You are on page 1of 41

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Sa bawat paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang nagaganap sa

larangan ng industriya, gayundin sa larangan ng pamilihan kung paano mabibili ang

bawat produkto na naaayon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat tao.

Kung dati, ang tradisyunal na pamamaraan ng pagbebenta ng mga produkto ay

nagmumula sa merkado. Sa panahon ngayon, marami na ang nabago dulot ng

malaking impluwensya na dala ng teknolohiya sa ating ekonomiya. Ang negosasyong

Online, o mas kilala sa tawag na online business, isang makabagong pamamaraan ng

pamimili ng mga produkto. Ito ay isang serbisyong online na tutugon sa

pangangailangan ng bawat mamamayan.

Sa tulong nito, nalilimitahan ang oras ng mga mamimili na walang panahong

pumunta sa mga pampublikong pamilihan. Malaki ang pinagkaiba ng tradisyunal na

negosyo kumpara sa negosasyong online. Bunga ng makalumang pamamaraan sa

pagbebenta ng mga produkto, nagkaroon ng pagbabago pagdating sa mga kagamitan,

pamamaraan, at koneksyon sa pagitan ng mga seller at buyer. Sa tradisyunal na

negosyo, isinasagawa ang personal na pakikipagtransaksyon samantalang ang

negosasyong online, dala ng makabagong teknolohiya, nabibigyang daan nito ang mga

konsyumer na makipagnegosasyon sa mga seller sa pamamagitan ng internet bilang

midyum sa pakikipagkomunikasyon.
2

Ayon sa Coursehero.com, "ang pakikipag negosasyon online ay nagsimula

noong 1900 kasabay ng pagdating ng internet kung saan ang transaksyon ng mga

mangangalakal ay natawag ang pansin. Ang pakikipagnegosasyong online ay

nagsisilbing pinto ng oportunidad para sa maraming negosyante."

Subalit sa paglago ng ganitong uri ng negosyo, hindi maiiwasang makaharap ng

mga mamimili ang ibat ibang suliraning kaakibat nito.

Dahil dito, minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral kaugnay

ng mga suliraning kinakaharap ng mga online shoppers.

Layunin ng pagaaral

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa suliraning kinakaharap ng mga online

shoppers, at naglalayong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:

1.1. kasarian

1.2. edad

1.3. estado sa buhay

2. Ano-anong mga produkto ang binibili ng mga respondent online?

3. Ano-anong Online Shopping Sites ang tinatangkilik ng mga respondente?

4. Ano-anong bagay ang mga isinasaalang-alang ng nga respondente sa pagbili sa

online?

5. Ano-anong suliranin ang mga kinakaharap ng mga respondente sa pagbili ng

produkto online?

6. Paano sinusulosyunan ng mga respondente ang mga suliraning kinakaharap sa

pagbili ng mga produkto online?


3

Konseptuwal na Balangkas

Mga dapat isaalang alang sa Pagbili ng produkto Online

MAGANDANG PRESYO NAAAYON SA


KALIDAD NG NG AYTEM PANGANGA-
PRODUKTO ILANGAN.

Ayon kay Henry kofsman (2016), ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa

mga bagay na dapat isaalang alang ng bawat magaaral ukol sa pagbili ng produkto

online. Inilalarawan dito kung ano ang mga nagiging dahilan kung bakit tinatangkilik ng

mga mamimili ang produktong Online.

Teoretikal na Balangkas

Batayan ng Pag aaral Proseso ng Pagaaral Kinalabasan ng Pag aaral

Personal na Isinaalang alang ng mga


Impormasyon ng mga konsyumer ang kalidad
magaaral ayon sa: ng isang produkto online
Distribusyon ng kaysa sa presyo.
1.1 Edad sarbey kwestyuner sa
Nililimitahan ang pagbili
1.2 Kasarian mga Online Shoppers ng produkto online sa
1.3 Estado sa Buhay sa Batangas City. pamamagitan ng
pamimili ng naayon
lamang sa kanilang
pangangailangan.
4

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay napakahalaga sa

mga sumusunod:

Estudyante. Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa mga estudyante upang

mag karoon ng kamalayan tungkol sa online shopping. Upang masigurado nila na ang

kanilang sariling impormasyon ay ligtas. Matutulungan din niti ang mga mag aaral na

makapili at makapag handa nang kung ano dapat ang kanilang gawin kapag sila na

mgamamimili sa Online Shopping.

Guro at Tagapangasiwa. Ang pag aaral na ito ay makaka-tulong din sa mga guro

at taga pangasiwa upang gabayan sila sa kung paano dapat isasaalang-alang ang

online shopping bilang midyum upang makapamili ng mga produkto nilang nais bilhin.

Gayundin, sa mga susunod pang mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay

magsisilbing sanggunian sa kanilang mga gagawing pag-aaral.Mag sisilbi rin itong

batayan nila nang kung ano nais nilang maging paksa upang makabuo ng panibagong

pananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaal

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga suliraning kinakaharap ng mga online

shoppers. Kasama sa pag-aaral na ito ang mga opinyon at pananaw ng mga mamimili

sa mga produkto na nabibili sa online.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga online konsyumers na mga taga

Unibersidad ng Batangas-Batangas City.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga suliranin at mga paraan upang

masolusyunan ng mga mamimili ang mga suliranin na ito sapagkat ito ang magiging
5

daan ng ibang mamimili upang maging gabay sa pagiging matalino at handa kung

sakaling sila ang makakaranas ng mga suliraning ito.

Hindi isinama sa pag-aaral na ito ang mga bagay na tumutukoy sa mga katagian

ng mga online sellers sapagkat ang aming pag aaral ay nakatuon lamang sa mga

suliranin at paraan kung paano ito nabibigyang solusyon ng mga Online Shopper.

Kahulugan ng mga Termino

Para sa lubusang pagkaunawa ng mga mambabasa, sinikap ng mga

mananaliksik na bigyang kahulugang operasyonal ang mga sumusunod na

terminolohiya.

Buyer. Ito ay tawag sa mga taong bumibili ng mga produkto.

Interes. Ito ay ang nais ng isang mamimili sa kanyang biniling produkto galling sa

isang negosyante.

Internet. Ito ay isang midyum sa pakikipagtransaksyon ng isang mamimili sa

nagbebenta.

Produkto. Ito ay isang bagay na ipinagbebenta ng isang seller sa mga

konsyumer sa pamamagitan ng isang online shop site.

Seller. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagbebenta ng mga produkto mapa-

tradisyunal na pagbebenta o Online Shopping.

Tradisyunal na Pagbebenta. Ito ay ang pamamaraan ng pagbili ng mga produkto

sa isang tindahan at merkado.


6

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral

kung saan ang mga nakuha at naitalang mga datos ay lubos na nakatulong upang higit

na maging malinaw at mabisa ang isinasagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Sa kasalukuyang panahon, ang online shopping ay isa sa mga negosyong

mabilis na umuunlad sa ating ekonomiya dulot ng teknolohiya. Dahil sa internet,

nagkaroon ng malaking pagbabago ang mga konsyumer sa paraan kung paano sila

namimili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Binigyang kahulugan nina Biz at Bytes (Vol. 8. Issue: 1, 2017), ang online

shopping ay isang pamamaraan ng e-commerce kung saan ang mga konsyumer ay

direktang bumibili ng mga produkto o serbisyo galing sa isang seller sa pamamagitan

ng internet. Dahil sa internet marketing naipapakita nito ang kawili-wiling pananaw kung

paano nagsimula ang paggamit ng teknolohiya na humuhubog sa magandang

hinaharap ng online shopping sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

Alinsunod sa literaturang Statistica Incorporated (2015), ang internet shopping

ay mabilis na umuunlad at isa sa mga nagiging popular na paraan ng pamimili ng mga

produkto sa nakalipas na dalawang dekada.

Ayon sa E-commerce News (2015), mas tinatangkilik na ng mga konsyumer

ang pamimili ng mga produktong online na kung saan, sila ay may kapangyarihang

pumili ng kanilang mga ninanais na produkto sa mas malawak na paraan na hindi


7

masyadong natutugunan ng mga pisikal na tindahan kaugnay sa pang-araw-araw

nilang pamumuhay at pangangailangan.

Ayon kay Steven Solomon (2016) sa aklat na Small Business, idinepensa niya

na “in poor developing countries small projects are much better than big project”.

Ang ating bansang Pilipinas ay kabilang na sa mga umuunlad na bansa sa

buong mundo. Dahil sa unti-unting pag-unlad ng ating bansa, napagtanto nila na mas

marami na ang nagbebenta ng mga produkto gamit ang internet. Dahil sa mga social

networking sites maaari nang magbenta ng mga produkto ang mga online seller na

tutugon para sa pang-araw-araw na pangunahing pangangailangan ng mga konsyumer.

Ayon kay Grashaw (2016) ang mga problemang kinakaharap ng bawat mamimili

ay dulot ng mga nagbibili. Isinaad nya dito, na kung ang bawat seller ay may pantay na

pakiksama o pagbebenta magkakaroon ng solusyon ang bawat hinaing ng mga

konsyumer.

Binigyang kahulugan rin ng Research Service (2017), ang mga pag-uugali ng

mga konsyumer ay tumutukoy sa pagpili, pagbili, at pagkokonsumo ng mga produkto at

serbisyo para matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan. Kaugnay nito,

may iba’t ibang antas din sa pag-uugali ng bawat konsyumer.Una, ang mga konsyumer

ay naghahanap na nang mga produkto para sa kanilang pangaraw-araw na mga

pangangailangan. Pangalawa, nagiging praktikal na ding mamimili ang mga konsyumer

sa pagpili at pagba-budget sa pagkokonsumo ng mga produkto. Gayunpaman, ang

kalidad, presyo, serbisyo, emosyon ng mga konsyumer, personal na salik o sitwasyonal

na salik, persepsyon sa pagkakapantay-pantay, at mga napapanahong produkto ay ilan

lamang sa mga salik na nakakaimpluwensya sa satispaksyon ng bawat mamimili.


8

Gayunpaman, ayon sa Journal of Management Matters Volume 2 No.1

(September, 2015), ang satispaksyon ng mga mamimili ay nasusukat sa bilang ng mga

konsyumer o kabuuang porsyento ng mga mamimili, kung saan naitala ng iba’t- ibang

kompanya ang mga produkto at serbisyo upang makamit ang ninanais na layunin nito.

Isinaad sa aklat ni Feliciano Fajardo (2016) na “Peak Performance Can be

Obtain Through Careful Placement, Sufficient & Necessary Information Opportunities for

Participation, and High Standard of Performance”, mas binibigyang pansin ng mga

mamimili and kalidad ng isang produkto sa pagnenegosasyong online.

Bilang karagdagan, inilahad nina B. Hague at K. Hague (2016), ang satispaksyon

ng mga mamimili ay nababase sa kadalasang pagbili ng higit pang produkto online.

Bukod sa pagbili ng higit pang produkto, isa rin sa mga nakikitang dahilan kung bakit

nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng mga seller at buyer ay sa paraan kung paano

makakakuha ng iba pang mga potensyal na konsyumer sa pagbabahagi ng sarili nilang

mga karanasan.

Binigyang kahulugan ni Kaliyaperumal (2015) ang pag-uugali ng mga

konsyumer na isang proseso kung saan, ito ay may kaugnayan sa aksyon ng bawat

indibidwal sa pagkakaroon at paggamit ng mga produkto at serbisyo kasama ng mga

umiiral na mga proseso sa pagdedesisyon.

Ang mga opinyon, at kumento ng mga mamimili ay nakakapagbigay ng

mahahalagang pananaw tungkol sa produkto at serbisyo kung saan natutugunan ng

bawat kompanya ang kanilang mga pagkukulang na makakatulong sa pagpapa-unlad at

paglago ng ekonomiya sa larangan ng pagnenegosasyong online. (Client Heartbeat

2015)
9

Samantalang ayon naman kay (Mittal, 2017), ang ilan sa mga problema na

kinakaharap ng mga mamimili sa online ay ang mga sumusunod: isyu sa kalidad;

pagpapadala ng produkto, walang kasiguraduhan kung kelan mo ito makukuha;

problema sa pagbabayad online; dagdag na bayad, isang dahilan ay ang pagpapadala

o tinatawag na shipping fee dahil ito ay naka depende sa layo ng pagpapadala; hindi

malinaw na patakaran sa pagkabalik; at ang panghuli, kakulangan sa seguridad.

Kaugnay na Pag-aaral

Sa pagaaral na isinagawa nina K. Jayaprakash, Dr. B. Mythili at K.

Ganeshkumar (2016), natuklasan na dahil sa kasalukuyang pagpapaunlad ng

teknolohiya nagkaroon ng panibagong istratehiya sa paraan ng pagbili ng mga

produkto. Ang pag-aaral na ito ay nagdala sa katotohanan na ang karamihan sa mga

mamimili ay mga edukado at estudyante pa lamang na may positibong pananaw

patungo sa pagnenegosasyong online.

Gayundin naman, natuklasan sa pag aaral na isinagawa nina Dr. N.

Senthilkumar and K.L. Chandramohan (2018), na ang pagnenegosasyong online ay isa

sa mga kawili-wili at lubos na pinapahalagahan ng bawat indibidwal. Makakatulong ito

sa mga tao para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Dahil sa online

shopping ang mga mamimili ay nagiging matalino at mahusay na indibidwal sa kanilang

pag-uugali sa pamimili. Sa pangkalahatang pag-aaral, nagkaroon ng positibong

pananaw at hakbang ang kanilang mga naging respondente tungo sa paggamit ng

online shopping bilang isang daan ng pamimili ng mga produkto para sa pangunahing

pangangailangan ng bawat tao.


10

Ang pagaaral na isinagawa Dr. A.B. Santhi (2017), ay tungkol sa mga

pananaw, kagustuhan, at mga kadahilanan na nakakaimpluwensya sa satispaksyon ng

mga mamimili sa Tirupati Town. Natuklasan dito na ang mga respondenteng mamimili

ay nagiging mas praktikal na sa paggamit ng internet sa araw-araw at habang sila ay

nagiging kampante at nagkakaroon na ng tiwala sa pamimili ng mga produkto gamit ang

internet, sila ay handa na ring bumili ng mas mataas pang halaga ng mga produkto

online.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Alvarez Simon (2017) sa mga nagdaang taon

maraming pagbabago ang naganap sa ating ekonomiya kasama na din rito ang ibat

ibang online shopping website ba ginagamit ng tao upang makapamili ng produkto

online. Isa ang lazada sa website na nagbigay ng daan para makapagbigay ng sapat na

serbisyo sa pamimili ng mga household appliances at iba pa. Ngunit ang kanilang

magandang serbisyo ay nabigyan ng malaking pagsubok ng dimating ang Shopee na

website kung saan karamihan ng kanilang mamimili ay mas naeengganyo bumili ng

mga produkto sa shopee kaysa sa lazada.

Ang resulta ng pag-aaral nina J.L. Legaspi, I.L.O. Galgana and C.

Hormachuelos (2016), ay nagpapakita na ang mga Milenyong Pilipino ay hindi

masyadong bumibili ng produkto pagdating sa mga online shopping. Dahil sila ay

nagiging kritikal sa mga maaaring mangyari dulot ng paggamit nito. Kung kaya’t mas

tinatangkilik pa rin nila ang pamimili ng kanilang produkto sa mga pisikal na tindahan

kung para sa pamimili online dahil ang kaligtasan nila ay walang kasiguraduhan sa

paggamit nito
11

Sintesis

Ayon sa mga pag-aaral na mga mananaliksik na aming mga nakalap.

Napagtanto ng mga mananaliksik na malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa pang-

araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal. Katulad na lamang, ng napiling paksa

ng mga mananaliksik na “Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Mamimili sa Online

Shopping.”

Nakasaad sa Literatura ng Journal of Management Matters Volume 2 No.1

(September, 2015) at Hague at Hague (2016), ang satispaksyon ng mga mamimili ay

nababase kung gaano sila kadalas bumili ng kanilang pangunahing pangangailangan

gamit ang internet.

Ayon naman sa Client Heartbeat (2015), kinakailangan ng bawat online seller

ang komento at opinyon ng mga online buyers upang matugunan ang kanilang mga

pagkukulang kaugnay sa kanilang naging serbisyo upang mapanatili ang satispaksyon

ng kanilang mamimili. Samantalang binigyang kahulugan naman ni Kaliyaperumal

(2015), ang mga pag-uugali ng mga konsyumer na isang proseso kung saan ito ay may

kaugnayan sa aksyon ng bawat indibidwal sa pagkakaroon at paggamit ng mga

produkto at serbisyo kasama ng mga umiiral na mga proseso sa pagdedesisyon.

Sa kaugnay na pag-aaral nina K. Jayaprakash, Dr. B. Mythili at K.

Ganeshkumar (2016), ang mga estudyante ay may positibong pananaw patungo sa

pagnenegosasyong online. Ngunit taliwas naman ito sa pag-aaral nina J.L. Legaspi,

I.L.O. Galgana et.al (2016) sa kanilang isinagawa pananaliksik na may pamagat na

Impulsive Buying Behavior ng Millennial on Online, "natuklasan nila na ang mga

Milenyong Pilipino ay mas tinatangkilik pa din ang pamimili ng mga produkto sa mga
12

pisikal na tindahan kumpara sa pamimili online dahil sa kadahilanang hindi sila

nakakasigurado sa kanilang kaligtasan na maaaring idulot sa kanilang pamimili online.


13

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang ginamit sa pananaliksik,

ang mga respondente, ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos

at ang mga pamamaraang sarbey kwestyoneyr.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa pamamaraang deskriptib-analitik na

pananaliksik. Ayon kay Raymark D. Llagas (2016) na nag mula kay James P. Key(1997)

ang deskriptib-analitik na pananaliksik ay kumukuha ng mga impormasyong hinggil sa

kasalukuyang kalagayan ng isang pangyayari para mailarawan kung ano ang

nagaganap. Isa sa mga metodong maaaring gamitin gamit ang pamamamaraang ito ay

ang sarbey na tutugon sa kung ano ang pananaw ng mga at satispaksyon ng mga

mamimili sa Online.

Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang mga satispaksyong,

opinyon, at pananaw ng mga mamimili sa Online Shops.

Mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga online shoppers na estudyante

mula sa Senior High School ng Unibersidad ng Batangas.

Kumuha lamang ang mga mananaliksik ng tatlungpu’t limang (35) respondente.

Pinili ang mga respondente sa pamamagitan ng Purposive Sampling. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling Technique. Ayon sa internet

(Wadsworth Cengage Learning), ang Purposive Sampling Technique ay paraang ng


14

pangungulekta ng datos mula sa mga grupo ng taong may katangiang maaaring

tumugon o tumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.

Pinili ng mga mananaliksik ang purposive sample upang maging mas accurate o

ganap ang mga mangangalap na datos.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng

mga datos upang masuri ang satispaksyong, opinyon at pananaw ng mga mamimili sa

mga produkto kanilang nabibili at mga serbisyong natatanggap sa pamamagitan ng

Online.

Ang sarbey-kwestyoneyr na ginamit sa pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang

bahagi: ang unang bahagi ay tungkol sa propayl ng mga respondente samantalang ang

ikalawang bahagi ay tungkol sa satispaksyong, opinyon at pananaw ng mga mamimili

sa mga produkto kanilang nabibili at mga serbisyong natatanggap sa pamamagitan ng

online.

Ang mga respondent ay naatasang sagutin ang mga katanungan sa tulong ng

skeyl sa ibaba at gawing batayan ito.

4– Lubos na Sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Di Sumasang-ayon

1 – Lubos na Di Sumasang-ayon
15

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at

hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon,

walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito

sapamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami

lamang ng mga pumili sa bawat pagpipiliian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang

inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento o

bahagdan, weighted mean, at composite mean lamang ang ginawa ng mga

mananaliksik. Ginamit ang mga sumusunod na pormula:

P= x

Kung saan ang:

P = porsyento

x = bilang ng mga respondenteng sumagot sa partikular na aytem

n = kabuuang bilang ng mga respondent

WM= ( W1 x x1) + ( W2 x x2) + …

Kung saan ang:

WM = weighted mean

x = halaga ng bawat aytem

n = kabuuang bilang ng respondent


16

w = bilang ng mga respondenteng sumagot sa particular na aytem

CM= ΣWM

Kung saan ang:

CM = composite mean

ΣWM = kabuuan ng lahat ng Weighted Mean

n = kabuuang bilang ng mga respondent


17

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa paglalahad, pagsusuri at pagbibigay-

interpretasyon sa mga nakalap na mga datos. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay

ibinatay sa pagkakaayos ng mga

1. Propayl ng mga Respondente

Ang propayl ng mga respondente ay kinuha batay sa kasarian, edad, at estado

sa buhay.

1.1 Propayl

Talahanayan 1.1
Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Kasarian
Kasarian Bilang Bahagdan
Babae 22 62.86
Lalaki 13 37.14
Kabuuan 35 100

Ang Talahanayan 1.1 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga respondente

batay sa kasarian. Makikita sa talahanayan na labintatlong (13) respondente

o 37.14 % ng mga respondente ay lalaki samantalang dalawampu’t dalwa

respondente o 62.86% ay mga babae. Nangangahulugan lamang na higit na

nakararami ang mga babaeng respondente kaysa mga lalaking respondente

ang naging bahagi ng pag-aaral na ito.


18

1.2 Edad

Talahanayan 1.2
Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Edad
Edad Bilang Bahagdan
15-17 31 88.57
18-20 2 5.71
21-23 1 2.86
24-26 1 2.86
Kabuuan 100

Ipinapakita sa Talahanayan 1.2 ang distribusyon ng mga respondente batay sa

edad. Sa kabuuang bilang na tatlumpu’t limang respondente, tatlumpu’t isa dito ang

nagpapakita na sila ay mga nasa edad na labimlima hanggang labimpito na may

kabuuang bahagdang bilang na 88.57%. Kaugnay dito, dalawa sa aming naging

respondente ay nasa edad na labingwalo hanggang dalawampu’ o may kabuuang

bahagdang porsyento na 5.71%. Nangangahulugan lamang na sa tatlumpu’t lima na

aming naging respondente ay halos mga kabataan na nasa edad labimlima hanggang

labimpito ang kadalasang bumibili ng mga produkto gamit ang makabagong

pamamaraan ng pamimili.

1.3 Estado sa Buhay

Talahanayan 1.3
Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Estado sa Buhay

Estado Bilang Bahagdan


Single 35 100
Kabuuan 35 100

Ang talahanayan 1.3 ay nagpapakita sa distribusyon ng mga respondente

batay sa kani-kanilang estado sa buhay. Sa tatlumpu’t lima na aming naging

respondente lahat ng mga ito ay single.


19

2. Produktong Binibili Online

Talahanayan 2
Produktong Binibili Online
Produkto Bilang Bahagdan
Damit 25 71.43
Accessories 9 25.71
Pagkain 8 22.86
Cosmetics 6 17.14
Gadget 4 11.43
Appliances 2 5.71

Sa Talahanayan 2 ipinapakita ang kabuuang bilang at porsyento ng mga

produktong mas tinatangkilik ng mga mamimili tungo sa pagbili online. Batay sa

talahanayang ito, damit ang may pinaka mataas na bilang na produkto na

kadalasang binibili ng mga konsyumer sa online na may kabuuang bilang na

dalawampu’t lima (25) o 71.43%. Sumunod ang mga aksesorya na may kabuuang

bilang na siyam o kabuuang porsyentong 25.71%. At ang pinakamababang bilang

na produkto na tinatangkilik sa online ay ang mga kagamitan o appliances na

karaniwang ginagamit sa ating mga tahanan.

Ayon sa E-commerce News (2015), mas tinatangkilik na ng mga konsyumer

ang pamimili ng mga produktong online na kung saan, sila ay may kapangyarihang

pumili ng kanilang mga ninanais na produkto sa mas malawak na paraan na hindi

masyadong natutugunan ng mga pisikal na tindahan kaugnay sa pang-araw-araw

nilang pamumuhay at pangangailangan.


20

3. Online Shopping Sites na Tinatangkilik

Talahanayan 3
Online Shopping Sites na Tinatangkilik

Online Shops Bilang Bahagdan


Shopee 25 71.43
Lazada 16 45.71
Olx 0 0
Zalora 2 5.71
Facebook 1 2.86

Ang Talahanayan 3 ay batay sa mga online shopping websites na tinatangkilik ng

mas nakararami. Batay sa talahanayang ito, ang Shopee ang may pinaka mataas na

bilang ng mamimili na tumatangkilik pagdating sa pagbili ng mga produktong galing sa

online na may kabuuang bilang na dalawampu’t lima o kabuuang porsyentong 71.43%.

Pumapangalwa naman, ang Lazada na may kabuuang bilang na labinganim o

kabuuang porsyentong 45.71%. Sa madaling salita, sa kabuuang tatlumpu’t limang

respondente halos lahat sa kanila ang tumatangkilik sa paggamit ng Shopee bilang

daan sa pagbili ng mga produktong online.


Ayon sa pag-aaral ni Alvarez Simon (2017) sa mga nagdaang taon maraming

pagbabago ang naganap sa ating ekonomiya kasama na din rito ang ibat ibang online

shopping website ba ginagamit ng tao upang makapamili ng produkto online. Isa ang

lazada sa website na nagbigay ng daan para makapagbigay ng sapat na serbisyo sa

pamimili ng mga household appliances at iba pa. Ngunit ang kanilang magandang

serbisyo ay nabigyan ng malaking pagsubok ng dimating ang Shopee na website kung

saan karamihan ng kanilang mamimili ay mas naeengganyo bumili ng mga produkto sa

shopee kaysa sa lazada.

4. Mga Bagay na Isinasaalang-alang sa Pagbili ng Produkto Online


21

Talahanayan 4
Mga Bagay na Isinasaalang-alang sa Pagbili ng Produkto Online
Weighted Interpretasyon Ranggo
Mean
1. Tinitiyak ang 3.74 Lubos na sumasang- 1
kalidad ng mga ayon
produkto.
2. Isinasaalang- 3.57 Lubos na sumasang- 2
alang ang mga ayon
presyo ng
produkto.
3. Bumibili para sa 3.29 Isinasaalang-alang 3
kanilang mga
hilig at
kagustuhan.
4. Tinitingnan ang 3.17 Isinasaalang-alang 4
mga
napapanahong
produkto na
patok sa
kagustuhan.
5. Bumibili para sa 3.06 Isinasaalang-alang 5
pangunahing
pangangailanga
n sa buhay
Composite Mean 3.37 Isinasaalang-alang

Ang Talahanayan 4 ay batay sa mga bagay na isinaalang-alang sa pagbili ng

produkto online. Batay sa talahanayang ito lubos na isinasaalang-alang ng mga

konsyumer ang kalidad ng mga produkto na may weighted mean na 3.74%.

Samantalang ang may pinakamababang ranngo sa talahanayang ito ay may weighted

mean na 3.06% na kung saan ang mga konsyumer ay mas bumibili ng mga produkto

online batay sa kanilang mga hilig at kagustuhan kumpara sa kanilang mga

pangunahing pangangailangan na tutugon sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

Bilang kabuuan, ang mga pahayag sa talahanayang 4 ay nakapagtala ng

composite mean na labing anim at walumpu’t tatlo (16.83) na nangangahulugang may

katamtamang kaalaman ang mga mamimili sa Batangas City.


22

Binigyang kahulugan rin ng Research Service (2017), ang mga pag-uugali ng

mga konsyumer ay tumutukoy sa pagpili, pagbili, at pagkokonsumo ng mga produkto at

serbisyo para matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan. Kaugnay nito,

may iba’t ibang antas din sa pag-uugali ng bawat konsyumer.Una, ang mga konsyumer

ay naghahanap na nang mga produkto para sa kanilang pangaraw-araw na mga

pangangailangan.

5. Suliraning Kinakaharap sa Pagbili ng Produkto Online

Talahanayan 5
Suliraning Kinakaharap ng mga Mamimili sa Pagbili ng mga Produkto Online
Weighted Interpretasyon Ranggo
Mean
1. Oras ng 3.23 Sumasang-ayon 1
transportasyon
2. May nasirang 3.09 Sumasang-ayon 2
parte ng produkto
dulot ng
packaging system
3. Maling 2.97 Sumasang-ayon 3
produkto ang
ibinigay
4. Biglaang pag 2.77 Sumasang-ayon 4
iba ng presyo ng
produkto

5. Walang sapat
na edukasyon sa 2.63 Sumasang-ayon 5
paggamit ng mga
online apps

Composite Mean 2.94 Sumasang-ayon

Tinutukoy sa Talahanayan 5 ang mga suliraning kinakaharap sa pagbili ng

produkto online. Batay sa talahanayang ito, ang suliraning mas kinakaharap ng mga

konsyumer sa pagbili ng produkto online ay ang oras ng transportasyon na kung saan

ito ay may weighted mean na 3.23%. Samantalang ang mga konsyumer na walang
23

sapat na edukasyon sa paggamit ng mga online shops ay nagtala ng may

pinakamababang ranggo na may weighted mean na 2.63%.

Bilang kabuuan, ang mga pahayag sa talahanayang 5 ay nakapagtala ng

composite mean na labing apat at animnapu’t siyam (14.69) na nangangahulugang may

katamtamang kaalaman ang mga mamimili sa Batangas City.

Ayon kay (Mittal, 2017), ang ilan sa mga problema na kinakaharap ng

mga mamimili sa online ay ang mga sumusunod: isyu sa kalidad; pagpapadala ng

produkto, walang kasiguraduhan kung kelan mo ito makukuha; problema sa

pagbabayad online; dagdag na bayad, isang dahilan ay ang pagpapadala o tinatawag

na shipping fee dahil ito ay naka depende sa layo ng pagpapadala; hindi malinaw na

patakaran sa pagkabalik; at ang panghuli, kakulangan sa seguridad.

6. Solusyong Isinasagawa Kaugnay ng Suliraning Kinakaharap sa Pagbili ng


Produkto Online
Talahanayan 6
Mga Solusyong Kaugnay sa mga Suliraning Dulot ng Online Shopping
Weighted Interpretasyon Ranggo
Mean
1. Sinusuring mabuti 3.69 Lubos na Isinasagawa 1
ang mga
impormasyon kung
paano at kailan
makukuha ang
nabiling produto

2. Binubuksan 3.54 Lubos na Isinasagawa 2


kaagad ang
produktong binili
online upang
maiwasan ang
anumang
problema
24

3. Nag papatulong sa 3.43 Isinasagawa 3


mga taong may
karanasan na sa
pagbili ng produkto
online
4. Sinisiguradong 3.4 Isinasagawa 4
akma sa
kagustuhan ang
mga produktong
bibilhin upang
hindi
manghinayang
5. Tinatawagan agad 3.34 Isinasagawa 5
ang kompanya na
binilhan ng
produkto upang
maitama ang
kamalian ng
delivery

Composite Mean 3.48 Isinasagawa

Ang Talahanayan 6 ay nagpapakita ng mga maaaring maging solusyon ng mga

respondente tungo sa masamang epektong dulot ng Online Shopping. Upang

maiwasan ang ilang mga problema kaugnay ng paggamit ng internet bilang paraan ng

pamimili ng mga produkto online, tinitiyak ng mga respondente ang mahahalagang

impormasyon kung paano at kailan nila maaaring makuha ang produktong kanilang

binili na kung saan ito ay mayroong weighted mean na 3.69. Ayon sa mga naging sagot

ng aming tatlumpu’t limang naging respondente bihira lamang silang nakararanas ng

mga problemang kaugnay sa maling produktong idiniliver sa kanila ng mga online

sellers dahil ito ay nagtala lamang na may weighted mean na 3.34.

Bilang kabuuan, ang mga pahayag sa talahanayang 6 ay nakapagtala ng

composite mean na labing pito at apat (17.4) na nangangahulugang may katamtamang

kaalaman ang mga mamimili sa Batangas City.


25

Ayon kay Grashaw (2016) ang mga problemang kinakaharap ng bawat

mamimili ay dulot ng mga nagbibili. Isinaad nya dito, na kung ang bawat seller ay may

pantay na pakiksama o pagbebenta magkakaroon ng solusyon ang bawat hinaing ng

mga konsyumer.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng maikling lagom ng pag-aaral na isinagawa,

mga natuklasan, mga konklusyon at mga rekomendasyon.

Lagom
26

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga suliraning

kinakaharap ng mga mamimili sa Online Shopping. Upang mabigyang katuparan ito,

ang mga sumusunod na mga katanungan at inihanap ng kasagutan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:

1.1. kasarian

1.2. edad

1.3. Estado sa buhay `

2. Anu- Anong produkto ang binibili ng mga respondante online?

3. Anu- anong online shopping sites ang tinatangkilik ng mga respondents?

4. Ano-Ano ang mga bagay na isinisaalang- alang ng mga respondante sa pagbili

ng produkto online?

5. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga respondente kaugnay ng

pagbili ng produkto online?

6. Paano sinusulusyunan ng mga respondente ang mga suliraning kanilang

isinasagawa sa pagbili ng produkto online?

Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang

pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Bumuo ang mga mananaliksik ng

sarbey-kwestyuneyr na ipinamahagi sa mga online shoppers sa University of Batangas.

Ang mga nakalap na datos ay ginamitan ng percentage o bahagdan, weighted

mean at composite mean bilang pamamaraang pang-istadistika.

Buod ng Natuklasan

Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod ang

siyang natuklasan.
27

1. Propayl ng mga Respondente

1.1. Kasarian

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pag-aaral na ito, labing tatlo o

37.14% ay mga lalaki samantalang dalawangput-dalawa o 62.86%

bahagdan ay mga babae. Sa pangkalahatan, higit na nakararami ang

bilang ng mga respondenteng babae sa pag-aaral na ito.

1.2. Edad

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pag-aaral na ito, karamihan

dito ay may edad na 15-17 na may tatlumpu’t-isang respondente 0

88.57%, samantalang sa edad labing-walo hanggang dalwampu ay

mayroong dalawang respondente o 5.71% at sa edad na dalwamput isa

hanggang dalwamput anim ay mayroong dalwang respodenteng tumugon.

1.3. Estado sa buhay

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pag-aaral na ito, lahat sa mga

ito ay may estadong single.

2. Produktong binibili ng mga respondente online

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pagaaral na ito, karamihan ay mga

produktong damit ang kadalasang binibili sa online samantalang ang hindi gaanong

binibili ay mga appliances.

3. Online shopping sites na tinatangkilik ng mga Respondente?

Sa kabuuang bilang na tatlumpu’t limang respondente sa pagaaral na ito, halos

lahat sa mga ito ay mas tinatangkilik mamimili sa online shopping website na

Shopee samantalang ang hindi gaanong tinatangkilik ay OLX. May ilan ring
28

respondente ang nagbigay ng karagdagang website na kanilang kadalasang

pinagbibilihan ng produktong online kung saan ito ay ang Facebook.

4. Mga bagay na isinisaalang- alang ng mga respondante sa pagbili ng produkto

online

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pag-aaral na ito, karamihan sa mga

respondente ay lubos na nagsasaalang-alang sa kalidad ng produkto kapag bumibili

online.

6. Mga suliraning kinakaharap ng mga respondente kaugnay ng pagbili ng produkto

online

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pag-aaral na ito, karamihan sa mga

respondente ay sumasangayon na ang oras ng transportasyon ay pangunahing

solusyong kinakaharap sa pagbili ng produkto online samantalang may kaunting

bahagdan ng respondente ang hindi sumasang-ayon sa mga nasirang parte ng

produkto dulot ng packaging system.

Solusyong isinasagawa ng mga respondente ang mga suliraning kinakaharap sa pagbili

ng mga produkto online

Sa tatlumpu’t limang respondente sa pag-aaral na ito, karamihan sa mga

respondente ay tinatawagan kaagad ang kompanya ng binilhang produkto upang

masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap.samantalang may kaunting

bahagdan ng mga respondente ang nagpapatulong sa mga taong may karanasan

sa pagbili ng produkto online.

Konklusyon
29

Pagkatapos ng maingat na pag-aara at pagsusuri ay inilahad ang mga

sumusunod na konklusyon:

1. Batay sa naitalang kasarian, edad, at estado sa buhay ng mga respondente,

masasabing ang mga tumugon sa pag-aaral na ito ay kapwa kababaihan na may

edad 15-17 at single.

2. Damit ang pangunahing produktong kanilang binibili ng mga respondente online.

3. Ang Shoppee ang isa sa mga pangunahing binibilhan ng mga mamimili ng

kanilang mga nais na produkto online.

4. Isinasaalang alang ng mga online shoppers ang kalidad ng produkto kapag

bumibili online.

5. Oras ng transportasyon ang pangunahing suliraning kinakaharap ng mga

respondente sa pagbili ng produkto online.

6. Upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap sa pagbili ng produkto

tinatawagan kaagad ng mga mamimili ang kompanya ng kanilang pinagbilhang

produkto.

Rekomendasyon

Batay sa mga kinalabasan ng pag-aaral at sa mga konklusyong naitala, ang mga

sumusunod ay itinatagubilin ng mga mananaliksik:

1. Nararapat na magkaroon pa rin ng mga karagdagang pag-aaral hinggil sa iba

pang mga alternatibong paraan upang makatipid o makamura sa pagbili ng

produktong online na sumasaklaw sa iba’t ibang pangkat ng mga respondente.


30

2. Nararapat na isipin kung ano ang mga bagay na dapat isaalang alang bago ang

mga kagustuhan na pansarili lamang.

3. Dapat matutong magpaturo sa mga bagay na hindi kayang gawin tulad na

lamang ng pago-order online.

4. Marapat na isaalang-alang ang kalidad ng produkto kapag bumili online para

hindi malugi sa presyo.

5. Dapat laging tignang mabuti ang mga impormasyon kaugnay sa kung kailan ang

oras ng transportasyon para malaman mo ang akmang oras ng pagdating ng

iyong biniling produkto online.

6. Tingnan kaagad ang produktong idiniliber para maiwasan ang ilang mga

problema kaugnay dito.

BIBLIYOGRAPI

Bordz, N. R. (2014, Dec. 18). Pananaliksik Tungkol Sa Pagkikipagnegosasyon Online.


https://www.scribd.com/doc/250474557/Pananaliksik-Tungkol-Sa
Pagkikipagnegosasyon-Online-Online-Shopping.
Cantos A.(2013). Mga Salik na nagiging sanhi ng paggamit ng Online
Shopping. Quezon, Lucban.

Dante, B. (2013) Wikang Filipino sa mata ng komersyo. Quezon City.


http://tomasinosanegosyo.blogspot.com/2010/03/pananaliksik.html
31

Garcia, T.(2007). Mga stratehiya sa Pagnenegosyo. Laguna, Los Banos


George, B. (2006). Pakikipagnegosasyong Online sa ayosdito, Lazada
Sulit at Iba pa. Makati, Philippines.
Simon, A. (2017) e-commerce lazada moving to shopee.
http://shodhganga.inflibnet.ac.in/bitstream/10603/13562/9/09_chapter%202.pdf
Tolentino, C. (2015). Mga Salik na nagiging sanhi ng Online Shopping.
Manila, Philippines. https://prezi.com/uaxzqulilypb/mga-salik-na-nagiging-
sanhi-ng-paggamit-ng-online-shopping-n/

APENDIKS A

LIHAM PARA SA MGA RESPONDENTE

UNIVERSITY OF BATANGAS

Batangas City

Marso 6, 2019
32

Mahal naming Respondente,


Maalab na Pagbati!
Kami ay mga mag-aaral sa na kumukuha ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik at kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-
papel hinggil sa Mga Suliraning Kinakaharap ng mga mamimili sa Online Shopping.
Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng mga
datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.
Mangyari pong sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem.
Tinitiyak po naming magiging kompidensyal na impormasyno ang inyong mga kasagutan.
Marami pong salamat.

Lubos na Nagpapasalamat,

JULIE ANN A. VIZONDE

ANDREA AMOR B. TESADO

AINAH MAE B. UMALI

CLAIRE EVANN V. EBORA

MARY ANN LAURETA

APENDIKS B
SARBEY-KWESTYONEYR

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang.

Kung may pagpipiliian, lagyan na lamang ng tsek (/) ang kahon na tumutugma sa

inyong sagot.

1.1 Propayl

Pangalan: (Opsyunal) _______________________________________

1.2 Kasarian: Lalaki Babae


33

Edad: 15-17 24-26

18-20 27-29

21.23 30 pataas

1.3 Estado sa Buhay:

Single Separated

Married Widow

7. Anu- Anong produkto ang binibili ng mga respondente online?

Damit Gadget

Cosmetics Accessories

Pagkain Appliances

Kung hindi nabanggit, tukuyin __________________________________

8. Anu- anong online shopping sites ang tinatangkilik ng mga respondente?

Lazada Zalora

Shopee OLX

Kung hindi nabanggit, tukuyin _________________________________

4. Ano-Ano ang mga bagay na isinisaalang- alang ng mga respondente sa pagbili ng

produkto online?

Gamiting batayan ang iskeyl sa ibaba:

4 – Lubos na Sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Di Sumasang-ayon

1 – Lubos na Di-Sumasang-ayon

4 3 2 1
34

1. Tinitiyak ang kalidad ng mga


produkto
2. Isinasaalang- alang ng mga
mamimili ang mga presyo ng
produkto.
3. Tinitingnan ng mga mamimili ang
mga napapanahong produkto na
patok sa kanilang mga
kagustuhan.
4. Bumibili para sa pangunahing
pangangailangan sa buhay.
5. Bumibili para sa kanilang mga
hilig at kagustuhan.

5. Ano-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga respondente kaugnay ng

pagbili ng produkto online?

Gamiting batayan ang iskeyl sa ibaba:

4 – Lubos na Sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Di Sumasang-ayon

1 – Lubos na Di-Sumasang-ayon

4 3 2 1

1. . Oras ng transportasyon

2. Presyo ng produkto.

3. Walang sapat na edukasyon sa


paggamit ng mga Online apps.
4. Mga nasirang parte ng produkto
dulot ng packaging system.
35

5. Maling ibinigay na produkto.

6. Paano sinusulusyunan ng mga respondente ang mga suliraning kinakaharap sa

pagbili ng mga produkto online?

Gamiting batayan ang iskeyl sa ibaba:

4 – Lubos na Sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Di Sumasang-ayon

1 – Lubos na Di-Sumasang-ayon

4 3 2 1

1. Tinatawagan kaagad ang


kompanya ng pinagbilhang
produkto.
2. Binubuksan kaagad ang
produktong binili online upang
maiwasan ang anumang problema.
3. Nagpapatulong sa mga taong may
karanasan sa pagbili ng produkto
online.
4. Sinusuring mabuti ang mga
impormasyon kung paano at kailan
makukuha ang nabiling produkto.
5. Sinisiguradong akma sa
kagustuhan ang produktong
bibilhin upang hindi
manghinayang.

Marami pong salamat sa paglalaan nyo ng panahon sa pagsasagot sa

kwestyoneyr na ito.
36

APENDIKS C

TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK

Pangalan : Julie Ann A. Vizconde

Tirahan : Mamburao, Occidental Mindoro

Kapanganakan : Hulyo 10, 2001

Edad : 17

Mga Magulang : Maribel A. Vizconde

Mark M. Vizconde

Nasyonalidad : Filipino
37

Natapos na Pinag-aralan

Elementarya : Mamburao Central School

Sekundarya

Junior High : Occidental Mindoro National High School

Senior High : University of Batangas

Mga Karangalan at Pagkilalang Natanggap

With Honor ()

Badminton Varsity Player (-2019)

Mga Organisasyong Pampaaralan na Pinamunuan

Yes-O Officer – Secretary (Grade 6)

TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK

Pangalan : Ainah Mae B. Umali

Tirahan : Sitio Aluyan, Brgy. Tibag, Abra de Ilog

Occidental Mindoro

Kapanganakan : Setyembre 17, 2001

Edad : 17

Mga Magulang : Margienia B. Umali

Rodolfo P. Umali

Nasyonalidad : Filipino
38

Natapos na Pinag-aralan

Elementarya : Abra de Ilog Cental School

Sekundarya

Junior High : Abra de Ilog National High School

Senior High : University of Batangas

Mga Karangalan at Pagkilalang Natanggap

With Honor – (2016-2018)

Broadcasting- Third placer (Division level)

Mga Organisasyong Pampaaralan na Pinamunuan

Supreme Student Government – Grade 10 Representative

TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK

Pangalan : Andrea Amor B. Tesado

Tirahan : San Mateo, San Pascual Batangas

Kapanganakan : August 28, 2002

Edad : 16

Mga Magulang : Joel O. Tesado

Merlinda B. Tesado

Nasyonalidad : Filipino

Natapos na Pinag-aralan
39

Elementarya : Bayanan Elementary School

Sekundarya

Junior High : Bayanan National High School

Senior High : University of Batangas

Mga Karangalan at Pagkilalang Natanggap

With Honor – (2017-2018)

Service Award – ( 2017-2018)

First place – Filipino Essay Writing (2017-2018)

Best in Music and Science-(2016-2018)

Mga Organisasyong Pampaaralan na Pinamunuan

AP Club – Secretary
Yes-O – Grade 10 Representative
Class President- (2016-2018)

TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK

Pangalan : Claire Evann V. Ebora


Tirahan : Paharang, Batangas City

Kapanganakan : August 2, 2001

Edad : 17

Mga Magulang : Aurora V Ebora


Dante Isaac A Ebora

Nasyonalidad : Filipino

Natapos na Pinag-aralan

Elementarya : Paharang Elementary School


40

Sekundarya

Junior High : Paharang National High School

Senior High : Unibersidad ng Batangas

Mga Organisasyong Pampaaralan na Pinamunuan

Supreme Student Government – Sekretarya

TALA TUNGKOL SA MGA MANANALIKSIK

Pangalan : Mary Ann M. Laureta

Tirahan : Cuta, Batangas City

Kapanganakan : July 19, 2002

Edad : 16

Mga Magulang : Milleth M. Laureta


Anthony M. Laureta
Nasyonalidad : Filipino

Natapos na Pinag-aralan

Elementarya : Julian A. Pastor Memorial Elementary School


Sekundarya
41

Junior High : Batangas National High School


Senior High : University of Batangas

Mga Karangalan at Pagkilalang Natanggap

Service Award – (2017-2018)

Mga Organisasyong Pampaaralan na Pinamunuan

Muse Class officer (2016)

You might also like