You are on page 1of 23

MOTIBASYON

-Ang motibasyon ay napakahalagang salik sa matagumpay na pagkatuto.

Panlabas na Motibasyon (ekstrinsik)


-Ito ay bunga ng salik na eksternal tulad ng: prempyo o papuri

Integratibong Motibasyon –pagkagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na Filipino


ang sinasalita;

Motibasyong Instrumental –pag-asam na makatungtong sa isang kolehiyo o pamantasan o di


kaya’y pagkakaroon ng isang trabaho na mataas ang pasahod dahil sa alam na wika;

Motibasyong Intrinsik
Ito ay likas na kagustuhan sa pagkatuto ng wika.

Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika (PaUnEaD KaIs OtoMalik)


• Hindi basta ginagaya ng mga bata ang wikang kanilang naririnig. Pinipili at inaakma nila ang
kayarian ng mga bahagi ng pananalita na makahulugan sa kanila.
• Ang mga bata ay active learners at hindi passive learners.
• Sinusuring magaling ng mga bata ang wikang naririnig at pinipili nila ang bahaging may
kahulugan sa kanila.
• Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili
nila ang salita at mga hulwaran ng mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede.
• Sa simula ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa, at
pang-uri.
• Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa bandang huli na natutunan.
Unang Yugto: PASAMULA (RANDOM) • Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga
tunog na kakailanganin nila sa pagsasalita sa mga darating na araw.
• Vocalizing, cooing, gurgling at babbling.
• Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at ito’y tinatanaw ng mga
matatanda bilang ponema.
• Babbling—binubuo ng magkakalapit na tunog ng katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da
Da
• Echoic Speech – Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita.
Ikalawang Yugto: Unitary • Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na
limitado sa isang pantig.
• Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at
pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng
paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap.
• Holophrastic Speech- Ang paggamit ng mga bata ng isang salita upang magpahayag ng mga
ideya.
• Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilang payak na pasalitang
pautos tulad ng upo, tayo, atbp. at mapaghuhulo na maari na silang magsimulang sumagot sa
kabuuang ponemikong konspigurasyon ng mga salita at mga parirala.
Ikalawang Yugto: Unitary • Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo at balarila ay
matagal at mahirap kahit na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis.
-Sa una, ang mga salitang binibigkas niya ay masasabing katulad ng mga salita ng nakatatanda
na ipinapalagay na ginaya, pero ang katunayan, ito'y pagpapatibay na maging sa panahong ito,
taglay na ng mga bata ang kanilang sariling phonemic system kahit hindi pa maayos.
Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon • Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o
dalawang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda. (18-20
buwan, dalawahang salita)
• Dalawang klaseng salitang ginamit:
– Pivot Class: kalimita’y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o
ikalawang posisyon. "ma"
Ang posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap.
Ang ikalawa ay iyong isa pang salita at tinatawag itong open class. Hal: “Kain Mommy,” “Kain
baby,” Kain ato”
– Pivot Word: Hal: “Dede ko,” “Dede tata,” “Dede Mama,” – “Tuya alit,” “Mommy alit,”
“Daddy alit, alit” – “Mommy raro”
Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon
• Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong kalinangan
ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa sa mga bagay, pangyayari at mga tiyak na
pangalan ng mga ito.
• Magiging palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang mga tanong na “Ano to?”
“Ano yan?” at maraming “Bakit.”
• Upang hindi “malunod” ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita, iwasan ang
pagbibigay na maraming impormasyon at unawaing mabuti ang mensahe ng batang nagsasalita.
• Kailangang gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.
Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural
• Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at paparaming mga
abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila sa yugtong kamalayang
instruktural.
• Ito’y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at matuklasan nila ang hulwaran at
kaayusan sa pagsasalita.
• Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang
magkamali dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan ay hindi pinapansin ang
mga eksepsyon. Hal: “nikain” vs, “kinain”
Ikalimang Yugto: Otomatik
• Sa yugtong ito, ang bata’y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may wastong pagbabalarila
kayat magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin kagaya ng mga
matatandang tagapagsalita ng wika.
• Ang mga batang nasa yugtong ito’y may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten.
Ikaanim na Yugto: Malikhain
• Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang wika.
Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng loob
dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa
paligid.
• Sa mga natalakay na yugto, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan
ng: – 1. Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita) – 2. Pagpapatibay
(Anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin ang anumang tugon) – 3.
Panggagaya (Panggagad sa anumang tunog na narinig sa matatanda) – 4. Elaborasyon
(Pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap)
Ang mga Batang Mag-aaral at ang Pagtuturo ng Wika
1. Intelektwal na Pag-unlad
-nasa yugto pa rin ng tinatawag ni Piaget na “concrete operations”, dapat lamang na isaalang-
alang ang kanilang mga limitasyon. Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay
kailangang gamitin ng may ibayong pag-iingat.

2. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)


-mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase ay nakakasawa at
walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika, tungkulin
mong gawin itong kawili-wili, buhay at masaya.

3. Pakilusin ang iba’t ibang Pandamdam (Sensory Input)


 Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga bata tulad ng role play at mga laro.
 Gumamit ng iba’t ibang kagamitang panturo na makatutulong sa pagpapatibay ng
mga kaisipang natamo.
 Isaalang-alang din ang paggamit ng sariling mga non-verbal language.

4. Mga Salik na Apektib (Affective Factors)


-Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang na makagagawa sila ng pagkakamali sa
pagsasalita, pagbabasa at pagsulat habang nag-aaral ng isang wika.

5. Awtentiko, Makabuluhang Wika


- Ang mga pangangailangang pangwika ng mga mag-aaral ay kailangang nakapaloob sa isang
konteksto. Gumamit ng mga kuwento, sitwasyon, mga tauhan at mga usapang pamilyar sa
karanasan ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kanilang atensyon at mapatatag ang kanilang
retensyon.

Ang Pagtuturo Batay sa mga Simulain


Mga Simulaing Kognitibo- Tatawagin nating simulating “kognitib” ang unang set dahil ang
mga ito’y may kaugnayan sa mgatungkuling mental at intelektwal.
Oto MaPa PaGa PaPa SI
1.Otomatisiti- Tumutugon din ang simulating ito sa paniniwalang natutuhan ng mga bata ang
kanilang unang wika nang walang kamalayan o di binibigyan-pansin ang anyo ng wikang
sinasalita. Sa pamamagitan ng mga input na naririnig at pagsubok ng mga ito,lumalabas na
natututuhan nila ang wika na hindi“iniisip” ang anyo nito.
2.Makabuluhang Pagkatuto -Sa payak na pananalita, isinasaad ng simulaing ito na ang
makabuluhang pagkatuto ay nagbubunga ng higit na pangmatagalang pagkatuto kaysa sa
pagsasaulo lamang.
3.Pag-asam ng Gantimpala- Ang simulaing ito’y maipahahayag sa tulong ng operant
conditioning paradigm ni Skinner. Isinasaad nito na ang bawat tao ay nagaganyak nakumilos sa
pag-asang may matatamong gantimpala opabuya na maaaring material o di-materyal.
4.Pansariling Pangganyak- Naghahawakan pa rin ang simulating ito sapaniniwalang ginagawa ng
mga mag-aaral ang gawain dahil sa ito’y kawili-wili, mahalaga o di kaya’y mapanghamon at
hindi sa anupamang gantimpalamaging ito’y kognitibo o pandamdamin man na maaaring galing
sa guro.
5.Strategic Investment- Isinasaad ng simulaing ito na ang matagumpay na pagkatuto ng wika ay
nakasalalay sa “puhunang”inilalaan ng mag-aaral gaya ng oras, pagsisikap at atensyon sa wika sa
pamamagitan ng mga pansariling istratehiya upang maunawaan at masalita ang wikang pinag-
aaralan.
Mga Simulaing Pandamdamin-Dumako naman tayo sa mga simulain na ang pokus ay ang
emosyon ng tao. Sa set ng mga simulaing pandamdamin, titingnan natin ang damdaming
pansarili, ang pakikipag-ugnayan sa mga tagapagsalita ng wika at ang mga ugnayan sa pagitan
ng kultura at wika.
LE PagSa Paki UgWiKu
6.Language Ego- Isinasaad ng simulain ito na habang natutuhang gamitin ng tao ang wikang
pinag-aaralan, nagkakaroon din siya ng bagong paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos na
katulad ng taong nagsasalita ng target na wika. Ang bagong language ego na kakabit ng wikang
pinag-aaralan ay lumilikha sa mag-aaral ng pagiging mahina ang kalooban at laging
mapangatwiran. Kayat kailangang laging alalayan ang bago pa lamang natututong magsalita ng
wikang pinag-aaralan lalo na sa mga sitwasyong para siyang napipipi o nauutal dahil mga taal na
tagapagsalita ang kausap.
7.Pagtitiwala sa Sarili (Kaya Ko Ito)-Ang pinakapuso ng anumang tagumpay sapagkatuto ng
wika ay ang katotohanang may tiwalaang mag-aaral sa kanyang sariling kakayahan atnaniniwala
siyang mapagtatagumpayan niya anganumang gawain.
8.Pakikipagsapalaran (Risk Taking)- Isinasaad ng simulating ito na sa matagumpayna pag-aaral
ng wika bahagi nito angpakikipagsapalaran para lamang maipahayag atmaipaliwanag ang sarili
sa target na wika.
9.Ugnayang Wika at Kultura- Binibigyang-diin ng simulating ito na sa sinumang nagtuturo ng
wika, kasabay sa itinuturo ang isang sistema ng kultura at kaugalian,pagpapahalaga, paraan ng
pag-iisip, pagkilos at pagdama ng mga taong gumagamit ng target na wika.
Simulating Linggwistik-Sa huling kategorya ng mga simulain sa pagkatuto at pagtuturo ng wika
ay nakapokus mismo sa wika at kung paano ang mga mag-aaral ay nakikibagay sa isang
masalimuot na sistemang panlinggwistika sa pagkatuto nito.
EpekUnWi InLa KaKa
10. Ang Epekto ng Unang Wika- Ang simulaing ito’y nagsasaad na ang katutubong wika ay
magsisilbing mahalagang Sistema para maging sandigan ng mga mag-aaral sa paghulang sistema
o balangkas ng target na wika.
11. Interlanguage-Isinasaad ng simulaing interlanguage na ang mga mag-aaral ng pangalawang
wika ay pumapailalim sa isang masistemang proseso ng pag-unlad habang lubusan nilang
nauunawaan ang target na wika. Ang isang matagumpay na interlanguage ay iyong sa palagay ng
mga mag-aaral ng wika na ang kanilang sinabi ay tama kahit na sa pananaw ng mga katutubong
tagapagsalita ay mali.
12. Kakayahang Komunikatibo- Canale at Swain (1980). Sang-ayon sa modelo nina Canale at
Swain, may apat na aspekto o elementong kakayahang komunikatibo. Para daw masabi na ang
isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika, kailangang magtaglay siya ng
tinatawag na linguistic o grammatical competence,socio-linguistic competence, discourse
competence at strategic competence.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
-Ito ang tawag sa abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng
isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).
1. LINGUISTIC COMPETENCE
- katayuan ng isang taong may control o masteri sa porma o istruktura ng wika.
- kahusayan sa paglalapat ng tuntunin sa wika na hindi kahusayan sa pagsabi sa tuntunin nito.
- kakayahang umunawa at makabuo ng isttruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa
gramatika.
2. SOCIOLINGUISTIC COMPETENCE
-isang batayang interdisciplinary
-isinasaalang-alang ang tatlong salik sa pakikipag-usap
3. DISCOURSE COMPETENCE
-kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang usapan upang
makagawa ng isang makabuluhang kahulugan.
-ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay ng kapwa na
nag-uusap
4. STRATEGIC COMPETENCE
-ginagamit upang matakpan ang mga imperpektong kaalaman sa wika.
-paggamit ng tao ng kanyang kakayahan sa abot ng kanyang nalalaman.
- naglalahad ng paniniwalang walang taong perpekto ang kaalaman sa kanyang wika at
nagkakamali sila minsan hindi naman nag-aalala.
Mga Simulain sa Pagkatuto ng Wika
Sa pagbuo ng sariling teorya o paniniwala hinggil sa pagkatuto ng wika, kailangang
isaisip ang mga sumusunod:
 ang kalikasan ng wika;
 ang kalikasan ng mga mag-aaral; at
 kung paano mabisang matutuhan ng mga mag-aaral ang wika upang kusa itong
magamit sa pakikipagtalastasan.
Iba pang mga Simulain sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika
1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaral
Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba’t-ibang katangian:
kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa
pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa
simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at
interes.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon
upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika
Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga
input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang
pangangaailangan at interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang
sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng
natural at hindi pilit.
4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika
Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng
maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga
kasanayan at stratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na
limitado ang panahon.
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang
magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi
ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga
karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga
taong gumagamit ng target na wika.

6. Simulain ng kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang
ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa
wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama
ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t-ibang taong gumagamit ng target
na wika.

7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa
ibayo pang pagkatuto. Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral hinggil sa
kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan anuman
ang maging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap.

Mga Layunin sa Pagtuturo


Ang Mga Mithiin (Goals), Tunguhin (Aims) at Layunin (Objectives) sa Pagtuturo
- Ang mga layuning pampagtuturo ay may tiyak na pagpapahayag na nagbibigay ng direksyon sa
isang programang pampagtuturo.
Tatlong batayang kategorya na inilahad sa
 Mga Mithiin (Goals)
 Mga Tunguhin (Aims)
 Mga Layunin (Objectives)

Ang mga Mithiin (Goals)


- ay malawak na pagpapahayag ng direksyon para sa isang programang pang-edukasyon.
- ito’y naglalarawan ng set ng mga pambansang prayoridad para sa mga programang pang-
edukasyon at pampaaralan.
- hindi nagbibigay ng tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa isang pagtuturong
pangklase.
Ang mga Tunguhin (Aims)
- mas tiyak at mas may pokus kaysa sa mga mithiin.
- Ang mga ito’y nagbibigay ng direksyon para sa isang tiyak na aralin.
- Kumakatawan din ang mga ito upang maisakatuparan ang isang mithiin at padalisayin ang
pokus nito upang maiugnay sa mga inaasahang pagkatuto ng mga mag-aaral.
- hindi kakitaan ng mga impormasyong hinggil sa mga istratehiyang maaaring gamitin sa
pagtuturo, kung paano ang pagtataya ng mga pagkatuto ng mga mag-aaral at tiyak na pagkatuto
na inaasahang matatamo pagkatapos ng isang pagtuturo.
Ang Mga Layuning Pampagtuturo
Ang mga layuning pampagtuturo (instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak
na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
1. Kailangang tukuyin ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto,
2. Ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap ay
namamsdan, alalaong-baga, iyong pagganap o pagsasagawa ay nakikita.
3.
Ang ABCD Pormat sa Pagbuo ng mga Layuning Pampagtuturo O Pupil Performance
Objective
Mga mahalagang component o bahagi nito:
1. A o Audience – ito’y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang
gagawa ng mga task o gawain.
2. B o Behavior – ito’y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawa o kilos na
inaasahang maipapakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng kanilang
pagkakahantad sa isang pagtuturo.
3. C o Condition – ito’y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin upang
makatiyak kung mayroong masteri sa itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.
4. D o Degree – ito’y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap sa
gawain bilang ebidensya ng master
Halimbawa:
A B C
1. Ang bawat pangkat ay nakasusulat ng isang sanaysay na naglalahad ng
D
hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal.
-Ang pagkakasunod-sunod ng mga komponent ay hindi kritikal; ang mahalaga ay ang pagtiyak
na nakapaloob ang apat na komponent sa isang layunin.
Ang Mga Domeyn ng Layuning Pampagtuturo
-Ang bawat domeyn ay kumakatawan sa isang particular na set ng mga palagay at paniniwala
tungkol sa kung paano natututo, kumikilos at gumagalaw ang mga mag-aaral sa isang
pagtuturong pangklasrum.
1. Kognitib domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at kasanayang
pangkaisipan ng mga mag-aaral.
2. Afektib domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral.
3. Saykomotor domeyn – mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga
kasanayang motor at kasanayang manipulatib.

1. Kognitib domeyn (KC ApAnSE)


a. Kaalaman (Knowledge)- paggunita o pag-alaala sa mga natutuhang impormasyon
b. Komprehensyon o Pag-unawa (Comprehension)- pag-unawa, pag-uugnay sa mga dating
alam na impormasyon
c. Aplikasyon (Application)- paggamit ng natutuhan
d. Analisis (Analysis) – ugnayan ng mga bahagi at organisasyon ng natutuhan upang makita ang
kabuuan
e. Sintesis (Synthesis) – makalikha ng bagong kaalaman
f. Ebalwasyon (Evaluation) – pagpapasiya sa liwanag ng mga inilahad na mga krayterya
Ang Banghay-Aralin
- bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa pagtuturo
Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi.
I. Mga Layunin
II. Paksang-Aralin
III. Pamamaraan
IV. Takdang-Aralin
May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo:
a. Masusing banghay sa pagtuturo
- ito’y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mag-aaral.
- nakatala pati ang tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mag-aaral
b. Mala-masusing banghay
- binabanggit na lamang nang sunud-sunod ag ga gawin ng guro sa klase.

c. Maikling banghay
- banggitin ang sunud-sunod na hakbang sa maikling pangungusap.

Balik-Tanaw sa mga Klasikong Pamaraan sa Pagtuturo ng Wika


Mga Konsepto: DuPa TekMe SiIs
· Dulog – isang set ng pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.

· Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at


batay sa isang dulog.

· Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga


kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng
isang aralin.

· Metodolohiya – ito’y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal. Ito’y tumutugon din sa
anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na “paano ang pagtuturo”.

· Silabus – Ito’y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na programang pangwika.


Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga
kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na
pangkat ng mga mag-aaral.

· Metodo. Ito ang tawag sa panlahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong
pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan.

· Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang
ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika.

MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO NG FILIPINO


GraTra SeMe Di AL

1. Pamaraang Grammar Translation dating Metodong klasikal


-ang pokus sa pagtuturo ay ang tuntunin sa balarila, pagsasaulo ng mga talasalitaan at iba’t ibang
deklensyon at pagbabanghay ng pandiwa, pagsasalin at maraming pagsasanay.
Mithiin (Goals)

1. Mabasa ang literature ng target na wika.


2. Maisaulo ang mga tuntuning balarila talasalitaan ng target na wika.
3. Mga Katangian.
4. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na wika.
5. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.
6. Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat halos hindi nalilinang ang pakikinig at pagsasalita.
7. Pabuod na tinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan at pagkatapos ay
magkakaroon mg maraming pagsasanay sa pagsasalin.
8. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang hindi isinasaalang-alang ang
kahandaan ng mga mag-aaral.
9. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga mag-
aaral mula sa target na wika.

2. Ang Series Method

- isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang
pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang
konsepto na madaling mauunawaan ng mag-aaral.
Francois Gouin isang pranses na guro na matagumpay na nagamit ang series method.
hal. Papunta ako sa pinto. Papalapit ako sa pintuan. Nasa may pintuan na ako. Huminto ako sa
may pintuan

3. Pamaraang Direct ginawang pangunahing saligan ang series method


-nanalig din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng
pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika. Target na wika
ang pokus.
- Mga katangian:
a. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang ginagamit.
b. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.
c. Ang mga kasanayang pasalita ay nililinang sa pamamagitan pasalitang tanong at sagot sa
pagitan ng guro at mag-aaral.
d. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod.
e. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagsasanay.
f. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na bagay at
mga larawan samantalang ang mga abstraktong bokabularyo ay itinuturo sa pag-uugnay ng
mga ideya.
g. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.
h. Binibigyang-diin din ang wastong pagbigkas at balarila.

4. Ang Pamaraang Audiolingual (ALM)


-dayalog, paulit-ulit sa pagsasanay at walang kamalian
Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng mahabang panahon subalit
naglaho din ang popularidad nito noong 1964 sa pamumuno ni Wilga Rivers. Pinatunayan ni
Rivers at mga kasama na ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa pamamagitan ng
maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto at hindi
itinatakda ang wikang dapat matutuhan. Katulad ng ibang paraan, malaki ang natutuhan natin sa
mga kahinaan ng ALM.
Ang mga “Designer Methods” ng Dekada ‘70
Ang dekada ’70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa dalawang
kalakasan: una, sumigla ang pagkatuto ng wika sa loob at labas ng klasrum at ikalawa, nabuo
ang ilang inobasyon na paraan sa pagtuturo.
CLL S SW TPR NA LC CL IL
1. Ang Community Language Learning (CLL)
Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na pandamdamin. Ang
pamaraan ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni Charles A. Curran na
nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama bilang isang
komunidad na binibigyan ng kaukulang pagpapayo.

2. Ang Suggestopedia
Ang pamaraang ito’y halos katulad ng ibang tinalakay na ngunit ang kakaiba’y isinasagawa ang
mahahalagang bahagi nito sa isang kalagayang palagay ang kalooban ng bawat mag-aaral at
relaks ang kanilang isipan.
Mga katangian:
a) Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging
panatag ang kalooban
b) Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na
mahinang tugtugin.
c) Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang
komprehensibo.
d) Napapalinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
e) Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimension; ang kamalayan (conscious) kung saan
nakikinig sa isang binabasaang diyalogo at ang kawalang-kamalayang (sub-conscious) kung saan
ang musikang naririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay madali.
f) Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.
g) Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok ang
ibinibigay.

3. Ang Silent Way


Ito ay nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto.
Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan nanatiling tahimik ang guro
kaya ang katawagan ay Silent Way.

4. Ang Total Physical Response (TPR)


Ang pamamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsasabi na
ang pakatuto ay epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.
Mga Katangian:
a) Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ng
mga mag-aaral.
b) May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral-mag-aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon
ang mga mag-aaral sa pamamatnubay ng guro.
c) Binibigyang diin ang komunikasyong pasalita, isinasaalang-alang ang kultura ng mga
katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.
d) Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng mga kilos.
e) Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga kamaliang
global lamang ang iniwawasto.

5. Ang Natural Approach


Ginagamit sa pamamaraang ito ang mga gawain sa TPR sa panimulang lebel ng pagkatuto kung
saan mahalaga ang mga “comprehensive input” upang mapasigla ang pagtatamo ng wika.
Nilalayon ng Natural approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang
pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon gaya ng
pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radyo at iba pa.
Comprehensive unit -Ang guro ang hanguan ng mga input at tagalikha ng iba’t-iba at mga
kawili-wiling gawaing pangklasrum gaya ng laro, maikling dula-dulaan at pangkatang gawain.

6. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner-Centered Teaching)


Ang katawagang ito’y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa pagatuturo.
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik na:
a) Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
b) Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral.
(Hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay)
c) Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
d) At kurikulum na may kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi
itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.

7. Ang Pagkatuto na Tulong-tulong (Cooperative Learning)


Sa pagiging kasapi sa isang pangkat, nagagawa nilang magbahagian ng mga impormasyon na
laging naroon ang pagtulungan sa isa’t-isa.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa sama-samang
(collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin.

8. Ang Pagkatutong Interactib (Interactive Learning)


Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin
sa ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon,
na laging may nauunawaan sa isang konteksto.
Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:
a) madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
b) paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
c) Paglikha ng mga tunay ng wika para sa makabuluhang komunikasyon
d) Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktuwal na paggamit
ng wika sa “labas”
e) Pagpapasulat na totoo ang target audyens
WLE CCE PTB
9. Ang Whole Language Education
Ang katawagang ito’y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyan-diin:
a) Ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw ng pagbabahagi ng wika sa maliliit nitong elemento
gaya ng ponema, morpema at sintaks.
b) Sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at
wikang pagsulat (pagbasa at pagsulat); at
c) Ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas na umuunlad, na katulad din ng
alituntuning pasalita.

Malawak ang nasasakop ng katawagang ito sa edukasyon. Ang whole language ay isang lebel na
ginagamit upang mailarawan ang:
a) Tulong-tulong na pagkatuto
b) Pagkatutong partisipasyon
c) Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
d) Integrasyon ng “apat na kasanayan”
e) Paggamit ng awtentiko at natural na wika

10. Content-Centered Education


Ayon kina Brimton, Snow, at Weshe (1989) ang content-centered education ay ang integrasyon
ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin sa pagtuturo ng wika. Ito’y ang magkasabay
na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng
wika ay idinidikta ng nilalaman ng paksa.
11. Ang Pagkatutong Task-Based
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na
may tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng
task. Ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit mas “malaki” ang saklaw nito kaysa sa
teknik. Ang pagkatutong task-based ay bagong pamaraan. Binibigyang pokus lamang nito ang
task sa pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na
tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangaring nito’y lagpas na
nakagawiang pagsasanay ng wika.
F. IBA PANG ISTRATEHIYANG GINAGAMIT SA PAGTUTURO NG WIKA

1. Awtentikong Kagamitan

Ayon kay Wilkins (1976-78) ang mga awtentikong kagamitan ay iyong mga isinulat sa mga
katutubong tagapagsalita at hindi espisyal para sa mga mag-aaral na di katutubong tagapagsalita
ng wikang pinag-aaralan.

Ilan sa mga awtentikong kagamitan na ginagamit sa pagtuturo ng wika ay ang mga sumusunod:

1. mapa 7. classified adds


2. resipi 8. nilathalang impormasyon sa paggawa
3. balita, ulat, horoscope ng mga bagay
4. patalastas/komersyal 9. mga propaganda sa eleksyon atbp.
5. programa sa radio at telebisyon
6. maibibilang din sa mga kagamitang awtentiko ang tape-recorded na mga usapan na
nagpapakita ng mga gamit ng Filipino sa iba’t ibang domeyn.

2. Mga Visual
Ang kagamitan ng mga awtentikong kagamitan ay maibibilang sa mga visual o mga bagay na
nakikita. Kabilang din sa pangkat na ito ang mga larawan, mga tunay na bagay, pelikula, slides
atbp.

Maaring magtipon ang guro ng mga visual na napapangkat sa ganitong kategorya: mga tao,
hanapbuhay, pang araw-araw na gawain, tahanan, pagkain, inumin, isport, libangan, mga hayop,
mga tanawin at iba pang bagay.

Sa pagpili ng larawan, dapat na isaisip ng guro ang mga sumusunod:


1. kayariang panggramatika na mailulunsad o malilinang sa tulong ng larawan.
aytem ng talasalitaan na maituturo sa pamamagitan ng mga larawan.
2. laki, kaliwanagan at interes na makukuhanito sa mag-aaral.

3. Role Play
Ang role play sa pamamagitan ng dayalog ay isang mahalagang istratehiya sa paglinang ng
kakayahang komunikatibo. Sa istratehiyang ito inilalagay ang mag-aaral sa isang sitwasyon na
maaring mangyari sa tunay na buhay.
Halimbawa, ay ang pagpapahayag ng paghanga o papuri, paghingi ng pahintulot, pakikipagtalo,
pakikipanayam, pakikidalamhati at iba pa.

Uri ng role play na magagamit ng guro:

a. Role Play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogo na may cues.

b. Role-play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon.


Ito’y pagbibigay ng ditalyadong cues sa isang mag-aaral lamang. Ang isa ay binibigyan ng
impormasyon na makatutulong sa kanyang angkop na pagsagot.

c. Role-play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin.


Ang uring ito ng role-play ay nagbibigay sa mag-aaral ng higit na responsibilidad sa pagkilos ng
interaksyon sa kanilang sarili. Sa role-play na ito, binibigyan-tugon ng mag-aaral kung ano ang
sitwasyon at ang layunin tulad ng pagtatanong at pagtugon sa tanong. Hindi mahuhulaan ang
sasabihin o isasagot ng mga kalahok hangga’t hindi sinasabi ng bawat isa ang kanilang saloobin.
Dapat tiyakin ng guro na may sapat na kaalaman/impormasyon ang mga mag-aaral hinggil sa
paksa upang maging makabuluhan ang interaksyon.

1. Role-play sa pamamagitan ng pagtatalo sa talakayan.

Ito ay nakatuon sa pangkatang gawain. Halimbawa, magkakaroon ng talakayan ang mga mag-
aaral hinggil sa gagawin nilang pananaliksik. Anong pangkat ang magtitipon ng mga datos, ang
magsasagawa ng survey, ang pangkat na mag-iinterpret ng datos, ang mga pangkat na
mananaliksik ng mga Gawain hinggil sa gagawing pananaliksik. Tulad sa ibang uri ng role-play,
maaaring bigyan ng cues ang mga mag-aaral upang maipakita ang pagtatalu-talo sa pagbuo ng
solusyon sa suliranin.

Mga Larong Pangwika

Ang mga larong pangwika ay mahalaga ring kasangkapan sa paglinang ng mga kasanayang
pangwika. Maaring pumili ang guro ng pinaaangkop na laro kaugnay ng paksang kanyang
tatalakayin upang maging madali para sa mga mag-aaral na matutuhan ang paksang pinag-
aaralan.

MGA URI NG PAGSUSULIT

A. Ayon sa layon, ang pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:

1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran (Achievement Test)

Ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Ang pagsusulit na ito ay
isang pasusulit na pangwakas. Nilalagom ng ganitongf pagsusulit na malalaman ang hangganan
ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na
panahon.

1. Panuring Pagsusulit (Diagnostic Test)

Ito’y ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang ng isang kasanayan upang matiyak kung
taglay na ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-requisite skills). Ang
pagsusulit sa natamong kabatiran sa isang baiting ay maaaring magsilbing panuring pagsusulit sa
kasunod na baiting.

1. Pagsusulit sa Kakayahan (Proficiency Test)

Ito’y pasusulit na naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi
isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng
ganitong mga pagsusulit ay hindi ibinabatay sa nilalaman na ng taong kukuha ng pagsusulit. Ang
pagsusulit ay batay sa isang espisipikasyon ng mga gawaing dapat na maisagawa ng isang
kukuha ng pagsusulit para sabihing may kakayahan siya sa wika.
1. Pagsusulit sa Aptityud (Aptitude Test)

Ito ay nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito
ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak. entry

B. Ayon sa dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytwem.

1. Pagsusulit na “discrete point”. Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa bawat aytem.
Hal. “Karen, bakit para kang lumuluha?”
“Paano’y napuwing ang aking kanang ”
a) mata b) paa c) kamay d) tainga

2. Pagsusulit na “Integrative”. Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa


wika. Ang ilang mga halimbawa ng “integrative test” ay ang mga sumusunod:

a. Cloze – Ito’y pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may


puwang para sa mga kinaltas na mga salita.
Ang pagkaltas ay maaring turing ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalong salita.
Kung mahaba ang “clone” maaaring hanggang walong kaltas ang una at huling talata.
Kung maikli ang piniling kwento o sanaysay, ang una at huling pangungusap lamang ang hindi
kakaltasan ng salita.
Kung ang pagkaltas ay laging ikalima, ikasampu, o anumang “ratio” na napili, tinatawag itong
“fixed-ratio deletion.”
Kung ang pagkaltas ay walang sinusunod na “ratio” dahil mga pangngalan o mga pandiwa
lamang ang kinakaltas, ito’y tinatawag na “variable-ratio deletion”.
Kung may pagpipiliang sagot ang mga mag-aaral, ito ay “multi-choice cloze”
At kung walang pagpipilian ng sagot, ito ay “basic cloze”.

b. Pagsusulit na idinikta o Dictation Test – Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa


talasalitaan, sa kayarian, at maari rin sa pagbaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng
bantas. Ang dalawang uri ng pagsusulit ng pagsusulit na idinikta ay ang “standard dictation” at
“partial dictation”. Sa “standard dictation”, isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang
ididikta. Sa “partial dictation”, ang mag-aaral ay binigyan ng sipi ng talatang ididikta. Pero ito ay
may kaltas na parirala o pangungusap. Pupunan lamang ang mga puwang upang mabuo ang
talata.

C. Ayon sa Kakayahang Sinusubok


1. Pakikinig
a. pagkilala ng mga tunog
b. pag-unawa sa pinakinggang teksto
2. Pagsasalita
a. pagbigkas ng mga tunog
b. pakikipag-usap
3. Pagbasa
a. pagkilala at pag-unawa ng salita
b. pag-unawa sa seleksyon
c. kasanayan sa pag-aaral
4. Pagsusulit
a. pagsulat ng komposisyon
b. paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik

PROGRAMANG FILIPINO SA KURIKULUM

1. Sa Edukasyong Elementarya
Sa paaralang elementarya ang araling Filipino ay tinatawag na Sining ng Komunikasyon sa
Filipino mula kinder hanggang Baitang VI. Sa araling ito magkakaugnay na itinuturo ang mga
makrong kasanayang nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Makikita sa
Elementary Learning Competencies (ELC) na ipinamahagi ng kawanihan ng
Edukasyong Elementarya ng DECS ang mga batayang kasanayan na dapat matamo ng mga mag-
aaral sa bawat taon ng kanilang pag-aaral sa elementarya.

2. Mga Batayang Layunin – Sining ng Komunikayon (Elementarya)

Pakikinig – nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig.

Pagsasalita – Naisasagawa ang makabuluhan at mabisang pakikilahok sa mga gawaing nauukol


sa pakikipagtalastasan.

Pagbasa – kasanayan sa pagkilala ng Salita. Nakakamit ang higit na kasanayan sa kahusayan sa


pagkilala at pag-unawa ng salita: sa iba’t-ibang paraan, sa tulong ng paghiwatig, sa pamamagitan
ng pagsusuri ng tunog ng mga salita at sa pamamagitan ng kayarian nito.
Pag-unawa – Ganap na mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa kung nakakamit ang
kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa, nagkakaroon ng kasanayan sa mapanuring pag-unawa sa
binasa, natatamo ang mga kasanayan sa pagpapahalaga, at nagkakaroon ng higit na maunlad na
kasanayang pang-aklatan.

Pagsulat – Nakakaugalian ang pagsunod sa wasto at maayos na paraan ng pagsulat. Nagkakaroon


nang ganap na kasanayan sa at maayos na pagsulat sa paggamit ng mga sangkap sa pagsulat.

3. Programang Filipino sa Kurikulim Batay sa BEC (Basic Education Curriculum)

Deskripsyon: Ang asignaturan ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,


pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino.

Pakikinig – Masusing pagkilatis at mabisang pang-unawa.

Pagsasalita – Nalilinang ang wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayag at isrukturang


panggramatiko.

Pagsulat – napagaganda ang ayos ng sulat-kamay, naiaangat ang kasiglahan sa antas ng pagkatha
at kasiya-siyang kaayusang pansulatin.

Para sa mabisang pagtuturo, ang mga tiyak na kasanayan ay malilinang sa pamamagitan nga mga
sitwasyon at iba’t-ibang kagamitan tungo sa lubusang pagkatuto. Ang mga bata ay tuturuan ng
angkop ng kagamitang pangliteratura tulad ng ingles, tugma, tula, diyologo at iba pa.

Konsepto ng Sibika at Kultura ang nilalaman ng Filipino sa Una hanggang Ikatlong Baitang.
Inaasahang ang mga batayang kasanayan sa pagbasa ay matutuhan ng lubusan sa tatlong unang
baitang.
4. Mga Inaasahang Bunga

Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (Pasalita at Pasulat);


nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at mensaheng narinig
at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang
makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Pagkatapos ng Unang Baitang, ang mag-aaral ay inaasahang makabibigkas ng mga alpabeto at


mga simpleng salita. Nagagamit ang magalang na pagbati at nakasusunod sa maikling panuto at
direksiyon. Nakababasa ng bagong salita sa tulong ng bagay, larawan, hugis o anyo, naisusulat
ang sariling pangalan at nakasusulat ng mga payak na pangungusap.

Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, ang mag-aaral ay nakapagsasabi ng pangunahing diwa ng


kuwento o saknong ng tulang napakinggan; nakapaglalarawan ng mga tao, bagay, pook;
nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat ng kabit-kabit
na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.

Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, ang mga mag-aaral makapagsasalaysay ng buod n pinakinggang


balita/ulat; naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinag-uusapan;nakababasa at
naipaliliwanag ang kahulugan ng mga hiram na salita, mga babala at patalastas; nasasabi ang
pagkakaiba ng opinion at katotohanan at naisusulat ang mga idiniktang patalastas, anunsyo,
postyer, liham at iba pang teksto; nakababasa nang may pang-unawa.

Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag ng sariling ideya at


kaisipan tungkol sa mga impormasyon/kuwentong narinig; nakapagbibigay rin ng reaksiyon at
nakalalahok sa iba’t-ibang talakayan, gumagamit ng matalinghagang salita at mga ekpresyong
tuwiran at di-tuwiran. Natutukoy ang mga pangyayaring nag-uugnay sa sanhi at bunga ng mga
pangyayari at napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon. Nakikilala ang iba’t-ibang
bahagi ng aklat/pahayagan at nakasusulat ng maikling komposisyon.

Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, ang mag-aaral nakapagbubuod ng nabasa at napankinggan,


nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga sangkap ng iba’t-ibang bahagi ng pananalita,
nakagagamit ng diksunaryo, “thesaurus” at iba pang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon
at nakasusulat na ng libro, anekdota, patalastas, poster, at sulatin na may 15-20 pangungusap.
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, ang mga mag-aaral ay nakapag-aayos ng napakinggang
teksto at naililipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag. Nagagamit ang
iba’t-ibang pangungusapsa pagpapaliwanag, nakapagbibigay solusyon sa mga suliranin batay sa
karanasan at mga natutuhang kaalaman sa ano mang sitwasyon at nakasusulat na ng iskrip,
paglalarawan, “pictorial essay”, o talumpati sa tulong ng mga ideya na binuo ng klase.

ANG PAMATNUBAY-Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay sa wikang ingles


“Lead”
ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng balita sa kabuuan sapagkat ito ay ang unang
binibigyanng pansin at umakit sa mambabasa. Ang simula ng balita ay nangangailangan ng higit
na atensyon mula sa mambabasa gayundin naman sa manunulat. Sinusuri muna ng mambabasa
ang mga balita atsaka magpapasya kung alin ang babasahin batay sa kanyang panlasa.

You might also like