You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8 - KASAYSAYAN NG DAIGDIG

PANGALAN: ________________________GR.&SEC._____________PETSA:_________ISKOR:______
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na
katangiang pisikal o cultural?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
2. Ang mga nilalang sa daigdig ay nabubuhay at kumikilos sa lithosphere, hydrosphere, atmosphere,
at biosphere. Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa mga bahagi ng daigdig?
A. Ang mga bahagi ng daigdig ay malalaki.
B. Ang mga bahagi ng daigdig ay maganda.
C. Ang mga bahagi ng daigdig ay magkakaugnay.
D. Ang mga nilalang sa daigdig ay mahilig maglakbay
3. Ang daigdig ay 70% tubig at 30% lupa. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa ugnayan ng tubig at ng mga
tao?
A. Maraming tubig sa daigdig kaya maaari itong aksayahin.
B. Madalas maligo ang mga tao kaya tama lang na malaking bahagi ng daigdig ay tubig.
C. Mahilig sa tubig ang mga tao kaya maraming lugar kung saan maaaring lumangoy at mangisda.
D. Mahalaga ang tubig para mabuhay ang mga nilalang sa mundo kaya dapat itong gamitin nang wasto
4. Ayon kay Alfred Wegener, dati magkakaugnay ang mga kontinente sa isang superkontinente na tinatawag
na ________________.
A. Gondwana B. Laurasia C. Pangaea D. Plate
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng katotohanan.
A. Ang Antartika ay hugis tatsulok.
B. Ang Europa ay matatagpuan sa itaas ng Aprika.
C. Ang Aprika ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
D. Ang Hilagang Amerika at Timog Amerika ay magkatabi.
6. Ano ang naghihiwalay sa mga kontinente ng Asya at Europa?
A. Kabundukang Apo C. Kabundukang Timbuktu
B. Kabundukang Ural D. Kabundukang Everest
7. Ano ang pagkakaiba ng Australia sa iba pang kontinente ng daigdig?
A. Ang Australia ay hugis tatsulok.
B. Ang Australia ay may napakalamig na klima.
C. Ang Australia ay may malaking populasyon.
D. Ang Australia ay isang kontinente, pulo, at bansa.
8. Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng mga sumusunod MALIBAN
sa __________.
A. Klima B. Pangkat –etniko C. Relihiyon D. Wika
9. Paano nakatutulong ang relihiyon sa lipunan?
A. Nagiging batayan ito ng mabuting asal C.Nagsasagawa ito ng mga prayer meeting
B. Nagpapasa ito ng mga batas ukol sa relihiyon. D.Nahahati nito ang paniniwala ng mga tao
10. Ano ang pinaka hindi mabuting epekto ng pagkakaiba-iba ng wika sa isang bansa?
A. Naging maayos ang lipunan C.Humahantong sa hindi pagkakaunawaan
B. Umunlad ang ekonomiya nila D.Iba’t iba ang wikang ginagamit ng mga tao
11. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan
B. Sisikat ang tao kung marami ang wika
C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika
D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika
12. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?
A. Etniko B. Etnisidad C. Etnolinggwistiko D. Katutubo
13. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming gumagamit?
A. Afro-Asiatic C. Indo-European
B. Austronesian D. Niger-Congo
14. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng sumusunod maliban sa________.
A. klima B. pinagmulan C. relihiyon D. wika
15. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang
pangkat?
A. etniko B. lahi C. relihiyon D. wika
16. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
17. Batay sa talahanayan, ang non-religious group ay binubuo ng ________.
A. 7.10% B. 11.44% C. 11.67% D. 15.00%
18. Anong relihiyon ang sinasamba ng mga Arabo?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Judaismo
19. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?
A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo

Para sa bilang 20, tingnan ang talahanayan sa ibaba.


Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala
Kristiyanismo
31.59%
23.20%
Islam
15.00%
Hinduismo
Non-religious
11.67%
7.10%
Budismo
Iba pa 11.44%

20. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan?


A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo
C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala
D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo
21. Ang mga sumusunod ay uri ng pamumuhay ng taong neolitiko. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Pagsasaka C. Pangangalap ng pagkain
B. Pag-aalaga ng hayop D. Paggamit ng makinis na kasangkapang bato
22. Sa anong yugto unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao?
A. Paleolitiko B. Panahon ng Tanso C.Neolitiko D. panahon ng Bakal
23. Sa panahong ito ang mga tao ay may kakayahan na gumawa ng gamit mula sa bato.
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
24. Bakit masasaning parasitiko sa kapaligiran ang mga tao sa panahong paleolitiko?
A. Sila ay natutong makipagkalakalan
B. Natuto silang mag-alaga ng hayop at manirahan sa isang kugar
C. Umaasa lamang sila sa mga bunga ng punong kahoy na malalaglag bilang kanilang pagkain.
D. Umaasa lamang sila sa kung ano ang biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na
makapupuno sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
25. Ito ang nagsilbing transisyon sa panahon ng lumang bato at bagong bato.
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
26. Bunsod ng patuloy na pagbabago sa llipunan, anong panahon ito kung saan ang mga tao ay nadiskubre
ang paggamit ng mga kasangkapang yari sa tanso at bakal?
A. Panahon ng Bato C. Panahon ng Neolitiko
B. Panahon ng Metal D. Panahon ng Mesolitiko
27. Sinasabing ang salitang kabihasnan at sibilisasyon ay magkasingkahulugan. Ano ang ibig sabihin ng
sibilisasyon?
A. Tumutukoy ito sa urbanisasyon ng mga lugar
B. Tumutukoy ito sa pamumuhay sa isang lungsod
C. Tumutukoy ito sa kultura ng mag sinaunang tao
D. Tumutugon ito sa pamumuhay sa mga lipunang umusbong sa lambak-ilog
28. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya.
C. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
D. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
29. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
D. Kapag nagkaroon ng malaking populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
D. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at
sistema ng pagsulat
30. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang nagpapahayag na may umiiral na kabihasnan o sibilisasyon?
A. Kapag ang tao ay may hanapbuhay
B. Kapag ang tao ay may nalinang na relihiyon
C. Kapag ang tao ay marunong bumasa o sumulat
D. Kapag ang tao ay natutuong humarap sa hamon ng kapaligiran
31. May mga batayang salik sa pagbuo ng kabihasnan. Piliin sa mga sumusunod ang mga batayang
nakapaloob sa pagbuo nito
I. May organisado at sentralisadong pamahalaan
II. Espesyalisasyon sa paggawa at uring panlipunan
III. May mataas na kaalaman, sining, at arkitektura
IV. May masalimuot na relihiyon at sistema ng pagsulat
A. I, II, III B. I, II, IV C. II, III, IV D. I, II, III, IV
Para sa bilang 32-33, suriin ang mapa ng mga unang kabihasnan sa ibaba at sagutin ang mga kaukulang
tanong.

32. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga unang kabihasnan
MALIBAN sa _______________.
A. Tatlo sa mga unang kabihasnan ay makikita sa Asya.
B. Nanatiling matatag ang mga unang kabihasnan magpahanggang ngayon
C. Lingid sa kaalaman ng lahat na may mga naging kabihasnan sa Mesoamerica
D. Ang mga kabihasnang Mesopotamia, Indus, Egypt at China ay nagsimula sa mga lambak-ilog
33. Bakit hindi kaagad nadiskubre ang mga unang kabihasnan sa Mesoamerica?
A. Dahil hindi nila ito kasundo C. Dahil magulo ang lipunan dito
B. Dahil sa lokasyon nito sa karamihan D. Dahil may natatago itong yaman
34. Ang kinilala bilang “cradle of civilization’ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao sa
Asya.
A. Greece B. Indus C. Mesopotamia D. Shang
35. Sinasabing may pagkakatulad ang mga lugar kung saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan at isa
na dito ang pagkakaroon nila ng malalaking ilog. Anong kabihasnan ang naitatag sa ilog Indus?
A. Indus B. Mesopotamia C. Roman D. Shang
36. Naging tagpuan ng Kabihasnang China ang tinawag na Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang
tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.
A. Indus B. Nile C. Huang Ho D. Tigris at Euprates
37. Hindi man magkakasabay na lumitaw sa daigdig ang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Egypt at China ay
magkakapareho naman itong umusbong sa ____________.
A. Bundok B. Dalampasigan C. Kapatagan D. Lambak-ilog
38. Sa mga kabihasnang naitatag sa daigidg, ano ang pagkakatulad sa kanilang pisikal na katangian?
A. Matataas na bundok at burol C. Malalawak na damuhan at kagubatan
B. Matabang lupa at malalaking ilog D. Tabing dagat at malawak na pangisdaan
39. Ipinapalagay ng mga dalubhasa na nagkaroon ng migrasyon ng tao mula Asya papuntang Mesoamerica
bago matapos ang Ice Age. Saan ipinapalagay na sila’y dumaan?
A. Atlantic Ocean B. Bering Strait C. Hudson Bay D. Pacific Ocean
40. Saang kontinente makikita ang kabihasnang Egypt?
A. Africa B. Asya C. Australia D. Europe
41. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag aaway sa lugar na ito
C. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
42. Bakit lubhang limitado ang nakatalang impormasyon sa kasaysayan ukol sa kabihasnang Indus?
A. Dahil nalibing na sa limot ang kabihasnang ito
B. Dahil walang naisulat ukol sa kabihasnang Indus
C. Dahil walang nahukay na ebidensya tungkol sa kanil
D. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga eksperto ang pictogram ng
kabihasnang Indus
43. Itinuturing na pinakauna at pinakamatandang kabihasnan sa daigdig ang Sumer. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapatibay sa kaisipang ito?
A. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. Dahil nagkaroon sila ng matatag na sistemang political
C. Dahil sila ang may pinakamatatag na sistemang pangrelihiyon
D. Dahil kinilala silang unang sibilisasyon ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon
sa daigdig
44. Bakit itinuturing na isang mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto ang mga pyramid?
A. Dahil naging libingan ito ng mga pharaoh ng Ehipto.
B. Dahil napakalaki ng mga pyramid at halos umabot sa mga ulap.
C. Dahil maraming ginto, alahas, at kayamanang nakatago sa loob ng mga pyramid.
D. Dahil natatangi at kahanga-hanga ang arkitektura at paraan ng pagtatayo ng mga pyramid.
45. Kung pagmamasdan sa mapa masasabing magkakalapit ang mga unang kabihasnang sumibol sa daigdig,
subalit ang kabihasnan sa Mesoamerica ay lubhang naging malayo sa isa’t- isa. Ano ang maaaring mabuong
implikasyon nito?
A. Umunlad ang sining at teknolohiya ng mga kabihasnang ito
B. Lumaganap ang mga iba’t-ibang kaisipan, paniniwla at relihiyon
C. Naging madaling sakupin ng mga mananakop ang kanilang kabihasnan
D. Naging lihim sa kaalaman ng mga Europeo ang mga kabihasnang ito sa loob ng mahabang
panahon
46. Anong bansa ngayon ang Mesoamerica?
A. Canada B. Mexico C. Peru D. USA
47. Ang Caste System sa India ay sinaunag paghahati ng lipunan na may iba’t-ibang antas o pangkat ng mga
tao. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
A. Ang Sudras ang pinakamataas na uri ng lipunan.
B. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras
C. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas at karapatan.
48. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa mga sinaunang
kabihasnan sa Mesoamerica?
A. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng
kasalukuyang Mexico
B. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng
pagsasaka at pakikipagkalakalan.
C. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa kakayahan niyang alagaan
at linangin ang taglay nitong yamang likas.
D. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng muling
pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay
49. Bilang isang Asyano, tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki na sa aitn nagmula ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Ano ang kahalagahang nakapaloob sa damdaming ito?
A. Masasabi nating superyor ang ating lahi at namumukod-tangi sa iba
B. Dapat nating ingatan ang kabihasnang ito upang di magaya sa iba
C. Mas angat tayo sa iba dahil sa atin nagmula ang sinaunang kabihasnan
D. Mahalaga ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnang ito na nagsilbing pundasyon ng
kasalukuyan
50. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ng daigidig?
A. Matukoy ang mga lugar na makikitaan ng mga templo.
B. Makilala ang mga bansang mahilig sa mga pagkaing maaanghang.
C. Malaman ang mga museo na maaaring pasyalan sa iba pang bansa sa daigdig.
D. Maunawaan kung bakit ang kultura ng maraming bansa sa daigidg ay karaniwang
naimpluwensiyahan ng kanilang kultura at paniniwala

Inihanda ni:
Ma’am Genelyn H. Labindao

You might also like