Essence Tuesday 7:45-8:45 Date: July 4, 2017
Effeciency Wednesday 1:00-2:00 Date: July 5, 2017
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VIII
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng
mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at
sa susunod na henerasyon
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga aralin sa pagsagot sa 20 items na panimulang
pagtataya.
II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa: Panimulang Pagtataya Modyul I Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. LM: pahina 4-9
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paglahad ng Layunin
Subukang sagutin ang paunang pagtataya na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa
mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto
at alamin ang sagot sa mga aralin sa modyul na ito.
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
Sasagutan ng mga mag-aaral ang 20 items na paunang pagtataya sa loob lamang ng 45
minuto.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagtataya ng Aralin
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
ARALING PANLIPUNAN VIII
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na
katangiang pisikal o cultural?
A. Lokasyon B. Lugar C. Paggalaw D. Rehiyon
2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao
batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may Sistema ng pagsulat?
A. imperyo B. kabihasnan C. kalinangan D. lungsod
4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at
kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World”?
A. Alexandria B. Hanging Gardens C. Pyramid D. Ziggurat
5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.
Alin sa sumusunod ang maaring maglarawan
sa klima ng Indonesia?
A. Tropikal na klima
B. Maladisyertong init
C. Buong taon na nagyeyelo
D. Nakararanas ng apat na klima
6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
B. Maraming sigalot sa mga bansa
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang
tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura II. kalakalan III. labis na pagkain IV. pangangaso
A. IV, I, III,II B. II,I,IV,III C. IV,I,II,III D. I,II,III,IV
8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko
B. Umunlad ang Sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
C. Ang Sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
D. Dumami ang maaring gwain ng mga tao nang gumamit na sila ng metal
9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos.
Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang
kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at
Tsino.
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga sinaunang
kabihasnan
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang
kabihasnan
10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto tungkol sa
pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia.
w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian
z. Permanentenf nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang
pamumuhay sa lugar na iyon
A. w at z
B. x at y
C. y at z
D. z at w
11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?
A. A.May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon.
B. B.Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt.
C. C.Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma.
D. D.Ang Pharaoh,maharlika,at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian.
12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang
panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga
ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-
hangang bagay sa daigdig.
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema sap ag-aaral ng
heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng bAshi Channel, at silangan ng
West Philippine Sea.
14. Paano mapapanitili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng
pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
C. Gawing makatwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon
15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sisteman agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao
noon panahong Neolitiko?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
B. Walang pagbabago sa sitema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa
kasalukuyan.
16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan?
A. Nakasalalay ditto ang pag-unlad ng agrikultura
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa
C. Nagkakaloob ito ng kaayosan at katahimikan sa lipunan
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao
17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan?
A. May klimang tropical ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napapaligiran ang china ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng
unang imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang
taong nanirahan sa mga lambak nito.
18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noon panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon
ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo
nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahal sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong
pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas nga lungsod.
19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasanang umunlad sa Mesoamerica?
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasanan ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica kaysa sa mga
kabihasnang itinatag sa Asya at Africa
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng
mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.
20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan
sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at
pagkasira ng mga eskultura nito
B. Patuloy paring ginagamit ang papel,compass, at imprentang naimbento ng mga simaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
V. KASUNDUAN
Pag-aralan ang katangiang heograpikal ng daigdig.
SHIELA A. AMODIA
GURO