You are on page 1of 2

Kamalayan sa Paggamit ng Online Shopping ng mga Mag-aaral

sa ika-12 na Baitang ng OLCA

1. Ano ang naging karanasan ng OLCAn konsyumers sa pag bili sa mga online shops?

2. Paano nakatulong ang Online Shopping sa ating mga mamamayan pati narin sa ating mga
OLCAn consumers sa panahon ng pandemya?

3. Ano-ano ang mga magandang epekto at masamang epekto ng Online Shopping?

4. Batay sa resulta ano ang maaaring imungkahi ng pagbili sa online shop sa kamalayan ng
OLCAn consumers?

Sa pag aaral na ito ay napatunayan ng mga mananaliksik ang kamalayan ng mga tao sa paggamit ng
online shopping sa pagkakaroon ng interaksyonal na papel dito.

1. Ang mga naging karanasan ng mga mag-aaral sa pagbili sa mga online shops ay naging daan ito para
kahit sa kalagitnaan ng pandemya, maari parin nila mabili ang nais. At sa paraan na ito, lumaki at
umunlad ang mga may online-business, mas naging praktikal ito sa panahon ng pandemya kaya
naman ito nag-click. Karagdagan dito dahil ang ating bansa malubhang naimpluwensyahan ng online
selling sites mula sa mga nanghihikayat kaya naman makikita kung anong site ang pinaka ginagamit.
Hindi natin maitatangi na marami ang paraan upang makabili subalit iba-iba parin ang pagkaunawa
ng bawat mag-aaral sa pag bili ng kagamitan. At dahil dito, marami ang nag sabi na mas mabisa parin
bumili nang pisikal o tradisyonal kaysa sa online na pag-bili.

2. Nakatulong ang paggamit ng online shopping sa mga mag-aaral bilang isang paraan upang hindi
na sila lumabas ng bahay at upang mas maging maingat sila sa patuloy na pag kalat ng sakit na
covid-19. Naging mahalagang parte ito sa buhay natin ngayong pandemya, lalo na sa mga mag
aaral ng ika-12 baitang sapagkat batay sa mga naalap na impormasyon, ito ay hindi
kinakailangan ng pisikal na pakikipag salamuha na iniimpluwensya ngayong pandemya, hindi ito
matakaw sa oras, at hindi nito nalilimitahan sa mga pag pipilian na produkto. Isa parin na
dahilan kung bakit ito nakatulong ay hindi tulad ng pisikal na pag bili na maraming tao at masikip
habang sa online shopping naman ay limitado at maaaring mabilis mo rin mabili ang hinahanap
mo sa pamamagitan nalang ng search button, di tulad sa pisikal na pagbili na iikutin mo ang
buong mall upang mabili mo ang gusto mo. Ang mga mag-aaral ay nasabing malaki ang naging
epektong pag gamit nito sapagkat nakabili sila ng gusto at kailangan nila ng hindi ipag sapalaran
ang kanilang kalusugan.

3. Ang naging positibong epekto ng paggamit ng online shopping ng mga mag aaral ay nag silbi
itong paraan upang maka mura sa gastos kumpara sa pisikal na pamimili dahil mayroong mga
vouchers at discounts na nakukuha sa online shopping hindi tulad ng sa pisikal na kakailanganin
pa ng pamasahe pang transportasyon upang mapuntahan ang bibilhan. Karagdagan dito, nag
silbi rin ito na “cope up mechanism” at “stress reliever”para malibang ang mga konsyumer sa
kalagitnaan ng pandemya lalo na at ang mga mag aaral ay pagod sa online class, naging paraan
ito para sila ay maging masaya kahit hindi nalabas ng mga bahay. Natuklasan ng mga
mananaliksik na mayroon rin itong mga salik. At ang mga naging negatibong epekto ng paggamit
ng online shopping ng mga mag aaral ay nakakahulumaling ito sa punto na hindi na isinaalang-
alang ang badyet at nag reresulta sa pagkaubos ng pera. Dahil dito hindi sila nakakapag ipon at
sa halip ay nagagastos nila ang perang pinag-ipunan at binibili ang nakita sa online shops. Sa
pagdaragdag rito, isa rin na naging salik sa paggamit ng online shopping ng mga mag-aaral ay
ang pagkaranas ng scam at fraud kung saan mali ang order na nakuha at kalimitan hindi ito
dumadating sa oras. At kung gayon ay nagkakaroon ng trust issues ang mga mag-aaral.
Napagtantuan ng mananaliksik na kinakailangan parin mag ingat sa pag bibilhan na online shop
sapagkat may pagkakataon na maari ang mga konsyumer na ma-scam. Karagdagan rito ay
kinakailangan natin kontrolin ang ating sarili sa pag bili dahil maaari itong dahilan ng pagkaubos
ng pera at mahulog sa silo ng online shopping.

4. Mula sa kamakailan na pananaliksik, ang maaring umungkahi ng para mapalalim ang kaalaman
sa online shopping ay isang Infographic kung saan nakalagay ang mga inpormasyon na dapat
malaman sa pag gamit ng online shopping. Nakasaad rin rito ang mga tip kung saan
matutulungan ang mga OLCAn konsyumer sa tamang pag bili sa mga online shops. Karagdagan
rito, nakasaad din sa infographic ang paraan upang maiwasan ang mga naranasang negatibong
epekto at mga maling gawain at marami pang iba na maaring makatulong sa pag sasagawa ng
maayos na proseso sa pag bili sa online shops. Ang paraan ng paglalaganap nito ay sa
papamagitan ng pag-post sa online tulad nalamang ng mga social media platforms na facebook,
twitter, at Instagram. Ito ay naari sa panahon ngayon sapagkat halos lahat ng tao ay nagamit ng
social media at dahil ito ay madaling magamit at makita ng madla. Bagay ito sa panahon ngayon
dahil patok at kapansin-pansin ito.

Ang epekto ng paggamit ng online shopping sa mga mag-aaral ay naging praktikal at maginhawa sa pag
bili ng kagamitan kaysa sa pisikal na pagbili lalo na ngayong panahon ang mga tao ay mas pipiliin
manatili sa bahay. Sapagkat ang naging trangka naman nito o kahinaan ay ang mga konsyumer ay
makakaharap ng tinatawag na scam na kung saan maaring maging paraan ito para sa hindi pagbili ng
konsyumer.

At dahil rito, nagkaroon kami ng kagalakan sapagkat aming napatunayan na sa lahat ng gumagamit ng
online shopping, kagaya ng kabataan at mag-aaral ay nalaman naming ang kanilang pananaw at saloobin
sa iba’t-ibang produkto na kanilang binili. Karagdagan pa rito ay napatunayan namin na dahil sa paglago
ng ating ekonomiya at pagkakakilala natin ng internet ay naiba din ang ating paraan ng pamumuhay. At
kahit saan ay maari tayong makabili ng anumang gustohin sapagkat ito ay accessible at madaling gamitin
24/7. Hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng masamang karanasan mapasaan man kaya naman
kinakailangan natin magkaroon ng maging makatuwiran sa pag bili mula sa online, kinakailangan natin
maging maingat sa pagbili.

You might also like