You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
Mabini District
MAGALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Mabini, Pangasinan

DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8 (Q1)


Pangalan: __________________________________________________Marka:_______________________
Taon at Pangkat: ____________________________________________Petsa:________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ang inyong mga sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_____1. Anong sangay ng agham panlipunan ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal
ng daigdig?
A. antropolohiya B. ekonomiks C. heograpiya D. kasaysayan
_____2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang
lugar patungo sa ibang lugar?
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon
_____3. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.
C. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga kristiyano.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko.
_____4. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano ang
kinalaman ng araw sa kalagayang ito?
A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig
B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan
C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran
D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig
_____5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa
anong tema ng heograpiya?
A. interaksiyon B. lokasyon C. paggalaw D. rehiyon
_____6. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati
sa northern at southern hemisphere?
A. equator B. latitude C. longitude D. prime meridian
_____7. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamalaking sukat
kilometro kuwadrado?
A. Asia B. Australia at Oceania C. Europe D. South America
_____8. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?
A. lahi B. relihiyon C. teknolohiya D. wika
_____9. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa
wika?
A. etniko B. etnisidad C. etnolinggwistiko D. katutubo
_____10. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
A. ito ay susi ng pagkakaintindihan C. tatalino ang tao kapag pinag-aralan ang lahat ng wika
B. sisikat ang tao kung marami ang wika D. yayaman ang tao pag may maraming alam na wika
Suriin ang talahanayan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong.
Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala
Budismo 7.10%
Hinduismo 15.00%
Islam 23.20%
Kristiyanismo 31.59%
Iba pa 11.44%
Non-religious 11.67%
_____11. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa itaas?
A. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo.
B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.
C. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo.
D. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala.
_____12. Batay sa talahanayan, ang non-religious group ay binubuo ng ________.
A. 7.10% B. 11.44% C. 11.67% D. 15.00%
_____13. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:
A. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
B. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
_____14. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may
kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado B. mapagtimpi C. maramot D. matalino
_____15. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
_____16. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse
B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
_____17. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?
A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal
_____18. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano
ang kahulugan ng Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato C. panahon ng bagong bato
B. gitnang panahon ng bronse D. panahon ng lumang bato
_____19. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?
A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko
_____20. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
A. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
B. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
C. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
D. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
_____21. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
C. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
_____22. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa
pagpapanday ng mga bakal?
A. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan. C. Tataas ang suplay ng pagkain.
B. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal. D. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
_____23. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
_____24. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga
yumao?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
_____25. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?
A. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse. C. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
B. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Natuto nang magtanim ang tao.

_____26. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?
A. Historiko B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Prehistoriko
_____27. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng
Neolitiko?
A. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
B. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop.
C. Natutunan na ang pagmimina.
D. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
_____28. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?
A. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito. C. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.
B. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates. D. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
_____29. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. Madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
B. Nagiging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
C. Nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
D. Pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
_____30. Paano binago ng Ilog Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?
A. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
B. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.
C. Nagiging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
D. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
_____31. Ano ang mahalagang dulot ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng pagkontrol ng
palagiang pag-apaw ng tubig sa Ilog Huang Ho?
A. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
B. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
C. Nagbigay-daan ang pangyayaring ito upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
D. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
_____32. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Egypt?
A. Dahil ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod-tanging sibilisasyon sa buong mundo.
B. Dahil ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.
C. Dahil kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Egypt.
D. Dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay magiging isang disyerto.
_____33. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?
A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino
_____34. Sino ang pinuno na nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang
pag-aalsa laban sa Assyria?
A. Cyrus the Great B. Nabopolassar C. Nebuchadnezzar II D. Sargon I
_____35. Anong lungsod ang matatagpuan sa bahagi ng daluyang Indus River?
A. Harappa B. Mohenjo-Daro C. Olmec D. Teotihuacan
_____36. Ano ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim ng
langit at lupa?
A. Hari B. Pangulo C. Paraon D. Pari
_____37. Anong bansa sa kasalukuyan ang pinagmulan ng kabihasnang naganap sa lambak-ilog ng Nile?
A. Ehipto B. India C. Iraq D. Tsina
_____38. Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa Tsina na nagbigay halaga sa pagkakaroon ng isang
organisadong lipunan?
A. Budhismo B. Confucianismo C. Legalismo D. Taoismo
_____39. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?
A. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
B. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.
C. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
D. Lahat ng nabanggit.
_____40. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics ng
mga taga Ehipto?
A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino.
B. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat.
C. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat.
D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.
_____41. Bakit mahalaga ang pag-unlad ng isang pamayanan?
A. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamahalaan at
batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.
B. Napapaunlad nito ang ekonomiya sa paggawa at kalakalan.
C. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa
produksiyon.
D. Lahat ng nabanggit.
_____42. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at nakatulong sa paglinang
ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Ang kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy ng oras.
B. Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang pagsusulat.
C. Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang kalakalan o komersiyo.
D. Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan.
_____43. Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang Diyos?
A. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at pagtubo ng mga pananim.
B. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan.
C. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis.
D. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo ng pook-
sambahan.
_____44. Anong mahalagang estruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito
idinadaos ang pagsamba sa kanilang diyos?
A. Templo ng mga Paraon C. Templo ni Hammurabi
B. Templo ni Babel D. Templong Ziggurat
_____45. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
B. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.
C. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
D. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
_____46. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba pang uri
ng estruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
A. Ang lungsod ay itinayo ng isang may kapangyarihang nilalang.
B. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
C. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
D. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
_____47. Sa anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na
mummification?
A. China B. Egypt C. India D. Mesopotamia
_____48. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?
A. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
B. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
C. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
D. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.
_____49. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?
A. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
B. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.
C. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
D. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
_____50. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan?
A. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay.
B. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
C. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.
D. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.

Ihinanda ni:

G. CHRISTOPHER E. BAYLAN
Guro sa AP-8

Sinuri ni:

G. MARLON R. VALDEZ, Ed.D.


Punong Guro IV

You might also like