You are on page 1of 43

Kabihasnang Klasiko ng

Greece
Inihanda ni:
MA LEONILLA V. GABRIEL
Heograpiya ng Greece
• bukas ang kanilang daungan para sa mga mangangalakal
• ito ay matatagpuan sa Timog-Silangan ng Europa at sa Balkan
Peninsula
• may 1,400 na pulo
• 75% ng kapuluan ng Greece ay kabundukan
• mabato, hiwa-hiwalay, mabundok at hindi patag ang lupain
Epekto ng Heograpiya ng Greece
• watak-watak ang lungsod-estado (city state)
• mabagal ang pagpasok ng teknolohiya
• ilan lamang ang naitatanim- kulang sa pagkain
• natutong mangisda
• maraming magandang daungan- malakas ang naging
ugnayan sa mga karatig-pook
Sibilisasyong Heleniko
• ang muling pagsibol ng sibilisasyong Griyego ay tinawag na Panahon
ng Heleniko- mula sa salitang “Hellas”
• pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay
• dahil sa pakikipagkalakal, marami silang kaalamang natutuhan
• Pinakadakilang sibilisasyon sa daigdig
Ang Panahong Hellenic
(800 BCE- 338 BCE)
• Hellene- katawagan ng mga Greek sa kanilang mga sarili, hango sa
salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang
Greece.
• Panahong Hellenic- ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greek
hanggang sa pagtatapos nito noong 338 BCE.
Lungsod-Estado ng Greece
• Ang tawag sa pamayanan ng
Greece ay polis (city-state)
• malayang pamayanan. may
sariling pamahalaan at
nakasentro ang pamumuhay sa
isang lungsod.
• 2 lungsod na umusbong : Athens
at Sparta
Acropolis
• ang pinakamataas ng lugar sa
mga lungsod-estado kung saan
itinayo ng mga Greek ang
kanilang mga templo.
Agora
• isang bukas na lugar sa gitna ng
lungsod kung saan maaaring
magtinda o magtipon-tipon ang
mga tao.
Athens at Sparta
• Dalawang malakas na lungsod-estado na kalaunan ay naging tanyag sa
Greece. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens
samantalang ang Sparta naman ay sinakop ang mga karatig na rehiyon
na ito.
Athens: Demokratikong Polis
• Binibigyan ng karapatan ang mga mamamayan na makilahok sa
pagbuo ng desisyon sa pamayanan
• Gayunman, tanging kalalakihan lamang ang kinikilala; ang mga
kababaihan ay may kaunting karapatan lamang
Monarkiya
• uri ng pamahalaan na
pinamumunuan ng iisang
tao/bloodline
Oligarkiya/ Oligarchy
• isang uri ng pamahalaan na
binubuo ng mga taga-Athens,
kung saan ang pamumuno ay
hindi sentralisado at sa halip ay
binubuo ng isang lupon ng mga
dugong-bughaw upang palitan
ang hari.
Reporma
• Kodigo ni Draco (kapag
nakapatay ng tao --
pagpapatapon (exile)
• Debt-- Slavery (paninilbihan
bilang bayad sa pagkakautang)
• Mula 594 BCE, pinalawig nina Solon,
Pisistratus at Cleisthenes ang pamahalaan
ng nakararami o democracy.
Solon
• Council of 400- binubuo ng tig-
100 na kinatawan mula sa apat
na pangunahing tribu ng Athens
na nilikha ni Solon.
• Pinayagang ihabla ang sinumang
lumalabag sa batas
Pisistratus
• unang tyrant sa Greece
• Ipinagtanggol ang katayuan ng
mahihirap
• ipinamahagi ang mga lupain sa
mga mahihirap
• isinaayos ang irigasyon
• sinuportahan ang sining
• Malupit at hindi nakikinig sa
mamamayan
Cleisthenes
• Ostrasismo/Ostracism-
sinimulan ang sistemang ito sa
panahon ni Cleisthenes.
Pinahihintulutan ng sistemang
ito ang mga mamamayan na
palayasin ang sinumang opisyal
na sa kanilang paniniwala ay
mapanganib sa Athens.
Direct Democracy
• sistema ng pamamahala kung saan, direktang kabahagi ang mga taga-
Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin silang manungkulan.
Pericles
• sa panahon niya, naranasan ng
Athens ang tugatog ng
demokrasya. Itinaguyod niya ang
pag-upo sa opisina ng
pamahalaan ng mga karaniwang
mamamayan.
Sparta: Isang Mandirigmang Polis
• Higit na binigyang halaga ng
Sparta ang pagkakaroon ng
malalakas at magagaling na
sundalo. Nanatili rin ang Sparta
sa pagkakaroon ng pamahalaang
Oligarkiya.
• Binubuo ng dalawang pangkat: Asemblea at Council of Elders
• Asemblea- binubuo ng kalalakihan at mga hinirang na opisyal
• Council of Elders- nagpapanukala ng mga batas.
• Pangunahing layunin ng Sparta ay lumiha ng magagaling na sundalo
• pagsapit ng isang bata ng ikapitong gulang, ipinapadala na ito sa
kampo ng militar
• sa panahon ng pagsasanay, ang mga bata ay walang sapin sa paa at
manipis ang suot na tunika. Sa gabi, pinatutulog sa mga bangko at
lugaw ang kinakain.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang lungsod na
ito?
•Athens:
Demokrating
Polis
•Sparta:
Mandirigmang
Polis
Ang banta ng Persia
• Nakailang ulit na tinangka ng
Persia na sakupin ang Greece.
Nanguna ang Athens at Sparta sa
pakikidigma sa Persia.
• Cyrus the Great- noong 546 BCE,
sinalakay niya ang Lydia sa Asia
Minor at humalili sa kanya
kalaunan ang anak niya na si
Darius I.
Ang Digmaang Graeco-
Persian
(499 BCE- 479 BCE)
Labanan sa Marathon
• Noong 490 BCE, tinangka ng plota
ng Persia na salakayin ang
Athens. Pumunta ito sa Marathon
Bay na 25 milya lamang ang layo
mula sa Athens. Bagama't hindi
dumating ang tulong na hiniling
ng Athens mula sa Sparta, nanalo
pa rin ang hukbo ng Athens.
• Phidippides- inutusang tumakbo
sa Sparta.
Labanan sa Thermopylae
• Xerxes- anak ni Darius
tinangkang pabagsakin ang
Athens. Noong 480 BCE, tinalo
ng kanyang hukbo ang pwersa ng
Sparta sa Thermopylae.
• Nabihag ang Athens at sinunog
ang Acropolis.
Labanan sa Salamis/ Battle of Salamis
• tinipon ng Athens ang mga barko
sa Salamis at tinalo ang Plota ni
Xerxes.
• Patuloy na tinalo ng Athens ang
nalalabing pwersa ni Xerxes.
Ang Digmaang Peloponnesian
(431 BCE- 404 BCE)
• Delian League- isang malawak na pederasyon ng mga lungsod-estado
sa Greece na pinagbuklod sa pangunguna ng Athens.
• Dahil sa inuuna ng Athens ang sarili nitong kapakanan, ang Delian
League ay hindi naging ganap na napagbuklod ang mga lungsod-
estado sa Greece. Sa halip, ito ay naging daan para sa pagpapalawig
ng Imperyong pangkalakalan sa Athens.
• Noong 431 BCE, sumiklab ang
Digmaang Peloponnesian. Dito
nagsama-sama ang mga
lungsod-estado sa
Peleponenesus. Pinili nila ang
Sparta, upang pamunuan sila
laban sa Athens.
• Noong 404 BCE, tinalo ng Sparta ang Athens.
• Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga Greek na mahina at
watak-watak.
Imperyong Macedonian
(336 BCE- 263 BCE)
• Philip II- hari ng Macedonia na
nagnais na pag-isahin ang mga
lungsod-estado sa Greece sa
ilalim ng kanyang pamamahala.
Bumuo sya ng isang hukbo at
sinanay sa pinakamabisang
paraan ng pakikidigma.
Alexander The Great
• naging tanyag na lider ng
Macedonia na anak ni Philip II.
Noong 334 BCE, pinangunahan
niya ang isang hukbo na
lumusob sa Kanlurang Asya.

You might also like