You are on page 1of 5

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Araling Panlipunan 8
S.Y 2019-2020

Pangalan:_____________________________________________ Iskor:_____________________
Pangkat:_____________________ Petsa:_____________________
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang.
_____1. Bakit sinasabing ang “Repormasyon” ay hindi sinasadyang nakapagpatatag ng Simbahang Katoliko?
a. Dahil ang mga repormista ay nagmula sa Simbahang Katoliko na may pagmamahal pa rin sa kanilang pinagmulang relihiyon.
b. Dahil sa hamon ng repormasyon, nanumbalik ang Simbahan sa orihinal nitong tungkuling ispiritwal.
c. Dahil sa repormasyon, naging maingat ang mga alagad ng Simbahan sa kanilang pakikitungo sa iba.
d. Dahil marami ang naniwala sa mga repormista, naisip ng Simbahan na bawiin ang mga tagasunod nito.
_____2. Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagkabigo ng Protestantismo sa Espanya maliban sa isa.
a. Pagiging tapat sa Katoliko ng mga maharlikang Espanyol.
b. Pagtatag ng Inkisisyon.
c. Monarkiya sa Espanya.
d. Pagbagsak ng imperyo ng Espanya sa mga kolonya nito.
_____3. Bilang isang tapat na mananampalataya, ano ang pinakamabisang paraan ng pag-alam sa kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan?
a. Pagsasakripisyo c. Pagtulong sa nangangailangan
b. Pagbabasa ng bibiliya d. Pagpasok sa seminaryo
_____4. Siya ang may-akda ng Ninety-Five Theses na tumuligsa sa mga katuruan at prinsipyo ng Simbahang Katoliko lalo na ang pagbili
ng indulhensiya.
a. John Calvin c. John Huss
b. Martin Luther d. Martin Luther King
_____5. Isa sa mga alagad ng sining ng renaissance na nakilala bilang “Universal Man”, na lumikha ng dalawang napakabantog na obra
maestra sa buong mundo, ang Huling Hapunan at Mona Lisa.
a. Leonardo da Vinci c. Michelangelo Bounarotti
b. Raphael d. Donatello
_____6. Ang prinsipyo sa pamamahala ni Niccolo Machiavelli na, “The end justifies the means” ay makikita sa anong sitwasyon?
a. Madaling magwakas ang masama at malupit na pamumuno.
b. Lahat ng pamamaraan ay may katapusan kung ito ay makabubuti sa lahat.
c. Hindi kailanman mabibigyan ng katuwiran ang isang malupit na pamumuno.
d. Maaaring maging malupit sa pamumuno kung ang bunga naman nito ay para sa ikabubuti ng nakararami.
_____7. Ang panahon ng Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban sa isa.
a. Pagbibigay halaga sa tao at sa ikabubuti nito.
b. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan
c. Paglikha ng iba’t-ibang anyo ng sining
d. Wala sa nabanggit
_____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epektong dulot ng Renaissance?
a. Tumulong sa mga tuklas ng heograpiya at eksplorasyong maritime
b. Nagpaningas sa Rebolusyong Intelektwal
c. Nagpaunlad sa doktrina ng simbahan
d. Nagpasulong ng paglago ng pambansang estado.
_____9. Si Niccolo Machiavelli ay kinilala sa anong katawagan?
a. Ama ng makabangong Siyensa ng Politika c. Ama ng Humanismo
b. Prinsipe ng Humanismo d. Perpektong Pintor
_____10. Ang renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay rebirth o muling pagsilang, piliin sa sumusunod ang pinaniniwalaan
sa yugtong ito.
a. Pagyabong ng kaisipan ng Simbahang Katolika
b. Tranisiyon mula Medieval Period hanggang sa pagpasok ng modernong panahon
c. Pananatili ng paniniwalang Midyibal
d. Lahat ng nabanggit
_____11. Ang aklat na ito ay nagparebolusyon ng mga politikal na ideya noong kapanahunan ni Niccolo Machiavelli at naglagay ng
pundasyon ng isang bagong siyensyang politikal.
a. The Prince c. Decameron
b. In Praise of Folly d. La Pieta
_____12. Siya ang Prinsipe ng Humanismo at may-akda ng In Praise of Folly kung saan niya tinuligsa ang hindi mabuting gawa ng mga
pari at ordinaryong mamamayan.
a. William Shakespeare c. Francesco Petrarch
b. Desiderius Erasmus d. Giovanni Boccacio
_____13. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?
a. Dahil sa lokasyon nito
b. Katatagang pampolitika at pang-ekonomiya
c. Maraming mga tagapag-ambag ng renaissance ang isinilang dito
d. Lahat ng nabanggit
_____14. Alin sa mga sumusunod ang pinakawastong kahulugan ng renaissance?
a. Muling pagsikat ng kulturang Helenistiko
b. Muling pagsilang ng kaaalamang Griyego at Romano
c. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europa
d. Panibagong kaalaman sa agham
_____15. Naghangad ang mga kanluranin ng maraming ginto upang maging makapangyarihan, kaya nanakop sila ng mga lupain. Isipin
mong ikaw ay nagmamay-ari ng maraming ginto, ano ang idudulot nito sa iyo?
a. Kapangyarihan b. takot c. pagkalito d. kaginhawaan
_____16. Alin sa mga sumusunod ang may malaking ginampanang papel sa paglakas ng Simbahang Katoliko dahil nahikayat nila ang mga
barbaro na maging Kristiyano?
a. Panginoong Piyudal c. monghe
b. Kabalyero d. Obispo
_____17. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay-daan sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal?
a. Pagkakataon ng mga mangangalakal na bumili ng kalayaan sa kanilang panginoong maylupa.
b. Paggamit ng baril bilang sandatang pandepensa
c. Pagkakaroon ng isang wika
d. Lahat ng nabanggit
_____18. Alin ang pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?
1. Mamumuhunan sa isang bansa upang lumaki ang kita
2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay
3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa
4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at kulturang Pilipino.
a. 1,2,3,4 b.1,2,3 c. 2,3,4 d. 3 at 4
_____19. Malaki ang bahaging ginampanan ng simbahan sa Europa sa panahon ng karimlan dahil sila ang naging takbuhan ng taong bayan.
Alin sa mga sumusunod ang nagawa ng simbahan?
a. Kinalinga ang mga mahihirap, ulila at manlalakbay
b. Pinangalagaan ang mga aklat at iba pang tala o record
c. Ginawang Kristiyano ang mga barbarong Aleman
d. Lahat ng nabanggit
_____20. Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod ng Europa, lumaganap ang mga pagbabago sa gawaing pangkabuhayan. Alin sa
mga sumusunod ang suliranin ng mga bayan noon sa Panahong Midyibal?
a. Pagkalumo sa alak c. nakawan
b. Prostitusyon d. lahat ng nabanggit
_____21. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa mga kanluraning bansa na sumusunod sa sistemang Merkantilismo?
a. Maraming iniluwas na produkto kaysa inangkat na kalakal sa mga kolonya
b. Maraming inangkat na produkto kaysa iniluwas na kalakal
c. Maraming inutang na kalakal
d. Hindi nakipagkalakalan
_____22. Sa sisitemang merkantilismo, saan nakabatay ang kapangyarihan at kayamanan ng isang bansa?
a. Sandatahang lakas c. malawak na lupain
b. Ginto at pilak d. lahat ng nabanggit
_____23. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkanitilsmo sa Europa?
a. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo
b. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe
c. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang pangangailangan
d. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo
_____24. Alin sa mga nasa ibaba ang hindi maituturing na katangian ng Bourgeoisie noong Medieval period?
a. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian
b. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri
c. Nagmula sila sa mga banker at mga mangangalakal sa mga bayan at lungsod ng Europa
d. Nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong pampolitika at pang-ekonomiya
_____25. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging bunga ng kalakalan sa Panahong Midyibal?
a. Espesyalisasyon c. salapi
b. Bourgeoisie d. wala sa nabanggit
_____26. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mga panggitnang pangkat?
a. May-ari ng mga bangko c. mga sumusunod na hari o pinuno
b. Mga negosyante d. wala sa nabanggit
_____27. Isang bagong uri ng mga mamamayan na bumubuo ng panggitnang pangkat sa lipunang Europe noong ika-17 siglo.
a. Maharlika b. alipin c. Bourgeoiseie d. clergy
_____28. Ang panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento na dulot ng rebolusyong sityentipiko ay nangangahulugang
a. Dapat nang iwaksi ang mga pamahiin na walang siyentipikong paliwanang
b. Sa bawat gagawin kailangang dumaan sa eksperimento
c. Kailangan kumunsulta lagi sa isang siyentista
d. Dapat panatilihin ang tradisyonal na paraan sa panggagamot
_____29. Ang siyentipikong Italyano na nagpatunay na tama ang teorya ni Copernicus na ang araw ang nasa gitna ng sansinukoban at ang
mundo ay isa lamang sa mga planetang umiikot.
a. John Locke c. Francis Bacon
b. Galileo Galilei d. Rene Descartes
_____30. Ang teoryang nagturo na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at ang mundo ay umiikot dito kabilang ang iba pang mga planeta.
a. Heliocentric c. Creation
b. Geocentric d. Scientific
_____31. Ito ay instrumento ng pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo.
a. Rebolusyong Siyentipiko c. Rebolusyong Pranses
b. Rebolusyong Industriyal d. Rebolusyong Amerikano
_____32. Kung ikaw ay bibiyahe sa ibang bansa sa unang pagkakataon, ano ang una mong gagawin pagdating sa lugar upang maibahagi sa
iba ang iyong karanasan?
a. Pupunta sa pangulo c. mamimili
b. Kukuha ng larawan ng mga magagandang tanawin d. matulog
_____33. Kalakalang nagpasimula ukol sa pangunguha ng mga alipin na maaaring magtrabaho sa mga plantasyon ng mga
makapangyarihang bansa.
a. Kalakalan sa katubigan c. colonial trade
b. Slave trade d. commercial trade
_____34. Kasunduan na nilagdaan ng Portugal at Espanya batay sa line of demarcation na paghahati sa iba’t-ibang lugar sa mundo na di pa
naaabot ng eksplorasyon.
a. Kasunduan sa Tordesillas c. Kautusan ng Papa
b. Kasunduan sa Paris d. Kasunduan sa India
_____35. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpatunay na ang mundo ay bilog at ito rin ang nagbago sa dating pagkaalam ng mga Europeo na
ito ay patag.
a. Bartholomeu Dias b. Hernan Cortes c. Ferdinand Magellan d. Christopher Columbus
_____36. Hari at reyna ng Espanya na sumuporta sa mga paglalakbay nina Columbus at Magellan patungo sa Silangan.
a. Ferdinand at Isabella b. Carlos at Elizabeth c. Henry at Anne d. William at Mary
_____37. Isinunod sa kanyang pangalan ang pagkakatagpo ng Bagong Mundo o ng Amerika.
a. Amerigo Vespucci c. Hernan Cortes
b. Christopher Columbus d. Pedro Cabral
_____38. Doktrinang nagsasabi na ang bansang may maraming kayamanang ginto at pilak ay pagpapakilala ng kanyang kapangyarihan at
katanyagan.
a. Merkantilismo c. Kapitalismo
b. Bulyonismo d. Sosyalismo
_____39. Pinasimulan niya ang pagtatayo ng paaralan para sa mga magiging mahusay na mandaragat sa hinaharap at inanyayahan niya ang
mga mahusay na tagagawa ng mapa, matematisyan, at astronomo upang mag-aral ukol sa nabigasyon.
a. Bartholomeu Dias c. Ferdinand Magellan
b. Prince Henry “The Navigator” d. Christopher Columbus
_____40. Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga eksplorasyon ng mga kagamitang makakatulong sa
kanila upang tuntunin ang kanilang mga destinasyon. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa paglalakbay maliban sa.
a. Mapa b. compass c. astrolabe d. caravel
_____41. Ang mga spices na natagpuan ng mga Europeo sa kanilang mga eksplorayon sa Asya ay ginamit nila sa anong gawain?
a. Pagpreserba ng karne c. pakikipagkalakalan
b. Pagkain d. wala sa nabanggit
_____42. Ang Europa ay dumedepende sa mga matatagpuang spices sa Asya at sa India, alin sa mga sumusunod ang hindi pampalasa?
a. Pepper b. cinnamon c. asukal d. nutmeg
_____43. Sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin, dalawang bansa ang magkatunggali sa eksplorasyon, ito ang:
a. Netherlands at Espanya c. Inglatera at Portugal
b. Portugal at Espanya d. Netherlands at France
_____44. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition?
a. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa timog Europa
b. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala
c. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko
d. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo
_____45. Ang pag-usbong ng mga makabago at siyentipikong kaisipan ay naging dahilan upang ang simbahan ay:
a. Maragdagan ng kapangyarihan
b. Suriin at kwestiyunin sa kanyang mga aral at doktrina
c. Makapang-akit ng mga bagong kasapi
d. Makipagtulungan sa mga monarkong Europeo
_____46. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng
tao sa sansinukob. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin?
a. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito
b. Nakapagtatag ng mga paaralang pang agham sa Europa
c. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob
d. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin
_____47. Kilusang intelektwal sa Europa na nagtangkang iahon ang mga tao mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katwiran at
pamamayani ng pamahiin.
a. Panahon ng Enlightenment c. Panahon ng Kapayapaan
b. Rebolusyong Siyentipiko d. Rebolusyong Industriyal
_____48. Ang mga monarko sa Europa na pinagsama ang ideyang isinulong ng Enlightenment at pinanatili ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga reporma.
a. Diktador c. philosophes
b. Emperador d. Enlightened Despots
_____49. Sa kasalukuyan, ang panahon ng Enlightenment sa larangan ng politika at pamumuno ay nangangahulugang;
a. Paghahangad ng pagbabago sa uri ng pamamahala sa bansa
b. Kailangan ang matapang na pinuno
c. Mapagmatyag sa mga katiwaliang nagaganap sa bayan
d. Lahat ng nabanggit
_____50. Ito ay tumutukoy sa transpormasyon sa aspetong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europa at sa Estados Unidos na kung
saan pinalitan ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya.
a. Rebolusyong Agrikultutral c. Rebolusyong Teknolohikal
b. Rebolusyong Ekonomikal d. Rebolusyong Industriyal
_____51. Sa bansang ito nagsimula ang rebolusyong industriyal dahil sa pagkakaroon nito ng maraming uling at iron na pangunahing
ginagamit sa pagpapaandar ng mga makinarya.
a. Germany b. Gran Britanya c. Pransya d. Italya
_____52. Binago ng rebolusyong industriyal ang aspetong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europa at Estados Unidos sa
pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa isa:
a. Nagbigay ng malaking produksyon ng kalakal sa mga bansa
b. Lumakas ang kita ng mga mamamayan
c. Marami nang lumipat ng tirahan sa mga siyudad upang mamasukan sa mga industriya
d. Lumakas ang kapangyarihan ng simbahan
_____53. Malaki ang naitulong ng Rebolusyong Industriyal sa pag-angat ng ekonomiya ng Europa, ngunit hindi maipagkakailang mayroon
din itong naging masamang bunga sa lipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi masamang naidulot ng Rebolusyong Industriyal?
a. Paglipat ng mga tao mula sa rural patungo sa mga siyudad na nagpataas ng krimen
b. Paglaki ng bilang ng mga taong walang trabaho dahil sa mga naimbentong makinarya
c. Kinasangkapan ang mga menor de edad upang kumita ng malaki
d. Paglala ng polusyon sa mga siyudad
_____54. Paano dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng rebolusyong industriyal sa panahon natin ngayon?
a. Pagpapanatili sa tradisyunal na paraan ng pagtatrabaho
b. Hindi dapat tangkilikin ang mga makabagong makinarya
c. Pagbibigay parangal sa mga makabagong imbensyon
d. Wala sa nabanggit
_____55. Kaalinsabay ng paglakas ng ekonomiya ng Gran Britanya dahil sa Rebolusyong Industriyal ay ang pagnanais nito na magkaroon
ng mga kolonyang bansa. Ang ang dahilan ng pagnanais na ito?
a. Ninais ng Gran Britanya na makilala sa daigdig bilang makapangyarihang bansa
b. Naghanap ang Gran Britanya ng pamilihang kokonsumo sa sobra nitong mga produkto
c. Dahil sa laki ng kinita ng Gran Britanya nagkaroon sila ng sobrang salaping panustos sa paglalayag.
d. Ninais ng Gran Britanya na talunin ang humihinang kapangyarihan ng Espanya sa Europa at maging sa ibang kontinente.
_____56. Sa ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin, ginamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng Whiteman’s Burden upang
bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang Whiteman’s Burden?
a. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na angkinin ang daigdig
b. Paniniwalang ang mga puti ang superior na lahi sa mundo
c. Paniniwalang tungklin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan sa kanilang sinakop
d. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga Europeo
_____57. Malawak ang mga epekto ng imperyalismong Kanluranin sa mga kolonya. Ang mga sumusunod ay impluwensiyang Kanluranin
sa larangan ng kultura maliban sa isa:
a. Pagdaraos ng kapistahan
b. Painiwala kay Hesukristo bilang Diyos
c. Pagsasamantala sa mga likas na yaman
d. Pagkatuto ng mga lutong pasta, burger, steak atbp.
_____58. Kung ikaw ay isang mananakop at binigyan mo ng proteksyon ang iyong kolonya laban sa paglusob ng ibang bansa, anong uri ng
pananakop ang iyong pinairal?
a. Manifest destiny c. Concession
b. Sphere of Influence d. Protectorate
_____59. Sa ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin, pinakamalawak ang imperyo ng anong bansa?
a. Britanya b. Netherlands c. France d. Amerika
_____60. Maraming pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang sinakop. May mga mabuti at di-
mabuting dulot ito sa mga kolonya. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting dulot ng pananakop?
a. Maraming mga daan at tulay ang naipatayo
b. Nawala ang kasarinlan ng mga bansa
c. Sumigla ang pandaigdigang kalakalan
d. Lumaganap ang kulturang Kanluranin sa Silangan

INIHANDA NG MGA GURO SA ARALING PANLIPUNAN 8


(KASAYSAYAN NG DAIGDIG)

__________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like