You are on page 1of 30

JMJ Marist Brothers

Notre Dame of Marbel University


Alunan Ave., City of Koronadal

Online Shopping: Mga Salik sa Pagtangkilik at mga Epekto Nito

sa mga Estudyanteng CBA ng NDMU

Isang Pananaliksik na Ihaharap para kay

G. Kenneth Dave M. Dalimbag, LPT

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa


Asignaturang Filipino 102

Nina:
Eleona M. Balajedeong
Katherine Barrientos
Eilen Joyce Bisnar
Ian Kretz A. Fulgencio
Pearl Ann Gesta
Catherine Lorenton
Dannon Christopher Misperos
Daisy Rey Taberdo
2020
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

KABANATA I

ANG SULIRANIN

KALIGIRAN NG PAG – AARAL

Shopee, Lazada, Zalora, iilan lamang ang mga ito sa mga pinakausong
plataporma sa online shopping kung saan dito namimili ang mga indibidwal ng
mga bagay na nais nilang bilhin gamit lamang ang kanilang mga smartphones na
ngayo’y kinahuhumalingan ng bawat isa. Ang mga platapormang ito ay patok sa
henerasyong ito, lalo na sa mga kabataan, k+ung saan karamihan ay nalilibang
sa virtual window shopping at pag – add to cart ng mga produktong nais bilhin.
Nakagawian na rin ng ilang indibidwal ang paghintay at pagtangkilik sa mga
promo na 11.11 o 12.12 kung saan libre ang shipping fee na kadalasang
nagaganap tuwing tumutugma ang petsa sa buwan. Dahil sa mga gimik na ito ay
patuloy na lumalago ang online shopping sa kasalukuyan, ngunit sa kabilang
dako ay may mga katanungang umuusbong; ano ang mga salik sa
pagkahumaling ng mga indibidwal sa online shopping? Ano ang mga epektong
naidudulot nito sa mga indibidwal na tumatangkilik sa online shopping? IIan sa
mga nabanggit na plataporma ng online shopping ay maituturing na bibabalik-
balikan ng mga indibidwal sa pag – oonline shopping sapagkat hindi na nila
kailangan pang pumunta sa mga establisyemento ng mga produkto,
makipagsiksikan, at pumila sa napakahabang linya sa tapat ng bayaran (Mittal,
2017)

Batay sa magasin na Manila Times na nailathala taong 2014, mas pinipili


ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang online shopping dahil
mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas sigurado sila sa kalitasan ng
kanilang pinamili. Ang online shopping ay isa na ngayon sa paraan ng madaliang
pagbili ng mga gamit at damit para sa mga taong walang oras makalabas sa
kanilang mga hektik na iskedyul. Gamit lamang ang kanilang mga smartphones,
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

maari na silang makabili. Madali, mabilis, at isang click lamang. (Ice Cube Digital,
2018).

Mahihinuha sa mga kaisipiang ito na kaakibat ng pag – usbong ng mga


social networking sites bilang plataporma sa pakikipagkomunikasyon, ay siya
ring pag – usbong ng makabagong pamamaraan ng pamimili. Mula sa mga
tradisyonal na paraan hanggang sa virtual na paraan na naging bunga ng
pagsulong at teknolohikal na mga likha. Ayon kina Harris at Dennic, ang
pagpapakilala ng iinternet sa mundo ng komersiyo ang mas nagpalapit sa mga
kumpanya o negosyante roon sa mga tinatawag na expected buyers. Sinasabi ni
Lakshmi (2016), na binago ng internet ang mga pamamaraan sa komersiyo at
pamimili sa aspeto ng kaginhawahan, bilis, presyo, at impormasyon tungkol sa
produkto o serbisyo. Higit pa rito, sinabi rin ni Lakshmi na ang online shopping ay
nagbigay sa mga mamimili ng higit pang pagpipilian, karagdagang impormasyon,
at higit pang mga paraan para bumili. Kaya naman, naging posible para sa isang
indibidwal na bumili ng kahit ano sa anumang oras, mula sa kahit saang sulok ng
bansa at maaring sa kahit saang sulok ng mundo sa pamamagitan ng online
shopping.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan kung bakit
tinatangkilik ng mga estudyante na kasalukuyang kumukuha ng kurso sa
larangan ng pagnenegosyo sa NDMU, ang pago-online shopping at kung ano
ang epekto nito sa kanila. Partikular na hinahangad ng pag-aaral na ito na
malaman ang mga sumusunod:

I. Mga salik sa paggamit/pagtangkilik ng mga mag-aaral sa online shopping.


II. Mga applications na ginagamit ng mga mag-aaral sa pag-o-online
shopping.
III. Epekto ng pag-o-online shopping sa mga estudyante.
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pagnanaliksik na ito ay nakatuon at nakaukol sa pananaw ng mga piling mag-aaral


na nasa departamento ng College of Business Administration sa Unibersidad ng Notre Dame of
Marbel hinggil sa Online Shopping: mga salik sa pagtangkilik at epekto nito sa estudyanteng
CBA ng Unibersidad ng Notre Dame of Marbel. Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagkalap ng
mga ng mga datos na makatutulong sa pagre-representa ng mga baryabol tulad ng preperensya,
saloobin, pananaw at iba pang may kaugnayan nito at nakaangkla sa paksa. Ang mga
impormasyon ay nakalap sa pamamagitan ng pagsagawa ng online survey. Tinatalakay din ng
pananaliksik na ito ang mga dahilan at suliranin na kinakaharap ng mga estudyante na nakabatay
sa paksa at nakaayon sa samu’t-saring dahilan ng kanilang pagtangkilik sa online shopping.

Nililimitahan nito ang pag-aaral sa Unibersidad ng Notre Dame of Marbel. Mas lalo pa
itong nilimitahan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga respondente mula estudyanteng CBA ng
Unibersidad ng Notre Dame of Marbel. Mga walumpu't (80) na estudyanteng CBA ng
Unibersidad ng Notre Dame of Marbel ang saklaw sa pag-aaral na ito, sila ay pipiliin gamit ang
random sampling. Nakapokus ang itong pag-aaral sa mga estudyanteng CBA sapagkat
kinakailangang isaalang-alang ng mga mananaliksik ang limitadong panahon at resorses. Sa isang
daan (100) narespondente, ay tatanggapin lamang ang walumpu (80) kung sakaling magkaroon
ng maling pagkakalkula bilang pagtugon sa margin of error na 5%. Inaasahang matapos ang pag-
aaral na ito sa loob ng dalawang buwan partikular sa kalagitnaan ng Disyembre, 2020.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa kabuoan, ang mga mag-aaral na nakararanas ng iba't ibang suliranin
sa pag-o-Online Shopping ay mayroong mga opinyon at perspektibo tungkol sa
mga salik at epekto ng Online Shopping. Sa pagtugon sa isyung ito, ang mga
mananaliksik ay nag-imbestiga para sa karagdagang kaalaman na nakatutulong
sa pag-aaral ng pananaliksik. Ang pananaliksik na pinamagatang “Online
shopping: mga salik sa pagtangkilik at epekto nito sa mga mag-aaral ng NDMU
Sa taong 2020-2021" ay mahalaga at kapaki-pakinabang sa sumusunod:

Sa Mananaliksik, ang pananaliksik na ito ang magpupuno sa kanilang pagiging uhaw sa


kaalaman at magsisilbing daan na mabigyang kasagutan ang kanilang mga katanungan sa isyung
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

kanilang napili at upang maimulat sila sa mga mahahalagang salik ng online shopping na
kailangan nilang tandaan bilang naibibilang sa mga tagatangkilik.Makatutulong ito bilang maging
basehan at sanggunian sa pagbuo ng kani-kanilang mga pananaliksik.

Sa mga Mag-aaral, ito ay magsisilbing gabay sa kanila upang makapagbibigay ng


malalim na pag-unawa kung ano nga ba ang iba't ibang mga salik sa pagtatangkilik ng Online
Shopping at mga epekto nito sa kanila. Mahalagang magkaroon sila ng lubos na kamalayan bago
nila tangkilikin ang online shopping. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapagtatanto nila
kung ang online shopping ba ay ligtas at paano ito makakatulong sa kanila nang walang
pangamba.
Sa mga Negosyante/magbabalak magnegosyo, sa pamamagitan pananaliksik na ito sila ay
mabibigyan ng kaalaman patungkol sa salik at epekto ng online shopping sa mga estudyante.
Makakatulong ito sa kanila sapagkat pwede nila itong magamit upang mapalago ang kanilang
produkto. Sa mga magbabalak mag negosyo, Maari nilang gamitin ito upang maging batayan ng
kanilang business plan at stratehiya pra mapalago ang kanilang magiging negosyo.

Sa mga Magulang, ito ay makatutulong sa kanila sa pagkakakaroon ng kaalaman


tungkol sa mga salik sa pagtatangkilik at epekto ng Online Shopping at upang kanilang
maunawaan ang mga sitwasyong haharapin at kinakaharap ng kanilang anak sa tuwing may
paparating o inaasahang padala ang mga ito. Mas makatutulong din sila sa pagbibigay ng payo at
umalalay sa kani-kanilang mga anak.

Sa mga Guro, ito ay magbibigay ng kamalayan sa kanila kung dapat bang isama sa
kanilang kurikulum ang pagtuturo ng tamang paghawak ng pera o financial literacy sa mga
estudyante.

Sa mga Tagapayo o financial advicers, ang mga tagapayo ay magagawang makatulong


sa pagbibigay ng payo sa mga mag-aaral tungkol sa salik sa pagtatangkilik at epekto ng Online
Shopping sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sa mga susunod na mananaliksik, kalakip sa pag-aaral na ito ang layuning


makapagbigay ng inspirasyon sa iba pang indibidwal na ipagpatuloy ang pananaliksik hinggil sa
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

mga salik at mga epekto ng online shopping upang maipakita ang pagkakaiba sa mga kalakaran
habang ang panahon ay patuloy na nagbabago. Makatutulong ito upang maging basehan at
sanggunian sa pagbuo ng kani-kanilang mga pananaliksik hinggil sa nasabing isyu.

KATUTURAN NG PANGUNAHING TERMINONG GINAMIT

ONLINE SHOPPING - isang proseso ng pamimili na ginagamitan ng


internet at teknolohiya.

CBA STUDENTS – mga mag aaral na napabilang sa kolehiyo ng


komersyo at pangangalakal at kalahok sa pananaliksik ng pagtangkilik sa online
shopping.

NDMU – pagpapaikli ng salitang Notre Dame of Marbel University, isang


institusyon na naglalayong makabuo ng mga dekalidad at mahuhusay na
estudyante alang-alang sa batas ng gobyerno.

TEKNOLOHIYA - ang pagsasabuhay ng siyentipikong kaalaman sa


praktikal na layunin ng buhay ng tao o, tulad ng kung minsan ay parirala, sa
pagbabago at manipulasyon ng kapaligiran ng tao.

INTERNET - isang pandaigdigang network ng buong mundo na


kumokonekta sa computer system sa iba’t ibang panig ng mundo.
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

BIBLIOGRAPIYA

Beal, V. (n.d.). Internet. Retrieved November 18, 2020, from


https://www.webopedia.com/TERM/I/Internet.html
Technology. (n.d.). Retrieved November 18, 2020, from
https://www.britannica.com/technology/technology.
BUCALEN, M. (2018, October 24). Paggamit o Pagtangkilik sa Online Shopping
ng mga Filipino.
https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-pagtangkilik-
sa-online-shopping-ng-mga-filipino/.
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral

na nakatulong sa ginawang pananaliksik.

Internet

Ang internet ay isang sistema na nagagawang magsaliksik ng iba’t ibang


asignatura at nakapagbibigay ng bagong kaalaman. Ito rin ang nagbibigay ng
oportunidad sa mga tao na makapagumpisa ng negosyo at mamuhay ng madali.
Isa na didto ay ang pamimili ng mga gamit na kinakailangan at mga gusto sa
isang click lamang at ito ay dahil sa mga teknolohiya at internet.

Ang Isang blogger ay nagbigay ng kaniyang depinisyon ng internet. Ayon


kay (San Pablo, 2011)Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong
mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na
dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng
telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng
kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay
mapaparating at mababasa ng publiko.

Ayon kay Fraser Matthew (2009) ginagamit ang internet upang makagawa
ng komunikasyon. Ayon sa kaniya ang karaniwang ginagamit ay ang social
media sites upang makahanap ng trabaho, pagkakakitaan at pakikipag
komunikasyon sa ibang tao.

Shopping

Ang shopping ay isang aktibidad na kung saan ang mga indibidwal ay


nag-brobrowse sa mga tindahan para sa mga magagamit na mga kalakal o
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

serbisyo na may layuning bumili. It ay naging isang mahalagangaktibidad sa


ating pang-araw-araw na buhay, upang makuha ang kailangan natin para
masiyahan. Ayon kay Brad Tuttle (2010), ang shopping ay hindi lamang isang
simpleng kilos batay sa simpleng pangangailangan ng tao. Para sa karamihan ng
mga mamimili, ang shopping tumatagal sa kahulugan ng higit pa sa isang
pangunahing palitan ng mga kalakal at pera, paglilingkod bilang therapy,
libangan, isport, at droga.

Ang pagkakaroon ng kakayahang pisikal na pumili at tingnan kung ano


ang isang item o produkto ay tulad ng, ang magiging hitsura, at kung ano ang
mga tampok nito. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga mamimili ay
ginugusto parin ang tradisyunal na uri ng shopping kaysa sa online shopping
dahil sa isang dahilan na, ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang metikyulosong
tingnan ang isang aytem. Ang ilang mga mamimili ay hindi lubos na tiyak sa
kanilang sariling laki, minsan akma sa isang sukat na karaniwang mas malaki o
mas maliit kaysa sa kanilang aktwal na laki. Kaya sa paggalang, habang ang
online shopping ay hindi lamang mayroong maraming mga benepisyo at bentahe
tulad ng ipinaliwanag sa pamamagitan ng maraming mga online na mamimili pati
na rin ang pag-aaral at survey, mayroon pa ring maginoong mamimili na gusto
upang suriin ang mga produkto na sila ay interesado sa pagbili.(Celine,2013)

Online shopping

Kaakibat ng pag-usbong ng internet at social networking sites bilang


plataporma para sa negosyo ang pag-usbong din ng online na pagnenegosyo.
Ayon kay Lakshmi (2016) binago na ng internet ang mga notions ng mga
mamimili sa aspeto ng kaginhawahan, bilis, presyo, at impormasyon tungkol sa
produkto o serbisyo. Higit pa rito, sinabi din ni Lakshmi na ang e-commerce o
online na negosyo ay nagbibigay sa mga mamimili ng higit pang mga pagpipilian,
karagdagang impormasyon at higit pang mga paraan upang bumili. Kaya naman,
naging posible para sa isang mamimili na bumili ng kahit ano sa anumang oras,
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

mula sa kahit saan sa pamamagitan ng online shopping (Ko, et al., as cited in


Lakshmi, 2016).

Ang online shopping ay isa sa mga napakagandang imbensyon na nakakatulong sa mga


tao na bumili ng mga bagay sa sarili nilang mga bahay. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa
mga establisyimento ng mga produkto, at makipagsiksikan at pumila sa napakahahabang linya sa
tapat ng bayaran (Mittal,2017). Gamit lamang ang kanilang mga selpon at laptop
maari na silang makabili. Madali, mabilis at isang click lamang (Ice Cube Digital,
2018).

Ayon kay Tarun Mittal (2017), ang online shopping ay nakakatulong sa


mga tao na mamili ng maayos at walang pagod habang nasa bahay lamang.
Hindi na kailangan maghanap kung saan saan at hindi na rin kailangan tumawad
upang makakuha ng mababang presyo.

Mas pinipili na ng mga Filipino ang pagbili ng mga produkto gamit ang
Online shopping dahil sa mas madali, mas abot-kaya ang presyo at mas
sigurado sila sa kalitasan ng kanilang pinamili (Manila Times, 2014). Ang Online
Shopping ay isa na ngayon sa paraan ng madaliang pagbili ng mga gamit at
damit para sa mga taong wala nang oras makalabas sa kanilang mga hektik na
iskedyul (Ice Cube Digital, 2018).

Sa online shopping komportable kang mamili kahit anong oras at madali


ang proseso nang pamimili dahil kaya mo itong gawin o bilhin kahit nasaan
kaman halimbawa sa bahay o sa trabaho (Perinal 2019). Mas marami kang
pagpipilian at mas madali mong maikumpara ang mga presyo ng bawat
produkto. Dito makikita ang mga produkto ng mga iba na walang tindahan kaya
ginagamit nila ang internet para malaman ang iba pang produkto ng ibang tao.

Sa pamamagitan ng online shopping mas napapadali ang pagbili ng mga


kinakailangan lalo na at mabibili mo ito gamit lamang ang mga gadgets at sa
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

tulong din ng internet. Isang pindot lamang ay mabibili mo na ang iyong gusto,
mabilis ito at epektibo.

Ayon kay Mckinsey, mas marami ang maaring bumili ng isang bagay sa
online. Mas marami ang maaring bumili ng isang bagay online kung ito ay
naiprisinta ng ayos at naayon sa araw o okasyon.

Kung ikukumpara natin sa tradisyunal na pamilihan, ikaw mismo ang iikot


para makita ang nais mong bilhin at sa pamilihan na iyan ay maraming
magkaparehas na gamit na hindi mo kaagad makikita sa isahang tingin. Ngunit
sa online shopping, pagkapindot mo ng nais mong bilhin, lalabas kaagad ang
mga magkaparehong produkto na may kasamang mga presyo. Dito mas
mapapabilis ang pagbili sapagkat maikukumpara mo ang magkaparehong gamit.
Gayundin maayos itong ipinapakita na siyang gusto ng mamimili kaya marami
ang nahihikayat bumili rito.

Madami ang magagandang naidudulot ng online business o online


shopping ngunit madami din ang hindi magagandang naidudulot nito. Sa online
business maaari walang kasiguraduhan, ngunit ang kailangan lamang ay ang
pag-iingat dahil sa huli wala pa rin mas sasaya pa na makita ang mga taong
nagtatagumpay sa online business at nakakatanggap ng mga binili sa online
business (Mary Gormandy White at Jhelen Ramirez).

Online Shopping Apps

Ang pagbibili online ay dati nang nakagawi ng mga Pilipino. Bago pa man ang
pandemya ay umusbong na ang pagbibili online. Ito ay dahil sa napakaraming
kalamangan ang naidudulot kung ikukumpara sa pagbili mismo sa mga
pamilihan. Napakaraming pagpipilian sa iba’t ibang pamimilihan, abot-kaya ang
mga presyo, at maraming promos ang pagpipilian. Iyan lang ang ilan sa mga
kalamangan na naibibigay sa pagbibili online.Hindi mo na kailangan ang isang
desktop o laptop computer upang bilhin ang ilan sa iyong mga paboritong bagay
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

ngayon salamat sa pagtaas ng availability ng mga online na mobile na apps ng


shopping mula sa ilan sa mga pinakamalaking at pinakasikat na tagatingi sa
mundo. Ang pag-browse para sa mga produkto, pagdaragdag nito sa iyong
online na shopping cart at pagkumpleto ng iyong order mula sa isang
smartphone o tablet ay hindi kailanman naging mas madali. Narito ang iba’t
ibang mga pinakasikat na online na apps ng shopping na ang bawat shopoholic
ay dapat isaalang-alang ang pag-download (Moseau, E., 2020

1. Amazon
Amazon ay ang pinakamalaking online retailer ng web. Bilang isang
karagdagang bonus, maaari mong i-scan ang mga barcode sa mga
produkto o snap ng isang larawan ng mga ito upang ihambing ang mga
presyo sa app o suriin ang availability ng katayuan nito. Kapag natapos na
mag-browse, maaari mong kumpletuhin ang iyong mga order sa
pamamagitan ng iyong Amazon account at kahit na gumagana sa pag-
andar ng 1-click kung na-set up mo ito.
2. Ebay
Ang eBay ay isa pa sa mga nangungunang mga site ng web upang
makakuha ng halos anumang bagay na kailangan mo - bago o ginagamit,
at kung minsan para sa lubos na bargain. Gamit ang eBay mobile app,
maaari mong parehong bumili at magbenta ng mga item, gamitin ang
scanner ng barcode upang makahanap ng mga tukoy na produkto, mag-
set up ng mga abiso sa iyong mga nakalistang item, makakuha ng mga
alerto sa bid at higit pa. Kabilang din sa iyong homepage ang napanood
na mga item, ang iyong feed at eBay Deal.
3. Shopee
Ang Shopee ay isang site ng e-commerce na itinatag noong 2015
at kasalukuyang magagamit sa Singapore, Malaysia, Thailand, Taiwan,
Indonesia, Vietnam, Philippines, at Brazil. Nagtatanghal ang Shopee ng
isang malawak na hanay ng mga produkto, isang pamayanan sa lipunan
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

para sa paggalugad, at maayos at kasiya-siyang serbisyo. Bilang isang


social-first, mobile-centric marketplace, nagsisilbi ito sa mga gumagamit
bilang isang platform kung saan ang mga gumagamit ay maaaring mag-
browse, mamili at magbenta nang on the go na may pinagsamang suporta
sa logistik at pagbabayad na ginagawang madali at secure ang online
shopping para sa parehong mga nagbebenta at mamimili
4. Lazada
Itinatag noong 2012, ang Lazada Group ay ang nangungunang
eCommerce platform ng Timog Silangang Asya. Sa pagkakaroon ng anim
na bansa - Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam
- ikinonekta namin ang malawak at magkakaibang rehiyon sa
pamamagitan ng aming kakayahan sa teknolohiya, logistik at
pagbabayad. Ngayon, mayroon kaming pinakamalaking pagpipilian ng
mga tatak at nagbebenta, at sa pamamagitan ng 2030, layunin naming
maghatid ng 300 milyong mga customer. Noong 2016, si Lazada ay
naging punong barko ng Alibaba Group, at sinusuportahan ng
pinakamahusay na klase na imprastraktura ng teknolohiya ng Alibaba.

Salik sa pag o-online shopping

Mabilis at dinamiko ang patuloy na pagsikat o paglago ng online shopping


dahil na rin sa pamamaraan ng pag-akses ng mga mamimili na kung saan
pamamagitan lamang ng mga makabagong teknolohiya at mas lalong tampok ito
sa mga kabataan na primaryong gumagamit at mabilis na nahuhumaling sa
paggamit nito (Que, 2015). Nagiging mas mabilis at madali ang pagbili at pagpili
ng samu’t-saring produktong abeylabol sa online ngunit ang isang mamimili ay
hindi garantibong nasa maayos na kalagayan o dekalidad ang mga produktong
kanyang mapapamili mula rito.

Ang mga salik na nakaangkla sa pagtangkilik ng mga mamimili sa online


shopping ay nahahati sa dalawa: maari itong positibo o negatibo (Perinal, 2019).
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Ang mga nabibiling produkto o serbisyo man mula sa pamilihan ay maari na


ring tangkilikin sa pamamagitan ng tinatawag na “online market” at hinahatid na
lamang sa bahay (door-to-door) ng mamimili. Ginagamit lamang ang personal na
gadyet na nakakonekta sa internet sa paghahanap ng mga produktong nais
bilhin, hindi na mag-aabala ang mamimili sa paglalakad, pamasahe o kahit na sa
oras dahil na rin sa magandang dulot ng online shopping sa kanila. Maari ring
mamili ang konsumer ng mga opsiyon na makikita mula sa sites na kanilang
pinamilhan tulad ng “free delivery”, “cash on delivery” at “cash discounts” na
kung saan nagiging salik at nanghihikyat din sa patuloy na pagtangkilik ng isang
konsumer sa paggamit ng online shopping.

Sa kabilang dako naman ay ang mga negatibong salik na naidudulot ng online


shopping sa pagtangkilik ng mga mamimili mula rito. Kumpara sa pamimili mula
sa aktuwal na pamilihan, hindi ka makakasiguradong maayos at dekalidad ang
produktong iyong pinamili at mas mapapadali ang iyong pagsusuri kung ang
produkto ba ay may sira o nasa antas ng mababang kalidad. Sinasabi ring mas
maganda ang pamimili sa aktuwal na pamilihan sapagkat kumpleto ito sa mga
produktong ibinebenta na makatutustos sa mga pangunahing pangangailangan
ng konsumer.

Ayon kina Amin at Noor (2013), ang E-consumers o Electronic Consumer ay


tumutukoy sa mamimili ng mga paninda/kalakal at serbisyo gamit ang electronic
system katulad ng Internet at iba pang computer networks. Ang mga mamimili ay
lalong lumolobo sa paglipas ng panahon dahil sa patuloy na pag sikat ng on-line
shopping. Batay naman kay Paynter at Lym (2001), ang E-commerce ay
makapagbibigay sa mga mamimili ng mga benepisyo katulad ng interaktib na
komunikasyon, mabilis na paghatid, at maaari din itong makapagbibigay ng alok
katulad ng espesyal na pagpapasadya sa isang produkto para sa mamimili gamit
ang online shopping. Ang impormasyon tungkol sa produkto na naibibigay ng
internet ay mas siksik at mas malawak ang saklaw nito galing sa iba’t ibang mga
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

sites. Ang mga gumagamit nito ay mas magkakaroon ng maraming oportunidad


sa pagpili at kumpara ng mga produkto na gusto nilang bilhin at mas madaling
nilang mahanap at mapili ang mga gusto nilang produkto. Ang ganitong uri ng
open market place ay magpapataas ng kompetisyon, makapagbibigay ng
benepisyo para sa industryal na mamimili dahil makapagtataguyod ito ng mas
magandang kalidad at iba’t ibang uri ng kalakal.

Sa panahon ngayon, ang ating kagustuhan bumili gamit ang internet ay ang
nauuso ngayon sa mga tao. Kadalasan, ang may pinakamaraming mamimili o
mga gumagamit ng online shopping ay tuwing panahon ng pista. Ito ay dahil sa
ang online shopping gamit ang internet ay maraming naibibigay na oportuninad
at sari-sari klase ng mga espesyal na produkto na maaaring bilhin ng mga
mamimili. Ang mga oportunidad na ito ay nagiging dahilan kung bakit ang online
shopping o internet shopping ay mas madali, matipid at ligtas, at masaya.

Mga Uri ng Nag-o-online Shopping

Sa pag-o-online shopping iba’t ibang uri ng mamimili ang iyong


makakasalamuha at sa mga taongg ito, ayon kay Kirsten Burkard, walang
dalawang mamimili ang saktong magkapareho pagdating sa paraan at motibo sa
pamimili. Una sa listahan ang mga:

Discount seekers o mga mamimiling mahilig sa tawad. Ang mga


mamimiling ito ay nakapokus sa halaga na kanilang matitipid sa pamimili. Ito ang
uri ng mamimili na maselan sa pamimili at hindi bibili hanggat hindi nakakahanap
ng pagkukumparahan ng presyo.

Wandering Shoppers. Kung ang mga Discount seekers ay walang


permanenteng Online Shop, ang wandering shoppers naman ay nariyan lang.
Sila ang mga mamimiling walang ideya sa kung ano ang gustong bilhin pero nais
bumili ng mabilisan at ang mga mamimiling ito ay madalas naliligaw dahil sa
kalibangan sa pamimili at pag-scroll-up at scroll-down sa mga produkto.
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Impulse Buyer. Katulad ng wandering shoppers ang mga impulse buyer


ay mga mamimiling walang ding ideya sa produktong bibilhin. Ito ang uri ng
mamimili na basta-basta na lamang bibili kapag gusto nila. Bilang karagdagan,
ito rin ang uri ng mamimiling nahuhumaling sa mga bagong modelo at mga
bagong produkto.

Need-based customers o mga mamimiling bumibili ng mga kailangan


lamang. Ang mga mamimiling ito ay may particular ng produkto na nakatanim sa
kanilang isipan bago pa man sila bumili.

Loyal Customers o mamimiling tapat hindi lamang sa produkto kung hindi


maging sa bilihian at sa tatak ng produkto.

Epekto ng online Shopping

a.) Panganib

Hindi mawawalan ng panganib sa online world. Marami ang naloloko dahil


hindi nila makikita ng pisikal ang produkto at ang nagbebenta. Ang e-commerce
ang nagpadali ng ating pamimili ngunit ang online shopping ay hindi puro
kagandahan ang mayroon. Ito raw ang ilan sa mga problema na kailangang
hanapin ng mga bumibili sa online: isyu sa kalidad, hindi mo nakikita kung
maganda ba talaga ang kalidad ng produktong iyong bibilhin; pagpapadala ng
produkto, walang kasiguraduhan kung kelan mo ito makukuha; problema sa
pagbabayad online, maraming nagiging problema sa pagbabayad dahil minsan
ay may glitch na nagaganap habang ikaw ay nababayad na hindi agad
naaaksiyunan; dagdag na bayad, isang dahilan ay ang pagpapadala o tinatawag
na shipping fee dahil ito ay naka depende sa layo ng pagpapadala; hindi malinaw
na patakaran sa pagkabalik, hindi nila tinatanggap ang mga binabalik ng mga
mamimili at ang panghuli, kakulangan sa seguridad, ang mga impormasyon ng
mamimili ay hindi ganoon ka ligtas lalo na kung walang magandang seguridad
ang website na iyon (Mittal,2017).
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Isa pang problema na nahaharap ng mga mamimili ay ang hindi pagintindi


sa mga patakaran dahil ang wika nito ay wikang dayuhan. Maaring hindi na ito
nila basahin dahil sa tingin nila ay hindi na ito imprtante sahil hindi nila
maintindihan. Isa sa paraan na maiwasan ito ay ang pagsalin ng mga patakaran
sa ating wika. Pwede maging paraan ang wika upang mas maraming pang
gumamit ng online shopping o mabawasan ang mga takot ng mga mamimili (Ice
Cube Digital, 2018).

Ayon sa isang artikulo na may pamagat na “The Importance of Language


in Global E-Commerce”, (Dimery, 2015) United States ang leading destination ng
online shoppers sa pamimilihan across borders na sinundan ng China, United
Kingdom at Germany.

Maraming bansa ang mas gusto pa magkipag-usap online gamit ang


kanilang sariling wika. tulad ng mga bansang China at Brazil na maaring maging
hadlang upang mas lalo pang lumaki ang kanilang market dahit walang paraan
upang magkaintindihan kung isang banyaga ang mamimili. Kung may iisang wika
upang magkaunawaan online, mas mapapadali at magiging komportable sa
mamimili at nagbebenta ang kanilang transaksyon. (Dimery, 2015)

b.) Benipisyo o pakinabang

Ayon kay Quiambao (2019), ang Online Shopping ay isang plataporma sa


internet na dito makikita ang mga produkto ng mga iba na walang tindahan kaya
ginagamit nila ang internet para malaman ang iba pang produkto ng ibang tao.
Sa pag usad ng teknolohiya, ang pamilihan ay makikita na rin sa
pamamagitan ng web sites at social media na tinatawag na online market place.
Sa pamamagitan nito, ang mga produkto at serbisyo kadalasan makikita sa
pamilihan ay nabibili na rin sa online at ihahatid na lamang sa bahay ng
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

mamimili. Gagamit ka lamang ng internet sa paghahanap ng produktong gusto


mong bilhin. Sa online shopping hindi kana maaabala sa paglalakad, pagod, at
pamasahe o kaya tipid sa barya. Madali kang makahanap ng produktong gusto
mong bilhin sa isang pindot mo lang. Nagkakaroon din dito ng tinatawag na “free
shipping” at minsan dito ay mura o “discounted” ang presyo ng ibang produkto
dito. Minsan makakaasa din tayo sa online shopping kapag tayo ay walang
ganang pumunta sa pamilihan. Sa online shopping ay makakabili ka ng mga
produkto gamit lamang ang cellphone o gadgets dahil sa panahon ngayon ang
mga kabataan ay mahilig ng gamitin ang mga makabagong teknolohiya sabay na
rin ang internet dahil sa mga ito napapadali ang ating mga gawain.

Ayon sa pag-aaral nina Gnanadhas at Sunitha (2014), ang pamimili online


ay patuloy na nagiging popular sa iba’t ibang rason. May mga tiyak na
mgakadahilanan sa labas tulad ng pagtaas ng mga presyo ng gas, ang
paghihirap sapagkuha sa mga tradisyunal na tindahan at abala na madalas na
nauugnay samgashopping mallat iba pang mga tradisyonal na tindahan upang
mag-ambagsa mas mataas na interes saonlinena pamimili. Ang mga mamimili ay
maaaring makakuha ng buong impormasyon tungkol sa produktong nais nitong
bilhin sa pamamagitan ng mga pagsusuring nagpapasa-pasa mula sa mga users
o nakaranas nang gamitin ito. Kung nais ng isang tao na bumili ng isang
produkto ay hindi na siya limitado sa pagtatanong sa mga kaibigan at pamilya
dahil maraming mga reviews ng produkto sa web na nagbibigay ng mga opinyon
ng umiiral na mga gumagamit ng produkto. Ang mga online shopping sites
aynaglalaman ng ibat ibang uri ng kalakal na pareho ng mataas at banayad
nakalidad na isinasaisip ng mga tao.
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Sanggunian:

San Pablo. (September 28,2011).Ano nga ba ang internet. Retrieved on


November 26,2020 from

https://internetatsocialmedia.wordpress.com/internet/.

Matthew, F. (2009). Internet in this generation. Retrieved on November

27,2020 from https://Internet-in-this-generation.blog/.com/.

Tuttle, B. (2010, December 14). The True Meaning of Shopping. Retrieved


November 27, 2020, from https://business.time.com/2010/12/14/the-true-
meaning-of-shopping/

Celine. (2013, August 31). Differences Between Online and Traditional Shopping.
Retrieved November 27, 2020, from
http://www.differencebetween.net/business/product-services/differences-
between-online-and-traditional-shopping/

N.A. (n.d). Kulturang Pilipino sa Online na Negosyo.

Retrieved from https://malikhain138215445.wordpress.com/

Filipin Photo Blog. (n.d).Paggamit o Pagtangkilik sa Online Shopping ng mga


Filipino. Retrieved from
https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-pagtangkilik-
sa-online-shopping-ng-mga-filipino/

Jas Quiambao Perinal. (February 5, 2019). Pamilihan vs. Online Shopping.


Retrieved from https://medium.com/@jasquiambaoperinal/pamilihan-vs-
online-shopping-818cb1270254

JASNINETHEESSAYIST. (January 20, 2016). Online Business. Retrieved from


https://jasninenicole.wordpress.com/2016/01/20/online-business/
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Nestcelre64. (November 29, 2018). Pananaliksik Tungkol Sa Online Shopping


Retrieved from
https://nestcelre64.wordpress.com/2018/11/29/pananaliksik-tungkol-sa-
online-shopping-pdf/

Moreau, E. (n.d.). 10 Mga Popular na Online Mobile Apps Shopping. Eyewated.


Retrieved November 26, 2020, from
https://www.google.com/amp/s/tl.eyewated.com/10-mga-popular-na-
online- mobile-apps-shopping/

Que, J. (2015, January 5). Mga Salik na Nagiging Sanhi ng paggamit ng online
shopping. Course Hero. Retrieved from
https://www.coursehero.com/file/48815549/Rrlsdocx/

Perinal, J. (2019, February 5). Pamilihan vs. Online Shopping. Medium.


Retrieved from https://medium.com/@jasquiambaoperinal/pamilihan-vs-
online-shopping-818cb1270254

N.A. (n.d). The Cause and Causes of Online Shopping On the Internet. Retrieved
from https://www.ipl.org/essay/The-Cause-And-Causes-Of-Online-
Shopping-FK9KXPH4ACFR

Mittal, 2017. Isa ang post na ito sa maraming pagsubok na kinakaharap ng


Online Shopping dito sa Pilipinas. Retrieved from
https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-pagtangkilik-
sa-online-shopping-ng-mga-filipino/

Ice Cube Digital, 2018. Mga problema na nakakasalubong ng mga mamimili


online. Retrieved from
https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-pagtangkilik-
sa-online-shopping-ng-mga-filipino/
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Dimery, 2015. Mga problema na nakakasalubong ng mga mamimili online.


Retrieved from
https://onlineshoppingphotoblog.wordpress.com/paggamit-o-
pagtangkilik-sa-online-shopping-ng-mga-filipino/

Quiambao, J. (2019). PAMILIHAN VS. ONLINE SHOPPING. Retrieved from


https://medium.com/@jasquiambaoperinal/pamilihan-vs- online-
shopping- 818cb1270254

Gnanadhas & Sunitha. (2014). Online Shopping – An Overview. Retrieved


from http://appliedlinguistics101.blogspot.com/2018/09/online-shopping-
overview-sunitha.html?m=1

Burkard, K. (2019). The 5 Types of Online Shoppers and How to Get Them to
Buy. https://blog.smile.io/5-types-online-shoppers/

What is Shopee? (n.d.). Shopee. Retrieved November 28, 2020, from


https://help.shopee.sg/sg/s/article/What-is-Shopee

Setting the Pace for a Retail Revolution. (n.d.). Lazada. Retrieved November 28,
2020, from https://www.lazada.com/en/about/
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay maglalahad ng disenyo ng pananaliksik, mga


magiging respondente ng pag-aaral, instrumento sa pangangalap ng datos, at
lokal ng pag-aaral na gagamitin sa isasagawang pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang kwantitatibong uri ng


pananaliksik. Ang disenyong ito ay tumutukoy sa sistematikong imbestigasyon ng iba’t ibang
paksa sa pamamagitan ng matematikal, estadikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon (Valdez, 2019). Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga salik sa
pagtangkilik at epekto ng online shopping sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng komersiyo at
pangangalakal ng NDMU. Gagawa ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan na
sasagutan ng mga respondente ng pananaliksik upang makalikom ng mga datos at maging
batayan sa magiging resulta.

Online Shopping: Mga Salik sa Pagtangkilik at


mga epekto nito sa mga estudyanteng CBA ng
NDMU
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Mga salik sa Lokal ng pag-aaral


paggamit/pagtangkilik
ng mga mag-aaral sa Notre Dame of Marbel
online shopping University

Respondente ng pag-aaral
Mga application na
ginagamit ng mga
mag-aaral sa pag-o- Mga estudyanteng CBA ng
online shopping NDMU

Instrumento ng
Epekto ng pag-o- pananaliksik
online shopping sa
mga estudyante Talatanungan

Paraan ng pagkalap ng
datos

Sarbey

Pagsusuri ng datos

Mean, Percentage at
Frequency

Figura 1. Disenyo ng Pananaliksik

Lokal ng Pag-aaral
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Ang Note Dame of Marvel University ay isang sektaryang institusyon sa probinsiya ng


South Cotabato, Mindanao na matatagpuan sa Rafael Alunan Ave, Koronadal City. Naitatag ito
sa taong 1946 at una itong tinawag na Notre Dame of Marbel bilang isang pang sekondaryang
paraalan. Taong 1950 nanguna ito ng pinamunuan ng mga pari at ito ay pribadong paaralan para
sa mga kalalakihan lamang. Sa paglipas ng mga panahon ay mula sa pagiging pang –
sekondaryang paaralan ito ay ginawang pang-koliheyong paaralan na tinawag na Notre Dame of
Marbel College. Ika -2 ng Enero taong 1992 ito ay ideneklara bilang isang Unibersidad at
pinangalanang “Notre Dame of Marbel University”.

Ang NDMU ay binubuo ng 30 na mga pasilidad at 10,000 na mga guro, “administrator “,”
faculty members “at mga estudyante magmula sa elementarya hanggang kolehiyo. Ang “main
campus” ng NDMU ay nasa “Alunan Avenue, City of Koronadal, South Cotabato”, at ang isa
pang “campus” nito na para sa elementarya at hayskul ay nasa “Brgy. Sto. Nino, City of
Koronadal”. Ang mga kurso sa NDMU ay nahahati sa apat na malalaking kategorya ang College
of Education (CED), College of Engineering and Technology (CET), College of Arts and
Sciences (CAS), College of Business Administration (CBA).

Napagdesisyonan ng mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral sa NDMU, partikyular


sa mga estudyante ng CBA, sa kadahilanang halos lahat ng estudyante sa napling lugar ay
tumatangkilik ng online shopping at upang mas maunawaan ang pahihirap at kakulangan ng mga
estudyante sa NDMU patungkol sa kaalaman sa online shopping at dahil sa limitadong oras dulot
ng pandemiya.
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Figura 2. Lungsod ng Koronadal na kung

saan katatagpuan ang NDMU.

Respondente
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Ang mga pipiliing respondente o tagatugon sa pananaliksik na ito ay aabot


sa walumpung (80) mag-aaral mula sa departamento ng College of Business
Administration sa Unibersidad ng Notre Dame of Marbel.

Ang mga tagatugon na ito ay pipiliin sa pamamagitan ng random sampling


upang magkaroon ng pantay na representasyon at pagpipili mula sa napiling
populasyon. Ang mga tagatugon ay magmumula sa mga estuydante na
kasalukuyang nasa unang taon ng pag-aaral kolehiyo, particular sa
departamento ng CBA sa ibat’ ibang kurso tulad ng BS in Accountancy, BS in
Management Accounting, BSBA Major in Financial Management, BSBA Major in
Hospitality Management, BSBA Major in Hotel and Restaurant Management, at
BSBA Major in Marketing Management. .

Instrumento ng Pananaliksik
Sa pagkalap ng mga datos, napagdesisyonan ng mga mananaliksik na
mainam na gamitin ang sarbey na talatanungan. Isa sa mga dahilan kung bakit
ito ang napili ng mga mananaliksik ay dahil una an angkop ang instrumentong ito
sa mga pag-aaral na may higit sa isa ang sakop na topiko, katulad na lamang sa
pag-aaral na ito na nahahati sa dalawa—mga salik sa pagtangkilik ng online
shopping at epekto nito. Pangalawa, ang pag-aaral na ito ay kakalap ng mga
datos sa iba’t ibang indibidwal kung kaya ay mas kailangan ng mas sestimatiko
at detalyadong instrumento.

Paraan ng Pagkalap ng Datos


Upang maisagawa ang pananaliksik, ang pamamaraan ng pangangalap
ng datos ay nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng
pagsasaayos sa intrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at
upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin.
Kasunod nito ay ang pagkuha ng pahintulot ng mga mananaliksik sa punongguro
para sa kaniyang aprobal upang ipamahagi ang mga talatanungan para sa mga
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

mag-aaral. Nang napagsang-ayunan na ang mga liham, maaari ng umpisahan


ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbigay o pagrepresenta ng
liham sa mga respondente at pagdistribyut ng mga talatanungan sa kanila sa
paraan ng simple random sampling technique. Ipapasa ang talatanungan sa
pamamagitan ng mga Online Platform kagaya na lamang ng FB at Email.
Pagkatapos makalap ang datos ay kinakailangan i-tally ang resulta nito. Matapos
nito, iwawasto ng mananaliksik ang mga talatanungan, susuriin ang kasagutan
sa tseklist sa tulong ng istatistikal tritment. Bibigyan ng interpretasyon ang mga
datos na nalikom sa bawat bahagi ng talatanungan partikular na sa mga salik sa
pagtangkilik at epekto ng online shopping sa mga estudyanteng CBA ng
Unibersidad ng Notre Dame of Marbel, sa pamamagitan ng pagkuha ng mean,
percentage at frequency.

Respondente

Ang mga pipiliing respondente o tagatugon sa pananaliksik na ito ay aabot


sa walumpung (80) mag-aaral mula sa departamento ng College of Business
Administration sa Unibersidad ng Notre Dame of Marbel.

Ang mga tagatugon na ito ay pipiliin sa pamamagitan ng random sampling


upang magkaroon ng pantay na representasyon at pagpipili mula sa napiling
populasyon. Ang mga tagatugon ay magmumula sa mga estuydante na
kasalukuyang nasa unang taon ng pag-aaral kolehiyo, particular sa
departamento ng CBA sa ibat’ ibang kurso tulad ng BS in Accountancy, BS in
Management Accounting, BSBA Major in Financial Management, BSBA Major in
Hospitality Management, BSBA Major in Hotel and Restaurant Management, at
BSBA Major in Marketing Management. .
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Pagsusuri ng Datos

Bilang pamantayan ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay


mangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey na isasagawa mula sa
questionnaire na pasasagutan sa mga napiling respondente kung saan magiging
maingat sa pag-aanalisa, mabusising pagsusuri, at maayos itong bibigyang
representasyon sa pamamagitan ng talahanayan. Ang mga makakalap na datos
ay iisa-isahin ng mga mananaliksik mula sa mga napiling respondente upang
makuha ang mean, percentage at frequency, at mula rito ay makakabuo ng
konklusyon ang mga mananaliksik kung ano ang mga salik sa pagtangkilik sa
online shopping ng mga mag-aaral, partikular sa departamento ng CBA ng
NDMU.

Estadistikal Tritment

Ang estadistikal tritment na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha

ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Sa

oras na matapos na itong sagutan ng mga respondente ang mga talatanunagan,

ang kanilang sagot ay itatali sa magkahiwalay na papel. Ang ginamit na pormula

sa pagkuha ng porsiyento ay makikita sa ibaba.

Bilang ng sumagot
Kabuoang
× 100 = porsiyento ng
sumagot
Kabuoang bilang ng mga respondente
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University
Alunan Ave., City of Koronadal

Sanggunian:

Valdez, JM. (2019, January 17). Disenyo ng Pananaliksik.


https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-
ng-pananaliksik.html?m=1

You might also like