You are on page 1of 40

Iprinisenta sa Departamento ng Filipino

De La Salle University - Manila

Ikatlong Trimestre, Taong Panuruan 2018 - 2019

Bilang pagsasakatuparan sa mga kakailanganin ng kursong

GEFILI 1 (S14)

Media and Information Literacy ng Limampu’t Dalawang (52) mag-aaral ng Kolehiyo

ng Pag-aaral ng Kompyuter (CCS) Kaugnay ng Data Privacy sa Online Shopping

Ipinasa nina:

Chong Dianne

Chua, Princess

Maderazo, Rafael

Olan, Gabriel

Sison, Kirsten

Ipinasa kay:

Dr. Myrna Torreliza


Talaan ng mga Nilalaman

Pahina

KABANATA 1: Introduksyon

Sanligan

Layunin

Paglalahad ng Suliranin

Kahalagahan ng Pananaliksik

Kahulugan ng Termino

Sakop ay Limitasyon

KABANATA 2: Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Paglitaw ng Online Shopping sa Pilipinas

Mga Uri ng Online Scam sa Pilipinas

Aktuwal na Insidente na Naganap kaugnay ang Online Scam

Media and Information Literacy

Persepsyon ng mga Konsyumer sa Kaligtasan ng Online Shopping

Mga Benepisyo ng Online Shopping

Kahinaan ng Consumer sa Online na Panloloko: Nagiimlupensya na mga Salik

Isang Model ng Pagmamanipula ng Tiwala: Pag-eekperimento ng mga


Mekanismo ng Komunikasyon upang Maninlang

KABANATA 3: Metodolohiya

Metodolohiya
Paraan ng Pangongolekta ng Datos

KABANATA 4: Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng mga Datos

KABANATA 5: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom

Konklusyon

Rekomentasyon

TALAAN NG MGA SANGGUNIAN


KABANATA 1

Introduksyon

Sanligan

Ang paggamit ng kompyuter sa modernong panahon ay mayroong mahalagang

bahagi sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang paggamit ng iba-ibang gadyet ay umuugat

sa isang pangagailangan: koneksyon sa internet. Sa koneksyong ito, samu’t saring datos ng

isang tao ang dumadaloy rito, maaaring pangalan, larawan, kaarawan, at maseselang

impormasyon na maaaring taglay ng isang tao, tulad ng impormasyon ng credit card at iba

pang pampinansyal na impormasyon.

Nais suriin ng konseptong papel na ito ang kakayahan ng mag-aaral ng CCS na

matukoy ang kaibahan ng isang lehitimong manininda online, sa isang mapanlinlang na

manininda. Sa panahon na ito, humuhusay at gumagaling ang mga maninindang

mapanlinlang. Sila’y may kakayahang manlinlang, magnakaw, at kumuha ng impormasyon

ng isang mamimili ng walang pahintulot sa may-ari nito. Dahil dito, nais malaman ng mga

mananaliksik ang lawak ng kakayahan ng isang mag-aaral ng CCS na makapansin ng isang

scam.

Isa sa mga asignaturang kinuha ng isang Senior High School (SHS) student ay ang Media

Information Literacy (MIL). Ito ay pinakilala bilang asignatura na maaaring kunin ng mga

mag-aaral ng Senior High; ‘di ito naging asignatura para sa mga mag-aaral bago
mapatupad ang SHS. Dahil dito, malaki ang tinulong ng MIL sa mga kumuha ng

asignaturang ito marahil isa sa mga pokus nito ay turuan ang mga mag-aaral na maging ligtas

ang impormasyon nila online.

Isa sa mga batas na pumoprotekta sa data privacy ng isang mamamayan ay ang

Republic Act (R.A) 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Sinasabi rito na walang sinuman

ang maaaring magtaglay ng impormasyon ng isang mamamayan nang walang pahintulot sa

may-ari nito. Ang sakop ng batas na ito ay offline at online, mga impormasyon tulad ng:

• Pangalan

• Edad

• Tangkad at timbang

• Nasyonalidad

• Okupasyon

• Edukasyon

• At marami pang iba

Ang batas na ito ay magsisilbing gabay sa respondente at mananaliksik upang

malaman at paalalahanin ang pribilehiyong taglay bilang isang mamamayang Filipino.


Layunin

Ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay:

1. Hikayatin ang tao na pahalagahan ang personal na impormasyon nila online.

2. Mapakita na ang mga online scams ay nagbabago kasama ng panahon

3. Mapakita ang pinagkaiba ng datos ng mga kumuha ng MIL at ng hindi

Paglalahad ng Suliranin

1. May pagkakaiba ba sa dami ng nabiktima ng scams ang mga estudyanteng dumaan

sa K-12 at mga hindi dumaan sa K-12?

2. Gaano kadalas biktima ang mga estudyante ng CCS sa mga online scams kaugnay ng

online shopping?

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing paalala na ang kaligtasan sa internet ay hindi

masisiguro. Pinapakita ng pag-aaral na ito ang importansya ng tamang edukasyon:

edukasyon na gagabay sa paglalakbay sa internet, na ang personal na impormasyon ng isang

tao ay maaaring makuha, maaral, at makolekta ninuman. Dahil dito, hihikayatin ng pag-aaral

na ito na siguruhin ng mambabasa na ang personal na datos niya ay nasusubaybayan

paminsan-minsan upang maiwasan ang anomalya sa sariling impormasyon.


Kahulugan ng Termino

• Internet network/lugar na kung saan nagkakaroon ng pagpapalit ng

impormasyon.

• Online kakayahan ng isang tao na makakonekta sa internet.

• Offline estado ng isang tao na siya’y ‘di konektado sa internet.

• Scam modus ng mapanlinlang na tao upang makalingap ng impormasyon ng

isang tao nang walang pahintulot sa may-ari nito.

Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Naging pokus ng konseptong papel na ito ay ang pag-obserba ng kakayahan ng isang

mag-aaral ng CCS na matukoy ang mga dalang kalinlangan ng mga manininda online. Ito’y

natuklasan sa pamamagitan ng pagsarbey ng limampung/apatnapung (50/40) na mag-aaral

ng CCS.

Ang isinagawang sarbey ay may kalimitang natuklasan. Ang una ay ang edad ng mga

mag-aaral ay nasa pagitan ng labing-walo at dalawampu’t anim (18-26). Pangalawa, ang

datos na nakuha ay manggagaling sa mga mag-aaral ng CCS mula sa Batch 116 hanggang

Batch 118.
KABANATA 2

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang pamimili ng online ay naging isang lumalagong pagkahumaling sa Pilipinas sa

nakalipas na ilang taon. Ang kaginhawahan, mas mura na presyo at mga espesyal na ‘deals’

ay ang mga nangungunang mga dahilan para sa kagustuhan ng mga mamamayan para sa

online shopping. Gayumpaman, tulad ng anumang ginagawa online, anumang oras na

nagbibigay ka ng mga detalye tulad ng iyong email adres, adres ng pagpapadala, numero ng

telepono at impormasyon ng credit card, ang iyong impormasyon ay maaaring gawing

kasangkapan ng cyber criminals. Sa ganitong mga kaso, may mga Batas ng Anti-Cybercrime

ng Pilipinas na ipinatupad upang protektahan ang mga gumagamit ng online shopping mula

sa mga online na pandaraya. Ang iba't ibang mga online shopping platform ay inangkop ang

mga batas na ito ngunit ang bawat online shopper ay may sariling mga paraan ng pagtalima

sa mga ito. Kung kaya’t ang layunin ng pag-aaral ng literatura na ito ay ang paglalahad ng

kahalagahan sa kamalayan ng media literacy sa batayan ng mga pag-aaral mula sa mga lokal

at dayuhang ebidensya.

Paglitaw ng Online Shopping sa Pilipinas

Ang tradisyonal na pamamaraan ng pamimili at pagbebenta ay isinasagawa sa isang

komunidad kung saan ang pambayad ay pisikal at ang produkto ay makukuha kaagad. Ang

paglaganap ng Internet ay nagsimula noong 1994 at isa sa mga industriya na lumitaw mula
sa epekto nito ay ang e-commerce. Ang imprastraktura ng Internet ng bansa ay maliit at

mahal para sa karaniwang Pilipino sa panahong 90s hanggang 2000s, dahil dito, hindi bantog

ang paggamit ng mga websites pang online shopping (Toral, 2009). Ang mga sikat na e-

commerce websites sa panahong ito ay ang eBay, Buy&Sell Philippines, at Sulit (Olandres,

2014). Pagdating ng 2010s ang mga social media sites katulad ng Facebook ay nagbigay

pangako na ang plataporma na ito ay ikokonekta ang isa’t isa para magkaroon ng malapit na

relasyon sa mundo sa kabila ng kinaroroonan. Sa panahong ito dumami ang tao na

gumagamit ng online websites para bumili, lalo na sa plataporma ng social media apps kung

saan sumikat ang social shopping na nagbibigay na personal na karanasan sa pagbibili.

Ang paglaki ng at social media at ang epekto nitong social shopping ay mababakas

sa taong 2013, ang Facebook ay nagsimula ng proyekto na tinatawag na Free Facebook kung

saan ang pakay nito ay ang pagbigay ng koneksyon sa Internet ng mga taong nasa laylayan

ng lipunan, ngunit ang kalalimang layunin ng proyektong ito ay upang makapag-

eksperimento ang Facebook sa pagpapalaki ng user base nila. Ang taglay ng Internet ng

bansa ay mahina sapagkat ang pisikal imprastraktura ng Pilipinas ay lipas na at mahal ang

presyo ng mobile data. Sa kabila ng mga nasabing rason, ang Pilipinas ay mayroong 100

milyon na mamayanan kaya ito ay isang perpektong lipunan para maisagawa ang mga plano

ng Facebook. Ang epekto ng proyektong Free Facebook ay ang pagkakaroon ng

sentralisadong sistema sa digital world ng mga Pilipino. Sa pakikipanayam ng Rappler kay

Zuckerberg, ang presidente ng Facebook, 97 porsyento ng mga Pilipino na nakakagamit ng

Internet ay mayroong Facebook account. Kung inihambing ito sa porsyento ng mga


mamayanang nakakagamit ng Internet sa Estados Unidos at Canada, Sampung porsyento ang

hinigit ng ating bansa.

Mga Uri ng Online Scam sa Pilipinas

Ang pinaka-karaniwang mga online scam sa industriya ng Online Shopping sa

Pilipinas ay ang mga sumusunod: Buy-and-sell Scam, pagkatapos mong ipadala ang bayad,

mawawala sila at di ka na papansinin; Networking scams, ang mga scammers ay gumagamit

ng ideya ng sigurado at madaling pera upang tuksuhin ka sa pag "invest" ng pera para sa

pagpaparehistro o para sa isang pakete ng negosyo; Phishing o Identity Theft, ang mga

scammers ay gumagamit ng mga e-mail at pekeng mga website bilang pain para ipasok mo

ang impormasyon ng iyong credit card, mga detalye ng iyong bank account, mga password,

at iba pang personal na impormasyon; Lottery Scam, nagwagi ka sa isang loterya ngunit

walang naganap na pagsali; ‘Nigerian’ Scam, maaari kang makatanggap ng isang pormal na

email mula sa isang negosyante na parang dapat na maglipat ng milyun-milyong dolyar, na

pinipilit kang makipagsapalaran sa isang negosyo o pagkakataon sa pamumuhunan. (“7

Online Scams You Should Be Aware Of”, 2017) Ang mga online scam ay nasa itaas ng

listahan ng mga reklamong cybercrime na natatanggap ng mga awtoridad sa nakaraang taon.

Hindi mahirap mahulog sa mga online scam na nagpapakita ng nakakaintriga at mapang-akit

na mga alok, paminsan-minsan kahit na umaapila sa iyong emosyon. Mahalagang malaman

ang gayong mga pandaraya upang maiwasan mo ang panganib na dala nila.
Aktwal na Insidente na naganap kaugnay ang Online Scam

Ang Philippine National Police (PNP) ay umaresto noong Hunyo 6, 2018 ng 490

indibidwal dahil sa diumano'y nakikibahagi sa isang multimillion-dollar na mapanlinlang na

operasyong pangkalakal. Ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) at ang Espesyal na

Aksyon Action Force ay nagwawasak ng tatlong mga gusali sa Clark Freeport Zone sa

Angeles City sa Pampanga na daan-daang mga operator. Ang di-umano'y scam ay

gumagamit ng isang gawa-gawang sistema ng stock trading. Lumilitaw na sila ay naging

isang kumpanya na may isang portfolio ng mga stock na pinananatiling tumataas. (Talabong,

2018) Ang tagapagsalita ng PNP-ACG, Senior Insp. Artemio Cinco Jr., ay sinabing 10

porsiyento ng internet na pandaraya na iniulat sa bansa noong 2017 ay nahulog sa ilalim ng

kategoryang pag-ibig o pag-iibigan. Ito ay isang pinansyal at online na kaso ng pandaraya

dahil ang pag-ibig ay pinasisigla ng pera. Ang base ay isang taong umibig at nagkaroon ng

isang online na relasyon hanggang sa oras na ang biktima ay maglabas ng isang tiyak na

halaga ng pera. (Andrade, 2018).


Media and Information Literacy

Ayon sa DepEd ang MIL o Media and Information Literacy ay isang core subject sa

K-12 curriculum. Ang layunin ng asignaturang ito ay mahubog ang kritikal na pag-iisip sa

mga estudyante kaugnay ang makabagong media, at ang tama at responsableng gawain na

dapat ma-obserba tuwing ginagamit ang iba’t ibang uri ng media. Kaugnay nito, karamihan

ng mga estudyanteng may ID na numero 118 ay dumaan sa asignaturang ito. Layunin rin ng

pag-aaral nito ang maihambing kung ang mga dumaan ng MIL ay mas magaling umiwas sa

mga makabagong scams na matatagpuan sa mga online shopping apps ngayon. Ayon kay

Chang, ang kasarian, metodo ng pagtuturo at kasanayan sa paggamit ng Internet ay may

malaking epekto sa pag-unawa ng pagkakaroon ng media literacy.

Persepsyon ng mga Konsyumer sa Kaligtasan ng Online Shopping

Ayon sa pag aaral na isinagawa ni Miyazaki at Fernandez (2001), ang pinaka

kinatatakutan ng mga tao sa paggamit ng shopping applications ay ang seguridad nila dito.

Kinatatakutan nila na makuha ng ibang tao, kumpanya, o organisasyon na labas sa kumpanya

na nagpapaandar ng online shop ang mga importanteng impormasyon sa kanila tulad ng mga

detalye sa kanilang mga credit card at mga personal na impormasyon. Ayon din sa pag aaral

na ito, mas kinatatakutan pa nila na makuha ng iba ang impormasyon tungkol sa kanila kaysa

maloko ng seller. Pinaniniwalaan na mas mababa ang mga insidente ng online scam sa mga

taong matagal na gumagamit ng shopping apps sapagkat mayroon na silang karanasan at

alam na nila ang mga kailangan isaalang-alang bago pumayag makipag transaksyon. Ang
karamihan ng plataporma pang e-commerce ay naglalagay ng rating system bilang pangontra

sa mga posibleng panloloko ng nagbebenta at ng mamimili. Mayroong patakaran at

alituntunin ang mga shopping applications na naka-batay sa mga kasalukuyang batas ma

kinakailangan sundan ng gagamit ng naaayon sa plataporma upang maihadlang ang mga

gustong gumawa ng ilegal na gawain (Damaini, Nugroho, & Suyoto, 2018).

Mga Benepisyo ng Online Shopping

Maraming benepisyo ang paggamit ng mga online applications. Ayon sa pananaliksik

na isinagawa nina Forsythe, S. et al. (2006), habang lumilipas ang panahon ay mas pinipili

na ng mga tao ang pag gamit ng shopping applications sapagkat marami itong mga

benepisyo. Ilan sa mga benepisyo sa pag gamit nito ay kaya na ng mga tao mamili ng mga

kailangan nila ng di na kailangan pang lumabas ng kanilang bahay, pwede sila mamili

anumang oras nila gusto at di na nila kailangan mapagod palipat-lipat ng tindahan. Lahat din

ng mga kailangan nila ay mayroon na rin dito at mas nakakakuha sila ng maraming

impormasyon tungkol sa isang produkto hindi lamang impormasyon galing sa seller kundi

pati narin sa mga iba pang konsyumer na nakabili na nitong produkto dati. Di na rin nila

kailangan maghintay pa na sila ay paglingkuran ng mga tauhan ng isang tindahan tulad sa

pisikal na tindahan sapagkat ang konsyumer ang may kontrol sa lahat at di rin sila

mapapahiya kung sakali biglang magbago ang kanilang isip sa pagbili. Marami din

kadahilanan kung bakit mas pinipili na ng mga tao ang paggamit ng online application dahil

may ilan na sinasabi na masaya sila pag nakakatanggap ng package sa bahay at gusto lamang
nila subukan. Ang imahe ng kumpanya na nagbebenta ng produkto ay malaking salik para

bilhin ng isang mamimili ang produkto nito. Sinisigurado din na madaming benipisyo ang

produktong binibenta at kontrolado ang negatibong pananaw para makabenta ng malakas

(Batara, et al., 2018). Dahil narin sa tinatawag na impulsive buying, o biglaang pagbili ng

isang produkto, kaya napapasubok ang mga tao dito.

Kahinaan ng Consumer sa Online na Panloloko: Nag-iimpluwensya na Mga Salik

Gamit ang 1993 Survey sa Pag-uugali ng Consumer na inatasan ng American

Association of Retired Persons, ang kahinaan ng consumer sa pandaraya sa merkado ay

sinisiyasat. Natutukoy ang kahinaan ng consumer batay sa kaalaman sa merkado ng

kamalayan ng mga hindi patas na kasanayan sa negosyo. Gamit ang isang inorder na pag-

aaral napag-alaman na ang mga mamimili ay mas madaling kapitan ng pandaraya kung sila

ay mas matanda, mahirap, hindi gaanong edukado, at nabubuhay nang walang asawa. Wala

ang kasarian o lahi na natagpuan bilang isang makabuluhang salik ng kahinaan ng consumer.

Ang mga implikasyon para sa mga tagapagturo ng consumer at mga tagagawa ng patakaran

ay iginuhit.

Ang karaniwang lugar na pinag-uugatan ng scam ay mga online forum, ito ay isang

resulta sa pag-aaral na isinagawa ni Johan van Wilsem (“‘Bought it, but Never Got it’

Assessing Risk Factors for Online Consumer Fraud Victimization”, 2011). Sinabi niya rito,

“The results from large-scale victimization survey data among the Dutch general population
(N = 6,201) reveal that people with low self-control run substantially higher victimization

risk, as well as active online shoppers and people participating in online forums. Though a

share of the link between low self-control and victimization is indirect—because impulsive

people are more involved in risk enhancing online routine activities—a large direct effect

remains. This suggests that, within similar situations, people with low self-control respond

differently to deceptive online commercial offers.”

Ang pag-aaral ni Wilsem ay nagsasabi na mga taong madali at mabilis mahimok ang

nalinlinlang ng mga scam. Sa pag-aaral ni Wilsem, 6,201 ang naging respondente niya, dahil

sa resulta ng pag-aaral niya, madali niyang nahinuha na ang taong malagay sa parehong

sitwasyon.

Ang karaniwang pinag-uugatan ng scams ng mga nagpapanggap na negosyante

online ay sa e-mail. Sa isang statistikal pananaliksik nina Datar, Cole, at Rogers (“Awareness

of Scam E-mails: An Exploratory Research Study”, 2014), ang naging kalahok sa

pananaliksik nila ay 163 respondente na kikilalanin at pipiliin ang e-mail na may lehitimong

kontento at mapanlinlang na kontento. Ang naging resulta, “Only 1.7% of the respondents

were able to identify all four e-mails correctly and 64.5% of the respondents were correctly

able to identify three of the given four e-mails. Most users tended to delete/ignore the e-mail

after receiving a scam e-mail. 59.3% respondents indicated that they were able to identify

scam e-mail. Users also tended to trust reputed company names when trying to discern

whether the particular e-mail was a scam or was legitimate. It should be noted that this paper

is based on a subset of the entire dataset collected.”


Ang nakaka-alarma sa datos na ito ay 1.7% lamang ang may kakayahan na makakilala

ng isang mapanlinlang na e-mail. Madaling sabihin na isa itong kahinaan sa mundong birtwal

marahil ito ang maaaring pag-ugatan ng kawalan ng mahalagang personal na impormasyon.

Pinapakilala ang teknolohiya sa buhay ng isang tao upang baguhin ang nakasanayang

gawain, upang paginhawain ang buhay ng konsumer, at makisabay sa pagbago ng panahon.

Ito ay isang realidad na haharapin araw-araw. Dahil dito, kailangan din ng mga kumpanya

na sumabay sa daloy ng panahon.

Ayon sa pananaliksik ni David Coy (“How Technology and mobile devices are

changing the way we shop”, 2013), “The reality is that companies can take advantage of the

technology at its maximum extent to analyze their customers and suppliers, to improve their

internal processes and to better meet the needs of current and potential customers, increasing

value in the process.” Dagdag niya rito, “In recent times have emerged many companies that

based its offer on the development of the technology. Companies of promotions and daily

deals, Privalia, based its business model on easy access to consumers that new technologies

allow, reducing, simplifying and making renewal processes of supply and purchase,

unthinkable without the internet, much faster. In this way, the relationship with customers

improves considerably, as it is the case in other more traditional sectors such as banking and

tourism, in which electronic transactions reduce and simplify the traditional procedures of

marketing. ING Direct or e-Dreams would be one of many examples.”

Ang nais iparating ni David Coy na maraming kumpanya na may reputado ang unti-

unting binabago ang business model para maging online business. Ginagawang plataporma
ng mga kumpanyang ito ang pagsagawa ng maraming “online deals”- ang pagpapababa ng

presyo ng produktong tinitinda nila. Dahil dito, nakakakuha ng mas maraming konsumer ang

isang online negosyo.

Isang Model ng Pagmamanipula ng Tiwala: Pag-eeksperimento ng Mga Mekanismo

ng Komunikasyon upang Manlinlang

Ang isang mahalagang kadahilanan upang matagumpay na manlinlang ang iba ay ang

pagbuo ng tiwala sa tatanggap na ang nag-aangkin na senaryo at komunikasyon ay tunay.

Upang makamit ito, ang mga magdaraya ay madalas na manipulahin ang mga itinatag na

kaugalian at mga mekanismo ng tiwala upang makatulong sa kanilang panlilinlang. Kasunod

ng pagsusuri na ito, ipinakita ang isang paunang modelo ng pagmamanipula ng tiwala na

pinagsasama-sama ang lahat ng mga salik na ito upang isaalang-alang kung paano ang mga

elemento ng komunikasyon, tulad ng pagbuo ng pakikisalamuha at ang paggamit ng mga

hudyat ng pagiging tunay, ay maaaring magamit upang maimbitahan ang tiwala upang

epektibong linlangin ang iba.


KABANATA 3

Metodolohiya

Metodolohiya

Sa pagsagawa ng pag-aaral na ito, gumamit ng descriptive research method ang mga

mananaliksik. Ginamit ito upang mailarawan ang pangkalahatang datos na makokolekta

mula sa mga ibinahagi na sarbey.

Ang pananaliksik na ito ay kwantitatibo dahil kontrolado ang populasyon ng mga

respondenteng mag-aaral sa limampu’t dalawa (52) at maaaring bahagi ng Batch 116

hanggang Batch 118 ng CCS. Ang bawat tanong sa sarbey ay sumusukat sa kakayahan ng

respondente na makatukoy ng scam at ang kadalasang paggamit ng online shopping sites na

isang bahagi sa mga pinag-aralan sa MIL.

Ayon kay Polit at Hungler (1999), “A descriptive method of research describes what

exists and aims to observe, describe, document, and uncover new facts and meaning.”

Paraan ng Pangongolekta ng Datos

Upang makakolekta ng datos, nagsagawa ng online sarbey ang mga mananaliksik.

Ang naging midyum upang makalangap ng datos ay Facebook. Ang naging durasyon ng

pangongolekta ng datos ay pitong (7) araw. Ang maaaring makisalamuha sa online sarbey

ay mga mag-aaral ng CCS batch 116 hanggang batch 118 lamang.


KABANATA 4

Presentasyon, Analisis at Interpretasyon ng mga Datos

Table 1. Pinapakita ng grapikong ito ang mga shopping apps na ginagamit ng mga

mag-aaral ng CCS.

Online Shopping sa Social Networking Sites

Ayon sa mga tala, mayroong 48.1% na gumagamit ng Facebook bilang bilihan,

44.2% ang hindi gumagamit nito, at 7.7% ang hindi gumagamit ng shopping app. Dagdag
dito, mayroong 40.4% na gumagamit ng Instagram bilang bilihan, 51.9% ang hindi

gumagamit nito, at 7.7% ang hindi gumagamit ng shopping app.

Mula sa nakalap na datos, makikitang ang Shopee ang pinakagamit na plataporma ng

Online Shopping, sinusundan ng Lazada, Facebook, at Instagram. Sa konteksto ng

kamalayan sa online sites, ang Instagram naman ang pinaka maraming tugon bilang hindi

ginagamit na Online Shopping site. Mahihinuha na dahil ang Instagram ay primaryang site

ng pagbabahagi ng video at larawan na social networking, hindi ito laganap bilang paraan

nang Online Shopping. Ibig sabihin nito na mas may pagtiwala ang mga respondente sa mga

shopping sites na may taglay nang reputasyon na matagal nang naitaguyod. Naging opisyal

lamang ang Facebook Marketplace noong 2016, Shoppee na noong 2015, Lazada noong

2014, habang walang opisyal na suporta ang pagbenta sa Instagram.

Online Shopping sa Online Shopping Sites

Ayon sa mga tala, mayroong 53.8% na gumagamit ng Lazada bilang bilihan, 36.5%

ang hindi gumagamit nito, at 9.6% ang hindi gumagamit ng shopping app. Dagdag dito,

mayroong 55.8% na gumagamit ng Shoppee bilang bilihan, 34.6% ang hindi gumagamit

nito, at 9.6% ang hindi gumagamit ng shopping app.

Sa pagkakaroon naman ng mga respondente ng mga inilahad na online apps, ang

Facebook at Instagram ay nasa parehong antas at gayundin ang resulta para sa Lazada at

Shopee. Nauugnay ito sa primaryang likas na katangian ng site sapagka’t ang Facebook at

Instagram ay hindi lamang umiiral para sa layuning online shopping, kundi para sa social
networking at pakikipag-ugnay sa daluyan ng Social Media. Habang ang Lazada at Shopee

ay nilikha para sa primaryang layunin na kombenyenteng pamimili ng mga mamamayan

kaya’t mas malaganap at tinatangkilik para sa gawaing online shopping.

Table 2. Pinapakita ng grapikong ito ang ginagamit na paraan ng pagbayad ng mga mag-

aaral ng CCS.

Pagbayad ng mga Biniling Gamit ang Cash-on-Delivery:

Ayon sa mga tala, mayroong 82.7% na pinipili ang COD bilang paraan ng pagbayad,

9.6% ang hindi gumagamit nito, at 7.7% ang hindi gumagamit ng kahit anong shopping app.
Makikitang ang Cash-on-delivery ang pinaka laganap na paraan ng pagbayad. Para

sa mga mamimili, ang isa sa mga pinaka makabuluhang benepisyo ng COD ay maaaring

magbayad lamang pagkatapos makuha mo ang produkto. Sa ganitong paraan, walang

panganib na mawala ang pera. Ito ay naglalahad ng kamalayan ng mga respondente sa

Computer Literacy sapagka’t kanilang pinili ang opsyon na pinaka maka-iiwas sa panganib

ng online scams na maaaring idulot ng online shopping. Maaari ring suriin ng customer ang

produkto at makita kung perpekto ang lahat bago mabayaran ito. Kung sakaling nalaman

mong may depekto ang produkto o naiiba na naihatid ang resulta, maaari mo itong maibalik

nang hindi nagbabayad. Masasabing ang mga katwiran na ito ng mga respondente ay

nagpapakita ng pagka laganap ng Computer Literacy partikular sa gawain ng Online

Shopping mula sa matalinong pagpapasya ng paraan ng pagbayad.

Pagbayad ng mga Binili Gamit ang Credit Card:

Ayon sa mga tala, mayroong 48.1% na pinipili ang COD bilang paraan ng

pagbayad, 48.1% ang hindi gumagamit nito, at 3.8% ang hindi gumagamit ng kahit anong

shopping app.

Ang credit card ay iniisyu ng isang institusyong pampinansyal, karaniwang isang

bangko, at pinapayagan nito ang cardholder na humiram ng pondo mula sa institusyong iyon.

Sumasang-ayon ang mga cardholders na bayaran ang pera, na may interes, ayon sa mga

termino ng institusyon. Sumusunod ito sa COD bilang paraan ng pagbayad ng mga mamimili

ngunit ito ay 34.6% na mas mababa kumpara sa COD. May dalawang panig na interpretasyon
na mahihinuha dito kung saan ang una ay maraming tao ang hindi gumagamit ng card

sapagka’t nasa kolehiyong antas pa lamang kaya’t walang pondong pang suplay sa credit

card. Ang isa naman na lubos na maiuugnay sa layunin ng papel ay ang palagay na laganap

at nagdudulot ng banta ang credit card sa mga mamimili sa paraang ang mga links online na

ito ay maaaring magdala sa isang pekeng website na naka-set up para sa nag-iisang layunin

ng pagnanakaw ng impormasyon sa credit card. Ang mga pampublikong kompyuter at

network ay hindi rin gaanong ligtas kaya mayroong isang mas malaking pagkakataon na ang

iyong impormasyon sa credit card ay maaaring ninakaw kapag ginamit mo ito. Sa

pagkakaroon ng kamalayan ng mga respondente sa mga pangyayaring ito ay makikita kung

gaano kalawak ang kanilang pagka-batid sa kapinsalaang maaaring idulot ng online shopping

scams.

Pagbayad ng mga Biniling Gamit ang Debit Card:

Ayon sa mga tala, mayroong 28.8% na pinipili ang COD bilang paraan ng

pagbayad, 65.4% ang hindi gumagamit nito, at 5.8% ang hindi gumagamit ng kahit anong

shopping app.

Pinapayagan ng mga debit card ang mga customer sa bangko na gumastos ng pera sa

pamamagitan ng pagguhit sa mga pondo na naideposito nila sa bangko. Ito ang nakapag

gawad ng pinaka konting tugon dahil ang debit card ay may mas malaking dulot na panganib

sapagka’t direktang kumukuha ito ng pondo sa sariling idinepositong ipon sa bangko. Ito ay

positibong indikasyon na sa katunayan ay malawak ang kamalayan ng mga mag-aaral


kaugnay ang data privacy mula sa mga paraan ng pag-iisip na nahihinuha sa mga datos na

nakalap.

Table 3. Pinapakita ng grapikong ito ang pinakaligtas na Shopping App, ayon sa

respondents.

Ayon sa grapikong pinakita sa taas, ang pinaka-pinagtitiwalaang shopping app ay

Lazada na may 36.5% response rate, habang pantay ang Facebook at Shopee na mayroon

19.2% response rate. Susunod dito ay Instagram na mayroong 5.8% response rate, Amazon

at BeautyMNL na may 3.8% response rate, Carousell na may 1.9% response rate, at 3.9%

ang walang masabing opinyon habang 4.0% ang nagsasabi na walang ligtas na app.
Madaming tao ang gumagamit ng Lazada at Shopee dahil ang plataporma na ito ay

mayroon nang naitatag na sistema ng pagbabayad at pagbebenta kung saan ang parte ng

paggawa ng seller account ang pagbigay ng mga legal na detalye ng negosyo. Ang

pagtatanggal din ng mga pekeng produkto at pekeng negosyo ay binibigyan ng halaga ng

mga plataporma na ito sa pagkakaroon ng dedikadong grupo para siguraduhin ang

pagkakaroon ng lehitimo at sagradong pamimili, dahil pagnagkaroon ng isyu ang isang

mamimili, ang pangalan ng kumpanya ang nakataya. Mayroong rating system ang mga

malalaking plataporma na kapag mababa ang marka ng isang tagapagbili, maaring

mahihirapan makita ang mga binebentang produkto nito sa plataporma o hindi kaya

matanggal ang account nito. Ang mga platapormang ito ay mas tinatangkilik dahil ang mga

produkto ay nakapresyo sa pera natin (Philippine Peso) habang ang Amazon naman ay

nakapresyo sa dolyar at halos lahat ng produkto ay magmumula pa sa ibang bansa kaya mas

matagal ito dadating.

Sa mga plataporma na social media sites, ang Facebook ang nananatiling hari sa

bansa dahil sa dali nitong mabuksan, bunga ito ng Free Facebook na isang proyekto ng

kumpanya noong 2013. Ang Instagram ay isa ding plataporma na pamamay-ari ng Facebook

na sikat din bilang pamilihan ng mga produkto online.

Mapapansin na ang mga gamit na plataporma online ay nagbebenta ng iba’t ibang

klase ng produkto mula sa iba’t ibang kumpanya gaya ng isang pisikal na mall. Ito ay dahil

sa dali sa paghanap ng mga produkto at sa pagsagawa ng transaksyon. Sa mga respondente,


3.8% lamang ang gumagamit ng BeautyMNL na isang plataporma na limitado lamang sa

palamuti at damit.

Table 4. Porsyento ng mga estudyante na dumaan at hindi dumaan sa asignaturang

Media Information Literacy

Sa mga respondente, 75% ang nagsabi na naging asignatura nila ang Media and

Information Literacy at 25% naman ang nagsabi na hindi.

Kung itutukoy pabalik sa resulta mula sa Table 1 & 2 ng Kabanata 4, mapapansin na

positibo ang naging resulta ng pananaliksik sa pag tukoy ng epekto ng pag aaral ng MIL sa

paghubog ng kritikal na pag-iisip sa mga estudyante kaugnay ang makabagong media, at ang
tama at responsableng gawain na dapat ma-obserba tuwing ginagamit ang iba’t ibang uri ng

media sapagka’t karamihan ng mga datos na binigyang interpretasyon ay dumaan sa

programang ito at nasalinan ng kaalaman patungkol sa mga banta na dala ng Online Shopping

Scams. Mula sa kaugnay na pag-aaral, ibinanggit na mas madaling kapitan ng pandaraya ang

tao kung sila ay mas matanda, mahirap, hindi gaanong edukado. Kung kaya’t mula sa

pagpapa-unlad ng kalidad ng edukasyon partikular katulad ng pagpapalaganap ng kursong

MIL at tunay ngang nabibigyang kamalayan ang mga Pilipino at ang mga henerasyon upang

mas maka gawa ng mahusay na desisyon sa mga hinaharap na gawain katulad na lamang ng

pamimili sa bagong mga plataporma ng pagbebenta.


Table 5. Grapikong nagpapakita ng persepsyon ng mga respondente sa kaligtasan

nila sa online scams.

Sa tanong na kung sa palagay nila, ligtas ba sila sa online scams, 46.2 % ang nagsagot

ng hindi. ‘Hindi’ rin ang may pinakamaraming sumagot kaya marami ang nakakaramdam na

walang sekuridad o mababa ang sekuridad at proteksyon nila laban sa mga online scams.

Ang mga online scam ay nasa itaas ng listahan ng mga reklamong cybercrime na

natatanggap ng mga awtoridad sa nakaraang taon. Hindi mahirap mahulog sa mga online

scam na nagpapakita ng nakakaintriga at mapang-akit na mga alok, paminsan-minsan kahit

na umaapila sa iyong emosyon. Mahalagang malaman ang gayong mga pandaraya upang

maiwasan mo ang panganib na dala nila.


Table 6. Grapikong nagpapakita ng bilang ng mga nabiktima sa mga online scams sa

mga respondente.

Ayon sa nakalap na datos, 86.5 % ang hindi pa nabibiktima ng mga online scams,

habang 11.5% ang nabiktima, at 1.9% ang ‘di tiyak kung sila’ay nabiktima ng scam.

Pinapakita ng datos na ito na sa 52 na respondente, 11.5% ang nabiktima ng scam.

Karamihan sa mga na-scam ay 118 na ang karaniwa’y nangyari ay pagkatapos magbayad,

‘di na nag-online muli ang negosyante o kaya ay tinanggal ang account sa platapormang

ginagamit.
Ayon sa pag-aaral ni Wilsem (2011), ang pagkawala ng kontrol sa sariling

panghihimok ay ang pinag-uugatan ng scam. Isang sagot ng respondente, “Mura ang halaga

kaya ko binili,” ay halimbawa sa sinabi ni Wilsem. Ang mababang presyo ng bilihin ay

nakaaakit sa mata ng konsumer kaya’t ito ang nagsilbing instrumento ng mga scammer upang

manlinlang ng mamimili. Dahil hindi muna inusisa ang reputasyon, kasaysayan, at

pagkalehitimo ng negosyante, nauwi ang transaksyon sa pagkadismaya ng konsumer.


KABANATA 5

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay nagpopokus sa Media and Information literacy ng

estudyante ng College of Computer Studies (CCS) kaugnay sa mga online shopping scams

o mga panloloko na umuusbong sa online shopping. Ipinapakita dito na kung ang

asignaturang Media and Information Literacy sa Curriculum ng K-12 ay nakatulong ba sa

kahusayan ng mga estudyante mag-iwas sa mga makabagong scams na matatagpuan sa

mundong birtwal.

Lumalabas na lagpas sa kalahati ng respondente ng pag-aaral na ito ay gumagamit ng

shopping apps habang hindi lalagpas sa kalahati ng mga respondente ang gumagamit ng

social networking sites bilang shopping site. Dahil sa datos na ito, madaling sabihin na mas

may pagtiwala ang mga respondente sa mga shopping sites kumpara sa social networking

sites (na mayroong shopping menu) dahil sa katagalan nang panahon na nagserbisyo ang

shopping sites.

Ang paraan ng pagbayad na mas pinipili ng mga respondente ay Cash-on-Delivery.

Ito ang paraan kung saan direktang magbabayad ng salapi sa courier nang matanggap ang

produktong binili. Susunod sa COD ay ang credit card at debit card, kung saan hihingan ng

kumpirmasyon ang transaksyon na magaganap kapag dumating na ang produktong binili.

Ang pinagkaiba ng credit card at debit card ay may nakalaan na halaga lamang ang maaaring

gastusin sa credit card habang ang debit card ay direktang konektado sa bank account ng
isang tao. Dahil mas pinipili ang paraang COD, masasabing taglay ang kamalayang computer

literacy ng mga respondente dahil mas pinili ang paraan ng pagbayad na makakaiwas sa

scam. Kung papansinin ang pagkakaiba ng COD sa debit card at credit card, ligtas sa

kapahamakan ang yamang-ari ng isang tao- ang kanyang bank account.

Ang Lazada naman ang lumalabas bilang una sa mga pinagkakatiwalaan ng mga

respondante na shopping app. Pinaniniwalaan nilang dito pinakaligtas subalit binibigyang

importansya ng Lazada ang kaligtasan ng mga tao sa mga online scam sa pamamagitan ng

pagbibigay ng detalyadong impormasyon ukol sa nagbebenta ng isang produkto. Mabilis din

itong sumagot sa ano mang isyu na kinakaharap ng isang mamimili sapagkat pangalan ng

kumpanya ang nakasalalay dito. Sinisigurado nilang lehitimo ang bawat produkto na

mahahanap sa application na ito.

Konklusyon

Ang mundong birtwal, sa pagdaan ng panahon, ay walang tigil na nagbabago ang

teknolohiya at ang mga kapahamakang maaaring dala nito. Dahil dito, isang mahalagang

kasanayan ang pag-iingat online. Usisain ang seller rating ng isang negosyante, alamin at

makibahagi sa balita tungkol sa scams, at siguraduhing ligtas at sarili lamang ang nakaka-

alam ng mga maseselang impormasyon na mayroon ang sarili.

Ang asignaturang MIL ay mahalaga upang mamulat ang kabataan sa kapahamakang

dala ng internet. Ito ay isang gabay sa kaligtasan ng isang tao sa mundong birtwal. Dahil dito,
makikita ang kahalagahan ng data privacy at mayroon pa rin na mga tao na buong-pusong

nagtitiwala sa isang online shopping app. Ang Media and Information Literacy ay nagtuturo

sa estudyante na maging responsable sa paggamit ng iba’t ibang midya platforms tulad ng

pag-iwas sa pagkalat ng pekeng balita at iba pa. Ngunit, sa deskription ng kurso, hindi

masyado naibigay-atensyon ang kurso sa mga paraan kung paano iwasan ang mga

makabagong online shopping scams.

Rekomendasyon

Ang kursong Media and Information Literacy ay maaari pang mapabuti. Imbes na

responsibilidad sa midya ang ituro, maaari pang idagdag sa pagturo ang mga paraan kung

paano makikilala ang mga online scams at mga paraan kung paano ito maiwasan, lalo na

ngayon na nagiging mas matalino ang mga may masasamang loob na magbiktima.

Para sa pagiging mas kampante ang loob ng nakakaraming online buyers,

inirerekomenda ng mga mananaliksik na ang mga nag-oonline shopping ay maging alerto sa

lahat ng oras at huwag magbigay ng sensitibong impormasyon tulad ng bank numbers,

addresses, kahit pangalan man lang, upang makaiwas sa fraud, identity theft at iba pang

klaseng online scams. Pati ang “Fake / Misleading Advertisements” ay, para sa marami, isang

uri na rin na ‘scam’, kaya dapat palagi siguraduhin na tsinetsek ang mga senyales na

nagtuturo na ang pagbibilhan at pagbebentahan ay hindi scam.


Talaan ng mga Sanggunian

Mga di nalathalang babasahin na Tesis/disertasyon

Batara,J., Mariblanca,J., Kinaadman,K., & Go., J. (2018). The Effect of Consumer

Innovativeness, Perceived Benefits, Perceived Risk, and Brand Image in the Decision

to Buy Online. Recoletos Multidisciplinary Research Journal, 6(1), 1–1.

Chiung-sui Chang, & Eric Zhi-feng Liu. (2011). Exploring the Media Literacy of Taiwanese

Elementary School Students. The Asia-Pacific Education Researcher, 20(3), 1–1.

Coy, D. R. (2013). How Technology and mobile devices are changing the way we shop.

Obra Digital, (4), 75–95. https://doi.org/10.25029/od.2013.10.4

Damaini, A. A., Nugroho, G. S., & Suyoto, S. (2018). Fraud Crime Mitigation of Mobile

Application Users for Online Transportation. International Journal of Interactive

Mobile Technologies (IJIM), 12(3), 153–167.

Datar, T., Cole, K., at Rogers, M.. Awareness of Scam E-mails: An Exploratory Research

Study. Nakuha sa: https://commons.erau.edu/adfsl/2014/wednesday/12/

Miyazaki, A. D., & Fernandez, A. (2001). Consumer perceptions of privacy and security

risks for online shopping. Journal of Consumer Affairs, 35(1), 27-44.


Forsythe, S., Liu, C., Shannon, D., & Gardner, L. C. (2006). Development of a scale to

measure the perceived benefits and risks of online shopping. Journal of interactive

marketing, 20(2), 55-75.

Gisbey, P. (2016). Quantitative Research Design Project (Part 2). Nakuha sa:

https://doi.org/10.13140/RG.2.1.1051.9443

Wilsem, J. (2013). ‘Bought it, but Never Got it’ Assessing Risk Factors for Online Consumer

Fraud Victimization. Nakuha sa: https://academic.oup.com/esr/article-

abstract/29/2/168/471182?redirectedFrom=fulltext.

Internet

7 Online Scams You Should Be Aware Of (2017, July 20) Nakuha mula sa

https://primer.com.ph/tips-guides/2017/07/20/7-online-scams-you-should-be-aware-

of/

Andrade, J. (2018, May 16) Nakuha mula sa https://technology.inquirer.net/75859/online-

scammers-prey-lovestruck
Talabong, R. (2018, June 7) 490 arrested for massive online scam in Clark, Pampanga.

Nakuha mula sa https://www.rappler.com/nation/204369-online-scam-arrests-clark-

pampanga-june-6-2018

Olandres, A. (2014, March 25). How the mighty Sulit became OLX PH. Retrieved August

6, 2019, from YugaTech | Philippines Tech News & Reviews website:

https://www.yugatech.com/the-internet/how-the-mighty-sulit-became-olx-ph/

Swearingen, J. (2018, September 4). Facebook Used the Philippines to Test Free Internet.

Then a Dictator Was Elected. Retrieved August 6, 2019, from Intelligencer website:

http://nymag.com/intelligencer/2018/09/how-facebooks-free-internet-helped-elect-

a-dictator.html

Toral, J. (2009, January 25). A collector’s item: Philippine Internet Review: 10 Years of

Internet History (1994-2004). Retrieved August 6, 2019, from DigitalFilipino: E-

Commerce in the Philippines website: https://digitalfilipino.com/a-collectors-item-

philippine-internet-review-10-years-of-internet-history-1994-2004/

K to 12 Basic Education Curriculum Senior High School - Core Subject. (2013). Retrieved

August 6, 2019 from https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/SHS-

Core_Media-and-Information-Literacy-CG.pdf
Soberon-Ferrer, H. (2005, March 4). Consumer Vulnerability to Fraud: Influencing Factors.

Retrieved August 8, 2019 from

https://onlinelibrary.wiley.com/doi/pdf/10.1111/j.1745-

6606.1997.tb00827.x#accessDenialLayout

Williams, E. (2019, April 30). A Model of Trust Manipulation: Exploiting Communication

Mechanisms and Authenticity Cues to Deceive. August 8, 2019. Nakuha mula sa

https://link.springer.com/chapter/10.1007%2F978-3-319-96334-1_13.
DOKYUMENTASYON

Lektyur Forum

I. Pambungad na Panalangin

Tayo’y tumayo para sa Pambungad na Panalangin.

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming

lahat upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Gabayan

ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at

maunawaan ng lubos ang anumang pananaliksik na iprepresenta sa amin.

Gabayan din naman ninyo ang mga grupong magpreresenta ngayon upang

magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa madla ang mga aral

na kanilang natukoy sa kanilang pananaliksik. Amen.

II. Pambungad na Pananalita at Introduksyon ng mga Ispiker

Mangandang araw sa inyong lahat! Kami ang grupong mananaliksik na

magtatalakay tungkol sa mga online shopping scams at kaugnayan nito sa

mga asignaturang Media and Information Literacy at sa mga napapanahong

balita tungkol dito. Mas magaling na ba umiwas ang mga tao sa online scams?

O naiisahan pa rin sila ng mga masasamang loob na mukhang naging mas

matalino na sa kanilang makabagong paraan? Upang malaman ang mga

kasagutan, nandito ang ating mga lektyurer na sina Rafael Maderazo na


kasalukuyang nag-aaral ng Computer Schience at si Princess Elizabeth Chua

na kasalukuyang kumukuha ng kursong Legal Management.

III. Pangwakas na Pananalita

Salamat sa pagpunta at pakikinig sa aming talakayan ukoy sa pananaliksik

na ginawa namin tungkol sa mga online shopping scams at kaugnayan nito sa

mga asignaturang Media and Information Literacy at sa mga napapanahong

balita tungkol dito. Pag-uwi natin tanungin natin sa ating sarili kung ligtas ba

ang ating impormasyon sa mga plataporma na ginagamit natin pambili ng

produkto online. Na tayo’y maging maingat at alerto sa mga panganib na

pwede nating maikwentro sa pagbibigay ng ating data.

IV. Pangwakas na Panalangin

Panginoon naming Diyos, maraming salamat po sa mga aral na inyong

itinuro sa pamamagitan ng mga mananaliksik na nagpresenta ngayon na

matiyagang nagbigay-karunungan upang lumawak ang aming kaisipan.

Nawa’y magamit ng lahat ang mga aral na nakuha namin sa mga pananaliksik

para sa pawang kabutihan lamang. Amen.


Mga Larawan

You might also like