You are on page 1of 25

Aralin 5

Pagkonsumo at ang Mamimili


Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: Arnel O. Rivera
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng
walang katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.

Ano ang mangyayari kung hindi


matutugunan ng tao ang kanyang
kagustuhan at pangangailangan?
Ano ang Pagkonsumo?
• Pagbili at paggamit sa mga kalakal at serbisyo.
• Ang isang produkto at serbisyo ay ginagamit
dahil ito ay may pakinabang.
• May pakinabang ang isang kalakal o serbisyo
kung ito ay nakatutugod sa ating mga
pangangailangan at kagustuhan.
• Kapag natutugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan, siya ay
nakakaranas ng kasiyahan (satisfaction).
Uri ng Pagkonsumo
Tuwiran – kung agad na nararamdaman ang epekto
ng paggamit ng kalakal o serbisyo.

Produktibo – kung ang isang kalakal o serbisyo ay


nakakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay
ng higit na kasiyahan.

Maaksaya – kung ang produkto o serbisyo ay hindi


nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan.

Mapaminsala – kung ang produkto o serbisyo ay


nakasasama sa mamimili o sa lipunan.
Pagkonsumo batay sa Marginal Utility
• Ang kasiyahang nakukuha ng tao
mula sa isang kalakal o serbisyo
ay tinatawag na utility. Ito ay
nasusukat sa pamamagitan ng
marginal utility.
• Ayon sa Law of Diminishing
Marginal Utility, ang pakinabang
o kasiyahang nakukuha mula sa
isang kalakal o paglilingkod ay
bumababa sa patuloy na
pagkonsumo.
Sino ang mamimili?
• Tumutukoy sa mga taong
bumibili at gumagamit ng
mga produkto at serbisyo
upang matugunan ang
pangangailangan at
magkaroon ng kasiyahan.
• Tinatawag din sila bilang
konsyumer.
Mga Katangian ng MATALINONG mamimili

Mapanuri

Naghahanap ng mga Alternatibo

Hindi Nagpapadaya

Makatwiran

Sumusunod sa Badyet

Hindi nagpapadala sa Anunsiyo


Mapanuri
• Masusing namimili
sa mga pagpipilian.
• Tinitignan ng mabuti
ang mga sangkap,
presyo at kalidad.
Naghahanap ng mga Alternatibo
• Marunong humanap
ng kapalit na
produkto na
makatutugon din sa
pangangailangan.
Hindi Nagpapadaya
• Alerto at laging handang itama ang
mga pagkakamali ng nagtitinda.
Makatwiran
• Pagsasaalang-alang ang
presyo at kalidad ng isang
bagay. Isinasaisip din ang
kasiyahan na matatamo
sa pagbili ng produkto.
• Hindi nagbibigay ng
presyo nang wala sa
katwiran.
Sumusunod sa badyet
• Hindi nagpapadala sa popolaridad ng
produkto.
• Tinitimbang kung kinakailangan niya ito
o hindi.
Hindi nagpapadala sa anunsiyo
• Ang kalidad dapat ang tinitignan hindi
ang kagandahan ng pagaanunsyo.
• Hindi nagpapanic-buying.
Matalino ka bang mamimili?
• Lagyan ng kaukulang score ang bawat
item batay sa inyong ginagawa.
4 – palagi
3 – madalas
2 – minsan
1 – hindi
1. Nagsasauli ng produkto kung ito ay
depektibo.
2. Nagdadala ng listahan kung mamimili.
3. Binabasa ang label ng produkto bago ito
bilhin.
4. Pinaghahambing ang presyo ng mga kalakal
bago mamili.
5. Tumitingin o naghahanap ng mga bagong
produkto sa diyaryo, TV, internet at sa iba
pang bababasahin.
6. Bumibili ng produkto na renekomenda ng
kaibigan.
Scale:
• Kompyutin ang average ng inyong mga score at
gamitin ang scale sa ibaba upang malaman ang
iyong level.
• 3.25-4.00Lubhang Matalino
• 2.50-3.24Matalino
• 1.75-2.49Katamtamang Matalino
• 1.00-1.74Hindi Matalino
Mga Batas na Nagbibigay
Proteksyon sa Mamimili
Consumer Act of the Philippines R.A 7394 -
mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.
Revised Penal Code - pagbabawal sa
pangagaya ng tatak, at itsura ng isang
produkto.
Civil Code of the Philippines - pananagutan
ng prdodyuser na panatilihin ang kaligtasan
ng mamimili.
Batas sa Price Tag - dapat maglagay ng price
tag sa mga bilihin.
Republic Act 7394 (Consumer
Act of the Philippines)
• Nagbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer
laban sa mga panganib na nauukol sa
kalusugan at kaligtasan;
• Nagbibigay proteksyon sa mg konsyumer laban
sa mga mapanlinalang at hindi patas na mga
pamamaraan at gawain;
• Nagbibigay ng impormasyon upang
mapaghusay ang tamang pagpapasya at
mapalaganap ang kaalaman ukol sa karapatan
ng mga konsymer…
MGA KARAPATAN NG MAMIMILI
• Karapatan na magkaroon
ng pangunahing
pangangailangan
• Karapatan na magtamo ng
kaligtasan
• Karapatan sa Patalastas
• Karapatan sa Pagpili
MGA KARAPATAN NG MAMIMILI
• Karapatang Dinggin
• Karapatang Mabayaran at
Matumbasan sa Anumang
Kapinsalaan
• Karapatan na Maturuan
Tungkol sa Pagiging
Matalinong Mamimili.
• Karapatan sa Isang Malinis
na Kapaligiran
National Consumer Affairs
Council (NCAC)
• Binuo upang mapabuti
ang pangangasiwa,
ugnayan at bisa ng mga
programa at patakaran
ng mga ahensya ng
pamahalaan at
pribadong samahan
patungkol sa karapatan
ng mamimili.
Mga Kasapi ng NCAC
TANDAAN!
• Ang mga mamimili ay may
mga karapatan na dapat
malaman at ipagtanggol.
• Dapat maunawaan at sundin
ng mga mamimili ang mga
batas pangkonsyumer.
• May mga tungkulin ang mga
mamimili na dapat
gampanan.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga na maging isang matalinong


mamimili?
• Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang higit
na dapat na bigyang pansin ng pamahalaan?
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)
Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at
Isyu, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, VPHI

You might also like