You are on page 1of 5

PERFORMANCE TASK: Pagsulat ng Tula

Panuto: Sumulat ng isang saknong na tula na nagpapahayag ng pagmamahal sa sariling


wika at isulat ito sa sagutang papel.

Rubrik Para sa Paggawa ng Tula


Pamantayan Magaling Katamtamang Nangangailangan Puntos
galing ng pagsasanay
5 3 1
Pagpapahayag Naipahayag Naipahayag Hindi naipahayag
ng mensahe nang maayos ang mga nang maayos ang
at kompleto detalye. detalye.
ang mga
detalye.
Masining na Ang mga Ang mga salita Ang mga salita ay
pagkakagawa salita ay ay naaangkop hindi naaangkop
naaangkop at ngunit hindi at nagkakatugma.
may mga nagkakatugma
tugma. .

Kabuuang Puntos

1
CO_Q1_AP-8_Module 2
ASSESSMENT
AP8-Q1-WEEK 3&4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin


ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o


rehiyon batay sa wika?
A. etniko C. etnolingguwistiko
B. etnisidad D. katutubo
2. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay?
A. etniko C. lahi
B. etnisidad D. relihiyon
3. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. lahi C. teknolohiya
B. relihiyon D. wika
4. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa
bansang India?
A. Budhismo C. Islam
B. Hinduismo D. Shintoismo
5. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay
pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
A. lahi C. relihiyon
B. Pangkat-etniko D. wika
6. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming
gumagamit?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger-Congo

Tingnan ang talahanayan sa ibaba.

Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala


Kristiyanismo 31.59%
Islam 23.20%
Hinduismo 15.00%
Non-religious 11.67%
Budismo 7.10%
Iba pa 11.44%
7. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan?
A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo
C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming
naniniwala

2
CO_Q1_AP-8_Module 2
D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at
Budismo
8. Batay sa talahanayan, ilang bahagnan ang bumubuo sa non-religious group?
A. 7.10% C. 11.67%
B. 11.44% D. 15.00%
9. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
10. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang
kultura o pinagmulan?
A. etniko C. paniniwala
B. lahi D. wika
11. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga
paniniwala at ritwal ng isang pangkat?
A. etniko C. relihiyon
B. lahi D. wika
12. Alin sa sumusunod ang hindi nag-uugnay sa mga miyembro ng pangkat etniko?
A. klima C. relihiyon
B. pinagmulan D. wika
13. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Judaismo
14. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na
tagasunod?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
15. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.
16.Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban
sa:
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.

17.Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga


pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado C. maramot
B. mapagtimpi D. matalino

18.Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga


kasangkapan?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
3
CO_Q1_AP-8_Module 2
19.Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal

20.Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko? A. Agrikultura


C. Irigasyon
B. Apoy D. Metal

21.Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at


Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato
B. panahon ng lumang bato
C. panahon ng bagong bato
D. gitnang panahon ng bronse

22.Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?


A. Ice Age C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Paleolitiko
23.Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng
pag-unlad ng tao?
A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. dumami ang
maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
D. ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.

24.Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?


A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.

25.Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at


kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal? A. Tataas ang suplay ng pagkain.
B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.

26.Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?


A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

4
CO_Q1_AP-8_Module 2
27.Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa
paglibing ng mga yumao?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

28.Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong


Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao.
B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.

29.Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga
kaganapan?
A. Historiko C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Prehistoriko

30.Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar
sa panahon ng Neolitiko?
A. Natutunan na ang pagmimina.
B. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
D. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis
na hayop.

5
CO_Q1_AP-8_Module 2

You might also like