You are on page 1of 7

Pangkat 3 11-A

Jayme, Macapaz, Calimpas, Playda, Rosal,

Persepsyon ng mga Babaeng Mamimili na nasa edad 21-25 tungo sa Online Shopping at

Offline Shopping sa Aliwanay, Balamban, Cebu

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa makabagong panahon, hindi sapat na ang mga tao ay umaasa lamang sa kanilang

trabaho, kaya maraming negosyo ang umuusbong upang magkaroon ng pagkakakitaan at

matugonan ang pangangailangan. Lahat ng tao ay bumibili ng kanilang pangangailangan sa

pang-araw-araw. Bumibili sila ng mga produkto na nakakatugon sa kanilang mga

pangangailangan, kung hindi man ay patuloy silang naghahanap para sa kanilang mga

pangangailangan. Sa kasalukuyang panahon, nahahati ang market sa dalawang uri: online

shopping at offline shopping. Ang offline shopping o tradisyonal shopping ay kung saan

pumupunta ang kostumer mula sa isang lugar patungo sa iba upang bumili ng mga kailangan

nila, at ito ay ginagawa nang direkta. Ang isa pang uri ay ang online shopping, kung saan binibili

ng kostumer ang mga kailangan nila mula sa internet. Hindi maipagkakaila na mas malakas ang

impluwensiya ng online shopping sa buhay ng mga tao ngayon. Kahit na napapadali ang takbo

ng pagbibili sa online shopping ay marami pa rin ang patuloy na bumibili sa tradisyonal na

paraan dahil nasisiguro nila ang kalidad ng produkto at kredibilidad ng mga nagbebenta.

Kadalasan sa mga mamimili ay ang mga babaeng kabataan na palaging nakatutok sa social

media kung saan ay mahilig sa mga patok o nauuso sa panahon ngayon. Katulad na lamang sa

mga kababaihan na naninirahan sa Aliwanay, Balamban, Cebu na may mga iba't ibang opinyon

tungkol sa kung ano ang mas mabisa na paraan sa pamimili ng mga bagay. Dahil dito,

naimpluwensiyahan ang mga mananaliksik na pag-aralan ang mga persepyon ng mga babaeng
1
mamimili sa online shopping at offline shopping. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magbigay

ng impormasyon tungkol sa mga persepsyon ng mga mamimili partikular ang mga kababaihan

na nasa edad 21-25 at matukoy ang mga salik na nag-uudyok sa kanila na pumili sa dalawang

sistema ng market.

Ayon sa pag-aaral nina (Armas, Sioson, Merin, Madarang, Sajulga at Villaluna, 2014)

napakaraming pagbabago ang kaakibat ng pag-usbong ng internet ngayong ika-21 na siglo.

Mula sa tradisyunal na pamamaraan ay nagkaroon ng makabagong iskema sa pagsulong sa

mga pang-araw-araw na buhay lalong-lalo na sa paraan ng pagbibili. Sa kasalukuyang

panahon, maraming websites ang ginagamit upang mag-hanapbuhay tulad ng online na

pagnenegosyo. Nagsimulang umusbong ang pakikipagnegosasyon online noong 1900. Maging

mga indibidwal na negosyante ay maaaring kumita gamit ang iba’t-ibang social media platforms.

Maraming nasisiyahan dahil mas nababawasan ang paggugol ng oras sa pagbili ng kanilang

pangangailangan sa araw-araw. Ayon naman kay (Reddy, atbp., 2014), napag-alaman na dahil

sa pag-unlad ng teknolohiya, nagkaroon ng malalaking pagbabago at pagpapabuti sa mga gawain

ng tao. Higit pa rito, pagkatapos ng pag-imbento ng Internet, nagbago ang proseso ng pagbili.

Hindi kinakailangang makipagkita nang personal sa mga mamimili at nagbebenta para makabili

ng mga produkto at serbisyo. Noong una, ang sistema ng pagkuha ay napakalimitado, ngunit

ngayon ito ay aktibong umuunlad. Ang online shopping ay isang anyo ng e-commerce na

nagpapahintulot sa mga mamimili na bumili ng mga produkto o serbisyo nang direkta mula sa

mga nagbebenta sa Internet gamit ang isang web browser.

2
Lalong napatunayan sa pag-aaral ni Lakshmi (2016) na binago ng Internet ang pananaw

ng mga mamimili sa kaginhawahan, bilis, presyo at impormasyon tungkol sa mga produkto o

serbisyo. Bilang karagdagan, ang e-commerce o online na negosyo ay nag-aalok sa mga

mamimili ng higit pang pamimilian, impormasyon, at higit pang mga paraan upang bumili.

Samakatuwid, ang mga mamimili ay maaaring bumili ng kahit ano anumang oras, kahit saan sa

pamamagitan ng online shopping.

Ayon sa pag-aaral nina Chaing at Dholakia (2014) kung saan isinaalang-alang

nila ang layunin ng mga customer na bumibili ng mga kalakal online kapag namimili, mayroong

pangunahing tatlong mga variable sa pinag-aaralan nila ang mga salik na nakakaimpluwensya

kung bumili ang mga mamimili online o offline na paraan. Una, ang katangian ng pagiging

accessible ng mga komersyal na website. Ipinapakita ng pananaliksik na ang pagiging accessible

at kaginhawahan ng mga commerce site ay lumilikha ng layunin ng customer na bumili o hindi.

Kapag nahihirapan ang mga customer na bumili online, bumabaling sila sa offline na pamimili at

kapag nahihirapan naman ang mga customer na bumili offline, lumilipat sila sa online shopping.

Pangalawa ay ang katangian at kalidad ng mga produkto. Kahit na madali proseso sa online

platforms ay marami pa rin ang hindi tumatangkilik sa paraan na ito sapagkat hindi nasisiguro

ang kalidad ng produkto dahil limitado lamang sa mga larawan ang makikita at hindi masusuri

ng maigi ang produkto. Pangatlo ay ang aktwal na presyo ng produkto. Ang mga bilihin sa

online ay napakamura lamang ngunit may kaakibat itong shipping fee sa bawat transakyon na

nagdadagdag sa gastos kaya kadalasan mas pinipili ng mga mamimili na bumili na lamang sa

mga malls at tindahan.

3
Ayon kay Milhana (2022), ang bawat sistema ng pagbili ay may sariling mga pakinabang at

kawalan. Ang tradisyonal na pamimili ay may ilang mga pakinabang, tulad ng kakayahang

hawakan ang mga produkto, madaling pagbabalik, walang koneksyon sa Internet, kakayahang

makakita ng mga produkto nang mas malapit, mas mahusay na seguridad, kakayahang sumubok

ng mga damit, ngunit maaaring tumagal ito. Samakatuwid, hindi madali na ihambing ang mga

presyo sa isang limitadong oras lamang. Kung hindi ayon sa gusto, kadalasan pumupunta pa sa

maraming mga tindahan upang pumili ng mga bilihin. Gayundin, ang online shopping ay may

mga pakinabang tulad ng kaginhawahan, pagtitipid ng oras, mas nakakatipid na mga presyo, mas

maraming mga pagpipilian at walang pagsisiksikan. Kasabay nito, mayroon itong mga isyu sa

seguridad, mga isyu sa paghahatid, kumplikadong mga website, at mas mataas na panganib ng

mga scam. Bilang resulta, ang mga mamimili ay may iba't ibang pananaw sa pinakamahusay na

paraan upang mamili sa pagitan ng tradisyonal at online na pamimili. Kasabay nito, lalo na ang

sitwasyon ng covid 19 ay lumikha ng maraming problema sa gawi sa pagbili ng mga mamimili at

sa kasalukuyang ekonomiya. Minsan ang tradisyonal na pamimili ay maaaring isang simple,

mabilis at magagawa na paraan. Ngunit kung minsan ang online shopping ay maaaring maging

isang napakakumportableng paraan ng pamimili lalong-lalo na noong panahon ng covid 19 na

naging malaking tulong para sa mga negosyante na magpatuloy ang kanilang pagkakakitaan at

para sa mga mamimili na mapadali ang pagbibili ng mga produkto sa kabila ng laganap na virus.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring isaalang-alang ang mga pagkakaiba sa mga

pananaw, reaksyon, at mga desisyon ng mga babaeng mamimili sa pagbili ng produkto mapa-

online o offline na paraan ng pagbibili. Mapag-aaralan din ang mga kadahilanan na nakaaapekto

sa mga ito, tulad ng kumpiyansa sa online na mga negosyo at pagiging nakakatipid sa oras at

4
gastusin. Sa pananaliksik na ito, higit na makakatulong ang mga nakalap na kaalaman sa mga

negosyante na mapalawak ang kanilang online at offline na mga negosyo sa pamamagitan ng

pag-aaral ng mga pangangailangan at pag-uugali ng kanilang target customers.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nagtatangkang idokumento ang perspesyon ng mga babaeng mamimli

tungkol sa online shopping at online shopping. Layon nitong sagutin ang mga sumusunod na

tanong:

 Ano ang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng online shopping at offline shopping sa

buhay ng mga mamimili?

 Ano-ano ang mga rason na nagtutulak sa mga konsumer na bumili online at sa

tradisyonal na pamimili?

 Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa mga mamimili, lalo na sa mga kababaihan,

mula sa pagbili offline hanggang sa pagbili online at mula sa pagbili online hanggang sa

pagbili offline?

 Ano-ano ang mga hakbang na mairekomenda sa mga negosyante upang mapabuti ang

paraan ng pagbibili sa online shopping at offline shopping?

Kahalagahan ng Pag-aaral

5
Ang pag-aaral na ito na nais matuklasan ang mga persepsyon ng mga babaeng mamimili tungo

sa online shopping at offline shopping ay higit na makakatulong sa mga sumusunod na

isteykholder lalo na sa mga negosyante, mamimili at mga mananaliksik.

Mga Negosyante

Sa pag-aaral na ito, mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga negosyantena makakatulong sa

pagtitinda online at offline. Ito ay magsisilbing gabay upang mapatakbo nila ng maayos ang

kanilang negosyo at patuloy tangkilikin ng mga konsyumer ang kanilang mga produkto.

Makapaghanda sila ng mga alternatibo kung paano nila mapapalago at mapanatiling patok ang

kanilang negosyo.

Mamimili

Ang papel pananaliksik na ito ay kapakipakinabang sa mga konsyumer sapagkat inilalahad dito

ang mga impormasyon upang makapili ng magandang paraan sa panahon ng pagbibili. Sa

pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mas mapadali nilang matukoy ang mga maayos na

pagbibilhan at mabigyan sila ng ideya kung ano ang mas maayos na kanilang pagpipilian kung

saang paraan mas matugonan ang kanilang pangangailangan sa madali at mabisang paraan.

Mambabasa

6
Ito ay makakatulong sa mga mambabasa upang makakuha ng mga datos at impormasyon na

umiikot sa mundo ng negosyo. Makakatulong din ito upang makakuha sila ng mga ideya o

kaalaman tungkol sa produktibong pagpapatakbo ng negosyo at matuklasan ang

makapanibagong trend or patok na paraan ng pagbibili na maaaring makaimpluwensiya sa kanila

na pag-aralan sa isang papel pananaliksik.

Mga manananliksik sa hinaharap

Magagamit nila ang pag aaral na ito sa kanilang papel pananaliksik na maaaring makatulong sa

pagkuha ng mga impormasyon at sa paglalahad ng related study. Matugunan din nito ang

pagbibigay ng mga ideya o mga napatunayan na kaalaman tungkol sa paksang kaugnay sa pag

aaral nito. Mapakinabangan din nila ito batay sa pagtalakay ng bagay na hindi pamilyar sa kanila

at makatulong ito upang maisagawa nila ng maayos ang kanilang pananaliksik.

Local Business Office

Ang mahihinuha na mga impormasyon sa pananaliksik na ito ay higit na makakatulong sa Local

Business Office upang magpatupad ng mga polisiya na dapat sundin ng mga negosyante at para

maprotektahan ang karapatan ng bawat konsyumer. Sa pag-aaral na ito, malalaman ang mga

kailangang ayosin upang mapanatili ang kaayusan at kalidad ng mga online at offline na negosyo

sa lokalidad.

You might also like