You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

Apolinario Mabini Campus

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


UNANG SEMESTRE TAONG 2021-2022

MAHABANG PAGSUSULIT
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Pangalan: ________________________________ Petsa:_____________


Baitang at Pangkat: _______________________ Iskor: _____________

I. Pagpili

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.
A. Niponggo
B. Mandarin
C. French
D. Ingles

2. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang baitang 3.


A. Pantulong na wika
B. Katutubong wika
C. Mother Tongue
D. Wikang Ingles

3. Mas mabuting
A. Gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
B. Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
C. Gamitin ang Ingles lamang
D. Huwag gamitin ang Ingles o Filipino

4. Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-
ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
A. Wikang Pambansa
B. Wikang Panturo
C. Wikang Opisyal
D. Mother Tongue

5. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil


A. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
B. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
C. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
D. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon

6.“Ngayon, Bukas at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Chiangco sa kanyang programang
“Magpakailanman sa telebisyon
A. Pantulong na wika
B. Wikang Pambansa
C. Wikang Opisyal
D. Wikang Panturo

7. Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang kanyang
ginagamit?
A. Pantulong na wika
B. Wikang Pambansa
C. Wikang Opisyal
D. Wikang Panturo

8.Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang


nasasakop.
A. Wikang Pambansa
B. Wikang Panturo
C. Wikang Opisyal
D. Wika

9. Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas
A. Pantulong na Wika
B. Wikang Pambansa
C. Wikang Opisyal
D. Wikang panturo

10. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:


A. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral l
B. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
C. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
D. Lahat ng ito

11. Makikita ang rumaragasang tubig sa Cagayan River dahil sa lakas ng Bagyong Jonel. Anong teorya ng wika
nakapaloob ang nasabing pangungusap?
A. Teoryang Bow-wow
B. Teoryang Tararaboom-de-ay
C. Teoryang Yo-he-ho
D. Teoryang Ta-ta

12. Tumatalon sa tuwa si Jhana ng makapasa siya sa eksaminasyon sa pagiging doctor. Anong teorya ng wika
nakapaloob ang nasabing pangungusap?
A. Teoryang Eureka
B. Teoryang Pooh-pooh
C. Teoryang Ding-dong
D. Teoryang Hocus-pocus

13. Anong teorya ng wika ang ipinahihiwatig ng larawan sa ibaba?

A. Teoryang Coo-coo
B. Teoryang Yo-he-ho
C. Teoryang Babble Lucky
D. Teoryang Pooh-pooh

14. Anong teorya ng wika ang ipinahihiwatig ng larawan sa ibaba?

A. Teoryang Bow-wow
B. Teoryang Ding-dong
C. Teoryang Pooh-pooh
D. Teoryang Ta-ta

15. Ang pagsigaw ng isang katarista.


A. Teoryang Bow-wow
B. Teoryang Sing-song
C. Teoryang Ding-dong
D. Teoryang Yo-he-ho

16. Ang Bilinggwalismo ay _____________.


A. isang tao na marunong mag tagalog at ingles
B. isang tao na nagsasalita ng maraming lengguwahe
C. isang tao na nagsasalita ng dalawang lengguwahe
D. isang sasakyan na dalawa ang gulong

17. Ano ang naging batayan ng wikang pambansa?


A. Cebuano
B. Ilokano
C. Tagalog
D. Pilipino

18. Ilang katutubong wika ang pinagpilian ng batayan ng wikang pambansa?


A. 6
B. 7
C. 8
D. 9

19. Ang wika ay patuloy na nagbabago, anong katangian ng wika ang tinutukoy?
A. dinamiko
B. may sistema
C. sinasalitang tunog
D. pinipili at isinasaayos

20. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan.
A. Henry Allan Gleason
B. Cambridge Dictionary
C. Bloch at Trager
D. Charles Darwin

21. "Ay Pedro ako'y lagi mo na laang niloloko tayo'y maghiwalay na". May punto ng nga taga-Quezon ang paraan ng
pananalita
A. Idyolek
B. Dayalek
C. Pidgin
D. Creole

22. "Grabe na 'to, to the highest level." Kilalang-kilala ng mga tao ay boses ni Ruffa Mae Quinto
A. Idyolek
B Sosyolek
C. Pidgin
D. Etnolek

23. Nabigo sa pag-ibig si Jen. Nagpunta siya ng Abra upang makalimot. Sa pagtigil niya roon ay marami siyang
natutuhang mga katutubong salita.
A. Itnolek
B.Register
C.Sosyolek
D.Pidgin

24. "Sinecth itey na kalorking baklalush ang everyday hagardo bersosa?" Wika ni Alfred sa kaibigan si May .
A. Pidgin
B. Creole
C. Sosyolek
D. Dayalek
25. "Why always so tagal? I'm so inip na here. I'm galit-galit to you na."Pag-iinarte ni Carylle sa Kaibigan si Marriane
A. Sosyolek
B. Idyolek
C. Itnolek
D. Dayalek
26. "Hoy pre pautang naman, gipit na ako eh." Saad ni Joseph sa kaibigan. Ngunit nagbago ito sa kanyan Ate "te
pwede mo po ba akong pahiramin ng pera."
A. Pidgin
B. Creole
C. Sosyolek
D. Register

27. Gumawa ng paraan para magkaintindihan ang Hapones na si Fumya at Tsinong si Chua. Kaya bumuo sila ng
mga bagong salita.
A. Pidgin
B Dayalek
C. Idyolek
D. Sosyolek

28. Mabilis makilala ng mga tao ang bibong boses ni Marc Logan at kadalsan kingigilwan ito ng mga nakaririnig.
A. Sosyolek
B. Idyolek
C. Pidgin
D. Itnolek

29. Isa ito sa mga katangian ng wika na ang wika ang gamit ng tao sa pagpapangalan ng anuman sa mundong
kaniyang ginagalawan, halimbawa: ang tawag niya sa kaniyang Diyos, sa kaniyang pamilya, sa kalagayan ng
panahon, sa mga sakit at gamot at iba pa.
A. kabuhol ng wika
B. sinasalita
C. arbitraryo
D. tunog

30. Ang ____________________ ng wika ay nag-uugat sa mga pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo,
maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
A. Register
B. Linggwistiko
C. Barayti
D. Lenggwahe

TAMANG SAGOT
1. D
2. C
3. A
4. C
5. C
6. C
7. C
8. C
9. B
10. D
11. A
12. B
13. A
14. D
15. D
16. C
17. C
18. C
19. A
20. A
21. B
22. A
23. A
24. C
25. A
26. D
27. A
28. B
29. A
30. C

Inihanda nina: Iniwasto ni: Natanggap ni:


Bb. Charity Matining Bb. Charity F. Matining Gng. Mary Ann L. Camitos
Bb. Donna Mae Solis Koordineytor sa Filipino Akademik Koordineytor
Bb. Jhezaquin Imperial
Bb. AshleeMagistrado G. George B. Acopio Jr.
G. Ramil Ordinario Koordineytor ng GAS
Mga Guro sa Filipino
Pinagtibay ni: Binigyang pansin ni:
G. Dean Joseph Bereña Bb. Lydia T. Terrado
Punong-guro, JHS & SHS OIC, High School Department
Department

You might also like