You are on page 1of 46

asnang Klasi

ih ko
ab ng
K

GRESYA
LAYUNIN
Nasusuri ang pagkakatatag ng mga sinaunang kabihasnang klasiko ng Gresya;

Naihahambing ang iba't ibang mga katangian ng Athens, Sparta at mga lungsod-
estado;

Naipapaliwanag ang mga magagandang asal na napulot sa pag-aaral ng iba't ibang


aspekto ng sinaunang sibilisasyong Griyego; at

Napahalagahan ang mga naiambag ng sinaunang sibilisasyong Griyego sa


pamamagitan ng isang maikling tula.
GRESYA
Isa sa mga sibilisasyong umusbong sa klasikal na mundo.
Pagtatatag ng mga estado, pagsasagawa ng Olympics at
pagkakaroon ng sistemang demokratiko sa pamamahala.
Ito ay hindi maituturing na isang bansa gaya rin ng Mesopotamia sa
Asya.
Sa mainland, pangunahin nilang pamumuhay ang pangingisda,
pangangalakal at pagsasaka.
ilis as yo n g M in o
S ib at a n
a sy on g M yc en
bi lis ae a
Si n
Sibilisasyong Minoan
Umusbong sa Crete
Tinawag ni Sir Arthur John Evans ang
mga mamamayan ng Crete na mga
"Minoan" hango sa pangalan ni Haring
Minos, hari ng Crete sa mitolohiyang
Griyego.
Ang pinakamalaking pulo sa Dagat
Aegean, noong 2000 BCE.
ng sinaunang G
pa res
Ma ya
Minoan
Nagmula ang lahing Minoan sa mga neolitikong
manlalakbay mula Asia Minor.
Mahilig sa Sports at ang paboritong laro ay ang bull
leaping.
Mahusay rin sila sa sining at napupuno ng mga fresco, o
pinta sa mga pader na gawa sa basang plaster, ang ilang
estruktura sa Crete.
Ang mga pamayanang itanayo ng mga sinaunang Minoan ay
umunlad at naging mga lungsod noong 2000 BCE.
Pinakamalaking lungsod sa Crete ay ang Knossos.
Matatagpuan dito ang limang palapag na palasyo na tinatawag na
Double Axe, dahil napupuno ito ng mga laberinto. Ito rin ang
itinuturing na pinakamalaking estruktura noong Panahon ng Bronse.
Linear A ang tawag sa sistema ng pagsulat na natuklasan ni Sir Arthur
Evans. Ang mga tabletang may mga marka ng sinaunang dulst-
Griyego sa Crete at ilang bahagi sa mainland.
Noong 1953, nabigyang linaw ang mga sistema ng pagsusulat sa
pamamagitan ng mga pag-aaral ng arkitektong si Michael Ventris
katulong sina John Chadwick at Alice Kober.
Mayaman ang pulo ng Crete sa Kilala ang mga Minoan sa isa sa
kabuhayan. pinakamahusay na mandaragat.
Karamihan sa kalalakihang Minoan Walang nakatitiyak kung ano ang
ay mangingisda o magsasaka. punong sanhui ng pagbagsak ng
Karaniwan nilang saka ay wheat, Kabihasnang Minoan.
trigo at ubas. Noong 1400 BCE, sinasabing
Nagamit din sila ng mga nasakop ang Crete.
punongkahoy sa Ayon kay Spyrindon Marinatos at
pangangarpintero at paggawa ng William Ryan, tuluyang bumagsak
bangka. ito nang pumutok ang bulkan sa
isla ng Thera.
Sibilisasyong Mycenaean

Dumating sa bahaging mainland ng Gresya ang mga


Mycenaean noong 1900 BCE.
Hango sa sentrong bayan ng kalakalan, ang Mycenaea, ang
kanilang katawagan.
Malaki ang impluwensiya ng mga Minoan sa kultura ng mga
Mycenaean, lalong-lalo na sa pulitika.
Likas na matatapang ang mga Mycenaean. Lalaki man o
babae ay magaling.
Mahuhusay rin na mga mandirigma ang mga Mycenaean.
Dahil dating magkapalitan ng kalakal, halos pareho ng sistema ng
kabuhayan ang mga Minoan at mga Mycenaean.
Ang kita sa pagbebenta ng langis ang nagpaunlad sa ekonomiya.
Hindi nagtayo ng mga lungsod ang mga Mycenaean.
Sentro ng bawat bayan ay ang palasyo ng hari, kung saan sila
nagkakanlong tuwing mayroong panganib.
Sinasabing hango sa Linear A (na nadiskubre sa Crete) ang Linear B
na siyang sistema ng pagsulat ng mga Mycenaean.
Ang bumuo sa isa sa mga pinakakilalang likhang pampanitikan sa
kasaysayan ang mitolohiyang Griyego. Dito nagmula ang paniniwala
ng mga sinaunang Griyego.
Politeista ang kanilang paniniwala.
Zeus- hari ng mga diyos at
asawa ni Hera
Hera- reyna ng mga diyos at
panginoon ng pagpapakasal at
panganganak.
Poseidon- diyos ng karagatan
Hades- diyos ng kailaliman
Ares- diyos ng digmaan
Hephaestus- diyos ng paggawa
Athena- diyosa ng katalinuhan
Aphrodite- diyosa ng pag-ibig
Hermes- diyos ng pangangalakal
Artemis- diyosa ng buwan at pangangaso
Apollo- diyos ng musika, araw at
katotohanan
ANG DIGMAANG TROJAN AT
ANG PANAHON NG
KARIMLAN
Ang mga Heleniko
Kilala ang mga sinaunang tao sa Gresya bilang mga
Griyego
heleniko ang tawag sa mga sinaunang Griyego na
nabuhay pagkatapos ng sibilisasyong Mycenaean
at nagmula ito sa pangalan ng teritoryong kanilang
pinaninirahan, ang Hellas.
Metamorphoses
Akda ni Ovid
Ayon sa akdang ito, nagkaroon ng matinding
pagbaha noon na umubos sa salinlahi ng mga tao
gaya ng nangyari sa pamilya ni Noah sa bibliya.
Ang mag-asawang Deucalion at Pyrrha lamang ang
nabuhay sa trahedya
Anak ni Hellen
Aeolus - pinuno ng mga Dorian
Xuthus - pinuno ng mga Achean
Ion - pinuno ng mga Ionian
Pag-usbong ng mga Polis
lumago ang agrikultura at populasyon ng mga Heleniko
Dumalang ang pagpapalipat-lipat ng tirahan
Pag-usbong ng mga lungsod-estado na tinawag na POLIS
Inilunsad ng mga Heleniko sa polis ng Olympia ang
Olympics, isang palaro sa ngalan ni Zeus.
Pagsasaka ang pamumuhay ng mga naninirahan na
ibinebenta sa mga pamilihan na tinatawag na "AGORA"
Pag-usbong ng mga Polis
Iba ang kalagayan ng kababaihan; limitado ang maaari
nilang gawin
Ang tahanan ay binubuo ng isang baul, higaan, upuan,
mesa, buyo.
Ang mga nakakataas lamang ang kinikilala ang karapatan
Sa paniniwala nila, nakatakdang gawin ng isang tao ang
kaniyang trabaho habang buhay.
SPARTA

pinakamalaking polis sa Hellas


napalago ang pamayanan sa pamamagitan ng pananakop
Mamamayan ay sinanay sa pakikidigma at matinding
disiplina
ATHENS
sinuportahan ang paglinang sa kakayahan at talino
Nagtalaga ng magsisilbing punong tagapamahala
Isa si Draco sa mga unang nagsilbing pinuno sa Athens at unang
nagpasulat ng kalipunan ng mga batas sa kanyang polis
Kilala siya sa kanyang mahigpit na pagbabatas
Si Solon ang pumalit at kinilala bilang isa sa pitong pantas ng
Hellas
ATHENS
Si Peisistratus ang nagbigay pansin sa pagoapaunlad ng
ekonomiya ng Athens
Sinuportahan din niya ang sining ng Athens
Naging sentro ng sining sa Hellas
Nagbalik ng batas ni Solon
Nagbigay katiwasayan
ATHENS
Lumakas ang kapangyarihan sa Athens ni Cleisthenes na isang
mahistradong nagmula sa mayamang angkan. Siya rin ang
tinuturing na "Ama ng Demokrasya"
Pinalawig niya ang Demes o mga pulitikal na yunit na nahahawig
sa mga barangay sa Pilipinas
Bawat deme ay may kinatawan sa konseho
Nakasama ang lahat ng kalalakihang edad 18 taon pataas sa
Ecclesia o asemblea
Pamahalaang Athenian
Kauna-unahang lugar sa mundo na nagpatupad ng pamahalaang
demokratiko
Mga namumuno
1. Sampung strategoi - mga heneral pang militar
2. Siyam na archon - mga tagapamahala ng bagay hinggil sa pulitika at
paniniwala
3. Konseho ng 500 bouleutai - konsehal na naghahanda sa bawat asamblea
Ang sinumang nagkasala o hindi gusto ng lipunan ay dinaraan sa
ostrasismo o pagpapatapon sa lupain sa loob ng 10 taon.
Ang Pilosopiya Agham at
Matematika ng mga Heleniko
Umusbong ang pilosopiya o ang pag-aaral sa lahat ng mga
katanungan ng sangkatauhan.
Tatlong pantas na umusbong sa Athens na pinakanatatangi sa
kasaysayan ng Pilosopiya:
1. Socrates
2. Plato
3. Aristotle
Socrates
binansagang "Ama ng Kanluraning Pilosopiya"
Tanyag sa pagiging mahusay na Pilosopo na hindi isinusulat ang
kanyang mga kaalaman
Sina Plato, Xenophone at Aristotle ang nagtala ng mga turong
ipinahayag ni Socrates sa kanyang mga diyalogo kasama ng
kanyang mga mag-aaral
Nagpasimula ng Socratic Method o ang paggamit ng tanungan
at talakayan upang makabuo ng mas konkretong kaalaman
hinggil sa isang paksa.
Plato
Naging mag aaral ni Socrates si Plato.
Siya ang nag sulat ng The Republic, ang kalipunan ng mga turo
ni socrates sa kanilang mga diyalogo.
Layon ng akademya na hasain ang kaalaman ng mga Athenian sa
agham at matematika.
Siya ang nagsapantahang mayroong kaluluwa ang tao na
nananatiling buhay sa kabila ng kamatayan
Aristotle
Matagal na nag-aral sa ilalim ni Plato sa Akademya
Napukaw ng napakaraming bagay ang isipan ni aristotle. Nag
aral at nag sulat siya tungkol sa agham, matematika, metapisika,
panitikan, lohika, pulitika, at retorika.
Sa kanyang panahon nahubog ang geocentrismo o ang
paniniwalang umiikot sa mundo ang araw, buwan at mga bituin
Pinalawig ang golden mean o ideyolohiya ng pananatili sa
gitnang daan upang maiwasan ang labis na pagpapakasasa o
labis na kahirapan.
Pythagoras
Sa lonia, nakilala si Pythagoras, isang pantas na naniwalang
kayang ipaliwanag ng mga numero ng sinukbo.
Sinisimbolo ng mga numero ang mga ideya - ang hustisya ay
ang numerong "4" habang ang pag aasawa naman ay numerong
"5".
Pinakakilala si Pythagoras sa kanyang paraan ng pagsukat ng
right triangle, ang Pythagorean theorem.
Democritus
Inilarawan ang sansinukob bilang isang malaking kawalan na
pinalilibutan ng maliit nabutil (gaya ng mundo.)
kilala rin si Demokritus sa kanyang pahayag na ang paniniwala
ng mga tao sa diyos at diyosa ay bunsod lamang ng kawalan ng
paliwanag ng mga tao sa mga pangyayaring sa buhay at
mundo.
Hippocrates
Nakilala sa larangan ng agham
Naniwala na lahat ng karamdaman ay may dahilan na dapat
lunasan
Isinulat niya ang panunumpa na Hippocratic Oath
Mga Sigalot na kinaharap
Digmaang Persyano
Delian League at ang Panahon ni
Pericles
Pananakop ng Macedonia
Digmaang Persyano
Nagsimula ang pananakop noong 540 BCE at pinatalsik ang hari ng
Lydia, maging ang mga namumuno sa mga polis ng ionia at Ehipto.
Kinumbinsi ni Aristagoras, pinuno ng Miletus sa Ionia, ang mga polis
upang magkaisa at mag-aklas bago pa umano mapalawak ng Persiya
ang teritorya sa Hellas
Natalo ang rebolusyon
Ipinadala ng Athens ang kanilang puwersa sa Marathon
Athenian lamang ang nagpatuloy sa labanang binansagang Labanan sa
Marathon.
Delian League at Panahon ni Pericles
Lumakas ang kapangyarihan ng Athens
Nanatiling banta sa heleniko ang mga Persiyano
May ilang polis na humingi ng tulong sa Athens na bumuo ng isang
samahan ng mga Polis sa paligid ng Dagat Aegean na pinamumunuan ng
Athens
Nabuo ang Delian league - Samahan ng mga polis sa paligid ng Dagat
Aegean na siyang pinamumunuan ng Athens
Natamo ng Athens ang ginintuang panahon ni Pericles, isang strategoi
na nagpasimula ng mga reporma upang umunlad ang kanilang polis.
Delian League at Panahon ni Pericles
Tatlong Layunin ni Pericles
1. Bigyang pugay ang Hellas
2. Palakasin ang Delian League
3. Payabungin ang demokrasya ng Hellas
Higit na nalinang ang sining at kaalaman ng mga Athenian
Isa sa pinakakilalang likhang-sining sa panahong ito ay ang Parthenon -
Templong inialay sa ngalang Diyosa na si Athena
Ang pinakakilalang eskultor sa Athens at si Phidias na naglayong
maipakita ang kalakasan at pagiging perpekto ng mga Athenian sa sining
Parthenon
Delian League at Panahon ni Pericles
Si Homer ang naging tanyag sa panitikan na sumulat ng Iliad at
Odyssey.
Nakilala rin si Sappho at ang kaniyang tulang naglalaman ng ritmong
maihahalintulad sa musikang may liriko.
Si Heroditus ay kinilala bilang "Ama ng kasaysayan"
Si Thucydides ay nakilala dahil sa kaniyang sapantaha na anuman ang
pangyayaring pulitikal na nagaganap sa kaniyang panahon ay
mangyayaring muli sa hinaharap.
Digmaang Peloponnesian
Pinamumunuan ng Sparta
Kabilang sa ligang ito ang polis ng Corinth na
karibal ng Athens pag dating sa kalakalan at
paglalayag.
Pananakop ng Macedonia
Matapos ang Digmaang Peloponnesian,
sinakop ng Macedonia sa pamumuno ni
Haring Philip ang Athens noong 338 BCE.
Idiniklera niya ang kaniyang sarili bilang Diyos
ng Olympus.
Sibilisasyong Heleniko
Tinawag na bahagi ang sakop na lungsod ni
Alexander sa kaniyang pagkamatay.
Hinati ang kaniyang imperyo sa tatlong bahagi na
may iba't ibang pinuno
1. Mecedonia - Antigonus
2. Ehipto - Ptolemy
3. Syria at Persia - Seleucus
Sibilisasyong Heleniko
Maituturong ang Alexandria sa Ehipto na
mayroong populasyong kalahating milyon at
pinakamaunlad na sibilisasyon sa panahong ito
Ang panahong ito ang naging batayan ng
pamumuhay ng sumunod na sibilisasyon
Gresya
Nagmula ang katawagang "Graeci" o "Griyego"
sa pagtawag ni Aristotle sa mga taong
naninirahan sa Dodona at Achelous
Nang sakupin ng mga Romano ang Hellas,
binansagan na nila itong Gresya
Salamat!
Thank you for listening
Ms. Danica Bumagat
Activity2
Basahin ang pahina 113 - 114 ng libro at sagutan ang
dalawang katanungan sa pahina 114. Isulat ang sagot
sa inyong notebook.

Submission: Biyernes, Nobyembre 18, 2022


(Dapat ay may Activity 1 at 2 sa notebook)

You might also like