You are on page 1of 4

GRADE 12 - FILIPINO

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASIYON
Rehiyon XI
NDC-TAGUM FOUNDATION INC.
Apokon Road, Tagum City, Davao del Norte
Tel. #: (084) 216 – 2552
GRADE 12 - FILIPINO: PAGBASA AT PAGSULAT SA
PILING LARANGAN
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

PANGALAN:_____________________________________ PETSA:_____________________

GRADO & SEKSYON:_____________________________ ISKOR:____________________

Pangkalahatang Panuto: MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA


Piliin ang angkop na sagot sa bawat bilang. Bilugan ang tiktik lamang.

1. Isang tekstong binibigkas sa harap ng maraming tao.


A. Posisyong Papel B. Katitikan ng Pulong C. Talumpati D. Tula
2. Nagpapahayag ng mga katangian batay sa limang pandama: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
panalat.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
3. Sumasagot sa mga tanong na sino, ano, bakit, saan, kailan at paano.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
4. Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang sumang-ayon ang tagapakinig.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
5. Nagkukuwento ng mga pangyayaring ugnay-ugnay at may karakterisasyon.
A. Pangangatwiran B. Paglalarawan C. Paglalahad D. Pagsasalaysay
6. Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
A. Talumpati C. Sanaysay
B. Posisyong Papel D. Katitikan ng Pulong
7. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging
epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
A. Lakbay Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Replektibong Sanaysay D. Katitikan ng Pulong
8. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang
manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
A. Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Personal na Sanaysay
9. Isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa
pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong
ideya.
A. Personal na Sanaysay C. Lakbay Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
10. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga kasabihan o sawikain.
A. Lakbay Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Personal na Sanaysay D. Patalinhagang Sanaysay
11. Uri ng sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng tao.
A. Personal na Sanaysay C. Replektibong Sanaysay
B. Patalinhagang Sanaysay D. Kritikal na Sanaysay
12. Uring sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserban.
A. Patalinhagang Sanaysay C. Kritikal na Sanaysay
B. Lakbay Sanaysay D. Replektibong Sanaysay
1
GRADE 12 - FILIPINO

13. Isang uri ng buod na karaniwang makikita sa unang bahagi ng isang papel-pananaliksik.
A. Konklusyon B. Abstrak C. Lagom D. Buod
14. Ang tawag sa paggamit ng wika sa mas matataas na diskurso partikular sa akademya.
A. Imahinasyon C. Higher Thinking Skills
B. Intelektwalisasyon D. Common Sense
15. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak?
A. Parehong maiksi C. Nagsusuma ng akademikong sulatin
B. May iisang talata lamang D. Binubuo ng 200-300 salita
16. Alin sa mga sumusnod na kurso ang HINDI nabibilang sa Agham Panlipunan?
A. Panitikan B. Sikolohiya C. Arkeolohiya D. Ekonomiks
17. Alin sa mga sumusunod na kurso ang nabibilang sa Humanidades?
A. Linggwistiks B. Biolohiya C. Heograpiya D. Sosyolohiya
18. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Mga dumalo C. Lugar ng pulong
B. Oras ng pagsisimula ng pulong D. Ikatlong agenda
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?
A. Oras ng pagtatapos ng pulong C. Pangalan ng organisasyon
B. Lugar ng pulong D. Mga dumalo
20. Alin sa sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing katitikan ng
pulong?
A. Audio recorder C. Bolpen at papel
B. Katitikan ng nakaraang pulong D. Mga dadalo
21. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Pulang-pula ang labi ng babae. C. May dugong Hapones ang babae.
B. Matangos ang ilong ng babae. D. Makinis ang balat ng babae.
22. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa talumpati.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
C. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
D. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
23. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. Sariling paniniwala C. Sariling karanasan
B. Balitang napanood D. Narinig na kwento
24. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
B. Ano ang iyong opinyon tungkol sa korapsyon?
C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
D. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa.
25. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat
upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay
gumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan
ng isang partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay maiksi lamang samantalang ang posisyong papel ay mahaba.
26. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng ekonomiks na nakaugat sa lipunang Pilipino?
A. Pagbibigay ng pasa load C. Pamimili ng prutas
B. Panonood ng mga telenobela D. Pagmamano sa mga nakatatanda
27. Saang mga disiplina nabibilang ang pag-aaral na may pamagat na “Wika, Astronomiya, Kultura:
Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko”?
A. Agham at Agham Panlipunan C. Agham Panlipunan at Humanidades
B. Agham at Humanidades D. Agham at Arkeolohiya
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talumpati?
A. “Kanlungan” C. “Bakit Ako Naging Manunulat”
B. “Solo sa Oslo” D. “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”
2
GRADE 12 - FILIPINO

29. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng replektibong sanaysay?


A. “Dangal at Parangal”
B. “Hindi Ngayon ang Panahon”
C. “Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad”
D. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari”
30. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng posisyong papel?
A. “Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila”
B. “Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan”
C. “Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano”
D. “Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto”
31. Ano ang pinatutunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang-akademya?
A. Pambansang wika ang wikang Filipino
B. Filipino ang mainam gamitin sa iba’t ibang disiplina
C. Intelektwalisado na ang wikang Filipino
D. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino
32. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?
A. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang
impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi at
kultura.
B. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika at
ang mga tradisyon/pamamaraan ng paggamot o medisina.
C. Marapat lamang sundan, hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga
Pilipino propesor na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
D. Hanggang ngayon, ang debate at kontrobersiya sa wika ay umiikot pa rin sa konsepto
ng Filipino bilang isang pambansang wika, o wika ng pagtuturo.
33. “Nais ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong
mapabilis ang intelektwalisasyon nito.” Anong bahagi ng papel pananaliksik ang isinasaad sa itaas na
hango kay Tereso Tullao, Jr.?
A. Layunin C. Interpretasyon ng Datos
B. Rekomendayson D. Daloy ng Pag-aaral
34. Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino
sa mga Kolehiyo at Unibersidad, “Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang
disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na
magiging pundasyon nito.” Ano ang pangunahing argumento sa nasabing pahayag?
A. Pagtakwil sa dayuhang wika C. Pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo
B. Pagkilala ng sariling wika D. Intelektwalisasyon ng wika
35. Batay sa binigkas na talumpati ni Dr. Bienvenido Lumbera sa 2009 Carlos Palanca Awards Night, “Ano
ba ang naging batayan sa pagpaparangal sa nagwaging likha? Galing sa akademya ang karaniwang
hinihirang na hurado, kaya’t ang mga propesor at manunulat ay naghahanap ng mga katangiang
kinikilala sa unibersidad at kolehiyo bilang makabuluhan at makasining.” Ano ang mahihinuha sa mga
pahayag na ito tungkol sa pagpili ng mga paparangalang likha?
A. Mga mahuhusay at tanyag na propesor ang pumipili ng mga mananalo.
B. Kinikilala at batikang mga manunulat ang nagdedesisyon sa mananalo.
C. Mataas na uri ng sining at pagpapahalaga sa lipunan ang pinipiling mananalo.
D. Galing sa akademya ang karaniwang hinihirang na hurado.

II. TAMA O MALI. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Kung tama ang buong pangungusap,
isulat ang TAMA; kung may bahagi namang mali sa pangungusap guhitan ang salita at
isulat ang MALI sa patlang. (2 puntos bawat isa)

36. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita upang maitago ang tunay na
kahulugan ng mga pahayag.
37. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa katitikan ng pulong.
38. Maituturing na lakbay-sanaysay ang programang Biyahe ni Drew.
39. Kalimitang ginagamit ang patalinhagang sanaysay sa mga impormal na sanaysay.

3
GRADE 12 - FILIPINO

40. Konklusyon ang pinakamahalagang bahagi ng papel-pananaliksik kaya ito ang dapat mauna sa pagsulat
ng abstrak.

III. ENUMERASYON. Ibigay ang hinihingi. (Isulat ang sagot sa likod ng papel)
41 – 45. Limang (5) bahagi ng abstrak ayon sa pagkakasunod-sunod.

You might also like