You are on page 1of 15

WEB QUEST PROJECT SA KASAYSAYAN NG DAIGDIG PARA SA IKATLONG ANTAS

PANIMULA
Ang digmaan ay itinuturing na necessary evil kung saan walang nanalo, sa halip binabago nito ang lahat ng buhay ng mga kasali rito. Ganito ang nangyari sa una at pangalawang digmaan pandaigdig kung saan ang mga lumang teritoryo ay muling binuo at pinagsama-sama para maging mga bagong bansa. Sa gitna ng dalawang digmaang ito ay mga taong na naging tila makinang pandigmaan na handang kumitil ng buhay at makasira ng kagamitan para lamang mapanatili ang kanilang karapatan at kalayaan isang bagay na kailangang kalimutan at iwasan ng henerasyon ngayon.

GAWAIN
Ang Web Quest na ito ay magdadala sa iyo sa mga pangyayari sa dalawang digmaang pandaigdig sa pamamagitan ng mga tungkulin ng isang sundalo at mga opisyal ng digmaan. Pipili ka ng iyong ranggo at gagawin mo ang mga nakatakdang gawain. Pagkatapos, magsama-sama kayo ng iyong kapwa opisyal at gumawa ng board game tulad ng sa Games of the Generals. Subalit maiiba ang patakaran ng laro. Sa halip na magpatayan kayo, kukumbinsihin ninyo ang bawat isa na magsama nang mapayapa. Sinuman ang maunang makakumbinsi ng buong platoon ang siyang panalo.

PROSESO
Hakbang 1. Isang Sundalo Gampanan ang papel ng kahit alin sa mga sumusunod:
Isang heneral isang koronel isang tinyente isang infantry/paratrooper

Isang Heneral na Nagdadalawangisip Pumunta sa Digmaan


Gampanan ang papel ng heneral na nagdadalawang-isip pumunta sa digmaan. Nararapat lamang na makapagbigay ka ng mga dahilan para sa iyong paninindigan. Suriin ang sanhi ng digmaan at magbigay ng suhestiyon para mapigilan ito. Gawin ang mga sumusunod : Talakayin ang mga bagay na naging resulta sa kalayaan ng Latin America. Pag-aralan ang papel ng nasyonalismo sa mga bansa sa Latin America at ang naging epekto nito sa mga pangyayari na nagdulot ng unang digmaang pandaigdig. Magsaliksik tungkol sa patakaran ng Games of the Generals.

Isang Heneral na Nagdadalawangisip Pumunta sa Digmaan


Isa-isahin ang mga isyu at kadahilanan na nagpausbong sa unang digmaang pandaigdig. Gumawa ng position paper kung paano maiiwasan ang unang digmaang pandaigdig. Ang mga sumusunod na website ay makakatulong na makamit ang hangarin: http://en.wikipedia.org/wiki/Latin_American_revolutions http://www.pachami.com/English/latinoamericaE.html http://www.internationalviewpoint.org/spip.php?article763 http://www.firstworldwar.com/origins/causes.htm http://en.wikipedia.org/wiki/Game_of_the_Generals

Isang Koronel na Espesyalista sa Conflict Resolution


Gampanan ang papel ng isang koronel na espesyalista sa conflict resolution. Upang makagawa ng istratehiya tungkol sa pag-iwas sa kaguluhan, Ikaw ay mananaliksik sa mga ugat ng mga pangyayari bago ang unang digmaang pandaigdig. Kailangan mong gawin ang mga sumusunod:
Pag-usapan ang sanhi at mga epekto ng mga pangyayari sa panahon ng unang digmaann pandaigdig. Pag-aralan ang mga hangarin ng Amerika sa pagsali sa digmaan. Ilarawan ang mga epekto ng unang digmaang pandaigdig. Tayahin ang mga pagtatangka para tapusin ang unang digmaan pandaigdig. Maghanda ng position paper kung papaano aayusin ng matiwasay ang digmaan nang walang nasasaktan ni isa man. Magsaliksik tungkol sa mga piyesa ng Games of the Generals.

Isang Koronel na Espesyalista sa Conflict Resolution


Ang mga sumusunod na website ay makatutulong na makamit ang hangarin:
http://www.firstworldwar.com/origins/index.htm http://www.firstworldwar.com/origins/causes.htm http://www.cusd.chico.k12.ca.us/~bsilva/projects/great_w ar/causes.htm http://www.timelines.info/history/conflict_and_war/20th_c entury_conflicts/world_war_one/american_involvement_i n_world_war_one/ http://home.earthlink.net/~gfeldmeth/chart.ww1.html http://www.cusd.chico.k12.ca.us/~bsilva/projects/great_w ar/effects.htm http://www.eyewitnesstohistory.com/armistice.htm http://www.firstworldwar.com/source/armisticeterms.htm

Isang Tinyenteng Pabor sa Pagdidis-arma


Bilang isang tinyente na pabor na alisan ng panlaban ang pangkat na kasali sa pangalawang digmaang pandaigdig, pag-aaralan ang disposisyon o paninindigan ng lahat ng kasali sa digmaan para makagawa ng hakbang upang lahat ay madisarmahan. Gawin ang mga sumusunod:
Ilarawan ang mga pangyayari na naging sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga pangyayaring naganap noong ikalawang digmaang pandaigdig. Pag-aralan ang papel ng Estados Unidos sa ikalawang digmaang pandaigdig. Maghanda ng mga suhestyon tungkol sa pagdis-arma sa mga kasali sa ikalawang digmaang pandaigdig upang makamit ang katahimikan. Alamin ang aktwal na laki at disenyo ng Games of the Generals.

Isang Tinyenteng Pabor sa Pagdidis-arma


Ang mga sumusunod na website ay makatutulong na makamit ang iyong hangarin:

http://www.historylearningsite.co.uk/long_term_causes_of_ world_war_tw.htm http://www.infoplease.com/ce6/history/A0862008.html http://www.euronet.nl/users/wilfried/ww2/1941.htm http://memory.loc.gov/learn/features/timeline/depwwii/wwar ii/wwarii.html http://scsc.essortment.com/pearlharborjap_rotp.htm http://www.army.mil/cmh-pg/books/70-7_03.htm

Gampanan ang papel bilang isang infantryman/paratrooper na nakahandang bitawan ang armas at magbigay sebisyo sa komunidad at mga tao. Gawin ang mga sumusunod:
Pag-aralan ang epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig sa ibat ibang dako ng mundo. Ipakita ang kaugnayan ng ikalawang digmaang pandaigdig sa pagkakabuo ng United Nations (UN). Ipaliwanag ang pangunang hakbang na ginawa ng UN sa pagsasaayos sa mga bansang napinsala sa digmaan. Maghanda ng program paper kung paano matutulungang maibalik sa ayos ang mga bansang napinsala sa digmaan. Magsaliksik sa patakaran ng Games of the Generals at baligtarin ito para sa isang bagong laro.

Isang Infantry/Paratrooper na mas Pipiliing Magbigay-Serbisyo sa Komunidad

Isang Infantry/Paratrooper na mas Pipiliing Magbigay-Serbisyo sa Komunidad


Ang mga sumusunod na website ay makatutulong sa iyong gawain: http://www.bbc.co.uk/ww2peopleswar/ http://www.fordham.edu/halsall/mod/1947marshallpla n1.html http://us.history.wisc.edu/hist102/lectures/lecture21.h tml http://www.state.gov/r/pa/ho/pubs/fs/55407.htm http://www.historylearningsite.co.uk/leagueofnations. htm http://www.un.org/aboutun/unhistory/

PROSESO
HAKBANG 2. Sundalo para sa Kapayapaan: Isang Board Game Makipagpulong sa iba pang mga sundalo na may ibat ibang ranggo. Ihanda ang board game at makipaglaro sa ibang grupo.

PAGTATAYA
Kategorya at Puntos
Kawastuhan ng patakaran

Ang impormasyon ay inihayag sa lohikal at tamang pagkakasunudsunod na madaling maintindihan. Ang kumbinasyon ng disenyo at mga teksto ay nakakaagaw-pansin at malakas ang dating. Ang teksto ay naihatid ang mensahe ng may dating.

Ang impormasyon ay mahirap masundan dahil malabo at kulang sa pagkakasunudsunod. Ang mga teksto ay malinaw ngunit hindi tugma sa tema o mensahe.

Ang impormasyon ay hindi maintindihan dahil hindi sunudsunod. Ang mga teksto ay hindi masyadong malinaw at malabo ang hangarin. Ang teksto ay malabo at maging ang hangarin ay hindi rin malinaw.

Pagiging kaakit-akit ng disenyo ng board at pyesa

Kakayahan na makaakit at magtaguyod ng interes

Ang teksto ay malinaw ngunit hindi akma sa tema o mensahe.

Pasasalamat
http://www.itvs.org/beyondthefire/
Isang interactive website tungkol sa karanasan ng mga teenager sa digmaan

http://facingfuture.org/Members/index. html
Magandang site para sa pag-aaral at pagtataguyod ng mga global issues

You might also like