You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 8

MODYUL 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA PANAHON (IKALAWANG MARKAHAN)

WEEK 1 - KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN

1. Kabihasnang Minoan – ang unang kabihasnang nabuo sa pulo ng Crete sa Aegean Sea mula 3000 hanggang
1100 BCE. Hango ang pangalan nito kay Minos, ang tanyag na hari ng Crete.
2. Knossos – kabisera ng kabihasnang Minoan.
3. Sir Arthur Evans – arkeologong Ingles na nakahukay sa mga gumuhong labi ng palasyo sa Knossos, Crete
noong 1899.
4. Linear A – sistema ng pagsulat ng kabihasnang Minoan.
5. Fresco – larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding habang basa pa ang plaster upang
kumapit nang husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral na oxide.
6. Bull Dancing – ito ay ang ritwal ng pagsunggab ng mga binata at dalaga sa sungay ng toro at paglukso o
pagsirko sa likod nito.
7. Pakikipagkalakalan – ito ang dahilan ng pagyaman ng kabihasnang Minoan. Nakipagkalakalan ang mga
Minoan sa mga pulo sa Aegean Sea, Egypt, Greece at Syria.
8. Mycenaean – pangkat na sumalakay sa Knossos at iba pang mga lungsod sa Crete at tinapos ang paghahari ng
kabihasnang Minoan sa Aegean Sea noong 1400 B.C.E.
9. Kabihasnang Mycenaean – ang kabihasnang nabuo sa Peloponnese, Greece (c.1700 – 1100 B.C.E). Malaki ang
impluwensiya ng mga Minoan sa kabihasnang nabuo ng mga Mycenaean.
10. Mycenae – ang pinakamalaking lungsod at ang kabisera ng kabihasnang Mycenaean.
11. Agamemnon – ang pinakatanyag na hari ng Mycenae.
12. Heinrich Schliemann – arkeologong Aleman na nakahukay sa mga guhong labi ng Mycenae noong 1870.
13. Linear B – sistema ng pagsulat ng kabihasnang Mycenaean.
14. Troy – lungsod na matatagpuan sa Turkey malapit sa Hellespont na yumaman at naging makapangyarihan
dahil sa lokasyon nito.
15. Trojan War – ang digmaan sa pagitan ng mga Mycenaean at lungsod ng Troy na inilarawan ni Homer sa
epikong Iliad.
16. Dorian – pangkat mula sa hilaga na sumakop sa mga Mycenaean noong 1100 B.C.E.
17. Panahon ng Karimlan (Dark Age of Greece) – ang 300 taong kaguluhan sa Greece na dulot ng pananakop ng
mga Dorian.

WEEK 2 at 3 – KABIHASNANG GREEK

1. Kabihasnang Klasikal – ang tawag sa kabihasnang Greek at Roman dahil sa kanilang iniambag sa agham,
sining at kaisipan ay may mataas na antas ng kagalingan na tinitingala sa daigdig at naging batayan ng mga
sumunod na kabihasnan.
2. Greece – ang bansang matatagpuan sa dulong – timog ng Balkan Peninsula na nakaungos sa Dagat
Mediterranean. Binubuo ang hangganan ng Greece sa 3 panig ng karagatan – Aegean sa silangan, Ionian sa
kanluran at Mediterranean sa timog.
3. Heograpiya ng Greece
A. Liko – liko ang baybaying dagat ng Greece at marami itong magagandang daungan. Dahil dito,
nahikayat na maging mangingisda at mangangalakal sa karagatan ang mga Greek.
B. Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Nagsisilbing gulugod ang bundok ng Pindus na
nakahanay sa kabuuan ng peninsula. Nasasalitan ang mabatong baybayin ng maraming golpo at look. Halos
mahati ang Greece ng Golpo ng Corinth sa dalawang rehiyon – ang Attica at ang Peloponnesus. Mabundok
ang Greece kung kaya ang nabuong kabihasnan nito ay pawang watak – watak na mga lungsod o city – state.
C. Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo at barley. Dahil sa kakulangan sa
pagkain, kinailangan ng mga sinaunang Greek ng karagdagang pagkain mula sa ibayong dagat.
4. Mediterranean Sea – ang dagat na naging tagapag – ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo.
5. Kabihasnang Hellenic – tawag sa kabihasnang Greek na tumagal mula 800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. Isa sa
mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.
6. Hellas – tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece.
7. Hellenes – ang tawag ng mga Greek sa kanilang sarili.
8. Polis – tawag sa lungsod – estado ng sinaunang Greece na karaniwang pinamumunuan ng isang hari.Tinawag
itong lungsod – estado dahil malaya at may sariling pamahalaan ang bawat isang polis at ang pamumuhay ng
mga tao rito ay nakasentro sa isang lungsod.
9. 5,000 na kalalakihan – ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis. Ang mga kalalakihan
lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod – estado.
10. Athens at Sparta – pinakatanyag na mga polis sa sinaunang Greece.
11. Acropolis – ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod – estado ng Athens at iba pang
lungsod – estado ng Greece. Sa acropolis, matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito
ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek.
12. Agora – ang tawag sa gitna ng lungsod – estado na isang bukas na lugar kung saan maaaring magtinda o
magtipon – tipon ang mga tao sa Greece.
13. Ang mga lehitimong mamamayan sa isang lungsod – estado ay may karapatang bumoto, magkaroon ng ari
– arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan at ipagtanggol ang sarili sa mga korte. Bilang kapalit, sila ay
dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan.
14. Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at
teknik.
A. Mula sa mga Phoenician ay nakuha ng mga Greek ang ideya ng alpabeto na naging bahagi ng kanilang
sariling alpabeto. Ginamit nila mga ang teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at
mabibilis na barko.
B. Sa mga Sumerian ay namana nila ang sistema ng panukat.
C. Mula naman sa mga Lydian, natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

ATHENS at SPARTA
1. Athens – tinaguriang “demokratikong estado” na matatagpuan sa rehiyon ng Attica.
2. Demokrasya – direktang pamamahala ng taumbayan; nagkaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga
mamamayan na makiisa sa pamamalakad ng pamahalaan ayon sa kanya – kanyang kakayahan.
3. Cleisthenes – itinatag ang sistema ng ostracism.
4. Ostracism – hango sa salitang ostrakon na pira – pirasong palayok kung saan isinusulat ang pangalan ng
ipapatapon. Sistema kung saan ang 6,000 na mamamayan ay may kalayaang pumili ng isang opisyal na
patatalsikin sa Athens sa paniniwalang hindi ito makatutulong sa estado.
5. Pericles – ang pinuno ng Athens mula 461 hanggang 429 B.C.E. Ang kanyang pamumuno sa Athens sa loob ng
32 taon ay tinawag na Gintong Panahon ng Athens.
A. Naniwala si Pericles na nararapat ang partisipasyon ng mamamayan sa pamahalaan. Sa panahon niya,
namayagpag ang demokrasya sa Athens.
B. Pinaganda niya ang Athens sa pamamagitan ng pagpapatayo ng magagandang gusali, isa na rito ang
Parthenon.
C. Naitatag ang imperyong komersiyal ng Athens sa paglikha niya ng pinakamalakas na plota sa
Mediterranean Sea na nagtanggol sa kalakalan nito.
6. Edukasyon sa Athens
A. Tanging ang mga anak ng mga mamamayang Athenian ang nakapag – aaral sa panahong ito.
B. Buo ang paghubog sa kakayahan ng mga mag – aaral na Athenian. Nililinang ang kaisipan pati na ang lakas
ng katawan.
C. Ang mga lalaki ay pinag – aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbabasa,
matematika, musika at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining,
politika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi ng kanilang pag – aaral.
D. Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay maaari
nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito.
7. Posisyon ng Kababaihan sa Lipunang Athens
A. Ang mga kababaihan ay hindi nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa
pamahalaan.
B. Hindi rin sila maaaring magmay – ari.
C. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag – aalaga ng mga anak. Sa edad na 14 – 16 sila
ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
8. Sanhi ng Pagbagsak ng Athens
Pagkakasangkot ng Athens sa Digmaang Peloponnesian noong 431 BCE laban sa mga Spartan. Halos
kasabayan nito ang dinanas na salot noong 430 BCE na pumatay sa ikatlong kapat ng mga mamamayan,
kasama na si Pericles. Walang malakas na pinuno na sumunod kay Pericles kung kaya’t tuluyang nasakop ito
ng Sparta at nanghina.

9. Sparta – binansagang “estadong militar” na itinatag ng mga Dorian sa rehiyon ng Peloponnesus.


10. Oligarkiya – ang uri ng pamahalaan ng Sparta.
11. Edukasyon sa Sparta
Pagpapalakas sa katawan ang tuon ng edukasyon sa Sparta. Sumasailalim sa mahigpit na pagsasanay
upang maging kasapi ng hukbo ang bawat batang Spartan.
12. Posisyon ng Kababaihan sa Lipunang Sparta
A. Ang kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan.
B. Sila ang mga nag – aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo.
C. Nangunguna sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani – kanilang mga
asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng wrestling, boksing at karera.
13. Sparta bilang Estadong Militar
A. Ang palagiang pag – aalsa ng mga helot ang dahilan kung bakit naging estadong militar ang Sparta.
B. Helot – tawag sa mga alipin sa lipunang Spartan.
C. Ang naging pangunahing mithiin ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang
kinatatakutan at may malalakas ng pangangatawan.
D. Phalanx – hukbo na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Sila ay
nananatiling sama – sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang
sa kaliwang kamay at espada sa kanan.
14. Sanhi ng Pagbagsak ng Sparta
Mga digmaan na kinasangkutan ang nagpahina sa pamumuno nito, higit ang mga labanan sa Leuctra
noong 371 BCE at Mattinea noong 362 BCE kung saan tuluyang natalo ang hukbo nito ng Thebes.

MGA DIGMAANG KINASANGKUTAN NG GREECE


1. Digmaang Graeco – Persia (499 – 479 B.C.E.)
A. Dahilan: Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran.
B. Mga Labanan
1. Labanan sa Marathon (490 B.C.E) – Athens (Miltiades) vs. Persian Empire (Darius the Great)
2. Labanan sa Thermopylae (480 B.C.E) – allied Greek forces (Sparta – Leonidas) vs. Persian Empire
(Xerxes)
3. Labanan sa Salamis (479 B.C.E) – allied Greek forces (Athens – Themistocles) vs. Persian Empire
(Xerxes)
C. Resulta:
1. Natalo ang Imperyong Persiano.
2. Nabuo ang Delian League– alyansa ng mga lungsod – estado ng Greece na nang lumaon ay kinontrol
ng lungsod – estado ng Athens.

2. Digmaang Peloponnesian (431-404 B.C.E.) – Athens (Delian League) vs. Sparta (Peloponnesian League)
A. Dahilan: Nagdulot ng takot at inggit sa ibang mga lungsod – estado ang kapangyarihan ng Athens at ang
lumalagong kalakalan nito.
Peloponnesian League - liga ng mga lungsod – estado ng Peloponnesus na itinatag upang labanan ang
Athens. Pinangunahan ito ng Sparta.
B. Resulta:
1. Bumagsak at nasakop ng Sparta ang Athens.
2. Nagdulot ng paghihirap sa Greece sa loob ng 60 taon.
3. Nagpatuloy ang mga lungsod – estado ng Greece sa pakikipaglaban sa isa’t isa. Nahati ang Greece sa
magkakaribal na mga lungsod – estado. Sa panahong ito, tinalo ng pwersang Macedonia ang Greece
sa Labanan sa Cheronea (338 B.C.E.).

WEEK 4 at 5 – KABIHASNANG ROMAN

1. Italy – isang bansang matatagpuan sa Kanlurang Europa. Ito ay isang peninsulang hugis bota (italus) na
nakausli sa Mediterranean Sea. Ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan gaya ng Alps sa hilaga at
Apennines mula hilaga hanggang timog at ilang mga kapatagan gaya ng Latium.
2. Latium – sa kapatagang ito, umusbong ang dakilang lungsod ng Rome.
3. Rome – lungsod na matatagpuan sa gitnang bahagi ng Italy, malapit sa Ilog Tiber.
4. Ilog Tiber – ang ilog na nag-uugnay sa Rome at sa Mediterranean Sea.
5. Romulus at Remus – ang kambal na nagtatag sa Rome ayon sa matandang alamat.
6. Etruscan – ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Tinuruan nila ang mga Romano sa pagpapatayo ng mga
gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikidigma,
pagtatanim ng ubas at paggawa ng alak.
7. Republic – Ito ang uri ng pamahalaang itinatag ng mga Romano matapos mapatalsik ang huling haring
Etruscan noong 509 B.C.E. Isang pamahalaan na walang hari, kontrolado ng mga patrician.
8. Patrician – sila ay mayayamang may – ari ng lupa. Sila ang bumubuo ng mataas na lipunan sa Rome.
9. Plebeian – binubuo ng mga karaniwang tao tulad ng mga magsasaka at mangangalakal.
10. Mga Bumubuo sa Roman Republic
A. Senado – binubuo ng 300 kasapi na mga patrician. Kontrolado ng Senado ang pananalapi at
pakikipag – ugnayan ng pamahalaan sa ibang mga bansa.
B. Assembly
Assembly of Centuries – binubuo ng mga sundalong mamamayan na naglilingkod panghabambuhay.
Nakaatang sa Assembly of Centuries ang pagpili ng dalawang konsul gayundin ang paggawa ng mga batas.
Assembly of Tribes – binubuo ng mga plebeian, ay nilikha upang kumatawan sa karaniwang tao. Ito ang
gumagawa ng mga batas para sa mga karaniwang tao.
C. Tribune – posisyon na nilikha upang pangalagaan ang karapatan ng mga plebeian laban sa mga
mapang –abusong opisyal.
D. Konsul – ang kataas – taasang kapangyarihan ay hawak ng dalawang konsul na pinipili mula sa mga
patrician upang pamunuan ang pamahalaan. Katungkulan nila na pangunahan ang hukbo, ingatan ang
salapi ng pamahalaan at tumayo bilang kahuli – hulihang hukom.
Veto – ang kapangyarihan ng konsul na ihinto o tutulan ang pasya ng kasamang konsul.
E. Diktador – inihahalal ng Senado upang manungkulan sa loob ng anim na buwan; tagapamagitan ng
dalawang konsul, higit sa panahon ng krisis, higit na may kapangyarihan sa mga konsul sa panahon ng
kanyang panunungkulan.
11. Ang Rome Bilang Makapangyarihan sa Mediterranean
Natupad ito sa pamamagitan ng pakikidigma nito laban sa iba pang mga lungsod – estado sa Italy, sa mga
kolonyang Greek sa Sicily, timog Italy at sa Carthage sa Hilagang Africa.
12. Digmaang Punic – ang digmaan sa pagitan ng Rome at Carthage mula 264 hanggang 146 B.C.E.
13. Hannibal – ang batikang heneral na nanguna sa Carthage sa Ikalawang Digmaang Punic.
14. Kabihasnang Rome
Naimpluwensyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome. Gayunpaman, may sariling katangian
ang kabihasnang Rome. Pangunahin na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhinyeriya, at sistema ng
pamahalaan at batas.
A. Pananamit
Kalalakihan – nagsusuot ng tunic na kasuotang pambahay na hanggang tuhod at toga na
isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay.
Kababaihan – nagsusuot ng stola na kasuotang pambahay na hanggang talampakan at palla na
inilalagay sa ibabaw ng stola kapag nasa labas ng bahay.
B. Inhinyeriya
1. Nagtayo ng mga daan at tulay upang pag – ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong
lugar.
2. Appian Way – daan na nag – uugnay sa Rome at timog Italy.
3. Gumawa ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.
C. Arkitektura
1. Ang mga Romano ang tumuklas ng semento. Marunong silang gumamit ng stucco, isang plaster
na pampahid at pantakip ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece.
2. Ang arch na natutuhan ng mga Romano mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga templo,
aqueduct at iba pang mga gusali.
3. Basilica – isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly.
4. Mayroon silang pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga negosyo at
pag – uusap.
5. Colosseum – isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator na matatagpuan sa Rome.
D. Panitikan
1. Livius Andronicus – nagsalin ng Odyssey sa Latin.
2. Marcus Palutus at Terence – ang mga unang manunulat ng comedy.
3. Cicero – isang manunulat at orator na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat
maimpluwensyahan ng kapanyarihan o siraiin ng pera kailanman.
E. Batas
Twelve Tables – ito batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginagamit upang alamin ang
mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan at ang
pamamaraan ayon sa batas.
15. Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihan ng Rome
1. Paglala ng katiwalian sa pamahalaan dulot ng monopolyo ng kapangyarihan ng Senate.
2. Malaking bahagi ng mga lupain sa Rome ay nasira dahil sa mga labanang naganap.
3. Higit na paglaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
16. Triumvirate
A. First Triumvirate – isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan.
Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar. Binuo nina Julius Caesar, Pompey at Marcus
Licinius Crassus noong 60 BCE.
Crasssus – ang pinakamayamang tao sa Rome nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga
alipin.
Pompey – kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain.
Julius Caesar – isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga
hangganan ng Rome hanggang France at Belgium. Kalaunan, ginawang diktador ng mga
Romano si Caesar.
17. March 15, 44 BCE (Ides of March) – isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang
Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius.
18. Second Triumvirate – binuo ni Octavian, apo sa pamangkin ni Julius Caesar na kanyang ginawang
tagapagmana, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus. Binuo ito upang ibalik ang kaayusan sa Rome.
Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.
Octavian – pinamunuan ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo.

Mark Antony – pinamunuan ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop
ng Rome.
Lepidus – namahala sa Gaul at Spain.
19. Labanan sa Actium (31 BCE) – labanan sa pagitan nina Octavian at Mark Antony. Natalo ang puwersa ni Mark
Antony, iniwan niya ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Kapwa nagpakamatay ang dalawa.
20. Augustus Caesar – ang kauna – unahang emperador ng Imperyong Roma.
21. Pax Romana (27 BCE – 180 CE) – panahon ng katahimikan at kapayapaan sa Imperyong Romano.
a. Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo.
b. Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag – uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng
Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang seda, mga pampalasa, pabango, mamahaling bato.
c. Umunlad ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace at Ovid ay
nabuhay sa panahong ito.

WEEK 6 – PAG – USBONG AT PAG – UNLAD NG MGA KLASIKAL NA LIPUNAN NG AMERICA, AFRICA at MGA PULO SA
PACIFIC

1. Kabihasnang Klasikal sa America – ang taguri sa mga kabihasnang Maya, Aztec at Inca dulot ng kanilang
malawak na impluwensiya.
2. Mesoamerica – hango sa katagang meso na nangangahulugang gitna. Ang Mesoamerica o Central America ay
ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El
Salvador.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala,
Belize, El Salvador at kanlurang bahagi ng Honduras.

3. Kabihasnang Maya (250 – 900 CE)


A. Namayani sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga
pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan.
B. Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala.
C. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May
mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.
D. Kabuhayan – Pagsasaka – pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya,
papaya at cacao.
E. Pyramid of Kukulkan
 Ang itaas na bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag –
aalay.
 Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang
hagdan.
 Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay parangal
kay Kukulkan, ang tinaguriang God of the Feathered Serpent.
F. Dahilan ng Pagbagsak ng Kabihasnang Maya
Ayon sa mga dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon at
patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng
panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain.

4. Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)


A. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa
Hilagang Mexico.Itinatag sa Gitnang America ang kabihasnang Aztec. Punong lungsod ang Tenochtitlan.
Kinatatayuan ito ng Lungsod ng Mexico sa kasalukuyan.
B. Kabuhayan – Pagsasaka – Mais ang kanilang pangunahing pananim. Ang iba pa nilang tanim ay patani,
kalabasa, abokado, sili at kamatis. Nag – alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato at gansa.
C. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga rin si Tlaloc, ang diyos
ng ulan at si Quetzalcoatl.
D. Ang mga Aztec ay nag –alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may
mga mandirigmang Aztec na nagkukusang – loob na ialay ang sarili.
E. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhinyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o
aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan at mga pamilihan.
F. Dahilan ng Pagbagsak ng Kabihasnang Aztec
Ang pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519 ang naging dahilan
ng pagbagsak ng kabihasnang Aztec. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec na ang pagdating ng
mga Espanyol ay ang pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputing kaanyuan ng
mga ito.

5. Kabihasnang Inca (1200 – 1521)


A. Matatagpuan sa hilaga ang Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang mga
prairie at steepe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na bahagi. Tuyot na mga disyerto
ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean.
Dahil sa higit na kaaya – aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan.
Sa pagsapit ng ika – 11 siglo BCE, maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong
panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia at Ecuador.
B. Ang salitang Inca ay nangangahulugang imperyo. Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang
pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Saklaw ng imperyo ng mga Inca ang kasalukuyang lupain ng Peru,
Ecuador, Bolivia, Chile at Argentina.
C. Ang mga Inca ay mahuhusay na mga inhinyero. Sila ay nakagawa ng mga kalsada, tulay at ilang lagusan sa
kabundukan.
D. Ang lungsod ng Cuzco ay patunay ng kagalingan ng mga Inca sa paggawa ng mga gusali at pag – ukit sa
metal. Mapatutunayan ito ng Temple of the Sun na halos nababalot ng gold plate. Sa labas ng templo,
may mga estatwang gawa sa ginto at naglalarawan ng mga gawain sa buhay Inca.
E. Dahilan ng Pagbagsak ng Kabihasnang Inca
 Kaguluhang politikal (tunggalian ukol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na
bagong teritoryo) na pinalubha ng epidemya ng smallpox na dala ng mga conquistador o
mananakop na Espanyol.
 Pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532. Binihag ni
Pizarro si Atahuallpa, ang pinunong Inca na kanyang pinatubos ng pagkarami – raming ginto.
Subalit pinapatay din noong 1533.
 Tuluyang nagwakas ang kabihasnang Inca noong 1572 nang pinugutan ng ulo ang huling
pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru.

6. AFRICA
 Ang Africa ay tinawag na dark continent ng mga Kanluranin dahil hindi nila ito kaagad na
nagalugad.
 Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan
dito ang rainforest. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna. Sa grassland sa hilaga ng
equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga ng rehiyon ng Sudan makikita
ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig.
7. Kalakalang Trans – Sahara
Ang masaganang kalakalan na umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan noong
3000 BCE. Tinawag itong kalakalang Trans – Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang
Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala – dala ang iba’t ibang uri ng kalakal.
8. Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa
Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa
Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero at iba
pa.
9. Silangang Africa
Ang kaharian ng Axum (kasalukuyang Ethiopia) ay sentro ng kalakalan noong 350 CE. Binibisita
ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia.
10. Kanlurang Africa
A. Nakilala sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo (Ghana, Mali at Songhai) na siyang naging
makapangyarihan dulot ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa labas ng Africa.
B. Ghana, Mali at Songhai – Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan.
Pangunahing produkto nila ang ginto. Nagsilbi silang tagapamagitan ng mga Africa na mayaman sa ginto
at ng mga African na mayaman sa asin.
Sa panahong ito, ginagamit ng mga African ang ginto upang ipambili ng asin. Ginagamit ng
mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.
11. Imperyong Ghana – ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa.
12. Timbuktu – sentro ng kalakalan ng Imperyong Mali.
13. Mansa Musa – higit niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Naging bantog dahil sa pagpapahalagang
ibinigay sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook – dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng
imperyo. Hinikayat ang mga iskolar na pumunta sa Mali.
14. Ali Sunni – ang hari ng Imperyong Songhai na sa panahon ng kanyang panunungkulan ay pinalawak niya ang
Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
15. Austronesian – tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo -
Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
16. Mga bansa at isla kung saan nandayuhan ang mga Austronesian
Taiwan, Pilipinas, Malaysia, Brunei at Indonesia, Madasgar, Pacific Islands, New Guinea, Australia at Tasmania,
Vanuatu, Fiji, Tahiti, Tonga, Samoa, Marquesas, Hawaii, Easter Island
17. Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia,
Micronesia at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang
kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.
18. Polynesia – maraming pulo
a. Matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanesia at
Micronesia.Binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau,
Samoa, American Samoa, Nieu, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu,
Marquesas at Pitcairn.
b. Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay tanghalan ng mga
ritwal at pagpupulong. Nakapaligid sa tohua ang tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.
c. Ang pangunahing kabuhayan ay pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim ay taro o gabi,
yam o ube, breadfruit, saging, tubo at niyog. Sa pangingisda, nakakakuha ng tuna, hipon at octopus.
Nanghuhuli rin ng pating.
d. Naniniwala sa mana o banal na kapangyarihan. Ipinagkakaloob ng mga diyos sa isang tao na may taglay na
kakaibang galing, tapang o katalinuhan ang mana. Ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, bangka at iba
pang bagay.
Tapu – tawag sa mga pagbabawal o prohibisyon upang hindi mawala o mabawasan ang mana.
Kamatayan ang pinakamabigat na parusang igagawad sa matinding paglabag sa tapu.
19. Micronesia – maliit na mga isla
a. Ang mga maliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangang ng
Asya.Binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati) at
Nauru.
b. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat – dagatan. Ito ay upang
madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan.
c. Kabuhayan – Pagsasaka – taro, breadfruit, niyog at pandan. Pangingisda, paggawa ng simpleng palayok;
Pakikipagkalakalan sa mga karatig na pulo
d. Relihiyon – Animismo
20. Melanesia – maitim na isla
a. Matatagpuan sa hilaga at silangang baybay – dagat ng Australia. Kasalukuyang binubuo ng Papua New
Guinea, New Guinea, Bismarck Archipelago, Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia at Fiji Islands.
b. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying – dagat o sa dakong loob pa.
Pinamumunuan ito ng mga mandirigma.
c. Kabuhayan - Pagsasaka – taro, yam, pandan at sago palm; Pangingisda, pag –aalaga ng baboy at
pangangaso ng mga marsupial at ibon; Pakikipagkalakalan – palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog,
bangka
d. Relihiyon - Animismo

WEEK 7 – PAMANA NG MGA KABIHASNANG KLASIKAL

1. Minoan
Fresco – Pinta sa mga pader ng plaster.
Arena – kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
Aqueduct – dinadaluyan ng tubig mula sa Dagat Mediterranean patungo sa mga bayan.
Drainage system – upang maiwasan ang pagbaha dulot ng madalas na pag –ulan sa Crete.
2. Mycenaean
Linear B – sistema ng pagsulat.
3. Greece
a. Kaisipang Pampulitika
Demokrasya – mula sa mga mamamayan ang kapangyarihan ng pamahalaan.
b. Pilosopiya – Marubdob na pagmamahal sa karunungan, mula sa mga salitang Griyegong philos –pag –
ibig at sophia – karunungan.
Socrates – Socratic Method; Know thyself
Plato – may – akda sa “The Republic”
Aristotle – Kinilala bilang “Ama ng Bayolohiya.” Nagmula sa kanya ang lohika at agham ng
pangangatwiran.
c. Sining – Nakatuon sa kahalagahan ng tao ang sining ng mga Griyego. Binigyang – puri at kasiyahan nila
ang tao. Gumamit sila ng marmol at makatotohanang istilo sa paglilok ng mga nakahubad na babae at
lalaki.
Iskultura
 Discobolus o Discus Throw ni Myron
 Venus de Milo – kinikilalang pinakamagandang modelo ng hugis ng babae.
Arkitektura
 3 istilo ng haligi: Doric na pinakapayak na disenyo, walang salalayan at simple ang kapital; Ionic,
makitid at may disenyong scroll sa kapital at Corinthian, may disenyong dahon ng acanthus.
Parthenon – pinakamahalagang templo sa Greece na laan kay Athena, ang diyosa ng karunungan at
patrona ng Athens. Si Actinus ang arkitekto nito. Gumamit siya ng puting marmol na may istilong
Doric.
d. Kasaysayan
Herodotus – “Ama ng Kasaysayan.”
Thucydides – isinulat niya ang kasaysayan sa paraang makaagham. Siya ang nagbigay ng kaalaman
ukol sa Digmaang Peloponnesian.
e. Agham
Pythagoras – Pythagorean theorem.
Archimedes – ipinaliwanag niya ang pag – angat ng mabibigat na bagay sa pamamagitan ng pingga
- Archimedes Principle
Euclid – “Ama ng Geometry.”
Aristarchus – nakatuklas na umiikot ang daigdig sa araw habang umiikot sa sarili nitong axis.
Eratosthenes – nakagawa ng halos tumpak na tantiya ng circumference ng daigdig. Siya rin ang
unang gumuhit sa mga linya ng latitude at longitude sa mapa ng daigdig.
Democritus – ipinanukala na lahat ng bagay ay binubuo ng maliliit na sangkap na tinatawag na atom.
f. Medisina
Hippocrates – “Ama ng Medisina.” Ayon sa kanya, nagmumula ang sakit sa isang likas na sanhi.
Itinaas niya ang antas ng panggagamot sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin. Ang mga ito
ngayon ay tumatayong batayan ng Hippocratic Oath, ang sinumpaang pangako ng
lahat ng mga nagtatapos sa pag – aaral ng medisina.
Herophilus – “Ama ng Anatomy.”
Erasistratus – “Ama ng Physiology.”
g. Oratoryo
Demosthenes – “Prinsipe ng Talumpatian.”
h. Palakasan – Olympics
4. Rome
a. Inhinyeriya at Arkitektura
 Paggamit ng arko, bobida (dome), hanay ng mga arko (vault), daanan ng tubig (aqueduct), mga
daang yari sa bato.
 Pantheon
 Colosseum – isa itong bukas na teatro (ampitheater) na disenyong Griyego ang mga kolumna.
 Pampublikong paliguan, basilica (bulwagan ng hukuman), arkong pamparangal (triumphal
arch) at hippodrome
 Appian Way
b. Oratoryo
Cicero – Prinsipe ng talumpatian ng Rome.
c. Wika
Sa wikang Latin, nag – ugat ang Pranses, Español, Portuges at Romano na tinatawag na wikang
Romance. Sa ngayon, Latin ang wikang tradisyonal ng Simbahang Katoliko at ng hukuman.
d. Pagbabatas
Roman Law – nagmula sa salitang Latin, jus (batas) ang salitang hustisya. Konseptong Romano ang
prinsipyong batas na walang kinikiling. Ito ang humubog sa tradisyong legal ng Kanluran. Naaayon ang
Batas Romano sa mga kodigo at iba pang kautusang nakasulat. Dito ibinatay ang Kodigo ni Napoleon at
ang batas ng Germany hanggang 1900. Maging ang maraming bansa sa ngayon ay sumusunod din sa mga
prinsipyong nag – ugat sa Batas Romano. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Walang sinuman ang maaaring pilitin na tumestigo laban sa kanyang kalooban.
2. Walang sinuman ang maaaring sapilitang paalisin sa sariling tahanan.
3. Ang paglalahad ng mga patunay ay pasanin ng naghabla at hindi ng hinahabla.
4. Hindi karapat – dapat na tumestigo ang isang ama para sa anak o ang anak para sa ama.
5. Hindi kailanman maaaring ilapat ang bigat ng nakaraang sala kapag tapos nang igawad ang parusa sa
ganoon ding krimen.
Nag – ugat ang Batas Romano sa Twelve Tables na ipinahayag ng mga mahistrado sa ilalim ng
Republika. Naidagdag dito ang mga kautusan ng emperador at mga opinyon ng hukom. Noong 526 CE,
sinimulan ang kodipikasyon ng buong sistemang legal sa utos ni Emperador Justinian at naging Corpus
Juris Civilis na ang pinakamalaking bahagi ay ang Kodigo ni Justinian.
5. Mesoamerica at South America
a. Chinampas
b. Pyramid of Kukulcan
c. Pyramid of the Sun
d. Machu Picchu

6. Africa
a. Sa kaharian ng Axum may mga stelae o haliging batong may disenyo na itinayo bilang pananda ng
libingan ng mga namatay na hari. Ang stelae ay itinayo upang parangalan ang kadakilaan ng isang
pinuno.
b. The Epic of Son – Jara – isang halimbawa ng tradisyong pasalita ng Africa na ukol sa kabayanihan ni
Son – Jara na kilala rin bilang Sunjata o Sundiata, ang tagapagtatag at hari ng Imperyong Mali.
7. Mga Pulo sa Pacific
Sining
a. Melanesia– maskara, pigura at kagamitang panseremonya na gawa sa kahoy, talukab ng pagong at
kabibe na pininturahan ng itim, pula o puti.
b. Micronesia – maskara at pigura na inukit sa kahoy
c. Polynesia– paglililok sa kahoy ng iba’t ibang disenyo ng mga bulaklak at hayop at mga disenyong
heometrikal. Paglalagay ng tattoo.
d. Society Island, Easter Island at Marquesas – templong gawa sa bato.

WEEK 8 – MGA PANGYAYARING NAGBIGAY–DAAN SA PAG–USBONG NG EUROPA SA GITNANG PANAHON

A. Holy Roman Empire


1. Mga kaganapang nagbigay –daan sa pagkakabuo ng Holy Roman Empire

481 Pinag – isa ni Clovis ang iba – ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Roman.
496 Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan.
511 Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kaniyang mga anak.
687 Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks.
717 Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel.
751 Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga
Franks sa halip na Mayor ng Palasyo.

2. Charlemagne – anak ni Pepin the Short na kinoronahan bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano
(Holy Roman Empire). Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the
Holy Roman Empire.”
3. Louis the Religious – anak ni Charlemagne na humalili sa kanya noong 814 CE. Hindi nagtagumpayang
pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika.
4. Kasunduan ng Verdun – ang kasunduan na humati sa Holy Roman Empire noong 841. Napunta kay
Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang Germany at ang Italy kay Lothair.
5. Ang muling pagsilang ng karunungan sa panahon ni Charlemagne ay nakatulong upang manatili ang
kabihasnang Romano at matiyak ang pagpapatuloy ng kabihasnan sa Kanlurang Europe.
6. Sa panahon ni Charlemagne,ang Simbahan at Estado ay higit na nagkaisa.Pinalawig niya ang
kapangyarihan ng Simbahan at sinikap na mapalawak ang Kristiyanismo.
B. Piyudalismo – ito ang sistemang politikal, sosyo – ekonomiko at militar na nakabase sa pagmamay-ari ng
lupa. Mula sa ika – 9 hanggang ika – 14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa
Europa ay lupa. Pangunahing nagmamay – ari ng lupa ang hari.
Vassal – taong tumatanggap ng lupa mula sa lord.
Fief – lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal.
Homage – isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng
lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal,
isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang
isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa
sumpang ito ay oath of fealthy.
1. Ang Pagtatag ng Piyudalismo
Sa pagkakahati ng Holy Roman Empire batay sa Kasunduan sa Verdun, nawalan ng kapangyarihan
ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking,
Magyar at Muslim.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe.
Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang
piyudalismo.
2. Lipunan sa Panahong Piyudalismo
Mga Pari – hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag – asawa.
Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.
Mga Kabalyero – matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa
mga hari at sa mga may – ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Bilang kapalit ng
kanilang paglilingkod, sila ay pinagkalooban ng mga kapirasong lupa. Sila ang unang uri ng mga
maharlika na maaaring magpamana ng kanilang lupain.
Mga Serf – ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval. Nananatili silang
nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa.Wala
silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang
tao.
3. Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang
kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging
marangal at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang
kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan.
Malaki ang naging impluwensya ng pagkakabalyero sa mga mataas na klase ng tao sa lipunan sa
kanlurang Europa. Naging maunawain sila at matulungin sa kababaihan. Ito ay makikita sa kanilang
panitikan gaya ng mga kwento ni Haring Arthur at ng kanyang mga kabalyero (King Arthur and The
Knights of the Round Table).
C. Manoryalismo – ito ang pang – ekonomiyang katapat ng piyudalismo. Ito ay ang sistemang gumagabay sa
paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid at ng kanilang ugnayan sa isa’t isa at sa lord.
Manor – sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo. Ito ay maaaring
maihalintulad sa isang pamayanan kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang
ikabubuhay sa pagsasaka sa manor.
Nagbigay – daan ang manoryalismo sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod dulot ng pag – unlad
ng kalakalan. Kadalasan, ang manor ay nagsilbing simula ng bayan. Nang maging siksikan ang
pamumuhay sa manor dulot ng paglaki ng populasyon, marami ang umalis at nagtayo ng pamayanan sa
labas ng mga pader ng manor. Sa pagdaan ng panahon, lumaki ang mga ito at naging ganap na bayan.
D. Paglakas ng Simbahang Katoliko
Kapapahan (Papacy) – tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon
ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng
estado ng Vatican.
Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Papacy
1. Pagbagsak ng Imperyong Romano
2. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan
3. Uri ng Pamumuno sa Simbahan
4. Pamumuno ng mga Monghe
Monghe – binubuo ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay
at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ay
namuhay alinsunod sa tatlong panata ng karalitaan (poverty), kalinisan (chastity) at pagsunod
(obedience).
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba – ibang dako ng Kanlurang Europe. Nahikayat ang mga barbaro na
yakapin ang Kristiyanismo; ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo – Saxon sa England, Ireland at
Scotland at ang mga German sa ilalim ng direksyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si
St. Francis Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo,
sa utos ng Papa sa Rome.
E. Krusada
Isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II
noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na
sumakop sa banal na pook sa Jerusalem.
Nagmula ang salitang Krusada sa salitang Latin na crux, na nangangahulugang krus. Mula Jerusalem
balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng
Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan
ni Papa Urban II, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga
ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang at kalayaang pumili ng fief
mula sa lupa na kanilang masakop.
Nagkaroon 8 pangunahing krusada sa pagitan ng 1095 at 1270. Sa kabuuan, ang mga Krusada ay
pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos
nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap
ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag – unlad ng mga lungsod at malalaking daungan.

You might also like