You are on page 1of 43

KABIHASNANG GREEK

Ancient Greece

The Crucible of Civilization


cru·ci·ble: a place or situation in which concentrated forces
interact to cause or influence change or development
HEOGRAPIYA NG GREECE
-bukas ang kanilang daungan para sa mga
mangangalakal.
-ito ay matatagpuan sa Timog-Silangan ng
Europa at sa Balkan Peninsula.
-may 1,400 na pulo.
-75% ng kalupaan ng Gresya ay kabundukan.
-mabato, hiwa-hiwalay, mabundok, at hindi
patag ang lupain.
Epekto ng Heograpiya ng Greece
- watak-watak ang lungsod-estado (city-state)
- Mabagal ang pagpasok ng teknolohiya
- Ilan lamang ang naitatanim—kulang sa
pagkain
- Natutong mangisda
- Maraming magandang daungan—malakas ang
naging ugnayan sa mga karatig-pook
SIBILISASYONG HELENIKO
-ang muling pagsibol ng sibilisasyong Griyego ay
tinawag na Panahon ng Heleniko—mula sa
salitang “Hellas”
- Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay
- Dahil sa pakikipagkalakalan, marami silang
kaalamang natutuhan—Phoenician; Geometry
Ang Panahong Hellenic
(800 B. C. E. – 338 B. C. E. )

• Hellene – Katawagan ng mga Greek sa


kanilang mga saril Hango ito sa salitang Hellas
na tumutukoy sa kabuuang lupain ng
sinaunang Greece.
• Panahong Hellenic – Ang panahon ng
kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa
pagtatapos nito noong 338 B. C. E.
Lungsod-Estado ng Gresya
- Ang tawag sa pamayanan ng Greece ay polis
(city-state)
- Malayang pamayanan, may sariling
pamahalaan at nakasentro ang pamumuhay sa
isang lungsod
- Itinayo ng mga Greeks ang kanilang templo sa
acropolis
- Dalawa ang umusbong na lungsod: Athens at
Sparta
Ang Polis
• Polis – Ang tawag sa mga unang pamayanan
sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o
city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may
sariling pamahalaan ang bawat-isa at ang
pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa
iisang lungsod.
• Acropolis - Ang pinakamataas na na lugar sa
mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga
Greek ang kanilang mga templo.
• Agora – Isang bukas na lugar sa gitna ng
lungsod kung saan maaaring magtinda o
magtipon-tipon ang mga tao.
• Athens at Sparta – Dalawang malakas na
lungsod-estado na kalaunan ay naging tanyag
sa Greece. Naging sentro ng kalakalan at
kultura sa Greece ang Athens samantalang
ang Sparta naman ay sinakop ang mga karatig
na rehiyon nito.
Athens:Demokratikong Polis
• Binibigyan ang mga mamamayan na
makilahok sa pagbuo ng desisyon sa
pamayanan
• Gayunman, tanging kalalakihan lamang ang
kinikilala; ang mga kababaihan ay may
kakaunting karapatan lamang
Monarkiya
Oligarkiya
Demokrasya
• Oligarkiya o Oligarchy – Isang uri ng
pamahalaan na binuo ng mga taga-Athens
kung saan ang pamumuno ay hindi
sentralisado at sa halip ay binubuo ng isang
lupon ng mga dugong-bughaw upang palitan
ang hari.
--REPORMA
• Kodigo ni Draco
--”kapag nakapatay ng tao—pagpapatapon
(exile)
--debt Slavery—paninilbihan bilang bayad sa
pagkakautang
• Mula 594 B. C. E., pinalawig nina
Solon, Pisistratus at Cleisthenes ang
pamahalaan ng nakararami o democracy.

SOLON
• Council of 400 – Binubuo ng tig-100
kinatawan mula sa apat na pangunahing tribu
ng Athens na nilikha ni Solon.
• Pinayagang ihabla ang sinumang lumalabag sa
batas
PISISTRATUS
• Unang tirano (tyrant)
• Ipinagtanggol ang katayuan ng mahihiarap
• Ipinamahagi ang mga lupain sa mga mahihirap
• Isinaayos ang ang irigasyon
• Sinuportahan ang sining
• Malupit at hindi nakikinig sa mamamayan
CLEISTHENES

• Ostrasismo/Ostracism – Sinimulan ang


sistemang ito sa panahon ni Cleisthenes.
Pinahintulutan ng sistemang ito ang mga
mamamayan an palayasin ang sinumang
opisyal na sa kanilang paniniwala ay
mapanganib sa Athens.
• Direct Democracy – Sistema ng pamamahala
kung saan direktang kabahagi ang mga taga-
Athens sa pagpili ng kinatawan at maaari rin
silang manungkulan.
• Pericles – Sa panahon niya naranasan ng
Athens ang tugatog ng demokrasya.
Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng
pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.
Sparta: Isang Mandirigmang Polis

• Higit na binigyang
halaga ng Sparta ang
pagkakaroon ng
malalakas at
magagaling na
sundalo. Nanatili rin
ang Sparta sa
pagkakaroon ng
pamahalaang
Oligarkiya.
• Binubuo ng dalawang pangkat (Asemblea at
Konseho ng Matatanda/Council of Elders )
• Ang Asemblea ay binubuo ng kalalakihan at
mga hinirang na opisyal
• Ang Konseho ng matatanda ang
nagpapanukala ng batas
• Ephors—nagpapatupad ng batas

• Sinakop ang Mennesia sa Peloponnese—


tinawag ang mamamayan na helot
• Pangunahing layunin ay lumikha ng
magagaling na sundalo
• Pagsapit ng bata ng ikapitong
gulang, ipinapadala na ito sa kampo ng
militar—gymnastics at pagsasanay na
militar
• Sa panahon ng pagsasanay, ang mga
bata ay walang sapin sa paa at manipis
ang suot na tunika. Sa gabi pinatutulog
sa mga bangko at lugaw ang kinakain
Ang Banta ng Persia
• Nakailang ulit na tinangka
ng Persia na sakupin ang
Greece. Nanguna ang
Athens at Sparta sa
pakikidigma sa Persia.
• Cyrus the Great – Noong
546 B. C. E., sinalakay niya
ang Lydia sa Asia Minor.
Humalili sa kanya
kalaunan ang anak niya
na si Darius I.
Ang Digmaang Graeco – Persian
(499 B. C. E. – 479 B. C. E. )
Labanan sa Marathon/Battle of Marathon

• Noong 490 B. C. E., tinangka ng plota ng Persia


na salakayin ang Athens. Pumunta ito sa
Marathon Bay na 25 milya lamang ang layo
mula sa Athens. Bagamat hindi dumating ang
tulong na hiniling ng Athens mula sa
Sparta, nanalo pa rin ang hukbo ng Athens.

• Phidippides—inutusang tumakbo at humingi


ng tulong sa Sparta
Labanan sa Thermopylae/Battle of Thermopylae

• Xerxes – Anak ni Darius tinangkang pabagsakin


ang Athens. Noong 480 B. C. E., tinalo ng
kanyang hukbo ang pwersa ng Sparta sa
Thermopylae.
• Nabihag ang Athens at sinunog ang acropolis
Labanan sa Salamis/Battle of Salamis

• Tinipon ng Athens ang mga barko sa


Salamis at tinalo ang plota ni Xerxes
• Patuloy na tinalo ng Athens ang
nalalabing puwersa ni Xerxes
Ang Digmaang Peloponnesian
(431 B. C. E. – 404 B. C. E. )

• Delian League – Isang malawak na pederasyon


ng mga lungsod-estado sa Greece na
pinagbuklod sa pangunguna ng Athens.

• Dahil sa inuna ng Athens ang sarili nitong


kapakanan, ang Delian League ay hindi naging
ganap na napagbuklod ang mga lungsod-
estado sa Greece. Sa halip, ito ay naging daan
para sa pagpapalawig ng imperyong
pangkalakalan ng athens.
• Noong 431 B. C. E., sumiklab ang Digmaang
Peloponnesian. Dito, nagsama-sama ang mga
lungsod-estado sa Peloponnesus. Pinili nila
ang Sparta upang pamunuan sila laban sa
Athens.
• Noong 404 B. C. E., tinalo ng Sparta ang
Athens.
• Iniwan ng Digmaang Peloponnesian ang mga
Greek na mahina at watak-watak.
Imperyong Macedonian
(336 B. C. E. – 263 B. C. E. )
• Philip II – Hari ng
Macedonia na nagnais
na pag-isahin ang ang
mga lunsgod-estado sa
Greece sa ilalim ng
kanyang pamamahala.
Bumuo siya ng isang
hukbo at sinanay sa
pinakamabisang paraan
ng pakikidigma.
• Alexander the Great – Naging tanyag na lider
ng Macedonia na anak ni Philip II. Noong 334
B. C. E., pinangunahan niya ang isang hukbo
na lumusob sa Kanlurang Asya.
Dalawang Yugto ng Kabihasnang
Griyego
• Panahong Helleniko—nakapaloob sa Greece

• Panahong Hellenistiko—kumalat ang


kabihasnan sa buong mundo
Pamana ng Kabihasnang Greek
• Agham
-- Geometry

(Pythagoras, Archimedes,Aristarchus, Erastost


henes)

• Arkitektura
--Parthenon
--Doric,Ionic, Corinthian
References:
• Slideshare.com
Paraan ng Pamamahala
• Monarchy
• Oligarchy
• Democracy

You might also like