You are on page 1of 4

Kasaysayan ng Daigdig

Mahabang Pagsusulit Modyul IV

I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at


pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang


Pandaigdig maliban sa
a. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
b. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa
Morocco.
c. pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa.
d. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa.
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula
ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
b. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
c. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
d. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-
Hungary, Rusya, at Ottoman
3. Ang kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa
a. pag-angkin ng Rusya sa Constantinople upang magkaroon ng magandang
daungan.
b. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga
bansang magkaka-alyado.
c. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente
d. paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera.
4. Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:
a. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera.
b. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939.
c. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera.
d. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europa.
5. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod,
maliban sa:
a. pagbagsak ng totalitariang ng Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at
Imperyong Hapon ni Hirohito.
b. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga
industriya,transportasyon, komunikasyon, at pananalapi.
c. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonya
decolonization.
d. pagtitiwalag sa Alemanya sa Liga ng mga Bansa at pagbabawal na lumikha
ng mga armas pandigma.
6. Si Winston Churchill ay nakilala at maaalala sa buong mundo bilang:
a. magiting na Heneral ng Hukbong Sandatahan ng mga bansa sa Allied Power.
b. pinuno ng mga uring manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industryal.
c. punong Ministro ng Gran Britanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
d. tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Alemanya.
7. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao sa Europa ang nakatanggap ng
pinakamatinding pinsala sa buhay noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig?
a. Aleman b. Amerikano c. Hudyo d. Pranses
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa tunay na interes ng Hapon
sa kanyang pag-atake sa Pearl Harbor:
a. Maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng mga Nagkakaisang
Bansa
b. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Aleman at Italyano sa
Pasipiko
c. Mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para sa
mga Asyano
d. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses, Olandes
at Amerikano
9. Ang D-Day sa Normandy noong June 6, 1944 ay inaalala bilang:
a. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa.
b. matagumpay na pagdaong dito ng mga Allied Powers.
c. pagsuko ng mga Aleman sa Gran Britanya.
d. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.
10. Ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day
2. Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon
3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria
4. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland
Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay :
1. 2 - 4 - 3 - 1
2. 4 - 1 - 3 - 2
3. 3 - 4 - 2 - 1
4. 1 - 2 - 4 – 3

11. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa


kasaysayan ng daigdig. Ang mga nabanggit sa ibaba ay ang mga epekto, maliban
sa isa.
a. Malaking bilang ang mga namatay at nasirang ari-arian.
b. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang
nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
c. Napabilis ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig
d. Bumagsak ang pamahalaang totalitarian
12. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nabuo ang samahang ito
upang pangalagaan ang pandaigdigang kapayapaan.
a. Liga ng mga Bansa b. United Nations c. Kasunduan sa Versailles d.
Central Powers
13. Ang United Nations o ang Mga Bansang Nagkakaisa ay nabuo noong Oktubre
24, 1945 upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng daigdig. Ang United
Nations ay binuo ng ilang bansa?
a. 40 b. 30 c. 50 d. 35
14. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-isip ng mga planong
pangkapayapaan ang Big Four na binubuo ng Estados Unidos, Britanya, Italya, at
__________.
a. Pransya b. Germany c. Russia d. Turkey
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring naganap
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
b. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
c. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)
d. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
16. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labanan sa pagitan ng mga bansang
United States, England, Russia at France laban sa mga bansang Aleman, Hapon at
Italy na kabilang sa:
a. Central Powers at Axis Powers
b. Allied Powers at Axis Powers
c. Triple Entente at Triple Alliance
d. Allied Powers at Triple Alliance
17. Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl
Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang
pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinatawag na _______________.
a. Day of Infamy b. D-DAY c. V-E Day d. blitzkrieg
18. Malawakang pagpatay na ginawa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo
na laban sa mga Hudyo.
a. Extra Judicial Killing b. Genocide c. Firing Squad d. Death
March
19. Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Hapon sa Pilipinas laban sa
mga sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan.
a. Gas Chamber b. Suttee c. Hiroshima at Nagasaki d. Death March
20. Dalawang lugar sa Japan na pinasabugan ng Bomba ng mga hukbong
panghimpapawid ng Estados Unidos.
a. Tokyo at Yokohama b. Osaka at Sakoro c. Hiroshima at Nagasaki d. Hokkaido
at Kyushu

II. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.


Europe Woodrow Wilson Nasyonalismo Triple Entente

Imperyalismo Great Britain League of Nations

Alyansa Militarisasyon Versailles

21. Pagkakampihan ng mga bansa


22. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe
23. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa
24. Pagmamahal sa bayan
25. Bansang kaalyado ng France at Russia
26. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
27. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
28. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig
29. Siya ang lumagda sa Proclamation of Nuetrality
30. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany

III. Ibigay ang kahulugan ng mga acronym sa ibaba


31. OIC
32. WB
33. ASEAN
34. WTO
35. APEC

IV. Panuto: Iugnay ang sagot sa hanay B sa mga katanungan sa Hanay A.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

36. Isang sistema o kalipunan ng mga ideya o


kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol
sa daigdig at sa mga pagbabago nito. a. Kapitalismo
37. Tumutukoy ito sa isang sistemang b. Nazi
pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, c. Over Dependence
distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga d. Loss of Pride
pribadong mangangalakal e. Panahon ng Kalawakan
38. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan (Space Age)
ang namumuno ay may lubos na f. Iron Curtain
kapangyarihan. g. Totalitaryanismo
39. Ang pamahalaang karaniwang h. Neo-kolonyalismo
pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng i. Ideolohiya
taong makapangyarihan. j. Sosyalismo
40. Isang doktrina ito na nakabatay sa k. Continued Enslavement o
patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang Patuloy na Pang-aalipin
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay l. Cold War
ng isang grupo ng tao m. Anti-Semitism
41. National Socialist Party n. Dayuhang Tulong o Foreign
42. Naniniwala ang mga Nazista na ang mga
Aid
Hudyo na nanirahan sa Germany ay hindi mga
o. Awtoritaryanismo
Aleman at ang mga ito ang sanhi ng maraming
suliranin at kabiguan ng kanilang bansa kayat
kinakailangang mawala sa daigdig.
43. Hindi tuwirang labanan
44. Pampulitikang paghahati sa pagitan ng
Soviet Bloc at taga-Kanluran.
45. Ayon sa mga agham-politika, ito ang
pananatili ng control ng isang dating
kolonyalista sa dati nitong kolonya.
46. Isa pang instrumento ng mga neo-kolonyalismo ang nakapaloob na maaaring
pang-ekonomiya, pangkultura o pangmilitar
47. Labis na pagdepende sa iba. Malinaw na umaasa nang labis ang mga tao sa
mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United States.
48. Sanhi ng impluwensiya ng mga dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na
lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling, na isang dahilan kung bakit ang
tao ay nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto.
49. ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at
makakapitalistang interes ng kanluran.
50. Sinimulan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre 1957

You might also like