You are on page 1of 4

Ikalawang Markahang Pagsusulit

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang

1.Ito ay isa sa mga .uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay, ayon kay Michael
Stratford, isang guro at manunulat.
a.Lakbay-sanaysay b.Replektibong Sanaysay c.Bionote d.Abstrak
2. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
a.Sanaysay b.Abstrak c.Posisyong-papel d.Lagom
3.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat.Alin sa mga
salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa sanysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay
ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng
manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
5.Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri ang nagiging
epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c.akademikong sanaysay
b. replektibong sanaysay d.personal nasanysay
6.Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan ng isang
manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a.talambuhay b.posisyong papel c.sanaysay d. editoryal
7.Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng prpblema? Sapagkat nakakapag-isip ang isang tao ng
mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan ng piniling aksyon. Napansin
kong pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming biyayang natanggap at hindi nagamit nang wasto.
a.panimula b.katawan c. konklusyon d. lagom
8. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b.katawan c.Konklusyon d. bionote
9.Paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinyon o anumang nais palitawin na ideya.
a.wakas b. katawan c. sanaysay d. simula
10.Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ako, ko
at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d.panauhan

11. Ito ay itinuturing na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung


saan pupunta sa isang lugar__________.
a.pagsasadula b.paglalakbay c.pag-aawit d.pagsasayaw

12. Ito ay sang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa__________.


a.sanaysay b.talumpati c.nobela d.maikling kuwento
13. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan
sa paglalakbay.
a.sanaysay b.nobela c.lakbay-sanaysay d.paggawa ng iskrip

14. Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban sa
isa___________.
a. panulat b. dyornal c. kamera d.radyo

15. Ang mga sumusunod ay konsepto ng sanaylakbay maliban sa isa______________.


a.pasalaysay b.sanay c.sanaysay d.lakbay

16. Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan.
a. travelogue b. blog c. travel blog d. tour

17. Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng
maikling deskripsyon.
a.dyornal b.sanaysay c.larawan d.blog

18. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga


impormasyon.
a.obhetibo b.organisado c.malinaw d.malaman

19. Ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagsulat ng sanaysay maliban sa isa___.
a.malinaw b. malaman/Obhetibo c.organisado d.walang bisa

20. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa
_____.
a. itaguyod ang isang lugar b.pansariling kasaysayan
c. maidokumento ang kasaysayan d.kawilihan lamang

21. Ito ay isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na
pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan.
a.larawang sanaysay b. panukalang proyekto c. lakbay sanaysay posisyong papel
22. Pagsasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunodsunod ng larawan.
a. larawang sanaysay b. panukalang proyekto c. lakbay sanaysay posisyong papel
23. Ang mga sumusunod ay dapat tandan sa pagsulat ng larawang sanaysay maliban sa isa, alin dito?
a. Pumili ng paksa na hindi ayon sa iyong interes.
b. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
c. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
d. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling
nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
24. Alin dito ang hindi hakbang sa pagsulat ng larawang sanaysay?
a. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.
b. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
c. Hindi Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema .
d.Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring
makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
25. Bakit kailangang lagyan ng katitikan ang bawat larawan sa larawang sanaysay?
a. ito ay nakatulong sap ag-unawa ng larawan
b. ito ay makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
c. ito ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikl.
d. ito nagbibigay kasiyahan sa mga mambabasa.
26. Ano ang tatlong bahagi ng panukalang proyekto ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang
aklat na “A Guide to Proposal Planning and Writing,”
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto,
b.Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito.
d. lahat ng nabanggit.
27. Ito ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
a. panukalang proyekto b. lakbay sanaysay c. larawang sanaysay d. posisyong papel
28. Alin dito ang pangunahing layunin ng panukalang proyekto?
a. makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
b. may maisangguni na solusyon sa isang suliranin.
c. may paglaanan ng pondo.
d. nagbigay ng job opportunity sa mga tao.
29. Ito ay ang unang bahagi ng panukalang proyekto ,dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta
ang punto
a. panimula b. wakas c. konklusyon d. wala sa mga nabanggit
30. Pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ito ay talaan ng mga gastusin
( tulad materyales at sweldo sa manggagawa ,allowance sa magbabantay at iba pang kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin
a. layunin b. plano ng dapat gawin c. badyet d. manggagawa
31. 1. Anong gawain na nakasaad sa Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga
may-akda?
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
32. Ano ang mga batayang ito naman ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang
kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang
lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.
a. Etika b. Pagpapahalaga c. Batayan d. Obligasyon
33. Ano ang maling paggamit,"pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng
ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya.
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
34. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag
a. Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
35. Ano ang hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw
(paraphrase)?
a.Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification
36. Kasama dito ang imbensiyon ng datos?
a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
37. Ito ang sinasadyang di-paglagay ng ilang datos.
a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
38. Ito ang pagbago o modipikasyon ng datos
a. Pag-aatubili b.Pagsisikhay c. Paghuhuwad ng datos d. Pagpapahalaga
39. Noong bata pa'y nakapagsulat na ng kuwentong binigyang pamagat na "The Frost King".
a.Hellen Keller b. Margaret T. Canby c. Yusuf abu Hillah d. Sen. Tito Sotto
40. Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng
mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
a.Plagiarism b. copyright c. Integridad d. Modification

You might also like