You are on page 1of 1

Dahil sa nararanasan nating pandemya ngayon maraming mga mamimili ang mas gusto nalang mamili

online kaysa lumabas at may posibilidad pa na mahawa sa sakit. Malaking tulong ang online selling
ngayong pandemya sapagkat mapapabilis nito ang pagbili ng mga ibat ibang produkto. Mas mabilis
ang proseso nito dahil mag ma mine kalang at magbabayad mga ilang araw idedeliver na ang iyong
napamili. Ngunit sa kabila ng mabuti nitong epekto may kaakibat itong hindi mabuti gaya nalang ng
pag ka scam. Dahil nga trending ngayon ang pamimili online maraming mamimili ang sumusubok nito.
Sa dami ng mamimili, bali balita rin ang dami ng mga naluluko o ang tinatawag na scam. Kaya
siguraduhing mabuti na sa legit online seller lang bibili. Trending din ngayon ang mga mamimiling
nangloloko rin o tinatawag na bogus buyer. Sila ang mga mamimiling nang ma mine pero hindi naman
pala bibilhin. Kaya dapat tayong mag-ingat mapa mamimili man yan o mga nagtitinda.

You might also like