You are on page 1of 46

PAGKONSUMO

Inihanda ni:
Ma Leonilla V. Gabriel
Teacher I
Pagkonsumo
• pagbili o paggamit ng mga
produkto o serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan
ng tao.
• Ang panungahing layunin ng
PRODUKSYON= PAGKONSUMO
Mga salik na nakakapekto sa
Pagkonsumo
1. Pagbabago ng Presyo
• May pagkakataon na nagiging motibasyon ang
presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo
ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang
pagkonsumo kung mababa ang presyo
samantalang mababa ang pagkonsumo kapag
mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik
ng mga mamimili ang produkto o serbisyo
kapag mura dahil mas marami silang mabibili.
Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili
kung mataas ang presyo nito.
2. Kita
• nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang
tao.
• Ayon kay John Maynard Keynes, isang
ekonomistang British, malaki ang kaugnayan
ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo.
Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki
rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng
mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda,
ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan nag
pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya
naman mapapansin na mas maraming
pinamimili ang mga taong may malalaking kita
kung ihahambing sa mga taong may mababang
kita lamang.
3. Mga Inaasahan
• ang mga inaasahang mangyayari
sa hinaharap ay nakaaapekto sa
pagkonsumo sa kasalukuyan.
Halimbawa, kung inaasahan ng
mga tao na magkakaroon ng
kakulangan sa supply dahil sa
kalamidad, tataas ang
pagkonsumo nito sa
kasalukuyang panahon bilang
paghahanda sa pangangailangan
sa hinaharap.
4. Pagkakautang
• kapag maraming utang na dapat
bayaran ang isang tao, maaaring
maglaan siya ng bahagi ng
kaniyang salapi upang
ipambayad dito. Ito ay
magdudulot ng pagbaba sa
kaniyang pagkonsumo dahil
nabawasan ang kaniyang
kakayahan na makabili ng
produkto o serbisyo.
5. Demonstration Effect

• madaling maimpluwensiyahan
ang tao ng mga anunsiyo sa
radyo, telebisyon, pahayagan, at
maging sa internet at iba pang
social media. Ginagaya ng mga
tao ang kanilang nakikita,
naririnig at napapanood sa iba't-
ibang uri ng media kaya naman
naiimpluwesiyahan ng nabanggit
ay mababang pagkonsumo lalo
na sa mga bagay na uso at
napapanahon lamang.
Ang Matalinong
Mamimili
• Nais ng lahat na maging
matalinong mamimili
dahil ibig sabihin nito ay
nasusulit natin ang bawat
sentimong ating
ginagastos para sa bawat
produkto. Ang mga
sumusunod ay ilan sa
pamantayan sa pamimili.
1. Mapanuri
• Sinusuri ang produktong bibilhin.
Tinitingnan ang sankap, presyo,
timbang, pagkakagawa at iba pa.
Kung may pagkakataon pa,
inihahambing ang mga produkto
sa isa't-isa upang
makapagdesisyon nang mas
mabuti at mapili ang produktong
sulit sa ibabayad.
2. May alternatibo o pamalit
• May mga panahon na walang sapat
na pera angmamimili upang bilhin
ang produktong dati nang binibili.
Maaari ding nagbago na ang kalidad
ng produktong dati nang binibili.
Ang matalinong mamimili sa
ganitong pagkakataon, ay
marunong humanap ng pamalit o
panghalili na makatutugon din sa
pangangailangang tinutugunan ng
produktong dating binibili.
3. Hindi Nagpapadaya
• May mga pagkakatao na ang
mamimili ay mapapatapat sa
isang tindero o tidnerang may
hindi magandang hangarin. Ang
matalinong mamimili ay laging
handa, alerto at mapagmasid sa
mga maling gawain lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng
timbangan.
4. Makatwiran
• Lahat ng konsyumer ay nakararnas ng
kakulangan sa salapi o limitadong badyet.
Kaya sa pagpili ng isang produkto ay
isinasaalang-alang ang presyo at kalidad
nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na
matatamo sa pagbili at paggamit ng
produkto pati na rin kung gaano katindi
ang pangangailangan dito. Makatwiran
ang konsyumer kapag inuuna ang mga
bagay na mahalaga kumpara sa mga luho
lamang.
5. Sumusunod sa badyet
• ito ay kaugnay ng pagiging
makatwiran ng matalinong
konsyumer. Tinitimbang niya ang
mga bagay-bagay ayon sa
kaniyang badyet. Hindi siya
nagpapadala sa popularidad ng
produkto na may mataas na
presyo upang matiyak na
magiging sapat ang kaniyang
salapi sa kaniyang
pangangailangan.
6. Hindi Nagpapanic-buying
• ang artipisyal na kakulangan na
bunga ng pagtatago ng mga
produkto (hoarding) ng mga
nagtitinda upang mapataas ang
presyo ay hinndi kinababahala ng
isang matalinong konsyumer dahil
alam niyang ang pagpapanic-buying
ay lalo lamang magpapalala ng
sitwasyon.
7. Hindi Nagpapadala sa Anunsyo
• ang pag-endorso ng produkto ng
mga artista ay hindi
nakapagpapabago sa pagkonsumo
ng isang matalinong konsyumer. Ang
kalidad ng produkto ang tinitingnan
at hindi ang paraan ng pag-
aanunsiyo na ginamit.
RA 7394 (Consumer Act of the Philippines)
• batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili
A. kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa
panganib sa kalusugan at kaligtasan
B. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang
gawiang may kaugnayan sa opersayon ng mga negosyo at
industriya.
C. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga
mamimili.
D. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng
mamimili sa pagbabalangkas at pagbuo ng mga patakarang
pangkabuhayan at panlipunan.
Walong Karapatan ng Mamimili
• Ang Department of Trade and Industry ay naglabas ng walong
karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan.
1. Karapatan sa pangunahing
pangangailangan
• May karapatan sa sapat na
pagkain, pananamit,
masisilungan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon at
kalinisan upang mabuhay.
2. Karapatan sa Kaligtasan
• may karapatang bigyan ng
katiyaakang ligtas at
mapangalagaan ka laban sa
pangangalakal ng mga
panindang makasasama o
mapanganib sa iyong kalusugan.
3. Karapatan sa patalastasan
• may karapatang mapangalagaan
laban sa mapanlinlang, madaya
at mapanligaw na patalastas,
mga etiketa at iba pang hindi
wasto at hindi matapat na
gawain. Ito ay kailangang
malaman ng mga mamimili
upang maiwasan ang
pagsasamantala ng iba.
4. Karapatang Pumili
• may karapatang pumili ng iba't-
ibang produkto at paglilingkod sa
halagang kaya mo. Kung ito ay
monopolisado ng pribadong
kompanya man, dapat na
magkaroon ka ng katiyakan sa
kasiya-siyang uri at halaga ng
produkto nila.
5. Karapatang Dinggin
• may karapatang makatiyak na
ang kapakanan ng mamimili ay
lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng
anumang patakaran ng
pamahalaan.
6. Karapatang Bayaran at tumbasan sa ano
mang kapinsalaan
• May karapatang bayaran at
tumbasan sa ano mang kapinsalaan
na nagbuhat sa produkto ng binili
mo. May karapatan kang mabayaran
sa ano mang kasinungalingan o
mababang uri ng paninda o
paglilingkod na ibibgay o ipinagbibili
kahit na ito ay sa pagkakamali,
kapabayaan o masamang hangarin.
7. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging
matalinong mamimili
• May karapatan sa consumer education,
nagtatanong at nagtatanggol sa iyong
karapatan. Ito ay nagtataglay ng
karapatan sa katalinuhan at kaalaman na
kinakailangan upang makagawa ng
hakbanging makatutulong sa mga
desisyong pangmamimili.
8. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
• May karapatan sa kalayaan,
pagkakapantay-pantay at sapat
na mga kalagayan sa buhay na
nagbibigay pahintulot sa isang
marangal at maayos na pagkatao
at ikaw ay may malaking
pananagutan na pangalagaan at
pagbutihin ang iyong kapaligiran
para sa kalusugan at
kinabukasan ng ating saling lahi.
Limang pananagutan ng mga
Mamimili
Ang DTI ay nagpalaganap ng 5 pananagutan ng mga mamimili.
1. Mapanuring Kamalayan
•ang tungkuling maging listo at mausisa
tungkol sa kung ano ang mga gamit,
halaga at kalidad ng mga paninda at
paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos
• ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at
kumilos upang makatiyak sa makatarungang
pakikitungo. Kung tayo'y mananatili sa
pagwawalang-bahala, patuloy tayong
pagsasamantalahan ng mga mandarayang
mangangalakal.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan
• ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng
ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa
ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat
ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito
ay sa lokal, pambansa, pandaigdig na
komunidad.
4. Kamalayan sa Kapaligiran
•ang tungkuling mabatid ang
kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga
ng hindi wastong pagkonsumo.
Kailangang pangalagaan natin ang ating
likas na kayamanan para sa ating
kinabukasan.
5. Pagkakaisa
•ang tungkuling magtatag ng samahang
mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating kapakanan.
Consumer Protection
Agencies
Bureau of Food and Drugs (BFAD)

•hinggil sa
hinaluan/pinagbaba
wal/maling etiketa
ng gamot, pagkain,
pabango at make up.
City/Provincial/Municipal Treasurer
•hinggil sa timbang at sukat,
madayang (tampered) timbangan at
mapanlinlang na pagsukat.
Department of Trade and Industry (DTI)
•hinggil sa paglabag sa
batas ng kalakalan at
industriya- maling
etiketa ng mga
produkto, madaya at
mapanlinlang na gawain
ng mga mangangalakal.
Energy Regulatory Commission (ERC)
• reklamo laban sa
pagbebenta ng di-
wastong sukat o
timbang ng mga
gasolinahan at mga
mangangalakal ng
“Liquified Petroleum
Gas”
Environmental Management Bureau (DENR-
EMB)
• namamahala sa
pangangalaga sa
kapaligiran
(polusyon-
halimbawa ay sa
pagsalaula sa hangin
at tubig.)
Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)
• hinggil sa hinaluan/
pinagbabawal/maling
etiketa ng pamatay-
insekto at pamatay-
salot.
Housing and Land Use regulatory Board
(HLURB)
• nangangalaga sa
mga bumibili ng
bahay at lupa pati na
rin ang mga
subdibisyon.
Insurance Commission
• hinggil sa hindi
pagbabayad ng
kabayaran ng seguro.
Philippine Overseas Employment
Administration (POEA)
• reklamo laban sa illegal
recruitment activities.
Professional Regulatory Commission (PRC)
• hinggil sa mga hindi
matapat na
pagsasagawa ng
propesyon kabilang na
ang mga accountant,
doctor, engineer, atbp.
Securities and Exchange Commission (SEC)

• hinggil sa paglabag
sa binagong
Securities Act tulad
ng pyramiding na
gawain.

You might also like