You are on page 1of 20

Ang Epekto ng Social Media sa Pag-uugali sa Pamimili ng mga mag-aaral

sa Senior High School ng La Salle College Antipolo

KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Ang pag-uugali ay tumutukoy sa kilos ng isang tao. Ito ay tumutukoy sa

"mannerism" ng indibidwal at ang saklaw ng kanyang kilos. Sa pagnenegosyo,

ang pag-uugali ay ginagampanan ang isang mahalagang bahagi ito man ay

bilang isang namamalakad ng negosyo o bilang isang mamimili. Ang pag-aaral

na ito ay nakatuon sa kung paano nakaaapekto ang mga anunsiyong

pangnegosyo na makikita online sa pag-uugali ng Senior High School Students

sa pamimili sa ganitong paraan. Ito ay isang mahalagang bagay na dapat pag-

aralan sapagkat ang mga ganitong online advertisements at online stores ay mas

nagiging popular na sa panahon ngayon.

Ayon sa "Technology: The Legal Issues of Advertising Online and

Through Social Media" (www.natlareview.com), akda ni Christopher D. Mickus at

Andrew G. May, ang social media ay mas gusto ng mga advertiser at agencies

upang makuha ang atensiyon ng mga mamimili. Mahalaga para sa advertisers at

agencies na maunawaan ang legal na palatuntunan na nakasaad at

ipinapatupad lalo na’t ganito rin ang dapat sundin sa paggamit ng social media.
Tinutukoy nito na ang nilalaman ng mga anunsiyo ay hindi dapat nanlilinlang o

nanliligaw ng mga tao gamit ang mga mapanlokong impormasiyon. Ang mga

nakasaad din sa mga anunsiyo ay nararapat na pawang katotohanan lamang at

sinusuportahan ng mga detalye na magsisilbing ebidensiya na ang mga ito ay

totoo. Dagdag pa dito, ang mga anunsiyo rin ay nararapat na maging patas.

Dahil sa madali at libreng paraan ng pagpapakilala sa produkto, marami

ang natatangkilik sa pag-gawa nito at dahil narin sa dami ng gumagamit ng

social media sa pagbili ng gamit sa mga nagbebenta. Madalas na dumedepende

ang mga mamimili sa kung ano ang nakikita online at ang ganitong desisiyon ay

may badyang panganib dahil hindi lahat ng nakalagay sa social media ay totoo at

ligtas, hindi rin lahat ng nagbebenta online ay katiwa-tiwala sa kanilang produkto

o serbisyo. Kahit na ang social media ay madaling gamitin sa pag-aanunsiyo

meron ding mga alituntunin na kailangan sundin upang protektahan ang

mamimili laban sa mapanlinlang na produkto o serbisyo.

Mayroon ding mga alituntunin sa pag-aanunsiyo batay sa Consumer's

Protecting Law, sapagkat mayroon paring mga pangyayari na ang ibang

anunsiyo online ay mapanlinlang at peke. Napakaraming mapanlinlang na

anunsiyo at posibleng malito ang mamimili kung ang nais ng produkto o serbisyo

ay hindi mapatunayan at walang ebidensya upang suportahan ito. Ang

mapanlinlang na anunsiyo ay itinuturing na isang uri ng panloloko na nililigaw


ang mamimili. Sadya itong ginagawa upang maisahan ang mamimili. Halimbawa,

ang anunsiyo ay nanliligaw kung ang mga advertiser ay walang intensyon sa

pagbigay ng may kalidad na produkto na nakalagay sa online advertisement.

Karagdagan, may mga hindi deklaradong mga babayaran na wala sa kontrata.

Sapagkat ang anunsiyo ay nadadala ng mabubulaklak na salita at ganda

ng kuha ng kamera, ang mga detalye ay pwedeng totoo o hindi, gayunpaman

ang mamimili ay naiimpluwensiyahan at nahihikayat na bumili. Ang online

advertisements ay maaaring magpabago sa tingin ng mga mamimili patungo sa

produkto at ito ay may relasyon sa ugali sa pamimili ng consumer.

Paglalahad ng Suliranin

Ang online advertisements ay madalas na nakikita sa social media na

ginagamit ng mga mag-aaral sa kanilang araw-araw, dahil dito ay marahil araw-

araw ding nakukuha ng mga patalastas na ito ang kanilang atensyon na

maaaring humantong sa desisyon na pagbili ng mga produkto online. Ang pag-

aaral ay sasagutin ang mga mahahalagang katanungan na

makapagpapaliwanag kung anong dulot ng mga ganitong anunsiyo online.

1. Paano nakaaapekto ang online advertisements sa pag-uugali sa pamimili

ng SHS Students?
2. Marami na bang mag-aaral ang naging biktima ng mga mapanlinlang na

produkto na inaalok online?

3. Natutugunan ba ng mga anunsiyong ito ang ekspektasiyon ng mga

mamimili?

4. Anong porsiyento ang makapagsasabi na ang mga mamimili ay mas

naeengganyo mamili dahil sa mga anunsiyong pang-negosyo ?

5. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit mas naging popular ang online

advertisements?

Haypotesis

Ang online advertisements ay may malaking impluwensiya sa pag-uugali

sa pamimili ng SHS na mag-aaral ng La Salle College Antipolo. Mas nahihikayat

ang mga ito na bumili ng isang produkto dahil sa mga nakikita nilang patalastas

online lalo pa at madalas silang aktibo sa social media. Dahil narin dito, ang mga

mag-aaral ay mas madalas nang bumili sa online stores na may kalakip na

positibo at negatibong epekto.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Bukod sa magandang disenyo at anyo ng isang anunsiyo, ang tagumpay

nito ay nakabatay parin sa reaksyon at epekto nito sa mga mamimili. Ang


kahalagahan ng pag-aaral na “ Ang Epekto ng Social Media sa Pag-uugali sa

Pamimili ng Senior High School Students ng La Salle College Antipolo” ay

upang makatulong sa mga kompanya maging ang ibang mga negosyo na

malaman ang mga posibleng epekto ng online advertisements sa mga SHS

Students ng LSCA. Ito rin ay hindin lamang para sa mga kasalukuyang

gumagawa ng mga ganitong anunsiyo ngunit para din sa mga may planong

gumawa ng mga ito. Ang malaman ang mga epekto ng ganitong paraan ay

makabubuti upang malaman kung ano nga ba ang tamang estratehiya upang

maipakilala ang produkto.

Ang pag-aaral ay may kahalagahan sa mga sumusunod:

Mga nagnenegosyo – ang pag-aaral na to ay makatutulong sa kanila na

makagawa ng mga plano kung paano mapakikilala ng mahusay ang kanilang

produkto

Mga batang nagnenegosyo (ABM students) – ito ay dagdag kaalaman kung

sakaling naisin nila na ituloy ang pagnenegosyo; ito rin ay makatutulong sa

kanilang kasalukuyang itinatayong negosyo.

Mga mag-aaral – ito ay mahalagang malaman ng mga mag-aaral sapagkat

marami sa kanila ang nakararanas na makakita ng mga produkto sa social media

maging ang makaranas na bumii rito. Ito ay magsisilbing mahalagang

impormasyon maging aral narin sa kanila.


Mga guro – ito ay maaaring ituro at palawigin pa ng mga guro sa kanilang mga

mag-aaral lalo na’t ang mga ito ay tutok sa social media.

Online advertisers – malaking tulong ito dahil ito ay maaaring magsilbi nilang

batayan sa kung paano mas nahihikayat ang mga mamimili gamit ang online

advertisements.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral sa loob ng La Salle

College Antipolo na silang magpopokus sa SHS Students nito. Ang pag-aaral ay

magbibigay tuon sa kanilang ugali sa pamimili. Sinasaklaw lamang ng pag-aaral

ang online advertisements at personal na ugali sa pamimili ng SHS na mag-

aaral. Ito ay tatalakay sa online advertisements at kung paano nito nakukuha ang

atensiyon ng mga mag-aaral maging kung paano nakaaapketo ang mga ito sa

kanilang pamimili.

Ang pag-aaral na ito ay hindi sasaklawin ang mga taong hindi gumagamit

ng social media bilang paraan ng pamimili ng mga produkto o hindi man lamang

ito ginamit upang tumingin ng mga anunsiyo online.


Kahulugan ng mga terminong ginamit

Mannerism – nakasanayang gawin; nakasanayang pag-uugali

Advertiser – tao o bagay na nanghihikayat sa mga tao sa bumili ng produkto o

serbisyo

Agencies – mga ahensiya na silang nangangasiwa sa mga advertiser at

naghahanap ng mga negosyong nais magpasagawa ng advertisement

Online Advertisement – mga anunsiyo na nakikita online tulad sa social media

Online Stores – mga plataporma na nagsasawa ng pagbebenta online

Anunsiyong Pang-negosyo – mga anunsiyo na may kinalaman sa negosyo o

pagbebenta
KABANATA 2

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumusuri sa epekto ng online advertisements

sa pag-uugali sa pamimili ng mga mag-aaral sa Senior High School ng LSCA.

Bukod dito, nais ding ipaliwanag ng pag-aaral ang mga dahilan kung bakit

nagiging kaakit-akit ang mga ganitong pag-aanunsiyo at kung paanong

nahihikayat nila ang mga mamimili.

I. Mga dahilan kung bakit nakahihikayat ang online advertisements

May mga salik na nagiging dahilan kung bakit naniniwala ang mga tao at

nahihikayat sa bumili dahil sa isang anunsiyo. Sa mga naisagawa nang mga

pag-aaral, narito ang ilan sa mga nagpapaliwanag kung bakit:

 Popularidad

Ang pagiging tanyag ng isang patalastas o anunsiyo, na makikita sa likes,

comments at shares, ay isang malaking ambag sa panghihikayat sa mga tao sa

tignan ito at bilhin din pagdako. Dahil likas na sa mga tao ang sumunod sa uso,

kalimitang makikita ito sa social media na siyang dahilan kung bakit

naaapektuhan ang tao sa pagdedesisyon sa pamimili. Bukod pa rito, ang

popularidad ng isang anunsiyo ay marahil dahil sa popularidad ng tatak ng isang

produkto. Ang paglikha ng katanyagan ng isang produkto ay isang kalakasan


para isang negosyo upang makapagtatag ng magandang reputasyon at imahe

ng buong organisasyon (James, 2010).

Ayon kay Mangold at Fauld (2009), napagtatanto na ngayon ng mga

kompanya ang pangangailangang lumikha ng kanilang sariling presensya sa

social media at ang pagkakaroon ng impormasyon tungkol sa mga konsumer na

silang bumibili ng kanilang produkto. Malaking tulong din na kahit hindi man nila

mapadalhan ng mensahe ang bawat isa ay mayroon parin silang kakayahan na

maimpluwesiyahan ang mga ito dahil sa social media.

 Kalidad ng isang patalastas

Ang aksesibiliad ay ang kakayahan ng mga gumagamit ng social media

na ma-access ang impormasyon at serbisyo na ibinibigay ng online na anunsiyo

(Godwin - Jones, 2001: Hacket and Parmanto, 2009). Nag-uugnay ito sa kung

paano maiimpluwensiyahan ng anunsiyo ang mga saloobin ng konsumer sa

isang mahusay na hitsura at kalidad na maaaring gawing ang mga mamimili ay

maging interesado dito. Ang impormasyon tungkol sa isang larawan ng isang

produkto ay isa sa mga kadahilanan upang ang mga mamimili ay makakuha ng

kumpletong impormasyon tungkol sa mga umiiral na mga produkto sa mga

anunsiyo (Zhang, 2004; Ducoffe, 1996; BrackettdanCarr, 2001; Child, 2004;

Yazeer 2012).

Kung susuriin, mas gusto rin ng mga tao ang online advertisements na

malikhain sa visual, musikang ginamit, graphics at animation, ayon sa isang pag-

aaral na pinamagatang “Effects of Online Advertising on Consumers”. Masasabi


rito na ang mga anunsiyo ay may malaking ambag sa kagustuhan ng tao sa

isang produkto, ngunit ang isang online advertisement ay mas mahusay kung

mga malalaki at kaakit-akit na larawan (Kaila at Mishram, 2016)

Bilang karagdagan sa mga pormal na pormat ng patalastas tulad ng mga

pop-up na nakagambala sa aktibidad sa pagba-browse at nangangailangan ng

agarang tugon ay mas malamang na pisikal na iwasan sa pamamagitan ng

pagsara sa mga ito.(Chatterjee Patralo, 2008). Sa iba pang mga tugon sa

konteksto sa mga ad sa internet na ito ay napag-alaman na ang mga banner at

mga pop-up na mga ad ay parehong nakakainis at mapanghimasok sa aktibidad

sa social media. Ang mga patalastas na nasa banner ay kadalasang mas

napapansin dahil sa kanilang lokasyon sa pahina ng social media at dapat isama

ang maliliwanag na kulay, interactivity, graphics, vidoes, logo, laki at diskwento

(Kozen Kavin,2006)

 Tatak

Ang mga mamimili sa pangkalahatan ay binibili ang isang produkto sa

pag-asa na ito ay nagbibigay ng isang karanasan sa kalidad. Ang mga

kinikilalang tatak ay karaniwang nagpapakita ng pagkakapareho sa kalidad ng

produkto na nag-ambag sa ebolusyon ng tatak. Dahil dito, ang mga tao sa ibang

pagkakataon ay bumibili ng mga item na "brandee" dahil naniniwala sila na ang

mga tatak ay makakatulong sa mas malawak na pagtanggap (Kokemuller, 2018).

Ayon kay Haskins (2015), kapag pinagkakatiwalaan ng mamimili ang

isang brand, bumibili sila ng higit pa. Gusto ng mga mamimili ang kaginhawaan,
kaligayahan at kasiyahan sa kanilang buhay at nakukuha nila ito sa

pamamagitan ng mga produktong binibili nila. Kung ang mga tatak na ginagamit

nila ay nagbibigay sa kanila ng isang positibong karanasan, ang mga mamimili

ay tiwala na ang tatak ay mapagkakatiwalaan.

II. Mga mamimili ng mga online na patalastas

 Kabataan

Ang pitumpu't isang porsiyento ng mga kabataan ngayon ay mga aktibong

gumagamit ng facebook, at ayon sa sarbey na isinagawa noong 2014-2015, 95%

ng mga kabataan ay may akses sa mga smartphone at ang social media ang

pinakamalaking plataporma para sa kanilang pakikipag-ugnayan (Anderson and

Jiang, 2018).

Dahil sa napakalaking popularidad ng social media, nagbigay ito ng isang

kalamangan sa mga marketer. Dahil ang mga kabataan ay malamang na maging

online, kadalasan ay nakakaranas sila ng mga pop-up na ad o mga patalastas na

video. Ang mga kabataan ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan, ngunit ang

direktang advertisement ay hindi gumagawa ng tulad ng isang malaking ingay

(Jhonston, 2018).

Ang mga kabataan ay gumugugol ng maraming pera sa pagbili (Kaplan,

2013). Ang ulat ay nagsasabi na ang 70% ng mga kabataan ay gustong mamili

sa kanilang mga paboritong online store, na nagpapahiwatig na ang mga


kabataan ay namimili ng mas madalas sa online stores kaysa sa mga pisikal na

pamilihan.

 Nagtatrabahong ina

Mula sa lipunan ngayon, ang mga ina ay mayroon ding pribilehiyo na

magtrabaho at kumita ng kita upang maibigay ang mga pangangailangan ng

pamilya. Gayunpaman, dahil sa abalang oras ng trabaho ang mga ina ay may

posibilidad na subukan ang online na pamimili upang makatipid ng mas

maraming oras na papunta sa mga pisikal na tindahan at makapagpalipas

lamang ng libreng oras sa kanilang mga anak upang maging mas praktikal.

Ayon sa isang artikulo "Parents and Ecommerce: Online shopping and

Persona Driven Marketing for Parents" may mga dahilan kung bakit pinipili ng

mga ina o ama na bumili online sa halip na pisikal na tindahan, ito ay dahil hindi

na nila kailangan maghintay sa pila, hindi nila kailangang mag-alala tungkol sa

mga produkto na wala sa stock, maaari silang mamili habang nanonood ng TV at

higit pa. Ito ay lahat ayon sa mga natuklasan mula sa sarbey ng amerikanong

mga magulang (Mallikarjuhan and Erwing, 2012).

 Potensyal na mamimili

Ang ad ay isang mahusay na paraan upang malaman ang tungkol sa mga

produkto or serbisyo na kailangan nila (Tortoise, 2017). Ang mga potensyal na

mamimili ay kasama ang mga mamimili na naghahanap ng produkto o serbisyo

ayon sa kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Maaaring kasama sa

mga ito ang mga karera ng kalalakihan at kababaihan, mga propesyonal, mga
maybahay at maging sa negosyo. Ang mga potensyal na mamimili ay maaari

ring tumingin sa kung anong nag-aalok ng online na negosyo pati na rin ang mga

produkto at pagkakaiba-iba nito. Ang mga kagustuhan ng mamimili ay maaaring

magkaroon ng maliit na gagawin sa mahahalagang pagkakaiba sa mga produkto

ngunit may kaugnayan sa anunsiyo, mga pangalan ng produkto, at mga

natatanging disenyo (Encyclopedia Britannica, 2009.)

III. Epekto ng online advertisement

Ang mabilis na paglago ng impormasyon sa teknolohiya ay pinahusay ang

kahalagahan ng online na advertising. Ang internet ay nagbibigay ng kakayahan

na napakalakas at pangkalahatan na magagamit ito para sa halos anumang

layunin na nakasalalay sa impormasyon at naa-access ito ng bawat indibidwal na

nagkokonekta sa isa sa mga nasasakupan nito (Encyclopedia Britannica, 2009.)

Dahil sa tuluy-tuloy na pagbabago, ang negosyo ay madalas na gumagamit ng

internet bilang isang pagkakataon upang akitin ang mga customer. Ang mga

epekto ng mga online na advertisement sa pagbili ng pag-uugali ng mga

mamimili ay maaaring depende sa merkado na apektado tulad ng mga mamimili

ng bawat tiyak na produkto ngunit sa mga tuntunin ng mga pangkalahatang

epekto ng mga online na mga advertisement, ang ilang mga mananaliksik ay

tinalakay at pinalalim mga ito.


 Benta

Ang isang mahusay na ad ay magpapataas ng mga benta at kamalayan

ng tatak. Ang web ay nag-aalok ng mga advertisement sa mundo ng negosyo na

may rich media tool, interactive na serye at global na pag-abot. (Dr. Surender

Kumar Gupta, 2013) Nag-aalok ang internet advertising ng mas mataas na

kamalayan ng mga kumpanya, isang madaling paraan upang ipamahagi ang

impormasyon, mga advanced na paraan ng pag-target sa mga mamimili ng isang

agarang at direktang linya sa mga mamimili. (Meena, 2017) Sa madaling daluyan

na ito upang i-broadcast ang mga produkto, ang online na mga advertisement ay

lubhang kapaki-pakinabang sa negosyo na maaari itong humantong sa pagtaas

sa mga benta dahil ang isang mas malaking bilang ng mga mamimili ay

maaaring tingnan ang mga ito.

 Kaginhawaan

Ang Internet ay naging isa sa mga popular na gamit sa mga araw na ito at

karamihan ay may access dito. Ang internet ay nagagamit sa mga paaralan,

tanggapan at mga aklatan. Ang paglaganap ng mga internet cafe sa bansa ay

kinikilala rin sa pagtaas sa paggamit nito (Garcia, 2005) Kaya ang access sa

impormasyon ay nagiging madali at walang hirap. Ito ay magiging tunay na

maginhawa para sa mga mamimili upang tingnan lamang ang paggamit ng

kanilang mga telepono o mga gadget sa halip na pagpunta sa pinakamalapit na

tindahan at magtanong nang personal para sa mga impormasyon at mga

polyeto. Sa mga panahong ito, ang surfing ay nagiging pagiging libangan ng


bawat isa na ang ilan ay gumugugol ng mas maraming oras sa online kaysa sa

panonood ng telebisyon at makita ang mga patalastas na ipinapakita rito.

 Pinipintong mga mamimili

Dahil sa madaling paraan upang ipamahagi ang impormasyon, hindi lahat

ng mga ito ay naglalaman ng totoo na ang mga nakikita nito ay maaaring

humantong sa maling impormasyon, at sa mga tuntunin ng mga online na

patalastas, ang mga ito ay mga kaso na ang mga mamimili ay nilinlang ng

nakikita nila online at nagiging biktima ng mapanlinlang na mga advertisement.

Ang mga mamimili ng internet ay may mga acces-of-the-clock sa iba't ibang

pinagmumulan ng impormasyon, na ginagawa itong mas mahusay na kaalaman

at higit na marunong makita ng mga mamimili (Kaila and Mishra,2016) Bagaman

hindi ito mangyayari tulad ng sa lahat ng oras, ang online advertisement ay may

epekto sa mamimili at nag bebenta,


KABANATA 3

Metodolohiya at Pagkalap ng Datos

Ang kabanatang ito ay nagtataglay ng disenyo ng pananaliksik, instrument

sa pananaliksik, populasyon at sampol ng pag-aaral at pamamaraan ng

pagtitipon ng mga datos.

Paraan ng Pananaliksik

Ang paglalarawang pananaliksik ay nagsasangkot ng paglalarawan,

pagtatala, pag-aaral at pagpapakahulugan ng kasalukuyang kalikasan,

komposisyon o mga proseso ng pangyayari nanakatutok sa mga kundisyon na

umiiral , o kung paano ang isang tao, grupo o bagay kumikilos sa kasalukuyan.

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodo upang malaman ang

impormasyon tungkol sa pagbili ng kagustuhan ng mga mag-aaral na senor high

school sa La Salle College Antipolo, ang disenyo ng pananaliksik ay ginamit

upang ilarawan kung paano nakakaapekto ang social media at ang mga

advertisement sa online dito sa ugali ng pamimili ng kabataan.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang populasyon ng pag-aaral ay binubuo ng Senior High School Students ng La

Salle College Antipolo na may gumamit ang mga manananaliksik ng slovin’s

formula upang makuha ang bilang ng sasagot kung saan ito ay lumabas na

walongput siyam (89).


Pinili ang mga sasagot gamit ang pinag-istilong pamamaraan ng pagsasampol.

Ayon sa Stat Trek (stattrek.com), sa pinag-istilong pamamaraan, ang mga

mananaliksik ay hinahati ang populasyon sa magkakahiwalay na grupo,

tinatawag na strata, at sumunod ay kukuha ng posibilidad na sample sa bawat

grupo.

Ang rason kung bakit napili ang Senior High School Students ay dahil ang

henerasyon ngayon ay pinangungunahan na ng teknolohiya at ang mga

kabataan ang may pinakamadaming gamit ng social media at lantad na lantad sa

internet kaya’t sila ang nararapat sa pagsagot ng mga katanungang pangsiyasat.

Baitang at Seksyon Bilang

12H 25

12I 20

12J 20

12K 24

Kabuuhan 89

Instrumento ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang sarbey na ang mga

katanungan ay hindi naglalaman ng mga personal na impormasyon tungkol sa

mga sumasagot. Gayunpaman, ito ay naglalaman ng mga katanungang

kailangan para sa paksa. Mayroong sampung (10) katanungan na kinakailangan

lang lagyan ng mga sumasagot ng tsek ang napili nilang sagot. Ang sampung

katanungang ito ay may batayan sa pagsagot o scale na binibigyang kahulugan

ng sumusunod:

Iskala Kahulugang Berbal

5 Lagi

4 Madalas

3 Madalang

2 Napakadalang

1 Hindi Kailanman

Balidasyon ng Instrumento

Upang magbigay at magtipon ng kaalaman at kaugnay na pagsusuri, ang

mga katanungan sa pagsisiyasat ay ginamit bilang instrumento sa pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga katanungan sa pagsisiyasat na

makatutulong upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pagkatapos

nito, inaprubahan ito ni Gng. Eden Reataza, Gng. Paulette Dela Cruz at G.

Dennis Mejia.
Ang pagsasagawa ng pag-aaral ay inaprubahan din ng punungguro ng

LSCA sa pamamagitan ng isang liham na ipinaabot sa kaniya upang maging

senyales na ang pagsasaliksik ay maaari nang umpisahan.

Paraan ng Pagsasagawa

Sa unang kabanata, ang mga mananaliksik ay nagtulong-tulong upang

makagawa ng mga suliranin para sa pag-aaral na siyang naging gabay sa buong

pagsasagawa nito. Bukod dito, para magawa ang panimula at ang mga

impormasyon na nakapaloob dito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng

pagkalap ng datos at impormasyon sa internet upang maisama sa kanilang

paglalahad ng panimula.

Sa ikalawang kabanata, masuring nagsaliksik ang mga mag-aaral ng mga

kaugnay sa literature mula sa iba’t ibang mga website sa internet. Mahalagang

makakalap nang mabuti ang mga mananaliksik sapagkat dito makikita kung

karapat-dapat ba o may kahalagahan ba ang magiging pag-aaral sa iba pang

tao.

Sa ikatlong kabanata, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sulat na

inaprubahan ni Gng. Eden Reataza ang guro sa pananaliksik, Gng. Paulette

Dela Cruz ABM strand coordinator at G. Dennis Mejia guro sa feasibility na

naglalaman ng intension ng mga mananaliksik na gumawa ng pagsisiyasat sa

loob ng paaralan upang maipaalam sa kanila ang pagsasagawa ng pananaliksik


Dahil dito, nagawa ng mga mag-aaral na makakalap ng datos gamit ang mga

sarbey.

Nagamit ng mga mananaliksik ang mga pinasagutang sarbey sa

pagsasagawa at pag-aanalisa ng kanilang ika-apat na kabanata kung kaya

naman ay nagkaroon ang mga ito ng iba’t ibang interpretasyon base sa sagot ng

mga respondent.

Ang kabuuan at pinagsama-samang impormasyon na makikita sa

ikalimang kabanata ay nagmula sa datos at intepretasyon mula sa ika-apat na

kabanata. Dito ay nasusuring mabuti ang ibig sabihin, ang balidasyon ang

haypotesis at ang pinakasagot sa mga suliranin na nauna nang ipinahayag sa

pag-aaral.

Paglalapat ng Estadistika

Malaki ang tulong ng ganitong mga pamamaraan upang mas lalo pang

maging madali at malinaw ang pag-aanalisa sa mga nakalap na datos. Sa

ganitong mga paraan, hindi magiging mahirap ang pagtingin sa bawat nakalap

na impormasyon pagkat nasa anyo sila ng porsyento, graph o kabuuang bilang.

Magiging madali hindi lamang sa mga mananaliksik ang ganitong estilo kundi

para narin sa mga mambabasa ng pag-aaral.

You might also like