You are on page 1of 4

Cogon National High School

Unang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 8

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksiyon: _________________


Lagda ng Magulang: _____________________ Petsa: ______________Iskor: ________

I.Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian sa bawat katanungan. Itiman
ang katumbas na bilog ng tamang sagot sa itinalagang hanay ng sagutan.

1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang pinakamalaking
populasyon sa daigdig?
A. Africa C. Amerika
B. Asya D. Europe

2. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?


A. Kalupaan C. Katubigan
B. Klima at Panahon D. Lahat ng nabanggit

3. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang
humahati sa eastern at western hemisphere?
A. equator C. prime meridian
B.longitude D. latitude

4. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng


kabuhayan sa daigdig?
A. Klima C. Anyong lupa at tubig
B. Likas na yaman D. Lahat ng nabanggit

5. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan?


A. Hindi magkatulad C. may ugnayan sa isa’t-isa
B. Magkatulad D. walang kaugnayan sa isa’t-isa

6. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?


A. Kristiyanismo C. Hinduismo
B. Islam D. Budismo

7. Alin sa sumusunod ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?


A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
B. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
C. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.

8. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga ng iyong wika, relihiyon at lahi?
A. Dapat ipagmalaki ang ating wika at lahi
B. Dapat tangkilikin ang sariling wika
C. Dapat respetohin ang relihiyon ng bawat isa
D. Dapat tangkilikin ang dayuhang produkto

9. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o
pinagmulan?
A. Etniko B. Paniniwala C. lahi D. relihiyon

10. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo?


A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Judaismo

11. Sa anong panahon na nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?


A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko

12. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?


A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal

13. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

14. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?


A. Natuto ng magtanim ang tao. C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
B. Natuklasan ang paggamit ng bakal. D. Nakapaglikha ng mga palamuti na yari sa bronse

15. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko.
Ano ang kahulugan ng Paleolitiko?
A. Gitnang panahon ng bato C. Panahon ng bagong bato
B. Panahon ng lumang bato D. Gitnang panahon ng bronse

16. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?


A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino

17. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?


A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog

18. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng
Mesopotamia?
A. Akkadian B. Aryan C. Assyrian D. Chaldean

19. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. Nagsilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
B. Madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
C. Naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
D. Pinalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.

20. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?


A. Napalago ng ilog ang Sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha
ng ilog.

21. Alin sa sumusunod ang sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga taga-Ehipto?


A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglyphics D. Pictogram
22. Anong bansa kasalukuyan ang pinagmulan ng kabihasnang naganap sa lambak
ilog ng Nile?
A. Ehipto B. India C. Iraq D. Tsina

23. Ito ay ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong
ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga Hindu?
A. Bibliya B. Koran C. Ritwal D. Vedas

24. Sino sa mga sumusunod na pinuno ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia
matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria?
A. Cyrus the Great B. Nabopolassar C. Nebuchadnezzar II D. Sargon I

25. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang


kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas
ng teknolohiya, at may sistema ng pagsusulat?
A. Imperyo B. Kabihasnan C. Kalinangan D. Lungsod

26. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon?


A. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan.
B. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa.
C. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad.
D. Lahat ng nabanggit.

27. Alin sa sumusunod ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at
taglay ang mga lihim ng langit at lupa?
A. Hari B. Pangulo C. Paraon D. Pari

28. Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa China na ang tao ay likas na masama at
makasarili at mapasunod lamang ito sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na
kaparusahan?
A. Taoismo B. Legalismo C. Confucianismo D. Daoismo

29. Ito ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.


A. Cunieform B. Pictogram C. Heiroglyphics D. Calligraphy

30. Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa Tsina na nagbigay halaga sa pagkakaroon ng
isang organisadong lipunan?
A. Budhismo B. Confucianismo C. Legalismo D. Taoismo

31. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinigawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang
asawa at kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World?
A. Alexandria B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Ziggurat

32. Ito ay isang istruktura na nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos ang
pagsamba ng kanilang diyos?
A. Templo ni Babel B. Templong Ziggurat C. Templo ni Hammurabi D. Pyramid

33. Sa anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na


mummification?
A. China B. India C. Egypt D. Mesopotamia

34. Saang mga pook sumibol ang kabihasnang Indus?


A. Mohenjo-Daro at India C. India at Harappa
B. Mohenjo-Daro at Harappa D. Indiana at Harappa
35. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na
kabihasnan?
A. Indus B. Egypt C. Mesopotamia D. Tsino

36. Alin sa sumusunod ang kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-araw
araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
A. Kodigo ni Moses C. Kodigo ni Kalantiyaw
B. Kodigo ni Hammurabi D. Kodigo ng mga Paraon

37. Bakit itinayo ang Great Wall of China?


A. Depensa sa bagyo C. Harang sa anumang kalamidad
B. Pananggalang sa baha D. Depensa sa mga kalaban

38. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?


A. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
B. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
C. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
D. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.

39. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang


panahon?
A. Nakasalalay ditto ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.

40. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng


mga sinaunang kabihasnan?
A. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
B. Sa pamamagitan ng paggaw ng mga kahanga-hangang bagay.
C. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
D. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.

Good Luck and God Bless…

You might also like