You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Alangilan Senior High School
Alangilan, Batangas City

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO SA PILING LARANG


Quarter 1, Weeks 4 – 6

PANGKALAHATANG PANUTO:
a. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at katanungan bago isulat ang sagot.
b. Isulat ang iyong sagot ng malinaw at walang bura sa sagutang papel.
c. Anumang anyo ng pagbura ay maituturing na maling sagot.

Pagsusulit I. Basahin at unawain ang pahayag at katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga


bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin – salin sa bawat panahon.
A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalita
D. Pagsusulat
2. Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan. Binibigyang – pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag – aaral tungkol sa napiling
bokasyon ng isang tao.
A. Akademikong Pagsulat
B. Malikhaing Sanaysay
C. Personal na Pagsula
D. Propesyunal na Pagsulat
3. Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak
B. Bionote
C. Sinopsis
D. Paglalagom
4. Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
A. Abstrak
B. Akademikong Pagsulat
C. Buod
D. Personal na Pagsulat
5. Mahilig manood ng iba’t ibang pelikula si Kyle, nais niyang gawan ito ng buod at i-post sa social
media upang mabigyan ng ideya ang ibang nais manood ng mga pelikulang ito? Anong uri ng
lagom ang maaari niyang gawin?
A. Abstrak
B. Bionote
C. Sinopsis

Address: Primewater Road, Alangilan, Batangas City, Batangas 4200


Telephone No: (043) 741 - 8682
Email: 342235@deped.gov.ph
“Soar High with Excellence, Lead with Confidence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Alangilan Senior High School
Alangilan, Batangas City

D. Paglalagom
6. Ito ay uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
A. Abstrak
B. Bionote
C. Sinopsis
D. Paglalagom
7. Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom ang dapat isagawa rito?
A. Abstrak
B. Bionote
C. Sinopsis
D. Paglalagom
8. Sa iyong palagay, bakit nararapat na ibatay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi ang
sinopsis?
A. dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula sa akda.
B. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin.
C. suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
D. pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa.
9. Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng akda gamit
ang_____?
A. sariling salita
B. salita ng awtor
C. salita ng kahit sino
D. salita ng awtor at sariling salita
10. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o buod?
A. Pagbuo ng balangkas
B. Pagbasa sa buong seleksiyon o akda
C. Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal
D. Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagsulat ng paglalagom na
sinopsis?
A. Basahin ang buong seleksiyon o akda.
B. Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.
C. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.
D. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
12. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng sinopsis o buod?
A. Para mapadali ang pagbasa ng isang pananaliksik.
B. Para makasunod sa pagbabago ng lipunan.
C. Para maayos na maipakilala ang sarili sa social network.
D. Para makapagpahayag nang mabisa sa simple at maikling paraan.

Address: Primewater Road, Alangilan, Batangas City, Batangas 4200


Telephone No: (043) 741 - 8682
Email: 342235@deped.gov.ph
“Soar High with Excellence, Lead with Confidence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Alangilan Senior High School
Alangilan, Batangas City

13. Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang _________ na ginamit kung saan hinango
ang orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian
B. aklat
C. awtor
D. lagom
14. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel,
web sites at iba pa.
A. Negosyo
B. Medikal
C. Akademiko
D. Arkitektural
15. Maipakikilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng personal na impormasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay
A. Gamit
B. Layunin
C. Kahulugan
D. Kalikasan
16. Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, kung saan
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote.
A. Baligtad na tatsulok
B. Tatsulok
C. Bilog
D. Kwadrado
17. Ang salitang ito ay ginagamit upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin ng
maipakilalal ang sarili sa tuwirang paraan.
A. Matalinghaga
B. Tayutay
C. Payak
D. Idyoma
18. Isinusulat ang bionote sa panauhang ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A. Una
B. Ikalawa
C. Ikatlo
D. Ikaapat
19. Una itong isinusulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala.
A. Kasarian
B. Natapos
C. Tirahan
D. Pangalan

Address: Primewater Road, Alangilan, Batangas City, Batangas 4200


Telephone No: (043) 741 - 8682
Email: 342235@deped.gov.ph
“Soar High with Excellence, Lead with Confidence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Alangilan Senior High School
Alangilan, Batangas City

20. Ang bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga mababasa ukol sa
kasanayan ng may – akda at mga parangal at nakamit nito.
A. Naratibo
B. Impormatibo
C. Ekspresibo
D. Deskripto
21. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandan sa pagsulat ng synopsis maliban sa _____.
A. Gumamit ng ikalawang panauhan
B. Banggitin ang pamagat at may akda
C. Maaaring buuin ang buod ng isang talata
D. Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito
22. Isa sa panonood ng pelikula ang naging libangan ni Dhan habang nasa ilalim ng Community
Quarantine ang bansa. Nais niyang sumulat ng pinasimpleng bersiyon ng pinanood, anong uri ng
lagom ang dapat niyang gawin?
A. Sinopsis o buod
B. Paglalagom
C. Bionote
D. Abstrak
23. Bakit mahalagang basahin ang buong seleksiyon ng akda bago bumuo ng sinopsis o buod?
A. upang makapagbalangkas
B. upang walang makalimutan sa isusulat
C. upang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito
D. para matiyak kung gaano kahaba ang susulating synopsis
24. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote maliban sa _____.
A. Sikaping maisulat lamang ito ng maiksi
B. Isulat ito gamit ang unang panauhan
C. Magsimula sa pagpanggit ng mga personal na impormasyon
D. Gumamit ng mga payak na salita upang ito ay mas madaling maunawaan
25. Alin sa mga sumusunod ang hindi gaanong binibigyang pansin sa pagsulat ng Bionote?
A. Haba ng sulatin
B. Kaangkupan ng Nilalalaman
C. Balangkas ng Pagsulat
D. Paraan ng Pagsulat
26. Dito nakapaloob ang pag-alam ng mga impormasyong dapat isama batay sa kung sino ang taga
pakinig o mambabasa.
A. Larawan
B. Balangkas sa Pagsulat
C. Haba ng Bionote
D. Kaangkupan ng Nilalaman
27. Isinasaad sa bahaging ito ang format kung paano isusulat ang isang Bionote.
A. Larawan

Address: Primewater Road, Alangilan, Batangas City, Batangas 4200


Telephone No: (043) 741 - 8682
Email: 342235@deped.gov.ph
“Soar High with Excellence, Lead with Confidence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Alangilan Senior High School
Alangilan, Batangas City

B. Balangkas sa Pagsulat
C. Pormalidad ng sulatin
D. Kaangkupan ng Nilalaman
28. Alin sa mga sumusunod na bionote ang HINDI dapat nilalagyan ng contact information?
A. Aplikasyon sa Trabaho
B. Maykro Bionote
C. Panauhing Pandangal
D. Maikling Bionote
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paggagamitan ng Bionote?
A. Aplikasyon sa trabaho
B. Paglilimbag sa aklat
C. Pagpapakilala sa panauhing pandangal
D. Pagpapakilala sa bagong kaibigan
30. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na katangian ng isang mahusay ng Bionote?
A. may mahabang nilalaman ang sulatin
B. gumagamit ng unang panauhang pananaw
C. kinikilala ang layunin ng sulatin at uri ng mambabasa at tagapakinig
D. nagsisimula sa di gaanong mahalagang impormasyon tungo sa pinakamahalaga

Prepared by: Validated by: Approved by:

HAZELLE D. MACALALAD MA. QUEENITA REALINGO ARNOLD D. DIONA


Teacher II Master Teacher II Officer-In-Charge

Address: Primewater Road, Alangilan, Batangas City, Batangas 4200


Telephone No: (043) 741 - 8682
Email: 342235@deped.gov.ph
“Soar High with Excellence, Lead with Confidence”

You might also like