You are on page 1of 4

NDC-TAGUM FOUNDATION INCORPORATED

Apokon Road, Tagum City

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 8

PANGALAN:_______________________________________ PETSA:_________________

GRADO & SEKSYON:_______________________________ ISKOR:_________________

I. PAGPIPILIAN. Suriin at unawaing mabuti and bawat katanungan o pahayag. Bilugan ang letra
ng tamang sagot. (2 puntos bawat aytem)

1. Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang naging hudyat o dahilan ng pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
b. Pagpapalabas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
c. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
d. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europa tulad ng Almenya, Austria-Hungary, Rusya, at
Imperyong Ottoman

2. Ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maiuugnay sa


a. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera
b. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939
c. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera
d. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europa

3. Alin sa mga sumusunod na mga pangkat ng tao sa Europa ang nakaranas ng pinakamatinding
pinsala sa buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. Aleman c. Hudyo
b. Amerikano d. Pranses

4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumutukoy sa tunay na layunin ng Hapon sa


ginawang pag-atake sa Pearl Harbor?
a. Mapaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng Nagkakasang mga Bansa
b. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan nga mga Hapones, Aleman, at Italyano sa Pasipiko
c. Mapalawak ang imperyo ng mga Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya ng mga Asyano
d. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng Ingles, Pranses, Olandes, at Amerikano
5. Nakailala sa boung mundo si Pangulong Winston Churchill bilang
a. heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Powers
b. tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa
c. lidermanggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal
d. punong ministro ng Britanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

6. Naganap ang tinaguriang D-day sa Normandy noong Hunyo 6, 1944 Na tumulak sa kasaysayan
bilang
a. mabilis na pakikipaglaban at pagsalakay ng mga Aleman laban sa mga Ingles at Amerikano
b. mahigpit ng paakarang ipinatupad laban sa pagsuko ng mga Aleman at Italyano matapos ang
digmaan
c. malawakang pagdating ng suporta mula sa mga hukbo ng Allied Powers
d. malawakang paguli at pagpatay sa mga Hudyong naninirahan sa Europa

7. Ang Kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa


a. pag-angkin ng Rusya at Constantinople upang magkaroon ng magandang daungan.
b. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga bansang magkaka-
alyado.
c. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente.
d. paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera

8. Ang pagsalakay ng Hapon sa lugar na ito ang tinawag na “araw ng kataksilan.”


a. Oklahoma c. Hiroshima
b. Pearl Harbor d. Nagasaki

9. Ang bansang nagsimula ng digmaang trintsera sa Pransiya


a. Amerika c. Alemanya
b. Hapon d. Britanya

10. Nakilala siya bilang “Desert Fox.”


a. Heneral Kurusu c. Heneral Eisenhower
b. Heneral Rommel d. Heneral Pershing

11. Ito ang panyayari na gumimbal sa sandaigdigan noong 1914-1918


a. World War I c. World War II
b. Cold War d. Digmaang Pasipiko

12. Ito ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng World War I
a. League of Nations b. Treaty of Versailles c. Treaty of Paris
b. Treaty of Versailles d. United Nations

13. Ito ang tawag sa ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbibigay ng pantay na karapatan
atkalayaan anuman ang kinabibilangang lahi, kasarian o relihiyon ng tao.
a. Kapitalismo c. Demokrasya
b. Liberalismo d. Sosyalismo

14. Isa sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States


a. Russia b. Europe c. Pearl Harbor d. Hiroshima

15. Ang ideolohiyang pinairal ni Hilter noong Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.


a Pasismo b. Nasyonalismo c. Kapitalismo d. Sosyalismo

16. Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga kasangkot na bansa ay nagpatupad ng
armistice. Nangangahulugan ito na ___________.
a. Ang mga natalong bansa ay magbabayad ng pinsala
b. Magsasanib ang mga natalong bansa
c. Pansamantalang ititigil ang digmaan
d. Magpapalakas na muli ng puwersa

17. Hindi kaila na walang nagwawagi sa mga digmaan. Ganoon pa man, ipinatutupad ng mga bansa
ang kabayaran sa mga pinsalang dala ng digmaan. Tumutukoy ito sa ___________.
a. repatriation b. self-determination c. reparation d. arbitration

18. Blitzkrieg ang ginamit ng mga Aleman sa digmaan. Ito ay paraan ng paglusob nang _________.
a. Walang dalang mga sandata
b. maikli ngunit malakidlat na paraan
c. May dalang mga landmine
d. may mababang-lipad ng mga eroplanong pandigma

19. Kinilala ang galing ng mga heneral ng Germany. Isa rito ay si Lt. Gen. Erwin Rommel. Paano
siya kinilala bilang heneral?
a. Desert Fox c. The Lion in Winter
b. El Caudillo d. Der Fuhrer

20. Ipinagdiwang ang V-J Day sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Agosto
15, 1945. Ito ay nangangahulugan ng ___________.
a. Victory in Japan Day c. Victory Joe
b. Victory of Joy d. Victory of Japan

I. Piliin sa kahon at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

a. Komunismo d. Sosyalista
b. Demokrasya e. Totalitaryanismo
c. Kapitalismo f. Monarkiya

1. ___ Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong
makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa,
at mga industriya.
2. ___Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao. Ang pinuno ng
sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
3. ___Sa sistemang ito, ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao; karaniwang
pumipili ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan ng halalan.
4. ___Layunin nito na makamit ang perpektong lipunin sa pamamagitan ng pantau na distribuson
ng produksyon ng bansa, pagtutlungan, at paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya.
5. ___Pamamaraang direktang nagtatalakayan at nagbibigay-solusyon ang mga kasapi sa usaping
politikal.
6. ___Kaisipang nanggaling kay Karl Marx.
7. ___Ang ideolohiyang ito ay Malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod ng mga
bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea.
8. ___Layunin nito ang pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa lipunan (classless society)
kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng estado.
9. ___Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon, at kalakaran ay
kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
10. ___Ideolohiyang nalinang ni Adam Smith.

You might also like