You are on page 1of 21

DEPARTMENTOFEDUCATIONREGIONIII SCHOOLS DIVISION

OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO

MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL IN FILIPINO

FILIPINO SA PILING LARANG


AKADEMIK
Kwarter 2: Modyul 13 (Week 6)

GRADE 12
POSISYONG PAPEL

GUIDE CARD

Alamin

Sa lipunang ating ginagalawan sa kasalukuyan napakaraming pangyayari o isyung


pinag-uusapan na nararapat lamang pag-ukulan ng pansin lalo kung ito ay may malaking
epekto sa buhay ng bawat mamamayan.
Kaya naman sa bahaging ito magagamit mo ang iyong talino sa pagpapahayag ng
iyong damdamin at pagbibigay ng iyong punto o kaalaman sa napapanahong isyu.
Kinakailangan lamang sa paglalatag ng paninindigan ito ay nakabatay sa katotohanan at
pananaliksik. Paano ka naman paniniwalaan ng iba kung walang batayan o mahina ang
iyong mga ebidensya sa puntong pinaglalaban mo? Ito ang mga kaisipan at kasanayang
bibigyang diin sa kabuoan ng modyul na ito.

LEARNING COMPETENCY LEARNING OBJECTIVES

Nakabubuo ng sulating may Nakasusulat ng posisyong papel


batayang pananaliksik ayon sa tungkol sa napapanahong isyu
pangangailangan taglay ang mga hakbang sa pagsulat
CS_FA11/12PU-0p-r-95 na may maingat, wasto, at angkop
na paggamit ng wika.

Subukin

Unawain ng mabuti ang ipinapahiwatig ng bawat pahayag upang mabuo ang hinahanap
na salita.
1. P _ N _ A _ G _ T _ W _ R _ N •Tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon

2. P _ S _ S _ O _ G P _ P _ L •Uri ng sulating nagpapahayag ng tiyak na


Paninindigan

1
3. _P_N_ON •Pananaw ng isang tao o grupo na maaaring totoo
ngunit pwedeng pasubalian

4. _A_AN_L_K_IK •Proseso ng pangangalap ng mga totoong


impormasyon na humahantong sa bagong
kaalaman

5. E_I_E_S_A •Tinatawag ding mga katibayan upang


patotohanan ang isang bagay

Balikan

Sa nakaraang aralin natutuhan mo ang pagsulat ng isang replektibong sanaysay


ngayon balikan natin ang mga konseptong natutuhan gamit ang thinking balloon isulat ang
katangian, layunin at gamit nito.

Katangian Gamit

Layunin

2
ACTIVITY CARD

Tuklasin

Marahil ikaw ay may karanasan na sa paglahok sa isang debate sa inyong paaralan.


Natatandaan mo pa ba kung paano mo ipinaglaban ang iyong panig, at kung paano ka
naghain ng mga patunay?
Isa sa mga kasanayang dapat malinang sa isang mag-aaral ay ang kakayahang
manindigan sa paggawa ng isang desisyon. Maisasakatuparan ito kung may kakayahang
mangatuwiran sa panig na napili, taglay ang sapat na kaalaman tungkol sa paksang
pinangangatuwiranan sa pamamagitan ng paglalatag ng matibay na ebidensiya.

Ang araling ito ay higit kang matutulungan sa paraan ng pagpapakita ng isang

Suriin

Ayon kay Jocson, et al., sa kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat


Tungo sa Pananaliksik (2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod
na mga paliwanag:
• Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng
isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
• Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan.

3
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatuwiran:
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. Sapat na katuwiran at katibayang makapagpapatunay.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag
ng kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilahad na katwiran.

POSISYONG PAPEL
Ang posisyong papel ay siyang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng
isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din
ito ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninidigan. Bukod sa paninindigan at
mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwirang
kataliwas o katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o dalawang
pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at
mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.

Mga Katangian ng Posisyong Papel


• Naglalarawan ang posisiyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan
sa likod nito.
• Nakabatay sa facts (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
• Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang argumento.
• Gumagamit ng mga sangguniang magpagkakatiwalaan at may awtoridad.
• Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang
sa kabilang panig.
• Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at nagmumungkahi ng mga
maaaring gawin upang matamo ang layunin.
• Gumagamit ng akademikong lengguwahe.

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Tiyakin ang Paksa
May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng posisyong papel. Una,
puwedeng reaksiyon ito sa isang usaping kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa,
puwedeng tugon lamang ito sa isang suliraning panlipunan.

4
2. Gumawa ng panimulang saliksik
Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon
ang isyu, maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga
taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin. Sikaping maging
bukas muna ang isip para makabuo ng matalino a makatuwirang posisyon.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang
dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang
hanay para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. Maaari ring pagtapat-
tapatin ang bawat katuwiran at kontra-katuwiran para makita kung alin ang walang katapat
o hindi pa nasasagot.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Sa yugtong ito, maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling
panindigan. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring
makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit
ng mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayag, at magasin
upang makapagtampok ng napapanahong mga datos o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas
Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksiyon sa
pagsulat ng posisyong papel.
6. Sulatin ang posisyong papel

Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel. Kailangang
buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang maiparamdam at
maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinasabi sa posisyong papel.
Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
7. Ibahagi ang posisyong papel
Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaaring
magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng
mga tao, ipalathala sa pahayagn, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon,
radio, at iba pang daluyan. Maaari ring gamitin ang social media upang maabot ang mas
maraming mambabasa.

Maaaring gamiting Gabay/ Balangkas sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto


• Introduksiyon. Ipinakikilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng usapin.
Maaari na ring banggitin dito ang pangkalahatang paninindigan sa usapin.
• Mga Katuwiran ng Kabilang Panig. Isa-isang ihanay rito ang mga katuwiran ng kabilang
panig. Ipaliwanag nang bahagya ang bawat katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o
pinagkunan ng katuwirang ito-mga dokumento, memorandum, interbyu, at iba pa.

5
• Mga sariling Katuwiran. Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping
may katapat na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito, maaari ring
magbigay ng iba pang katuwiran kahit wala itong katapat. Sa gayon, maipakikita ang
kalamangan ng sariling paninidigan
• Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran. Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa
sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay rito ng karagdagan ebidensiya para lalong
maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran.
• Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat. Lagumin dito ang
mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at
pinakarapat-dapat.
• Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos. Sa isa o dalawang
pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang mga paninindigan. Sikaping gawing
maikli, malinaw, at madaling tandaan ang mga huling pahayag na ito. Maaari ring dito sabihin
ang mungkahing pagkilos na hinihikayat sa babasa ng posisyong papel.
(Isang halimbawang huwaran lang Ito. Maaaring subukan ang iba pang paraan ng pagsasaayos ng posisyong papel.)

ENRICHMENT CARD

Pagyamanin

Gawain 1

6
Gawain sa Pagbasa: Basahin at unawain ang halimbawa ng posisyong papel upang masagutan
ang mga kaugnay na gawain.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa


mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG
PILIPINO, AT MAMAMAYANG PILIPINO.

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013


Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
(PUP), Samahan ng mg Dalabguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng
Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan.

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang
alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28
serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa
nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid naming na pagaagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro
sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at Unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan,
pagtatalo at ang masaklap pa’y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad
at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata naming nakakiling ang Purposive Communication sa
Ingels. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran / Departamento ng
Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular
na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung
susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konstekstp ng Pangkalahatang
Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum
ang ganito: “General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and
the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid
the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature
and addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing.”

Hindi ba’t ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong
isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag -aaral
hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura, at kabihasnan) nasa Filipino ang identidad ng mamamayan
sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na katutugon sa mga kahingiang makapag-
ambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga
asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na
kung tutuusi’y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)


na tinaguriang “largest state university in the country” na binubuo ng humigit kumulang 70,000 na mga
mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga orgnisasyon ay matatag
na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon
sa kolehiyo.

7
Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.
Hindi ba’t [aurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel
ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao at walang malinaw na
kosultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A.,
Osaka University at Tokyo university sa Japan, St. Petersburg university at university of Moscow sa
Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya


nito ay patuloy na nagsusulong ng kailangang pangwika, pangliteratura, pangkultura, at pansining
sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito
mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang
pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inahahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod dito, ang mga
batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa banda ay kabilang sa
Kagawaran ng FIlipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran
ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng
CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino.
Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa
kolehiyo. Sa ganitong punto, muli’t muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang
Pambansa na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing Gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at


pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang
hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,
Pangkultura, at Pansining sa WIkang Filipino na may temang “Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-
aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon
ng Programang K-12” kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014
sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga
guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na
puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng
malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral
at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mg Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap
nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang
Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin
bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identided mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.


Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-
ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842

8
Tayahin 1

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang layunin ng binasang halimbawa ng posisyong papel?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Kung iyong susuriin ang halimbawa ng posisyong papel na binasa sa araling ito,
ano ang iyong masasabi sa bahagi na ito?
A. Introduksiyon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Mga katuwiran ng kabilang panig


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

C. Mga Sariling Posisyon


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

9
Nasisisyahan ako sapagkat naiintidihan mo ang iyong binasang halimbawa ng
posisyong papel dahil buong husay mong nasasagutan ang mga tanong at nagawan mo ng
pagsusuri ang pagkakasulat at nilalaman nito. Nawa’y higit kang matutulungan ng binasa
upang iyong maging gabay kapag susulatin mo na ang sarili mong posisyong papel. Huwag
kang mangamba dahil kasama mo ko hanggang dulo. Masayang pagkatuto!

ENRICHMENT CARD

Gawain 2

Sa pamamagitan ng akrostik bigyan ng kahulugan ang salitang:


P-
A-
N-
G-
A-
N-
G-
A-
T-

10
Tayahin 2

Itiman ang kung wasto ang paglalarawan sa katangian ng posisyong papel at


kung ito naman ay mali.

1. Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon


lamang
2. Gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang argumento
3. Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin
4. Hindi gumagamit ng mga sangguniang magpagkakatiwalaan at may awtoridad
5. Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng
matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento

ENRICHMENT CARD

11
Malayang Gawain 1

POSISYON KATUWIRANG KATUWIRANG


SUMUSUPORTA KUMOKONTRA

1. Dapat nang baguhin


ang pagsisimula ng
klase-mula Hunyo
patungong Agosto.

2. Dapat na magsuot ng
uniporme ang mga
estudyante mula
elementarya hanggang
kolehiyo.

3. Dapat na ipagbawal
ang paggamit ng plastic
sa lahat ng tindahan sa
buong bansa.

4. Dapat nang ibalik ang


parusang kamatayan

5. Dapat na gawing legal


ang paggamit ng
marijuana sa
panggagamot.

12
Malayang Gawain 2

Maraming mga isyu ngayon ang direktang nakaaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang inyong
paninindigan sa ilang mga isyung ito at maglahad ng mga punto kung paano ito nakatulong o
nakatutulong para sa iyong kabutihan. Sa huli ay bumuo ng sariling kongklusyon kung bakit
mahalagang magkaroon ng paninindigan sa buhay

Paggamit ng Ang aking paninidigan…


tablet o iba
___________________________________
pang gadget sa
___________________________________
pag-aaral sa
___________________________________
halip na aklat
___________________________________
sa paaralan.
___________________________________
___________________________________

Pagdaragdag Ang aking paninidigan…


ng dalawang
taon sa Basic ___________________________________
Education sa ___________________________________
(K to 12 ___________________________________
Program ___________________________________
Senior HS) ___________________________________
___________________________________

Malayang Ang aking paninidigan…


paggamit ng
___________________________________
Internet at
___________________________________
social media sa
___________________________________
pag-aaral at
___________________________________
pagpapahayag.
___________________________________
___________________________________

Kailangan magkaroon ng paninindigan dahil…


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

13
Malayang Gawain 3

Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa internet. Suriin ang


nasaliksik na halimbawa bilang paghahanda sa isang posisyong papel na iyong gagawin sa
huling bahagi ng modyul. Gamitin ang balangkas na RAPS sa gawaing ito.

(READ) Pamagat ng nabasang Posisyong Papel

(ABOUT) Tungkol Saan ang Posisyong Papel

(POINT) Punto 1 (POINT) Punto 2

(SUMMARY) Buod ng Binasang Posisyong Papel

14
REFLECTION CARD

Isaisip

Sagutin ng buong puso ang mga kaugnay na tanong.

Bakit mahalagang Paano mo magagamit sa


maipahayag ng isang tao hinaharap ang iyong
ang kaniyang katuwiran? natutuhan sa pagsulat ng
_____________________ posisyong papel?
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________
_____________________ _____________________

15
Isagawa

Sumulat ng isang posisyong papel upang maipakita ang katotohanan at katibayan


ng iyong pagmamatuwid at mahikayat ang mga kabataang tulad mong maganda at tama
ang iyong pinaniniwalaang panig. Alalahanin at isaalang-alang mo ang mga hakbang at
konsepto na natutunan mo sa mga tekstong binasa.
Ipahayag mo nang buong-buo ang iyong paninindigan, pumili sa isa sa mga paksang
malapit sa iyong puso.
A. Paggamit ng tablet o iba pang gadget sa pag-aaral sa halip na aklat
B. Pagdaragdag ng dalawang taon sa Basic Education sa (K to 12 Program Senior HS)
C. Malayang paggamit ng Internet at Social Media sa pag-aaral at pagpapahayag

Pamantayan Puntos

Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5


posisyong papel (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

Nakasusulat ng organisado, malikhain at kahi-hikayat na 5


posisyong papel (CS_FA11/12PU-0p-r-94)

Nakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto at angkop 5


na paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-0p-r-95)

Nakabatay sa pananaliksik at matibay ang ebidensiya ng 5


posisyong papel na nabuo

Kabuoang Puntos 20

16
ASSESSMENT CARD

Tayahin

Kumpletuhin ang mga pangungusap upang mabuo ang kaisipan na nais ipahayag. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Ang pangangatuwiran ay isang _________ ng paglalahad ng mga dahilan
upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
__________2. Ang pangangatuwiran ay isang paraang ginagamit upang mabigyang
________ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.
__________3.Ang posisyong papel ay siyang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang _________ at napapanahong isyu.
__________4.May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang ________ ng
posisyong papel.
__________5.Sikaping maging bukas muna ang ________ para makabuo ng matalino a
makatuwirang posisyon.
__________6.Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang
__________ ang dalawang posisyon.
__________7. Maaaring makipanayam sa mga taong may ________ sa paksang
pinagtatalunan.
__________8.Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng ________ para matiyak ang
direksiyon sa pagsulat ng posisyong papel.

Binabati kita at matagumpay kang nakarating sa bahaging ito. Sana ay magamit mo ang
iyong mga natutuhan at patuloy mo pang mapaunlad.

17
REFERENCE CARD

Mga Aklat:

• Julian, Aileen B. et al.,Pinagyamang Pluma Filipino Sa Piling Larang (Akademik).Quezon


City: Phoenix Publising House, Inc. ph. 77-92.

• Constantino, Pamela C. et al., Filipino Sa Piling Larang (Akademik).Quezon City: Rex


Book Store.ph.216-220.

• Dela Cruz, Mar Anthony S. Pagsusulat Sa Filipino sa Piling Larang (Akademik. Makati
City: DIWA LEARNING SYSTEM, INC.2016. ph.40-47

Internet:

18
Susi sa Pagwawasto

.2 katarungan .5 L
.1 sining .4 DL
TAYAHIN .3 L
ng guro .puntos
ASSESSMENT .2 DL magiging konsiderasyon
.1 DL mga mag-.aaral Nasa
maging kasagutan ng
bahaging .ito (Like o Dislike) Maaaring iba-iba ang
sa pagmamarka sa
Tayahin 2
gamit ang pamantayan BALIKAN
pagwawasto ng guro .puntos
Nasa patnubay at konsiderasyon ng guro
magiging
ISAGAWA
mag-.aaral Nasa
.5 EBIDENSYA
maging sagot ng mga
Maaaring iba-iba ang .4 PANANALIKSIK
pagsasanay na ito
aaral sa bahagi ng Gawain 2 .3 OPINYON
pananaw ang mag-
.2 POSISYONG PAPEL Tayahin 1
makapaglalahad ng
Malayang Gawain sa Pagbasa .1 PANGANATUWIRAN
ISAISIP Gawain 1 SUBUKIN
REFLECTION ENRICHMENT GUIDE

19
This material was contextualized
by the

Curriculum Implementation
Division (CID)
Learning Resources Management and Development System
(LRMDS)

SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material

Manunulat: Queenie L. Bondoc

Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD-EPS Filipino

Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS

Tagaguhit: Carlo S. Yambao / Timothy Bagang (cover)

Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V- Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD, CESE-Asst. Schools Division
Superintendent Rowena t. Quiambao, CESE-Asst. Schools Division
Superintendent Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, EPS -ADM Coordinator

You might also like