SAGANA NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 8
PANIMULANG PAGTATAYA/PRE-TEST
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang
isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal
o cultural? A. Lokasyon B. Lugar C. Paggalaw D. Rehiyon
2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na
kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan,
kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. Imperyo B. Kabihasnan C. Kalinangan D. Lungsod
4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa at kabilang sa 7 Wonders of the
Ancient World? A. Alexandria B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Ziggurat
5. Ano ang maaaring maglarawan sa klima ng Pilipinas?
A. Tropikal na klima C. Maladisyertong init
B. Buong taon na nagyeyelo D. Nakararanas na apat na klima
6. Ano ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya C. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
B. Maraming sigalot sa mga bansa D. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan
7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaung tao s Panahong
Prehistorya? I.agrikultura II. Kalakalan III. Labis na pagkain IV. Pangangaso
A. IV,I,III,II B. II,I,IV,III C. IV,I,II,III D. I,II,III,IV
8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa Panahong Neolitiko
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
9. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kayat kaunti ang kanilang mga ambag
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
10 Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya.
A. Ang Germany ay miyembro ng Europian Union
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga bansang mamumuhunan
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea
11. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng ibat ibang relehiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga
paniniwala. A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
C. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
D. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
E. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon
12. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.
13. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay ditto ang pag-unlad ng agrikultura. C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa. D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
14. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan ng Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na
maganap sa iyong Lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
15. Bakit karapat-dapat na hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.
16. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
17. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng Daigdig.
A. Heograpiya B. latitude C. longitude D. equator
18. Ito ay nagmula sa salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog” na nangangahulugang lupain “ sa pagitan ng dalawang ilog”.
A. Mesopotamia B. Ziggurat C. Olmec D. Huang Ho
19. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?
A. ang Polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang Malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t-ibang uring panlipunan ang isang Polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit ng pamahalaan.
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang Polis.
20. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?
A. Censor at Praetor B. Etruscan at Roman C. Clovis D. Maharlika at Alipin
21. Nahahati sa tatlong mallaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia,Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng
Micronesia? A. Maraming isla B. Maliit na mga isla C. Maitim na mga isla D. Maitim ang mga tao sa isla
22. Ang Holy Roman Empire ang sinasabing bumuhay sa Imperyong Roman. Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 CE?
A. Charlemagne B. Charles Martel C. Clovis D. Pepin the Short
23. Ang Krusada ay isang ekspidisyong military na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang
pangunahing layunin ng Krusada?
A. Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano C. Mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europe
B. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim D. Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
24. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipaglaban sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing
dahilan nito? A. Napaklakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan
B. Napapalibutan ang anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t –ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
25. Ang sinaunag Greece ay binubuo ng iba’t-ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay Malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang
dahilan ng pagkatatag ng hiwa-hiwalay ng lungsod-estado?
A. Iba’t-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B. Ang Greece ay nasa tomig na dulo ng Blakan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar
C. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado.
D. Iba’t-iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t-ibang kabihasnan ang umusbong dito.
26. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ng kalkasan ng kulturang Greece.
D. Wasto ang lahat ng nabanggit.
27. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sap ag-unlad nito?
A. Napapalibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daa sa pag-unlad ng pagsasaka?
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto,asin,at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara.
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sab anta ng mga mananakop
D. Nagsilbing natural na proteksyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara.
28. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.
29. Sa panahon ng Piyudalismo,ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari,kabalyero,at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?
A. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.
B. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D. Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan.
30. “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil ditto, hinangad ng lahat ang
proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksiyon
C. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
D. Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.
31. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simabahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan
ng kapapahan(Papacy). Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa kapapahan o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin,panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang political ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahon ng Medieval.
32. lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong gitnang panahon MALIBAN sa anung aytem?
A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian.
B. Tinaguriang silang middle class o pang gitnang uri.
C. Nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod.
D. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebulusyong pampolitika at pang-ekonomiya.
33. Alin ang pinakawastong kahulugan ng renaissance?
A. Muling pagsikat ng kulturang helenistiko C. Panibagong kaalamang panrelehiyon sa Europe
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano D. Panibagong kaalaman sa Agham
34. Alin sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
I. Schism sa Simbahang Katoliko
II. Pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent
III. Pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ng Wittenberg Church
A. I-II-III B. II-I-III C. III-I-II D. I-III-II
35. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies the means”?
A. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap kung mabuti ang kaniyang hangarin.
B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging may mabuting bunga.
C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan.
D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamamahala.
36. Sino ang pilosopong Ingles ng nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan? Binibigyang diin niya na ang
kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate.
A. John Locke B. John Adams C. Rene Descartes D. Jean-Jacques Rousseau
37. Bakit itunuring na batik sa kasaysayan ng simbahang katoliko ang inquisition?
A. Napigilan nito ang paglaganap ng protestant reformation sa timog Europe.
B .Ang mga kalupitang ginawa ng inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala.
C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo.
E. Nagkaroon ng maraming kaaway ang simbahang Katoliko.
38. Suriin ang mapa ng Italy.Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya sa mga ekonomiya nito?
A .Hindi hiwa-hiwalay ang mga bahagi nito na mahalaga sap ag kakaisa. C. May mapagkukuhanan ng yamang dagat.
B. Bukas ang iba-ibang ruta nito sa kalakalan. D. Madali itong masakop ng ibang bansa.
39. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?
A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo. C.Sa tulong ng sistemang ito,natustusan ng mga bansa ang kanilang
pangangailangan.
B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe.
40. Sa ika-15 na siglo,ang Europe ay nahati samga nation-state na nagpaligsahan sa kapangyarihan.nag bunga ang paligsahang ito ng
pagpapalawak ng kani-kanilang nation-state.Alin sa sumusunod na bansa ang nangunguna sa pagtuklas ng mga lupain?
A. Spain B. Portugal C. England D. Netherlands
41. Ang cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa mga estado sa America.Ano ang mensaheng ipinapakita nito kung nangyari ito sa panahon
ng rebolusyon laban sa British?
A.Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas. C. Mag-ingat sa British na kawangis ngb ahas.
B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban. D.Walang mang –aapi walang nag papaapi.
42. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nationalismo sa kasalukuyang panahon?
1. Mamumuhunan sa ibang bansa upang Malaki ang kita.
2.Sumunod sa batas na ipinatutupas ng sariling barangay.
3. Magtapos ng pag aaral sa ibang bansa at pag gamit ng natutuhan sa sariling bansa.
4.Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulrurang Pilipino.
A.1,2,43,4 B.1,2,3 C.2,3,4 D.3,4
43. Matagal nang may alitang political ang mga bansang France at England ng magsimula ang rebolusyong Amerikano,nag padala ng
militar ang France sa United States na malaki ang naitulong ang pananagumpay ng huli.Batay ditto,ano ang pinakaangkop na hinuha
ang mabubuo? A. Magkakampi ang France at United States.
B. Magkasabay na nilabanan ng England ang United States at France.
C.Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States.
D. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang England.
44. Naisakatuparan ang Rebolusyong Politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa daigdig.Ano ang ugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal?
A. Ang Rebolusyong pang kaisipanang nagtulak sa pag-usbong ng rebolusyong Politikal.
B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong pang-kaisipan
C.Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang ng renaissance sa Europe.
D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong pangkaisipan.
45. Sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon,ginagamit nan a dahilan ng mga Europeo ang ideya
ng white man’s burden upang bigyan ng katwiran ang kanilang pananakop. Anu ang white man’s burden?
A. Paniniwalang binigyan ng diyos ang mga puti ng karapatang angkinin ang daigdig.
B. Paniniwalang mga puti superior na lahi sa mundo.
C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang mga kabihasnan sa kanilang mga sinakop.
D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga Europeo.
46. Maraming mga makabagong mga ideya at imbensyon na nabuo noong rebulusyong Siyentipiko. Binago ng mga panahong ito ang
pagtingin ng mga tao sa sansinikob. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking ambag ng mga siyentipiko sa mga kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa mga agham sa panahong ito.
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang-agham sa Europe.
C. Nabago ang tingin ng mga kanluranin sa sansinukob.
D. Naging pangunahing dahilan ito ng mga kanluranin.
47. Nagdulot ng Rebulusyong Industriyal ng pag unlad ng mga lipunan at ekonomiya sa Europe,kasabay ng mga suliranin na naidulot nito.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat napiyudal suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang naidulot ng Rebulusyong Industriya.
A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsya. C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.
B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy. D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika.
48. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebulusyong Pranses?
A. Pangtanggal ng sistemang piyudal. C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika.
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao” D. Paglawak ng ideyang kalayaan,pagkapantay-pantay,at pagkakapatiran.
49. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa:
A. Pagtatag ng Nagkakaisang Bansa C. Pagbuo ng Tipple Alliance at Triple Entente
B. Pagpapalakas ng hukbong military ng mga bansa D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.
50. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Treaty of Paris B. United Nations C. Leage of Nations D. Treaty of Versailles