You are on page 1of 14

~Limang

Pananagutan ng
Mamimili~

Mga Nilalaman
Materials _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pahina III

Mga Impormasyon_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pahina


IV-VII

Comparison at Konklusyon _ _ _ _ _ Pahina


VIII–XI

Pahayag tungkol sa ambag sa susunod na


henerasyon _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pahina
XII-XIV

Mga Miyembro_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pahina


XV

Materials
https://drive.google.com/file/d/1WQsRO_uRemeZ_bH8USfnC29tFiOcCMp
N/view?usp=sharing

Foreign Studies (Google / Websites)


Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos
upang matiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y
mananatili sa pagpapawalang bahala patuloy tayong
pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.(Ibig
sabihin nito, bilang isang mamimili, dapat aware tayo sa mga
karapatan natin bilang isang mamimili. Dapat marunong tayo
kung papaano ba natin matitiyak na mabuti at makatarungan
kung makitungo ang isang mangangalakal sa atin.Halimbawa,
kung tayo ay mamimili dapat maging alisto tayo kung ang
isang kalakal ba o serbisyo ay wasto sa presyo naating inilaan.
Dapat alamin natin kung ito ba ay sapat sa ating binayaran,
dapat tinitingnan natin kung ang isang mangangalakal ba ay
hindi nandaraya sa mga mamimiling kanyang kalakal o
serbisyo. At kung tayo naman ay di gumagawang aksyon o
kilos, o ipag-wawalang bahala lang natin ang mga di
makatarungang pakikitungo ng isang mangangalakal,paulit-
ulit niya muli itong gagawin sa ating mga mamimili. Dahil
isina-isang tabi lang natin ang di makatarungan na
pakikitungo sa atin.)(Walang mamimiling madaraya ng isang
mangangalakal na mandaraya, kung listo at matalino sa
pamimili ng produkto o serbisyo.)(Dapat maging
mapangatwiran kung alam natin na di makatarungan ang
pakikitungo ng isang mangangalakal sa isang mamimili, dahil
kung di tayo gagawa ng kilos sasamantalahin ito ng
mandarayang mangangalakal at paulit-ulit na mangyayari ang
pandaraya nito sa mga mamimili.)Panlipunan Ang tungkuling
alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga
kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan,lalong lalo na ang
pangkat ng mga maliit o walang kapangyarihan, maging ito
ay sa local, pambansa o pandaigdig nakomunidad.(Ibig
tungkulin din nating mga mamimili ang alamin kung
magiging kapaki pakinabang ba ito di lamang para sa sariling
kapakanan kundi maging na rin sa kapakanan ng mga
mamamayan. Bawat pagkonsumo ng isang mamimili may
kaakibat ito na ambag para sa mga mamamayan o sa mga
maliliit na grupo na maaaring makinabang dito.Bilang isang
mabuting mamimili, dapat isinasaalang-alang din natin kung
magbebenefit ba ang iba.)Ang tungkuling magtatag ng
samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihan mataguyod at mapangalagaan ang ating
kapakanan.(Ibig sabihin nito, bilang isang matalinong
mamimili, maaari tayong bumuo ng samahan ng mga
mamimili na may layong pangalagaan ang mga kapakanan ng
bawat mamimili. Ibig sabihin, sa pagbuo ng samahan
magkakaroon ang mga mamimiling lakas at kapangyarihan na
ipaglaban sa mabuti at maayos pamamaraan ang kanilang mga
karapatan ng sa gayon ay dina maulit na may mga mamimili
pa na madaraya ng mga mangangalakal na di tapat at pantay
makitungo.)
Mga pananagutan ng mamimili:

1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at


mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng
mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at
kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
Kung tayo'y mananatili sa pagwawalang-bahala patuloy
tayong pagsasamantalahan ng nga mandarayang
mangangalakal.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin
kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng nga kalakal
at serbisyo sa ibang mamanayan, lalong-l9alo na ang pangkat
ng maliliit o walang kapangyarigan; maging ito ay sa lokal,
pambansa, o pandaigdig na komunidad.
4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang
kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong
pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas
na kayamanan para sa ating kinabukasan
5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang
mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalaagan ang ating kapakanan.

Mula sa:
https://www.scribd.com/document/364697491/Pananagutan-Ng-Mamimili?
fbclid=IwAR2JgjZ_fRbbIrGFvgA-
T5UlLQ02lrxCk0QDNHO1hxBdB53ukjqGm3MTALo
Comparison at Konklusyon
Sa pahina ika tatlo at mula sa apat ay ating makikita o
matutunan ang mga mahahalagang impormasyon at mga
detalye, Ito ay pareho ng nilalaman ito ang mga impormasyon
tungkol sa aming paksa “Ang Limang Pananagutan ng
Mamimili” . Ang kanilang pagkakaiba naman ay Sa ika tatlo
ay masasabi kong ito ay ang pinaikli lamang at ito ang
tinatawag na Modyul. Sa ika apat ay pareho lamang na
naglalaman ng mga detalye ngunit mas marami ang mga
nakapaloob o mas marami ang makikita natin dito dahil para
sa akin ay Dail ito ay galing sa online sources o websites at ito
rin ay galing sa mga libro.
Sa mga pahinang ito kahit saan ka tumingin ay pareho lamang
ang iyong makikita ang iksi at haba lamang ang kanilang
pagkakaiba,
Kaya Mula sa mga datos at impormasyong nakalap nabuo ang
konklusyon na ito .
Ang limang pananagutan nating mga mamimili ay
nagsasabi o nagpapaalaa ng mga tungkulin natin. Mapanuring
Kamalayan ang tungkulin nating maging listo at mausisa, ito
ay tumutukoy sa pagiging alisto at mapanuri sa mga gamit,
kalidad at magin sa halaga ng mga paninda at serbisyo.
Pagkilos Ito ay tumutukoy sa mga kilos at ang tungkuling
maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak o
makasiguro sa makatarungang pakikitungo, Pagmamalasakit
na Panlipunan tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng
ating pagkonsumo ng nga kalakal at serbisyo sa ibang
mamanayan maging ito man ay sa lokal, pambansa, o
pandaigdig na komunidad. Kamalayan sa Kapaligiran ang
tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng kapaligiran o ating
mabatid ang mga epekto sa kapaligiran bunga ng mali o hindi
wastong pagkonsumo ng mga kalakal o paglilingkod. Huli
ang Pagkakaisa ito ay tumutukoy sa ating tungkuling
pakikiisa sa mga samahan ng mga mamimili upang magkaroon
ng sapat na lakas at kapangyarihan na itaguyod ang mga
karapatan ng mga mamimili.
Ang pagiging mamili o ang mga mamimili ay may mga
karapatan at pananagutan na dapat malaman at ipagtanggol.
Bilang isang mamimili ay mga maraming mga tungkulin na
dapat gampanan at dapat din na sundin at maunawaan .
Bilang isang mamimili Dapat marunong tayo kung papaano
ba natin matitiyak na mabuti at makatarungan kung
makitungo ang isang mangangalakal sa atin dahil Bawat
pagkonsumo nating mga mamimili o ng isang mamimili may
kaakibat na ambag para sa mga mamamayan o sa mga maliliit
na grupo na maaaring makinabang dito.Bilang isang
mabutingmamimili, dapat isinasaalang-alang din natin kung
magbebenefit ba ang iba.
Dapat maging mapangatwiran kung alam natin na di
makatarungan ang pakikitungo ng isang mangangalakal sa
isang mamimili, dahil kung di tayo gagawa ng kilos
sasamantalahin ito ng mandarayang mangangalakal at paulit-
ulit na mangyayari ang pandaraya nito sa mga mamimili.
Tayong mga mamimili dapat maging alisto tayo kung ang
isang kalakal ba o serbisyo ay wasto sa presyo naating inilaan.
Dapat alamin natin kung ito ba ay sapat sa ating binayaran,
dapat tinitingnan natin kung ang isang mangangalakal ba ay
hindi nandaraya sa mga mamimiling kanyang kalakal o
serbisyo. At kung tayo ay di gumagawa ng aksyon o kilos
tungkol dito o ipag-wawalang bahala lamang natin ang mga
di makatarungang pakikitungo ng isang mangangalakal,ito’y
paulit ulit o uulit ulitin sa ating mga mamimili .
At Bilang isang matinong mamimili maari pala tayong bumuo
ng samahan ng mga mamimili na may layong pangalagaan ang
mga kapakanan ng bawat mamimili. Ibig sabihin, sa pagbuo
ng samahan magkakaroon ang mga mamimiling lakas at
kapangyarihan na ipaglaban sa mabuti at maayos pamamaraan
ang kanilang mga karapatan.
Sa ating mundong puno na ng mga hindi wastong
mangangalakal o mga nagbebenta, Tayo ay maging matalino
at maging maayos na mamimili para sa ating kapaligiran
impluwensyahan natin ating kapwa mamimili para sa
kanilang atin o kanilang kapakanan.
Ambag sa Susunod na HENERASYON
Ang ambag ng pananagutan ng mga mamimili sa
susunod na henerasyon ay lima lamang pero ito
mahahalaga at tiyak na makakatulong ito sa ating lahat.
Una, mapanuring kamalayan ang tungkulin maging
alisto tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad
ng iyong bibilhin para maiwasan ang panloloko.
Kinakailangan na ang tao ay mayroong mapanuring
kamalayan. Ang mapanuring kamalayan ay
makakatulong upang maging isang matalinong
mamamayan ang tao sa lipunan. Kasama sa
mapanuring kamalayan ang pagiging alisto sa lahat ng
bagay maging ito ay Isyung pangkapaligiran, isyung
panlipunan at iba pa. Pangalawa, pagkilos ang
tungkulin maipahayag ang ating sarili at kumilos upang
makatiyak sa makatarungang pakikitungo upang
labanan at mapigilan ang pagsasamantala na ginagawa
ng mga mandarayang mangangalakal. Kung tayo’y
mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong
pagsasamantalahan ng mga mandarayang
mangangalakal. Pangatlo, pagmamalasakit sa lipunan
ito ay tumutukoy sa mga epekto ng ating pagkonsumo
sa iba pang pamayanan. Ang tungkulin na alamin kung
ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal
at serbisyo sa ibang mamamayan, lalo na ang pangkat
ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa
lokal, pambansa, o pandaidig na komunidad. Pang apat,
kamalayan sa kapaligiran ang tungkulin mabatid ang
kahihitnatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi
wastong pagkonsumo katulad ng pagtatapon ng mga
basura kung saan saan. Ang pagtatapon ng basura kung
saan saan ay hindi lamang magiging madumi ang ating
paligid ngunit nagdudulot din ng masamang amoy na
nakakasulasok at hindi ka angkop-angkop at
nanghihikayat din ito na pumasok ang mga ipis, langaw
daga, butiki, lamok, langgam, at iba pang mga insekto.
Mayroong iba't ibang mga sakit na sanhi dahil sa hindi
magandang pagpapanatili ng mga kondisyon sa
kalinisan katulad tuberculosis, pneumonia, diarrhoea,
tetanus, whooping cough. Kaya kailangan nating lahat
na maging malinis tayo at ang ating kapaligiran para sa
ating lahat. Pang lima, Pagkakaisa ang tungkuling
magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng
lakas at kapangyarihan maitaguyod at mapangalagaan
ang ating kapakanan. Dapat nating tandaan na ang mga
mamimili ay may mga karapatan na dapat malaman at
ipagtanggol. dapat din na sundin at maunawaan ng mga
mamimili ang mga batas. Kahalagahan ng pagkakaisa,
Kapag tayo ay may pagkakaisa, tayo ay nagiging
malakas at buo. Tayo ay nagkakaroon ng iisang mithiin
na nagdudulot ng kaayusan at kapayapaan sa ating
bansa. Tayo ay nagkakaroon ng kapayapaan hindi
lamang sa ating sarili, sa pamilya pati na rin sa ating
bayan. Kapag tayo ay may pagkakaisa, kaya nating
harapin ang bawat pagsubok sa ating bansa. Tayo rin ay
nagtutulungan hindi lamang sa pamilya kundi pati sa
ating ekonomiya. Paano magkaroon ng pagkakaisa? I-
respeto ang mga desisyon ng bawat isa. Pakinggan ang
suhestiyon ng bawat isa. Iwasan na magtalo talo at
isipin na mas mabuti ang iyong naiisip kesa sa iba.
Kung sa ating bansa, mas mabuti ang magkaisa upang
hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Ang
nagkakaisang bansa ay mayroong mabuti at
masaganang ekonomiya.
Mga Miyembrong Tumugon at Nag
participate:
-Miah Rosal
-Zyicia Rhiz Castillo
-Jenica Lisanque
-David Miguel Roque

You might also like