na nasabing bansa ang nadiskubreng gumagamit

ng social networking na ito. Ang ilan sa kanilang mga rason upang magbukas ng mga

accounts ay upang maging updated sa mga pangyayari, magkaroon ng ugnayan o

kakilala, maibahagi ang personal na interes, o kaya naman ay para makakilala ng mga

bagong kaibigan o kapares sa buhay. Ang snapchat, youtube, instagram, yahoo, tumblr,

viber, skype, at my space naman ay naitalang ‘di nagagamit ng mga mag-aaral sapagkat

mas malaki ang bahagdan nito sa kolum ng nasabing hindi nagagamit ng mga mag- aaral.

Samantalang inihayag naman nina Moran, Seaman at Tinti-Kane (2012), ang youtube

naman ay isa din sa madalas gamitin ng mga mag- aaral ‘pagkat ito ay naglalaman ng

mga panoorin na nagbibigay ng mga kasagutan sa mga gumugulo sa bawat isipan.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 23

Talahanayan 3. Naitutulong ng Social Networking Sites sa pag- aaral

Social Percentage
Networking Sites Interpretasyon
5 4 3 2 1

1. Facebook 10 29 48 7 6 Napapabilis ang

komunikasyon

2. Twitter 7 22 25 12 34 Walang naitutulong

3. Instagram 2 27 29 7 35 Walang naitutulong

4. Google 62 11 3 23 1 Madaling gumawa ng

takdang- aralin

5. Yahoo 13 13 20 15 39 Walng naitutulong

6. Tumblr 2 10 10 13 65 Walang naitutulong

7. Youtube 35 22 14 19 10 Madaling gumawa ng

takdang- aralin

8. Viber 2 12 16 10 60 Walang naitutulong

9. Skype 3 8 29 7 53 Walang naitutulong

10. My space 0 8 13 8 7 Walang naitutulong

Ipinapakita sa Talahanayan 2, na ang google na may percentage na 62% na kung

saan madaling gumawa ng takdang aralin, gayundin ang youtube ng may percentage na
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 24

35. Samantalang ayon sa mga respondente, ang facebook ay nakapagpapabilis ng

komunikasyon na may percentage na 48%. Ang iba namang natitirang social networking

sites ay walang naitutulong.

Ayon kay Csikzentmihalyi (1977), ang paggamit ng mga networking sites na ito

ay nakakahuli ng panlasa na tao na kung saan ay nag-uudyok sa kanila na makilahok sa

isang particular ng Gawain. Ayon naman sa pag- aaral nina Finneran at Zhang (2003),

ang mga ito ay kasangkapan upang makapaggawa ng mga takdang- aralin na kung saan

ito ay makatutulong. At ayon naman kay Hofstede (2010), ang facebook bilang

networking sites isang daluyan ng impormasyong maaaring makuha at makarating sa

iba’t ibang panig ng mundo.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 25

Kabanata V
BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kasagutan sa mga problema na


inilahad sa kabanata I, ang konklusyon at ilang rekomendasyon ay nakabatay sa resulta
ng pag- aaral

Pagbubuod ng Resulta
Ang layunin ng pag- aaral na ito ay matukoy ang epekto ng social networking

sites sa mga piling mag- aaral mula sa iba’t ibang programa ng Marinduque State

College.

Ang diskreptikong pamamaraan na ito ay kinapapalooban ng questionnaire na

kung saan ito ang naging pangunahing instrumento ng pag- aaral na ito na kung saan ito

ay binubuo ng tatlong bahagi. Una, ang personal na propayl ng mga respondent. Ikalawa,

ang social networking sites na madalas gamitin ng mga piling mag- aaral at ikatlong

bahagi ay ang epekto nito.

Mayroong 180 na respondent na nagmula sa 4th year General Education A at B, 1st

year General Education, 4th year Pre- Elementary, 4th year AB Political Science, 1st year

Information System sa Marinduque State College, sa sangay ng Santa Cruz.

Ang mga natuklasan sa pag- aaralan na ito ay ang sumusunod:

1. Ang karamihan sa mga respondente ay mga lalaki at nasa edad na 19 hanggang 20.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 26

2. Ang social networking sites na madalas gamitin ng mga ay ang facebook, google at

youtube na mayroong pinakamataaas na weighted mean.

3. Ang mga nasabing madalas na gamiting social networking sites ay nadiskubreng

makapagpapabilis ng komunikasyon, makapagpapadali ng pagtakdang- aralin ang

naging epekto sa paggamit ng social networking sites ng mga piling mag- aaral na

nagmula sa iba’t ibang programa.

Konklusyon

Batay sa resulta ng pag- aaralan, ang mga social networking na madalas gamitin

ng mga piling mag- aaral mula sa iba’t ibang progarama ng Marinduque State College ay

nasabing nakatutulong at may magandang nagagawa.

Rekumendasyon

Sa tulong ng buod ng mga nakalap at konklusyon, ihahandog ng mga

mananaliksik ang sumusunod na rekumendasyon.

1. Isulong ang pagkakaroon ng wifi connection sa buong paaralan na may mabilis na

internet upang magamit sa pag- aaral ng mga mag- aaral.

2. Maglaan ng limitadong oras para sa paggamit ng social networking sites.

3. Matutong suriing mabuti ang bawat impormasyong nakukkuha mula sa upang

maiwasan ang anumang uri ng diskusyon.


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 27

Bibliography
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 28

BIBLIOGRAPHY

Victory, L. (2010). Social networking most engaging in the Philippines from


http://www.zdnet.com/victory.pdf
Atul, T. (2015). How PH gov't can use social media more effectively. Retrieve Apr 26
2015
http:// srnhsfilipino.blogspot.com/2016/11/epekto-ng-social-networking-sites-
sa.html?m=1
Onyeka, C., Sajoh, I., & Bulus, D., the effect of social networking sites usage on the
studies of Nigerian students. www.theijes .com.pdf. Volume 2.
http://theorycscw.files.wordpress.com. Social signalling theory: theory with a capital T-
wordpress.com
EM, Bryant. (2011) A functional approach to social networking sites from
http://pdfs.semanticscholar.org. pdf
June, A., (2011) the effect of social networking sites on adolescent’ social and academic
development: Current theories and controversies from https://doi.org/10.1002/asi/21540
Kraut R, Patterson, M., Lundmark, V. Kiesler S., Mukopadhyay, T., Scherlis, W., . Am
Psychol. 1998 Sep;53(9):1017-13. https://www.ncbi.nlm.nih.gov
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 29

Curriculum Vitae
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 30

“Success occurs when opportunity meets

preparation”

Pangalan: Jaivy Revilloza Peñafiel

Palayaw: Ai- Ai

Araw ng Kapanganakan: April 22, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Baguidbirin SCM

Tirahan: Brgy. Baguidbirin SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Mga Magulang: Mr. Jaime Peñafiel

Mrs. Evelyn Peñafiel

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Day Care: Brgy. Baguidbirin Day Care Center

Kindergarten: Matalaba Elementary School

Elementary: Matalaba Elementary School

Junior High School: Matalaba National High School

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 31

“If you get tired, learn to rest not quit.”

Pangalan: Jet Francis Quindoza Podaca

Palayaw: Jet/ J’cis

Araw ng Kapanganakan: October 01, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Matalaba SCM

Tirahan: Brgy. Matalaba SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Pedro Dumaran Podaca

Mrs. Mary Ann Quindoza Podaca

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Day Care: Brgy. Matalaba Day Care Center

Kindergarten: Matalaba Elementary School

Elementary: Matalaba Elementary School

Junior High School: Matalaba National High School

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 32

“One of the biggest challenges in life is to


accomplish everything without feeling stressed.”

Pangalan: Marigold Revidizo Recaña


Palayaw: Aejhie/Goldie
Araw ng Kapanganakan: March 15, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Banahaw Santa Cruz,


Marinduque
Tirahan: Bagong Silang SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Emmanuel Salomon Recaña

Mely Revidizo Recaña

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Holy Infant Parochial School Pag-Asa Santa Cruz, Marinduque


(S.Y. 2007-2008)

Elementary: Paaralang Timog Sentral ng Santa Cruz Banahaw Santa Cruz, Marinduque
(S.Y. 2013-2014)

Junior High School: Mataas na Paaralan ng Landy Santa Cruz, Marinduque


(S.Y. 2017-2018)

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 33

“Telling the truth and making someone cry is better than telling a lie and making
someone smile”
Pangalan: John Jhenry Fidelino Plata

Palayaw: Jay-Jay

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 13, 2018

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Matalaba SCM

Tirahan: Brgy. Matalaba SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Mga Magulang: Mr. Gerardo Constantino Plata

Mrs. Evelyn Fidelino Plata

Tagapatnubay: Mr. Ubaldo Fidelino Sr.

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Matalaba Elementary School

Elementary: Matalaba Elementary School

Junior High School: Matalaba National High School

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 34

"Never stop learning because life never stop teaching."

Pangalan: Kimberly L. Rey

Palayaw: Kim

Tirahan: Brgy. Matalaba Sta. Cruz Marinduque

Araw ng Kapanganakan: July 02, 2001

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Matalaba SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Rhonierick R. Rey

Mrs. Flora L. Rey

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Matalaba Elementary School

Elementary: Matalaba Elementary School

Junior High School: Matalaba National High School

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 35

"Plan without action is just a dream."

Pangalan: Nichol Constantino Permejo

Palayaw: Nic's

Tirahan: Brgy. Manlibunan SCM

Araw ng Kapanganakan: June 22, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Manlibunan SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga magulang: Mr. Nicanor R. Permejo

Mrs. Evelyn C. Permejo

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Manlibunan Elementary School

Elementary: Manlibunan Elementary School

Junior High School: Matalaba National High School

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 36

"Turn your worries into Prayer's"

Pangalan: Nica Amor Permejo

Palayaw: Nica

Araw ng Kapanganakan: July 25 2001

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Pag-Asa SCM

Tirahan: Brgy. Pag-Asa Santa Cruz Marinduque

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Virgilio Rioflorido Rivdeniera

Mrs. Liwanag Perilla Permejo

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Santa Cruz South Central School

Elementary: Santa Cruz South Central School

Junior High School: Santa Cruz Institute

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 37

"It's better to risk now than to regret later"

Pangalan: Ann Margarette Cajucom Permejo

Palayaw: Magi

Araw ng Kapanganakan: April 06 2002

Lugar ng Kapanganakan: Brgy. Pag-Asa SCM

Tirahan: Brgy. Pag-Asa Santa Cruz Marinduque

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Nolan Perilla Permejo

Mrs. Angelita Rodil Cajucom

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Santa Cruz South Central School

Elementary: Santa Cruz South Central School

Junior High School: Santa Cruz Institute

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 38

"Good things, takes time."

Pangalan: Ralfh Christian Jagong Recto

Palayaw: Rap-Rap, Raffy

Araw ng Kapanganakan: May 06, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Batasan Hills, Qc

Tirahan: Brgy. Pag-Asa SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Eliseo P. Recto

Mrs. Zenaida J. Recto

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Kindergarten: Dolores Elementary School

Elementary: Santa Cruz South Central School

Junior High School: Santa Cruz Institute

Senior High School: Marinduque State College


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 39

Pangalan: Applejane Luci Par

Palayaw: Ajane/Apple

Araw ng Kapanganakan: January 17, 2002

Lugar ng Kapanganakan: Caligangan Buenavista,

Marinduque

Tirahan: Landy Santa Cruz, Marinduque

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Mga Magulang: Mr. Romeo Leona Par

Mrs. Rolinda Luci Par

EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: Marinduque State College

Junior High School: Mataas na Paaralan ng Landy (S.Y. 2017-2018)

Elementarya: Santa Cruz North Central School (S.Y. 2013-2014)

Kindergarten: Caligangan Day Care School (S.Y. 2007-2008)


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 40

Pangalan: Sharmaine Ramento

Palayaw: Maine, Sha

Araw ng Kapanganakan: Hunyo 11, 1998

Lugar ng Kapanganakan:

Tirahan: Brgy. Mongpong SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Santiago Rioveros Ramento

Mrs. Ma. Norie Portento Ramento

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Day Care: Mongpong Day Care Center

Elementary: Mongpong Elementary (2005- 2011)

Junior High School: Mongpong National High School (2014- 2015)

Senior High School: Marinduque State College

“Ang tunay na tagumpay ay wala sa taas ng pinag- aralan, ni sa dami ng yaman. Kundi

ito ay nasa kung paano ka makikitungo at rerespeto sa kapwa mo.”


Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 41

“Work until you IDOLS become your RIVALS.”

Pangalan: Monica R. Mulles

Palayaw: Monica

Araw ng Kapanganakan: December 23, 2001

Lugar ng Kapanganakan:

Tirahan: Kasily SCM

Katayuang Sibil: Single

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Romano Katoliko

Mga Magulang: Mr. Wilfredo Mulles

Mrs. Regina Mulles

KALAGAYANG PANG- EDUKASYON

Elementary: Kasily Elementary School (S.Y. 2008- 2014)

Junior High School: Kasily National High School (S.Y. 2014- 2018)

Senior High School: Marinduque State College

You might also like