You are on page 1of 3

Sicat, Samantha

Lawingan, Glademier
Binay-an,Aby
Tabuzo, Catrine
Locquiao, Kean
11-Encarnacion

TENTATIBONG BALANGKAS SA PAKSANG PANANALIKSIK

PAMAGAT NG Benepisyo ng Online Shopping sa mga mag aaral


PANANALIKSIK

Kahalagahan ng 1. Upang malaman ang mga magagandang dulot ng online shopping


pananaliksik sa mga mag-aaral.

2. Upang mabigyan ng ideya ang iba pang mag-aaral tungkol sa


benepisyo ng online shopping.

Mga teorya at May pagkakataon talaga sa mga buhay natin na nakakagawa tayo ng
konsepto kaugnay mga bagay base sa ating kapusukan sa mga materyal na bagay at
ng pananaliksik mas lalo pa tayong natutukso dala ng mga online shopping na ito,
nasasanay tayong bumili ng mga bagay kahit hindi naman natin
kailangan dahil lng sa kadahilanang nakasanayan na natin ito at hindi
na natin matanggal sa ating sistema. Naging parte na ito ng ating
araw-araw na buhay kaya naman ang tingin ng iba sa online shopping
ay hindi maganda at nagdudulot lamang ang adiksyon hindi lamang
mga kabataan ngunit pati narin sa mga may edad na. Ngunit
naniniwala ako na kaya pa nating baguhin ang masamang ugali na
nakasanayan o na develop natin, Gaya nga ng sabi ni Duhigg (2014)
sa kanyang libro, “if you believe you can change – if you make it a
habit – the change becomes real.”

Isa din sa kailangan natin upang mabago ang hindi magandang ugali
natin at maiwasan ang temptasyon na dala ng online shopping ay ang
pagkakaroon ng control sa ating mga sarili. Patunay dito ang sinabi ng
libro ni McGonigal K. (2011) “The biggest enemies of willpower:
temptation, self-criticism, and stress. These three skills —self-
awareness, self-care, and remembering what matter most— are the
foundation for self-control”. Kaya’t upang maiwasan natin ang pabigla
biglang desisyon natin at kapusukan sa mga bagay bagay dapat ay
mayroon tayong control sa ating mga sarili ng sa gayon ay hindi natin
magamit ang online shopping sites ng wasto at controlado.

Mga konsepto sa Ang online shopping ay isa sa mga napakagandang imbensyon na


naunang pag-aaral nakakatulong sa mga tao na bumili ng mga bagay sa kanilang mga
bahay. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa mga establisyemento
ng mga produkto, at makipag siksikan at pumila sa napakahaba ng
linya sa tapat ng bayaran (Mittaal, 2017). May iba’t ibang uri ng online
shopping ang kilala dito sa Pilipinas, narito ang Shoppe, Lazada,
Shein, Zara, OLX Philippines, Zalora, at iba pa. Ngunit ayon kay
Dungo F.(2023) ang Lazada ang nangunguna sa ranking ng
pinakamaganda at nirere komenda na online shopping sites dito sa
Pilipinas. Ang Lazada ay orihinal na pagmamay-ari ng Rocket Internet
ngunit ngayon ay pagmamay-ari na ng Alibaba Group, isang sikat na
Chinese conglomerate na kilala sa mga e-commerce at internet retail
business nito.

Ilan sa mga benepisyo ng online shopping dito sa mga kabataan ayon


report ng report ng WGSN, itinuturing ng ilang kabataan ang pamimili
online na “joy seeking” o paghahanap ng kaunting kaligayahan sa
gitna ng kawalan o katiyakan (ABS-CBN News, 2022). Nagpapatunay
lamang na may kasiyahan na dulot ang mga online shopping sites.
Nagbibigay ito ng kaunting kasiyahan sa atin, nakakatakas tayo kaunti
sa ating kalungkutan sa pamamagitan lamang ng pag scroll sa mga
online shopping sites na nakikita natin.

Dagdag pa dito, Sa mundo kasi ng online mas maraming produktong


mapagpipilian, hindi na kailangang sumulong sa trapiko, at ang lahat
ng tindahan ay bukas 24/7. (ABS-CBN News, 2019). Sa panahon
ngayon mas pinipili na lamang ng mga karamihan sa atin ang mag
online shopping kaysa sa pamimili sa mga pampublikong malls, dahil
sa online shopping na pamimili ng mga tao ay pwede pang makapili
ng mas marami pang aytem na kung minsan ay wala sa mga malls,
ang online shopping den ay mas madali at kahit kailan pwedeng
pwede ma access at nakakaiwas din ang pag oonline shopping pag
aantay o maipit sa trapiko. Bilang karagdagan pa sa mga ito ay ang
sinabi ng GMA News (2020) na ang Online shopping is seen as a
dominant trend in consumer behavior because of the safety and
convenience it provides during a health crisis.Ayon dito, dahil sa
kadalian at kaligtasan na inaalok ng online shopping sa panahon ng
krisis sa kalusugan o ang Covid 19, dahil sa pamimili online ay hindi
mo na kailangan makipag halubilo sa ibang mga tao at nakakaiwas ito
sa pag punta sa mga pampublikong pamilihan kaya't ang online
shopping ay itinuturing na pinakasikat na trend sa gawi ng mga
customer.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang ng mga kabataan tuwing namimili sa


online shopping sites ay huwag ibahagi ang lahat ng impormasyon
kung hindi kinakailangan. Huwag kailanman ibigay ang mga card
number o ang kaarawan sa alinman sa mga online shopping store.
Ang impormasyong ito ay hindi kinakailangan para sa pagbili ng mga
produkto o pagnenegosyo, at kung may makahawak nito, maaring
gamitin ito upang nakawin ang impormasyon ng nagmamay-ari ng
credit card. Dito nagsisimula ang pag iiscam sa mga kabataan dahil sa
kanilang pagbibigay ng impormasyon. Kaya lagi nating limitahan ang
pagbigay ng impormasyon upang mafing ligtas at payapa ang pagbili
sa online shopping sites (AllTeachBuzz 2016).
Mga Sanggunian
McGonigal, K. (2011). The willpower instinct: How self-control works,
Why it matters, and what you can do to get more of it. (n.p.).

Duhigg, C. (2014). The Power of Habit: Why we do what we do in Life


and Business. New York City: Random House Trade Paperbacks.

Bagaoisan, A. (2022, July 13). Online selling at buying, patuloy ang


paglakas. ABS-CBN News.
https://news.abs-cbn.com/amp/business/07/13/22/online-selling-at-
buying-patuloy-ang-paglakas.

ABS-CBN News. (2019, November 18). Paano maiiwasan maadik sa


Online Shopping? ABS-CBN News.
https://news.abs-cbn.com/life/11/18/19/paano-maiiwasang-maadik-sa-
online-shopping.

Layug, M. (2020, September 16). Could Online Selling be the Future


of Bargain shopping? Lifestyle . GMA News Online.
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/shoppingandfashion/7557
96/could-online-selling-be-the-future-of-bargain-shopping/story/.

13 Mga Tip sa Seguridad na Dapat Mong Sundin Habang namimili ng


Online. (2016, Agosto 13). Allteachbuzz.
https://www.google.com/amp/s/www.alltechbuzz.net/tl/mga-tip-sa-
seguridad-na-dapat-sundin-habang-namimili-online/%3famp.

You might also like