You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF DAGUPAN CITY
DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL-SENIOR HIGH SCHOOL
City of Dagupan
UNANG KUWARTER
DAYAGNOSTIK NA PAGSUSULIT
FILIPINO SA PILING LARANGAN-AKADEMIK B12
T.P. 2021-2022

LAST NAME FIRST NAME MI

Baitang/Seksiyon: ______________ Petsa: __________ Iskor: ______ Lagda ng Magulang:___________


Panuto: I-shade ang titik ng tamang sagot.

1. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.


A. Panukalang Proyekto C. Talumpati
B. Agenda D. Katitikan ng Pulong
2. Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad
A. Panukalang Proyekto C. Talumpati
B. Agenda D. Katitikan ng Pulong
3. Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng idea.
A. Panukalang Proyekto C. Talumpati
B. Agenda D. Katitikan ng Pulong
4. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga.puntong napag-usapan at
makatotohanan.
A. Panukalang Proyekto C. Talumpati
B. Agenda D. Katitikan ng Pulong
5. Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood.
A. Piktoryal na Sanaysay C. Talumpati
B. Replektibong Sanaysay D. Abstrak
6. Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap.
A. Piktoryal na Sanaysay C. Talumpati
B. Replektibong Sanaysay D. Abstrak
7. Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng nilalaman.
A. Piktoryal na Sanaysay C. Talumpati
B. Replektibong Sanaysay D. Abstrak
8. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod na pangyayari sa
kuwento.
A. Bionote C. Talumpati
B. Sintesis D. Abstrak
9. May makatotohanang paglalahad sa isang tao.
A. Bionote C. Memorandum
B. Sintesis D. Abstrak
10. Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti ang papaksain ng pulong.
A. Bionote C. Memorandum
B. Sintesis D. Abstrak

11. Nais malaman ni Brandon kung saan ilalagay ang pangalan ng may-ari ng
paniksik na ginawan niya ng abstrak. Sa aling bahagi ito?
A. Pamagat C. Mananaliksik
B. Suliranin D. Tagapayo
12. Kailangang malaman ni Sansa ang payo ng may-ari ng pag-aaral. Aling bahagi ng abstrak ito
makikita?
A. Lagom C. Degree
B. Rekomendasyon D. Konklusyon
13. Ilang uri mayroon ang pagsulat ng isang sintesis?
A. 1 C. 3
B. 2 D. 4
14. Dito isinasaad ang layunin ng isang panukalang proyekto.
A. Rasyunale C. Benepisyo
B. Deskripsiyon D. Plano
15. Inilalagay dito ang mga magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng panukalang
proyekto
A. Rasyunale C. Benepisyo
B. Deskripsiyon D. Plano
16. Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sino-sino ang makikinabang.
A. Rasyunale C. Benepisyo
B. Deskripsiyon D. Plano
17. Ilagay dito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto
A. Lagom C. Pondo
B. Rasyunale D. Suliranin
18. Isang uri ng akademikong sulatin na naglalayong tumuklas ng mga bagong lunas at solusyon.
A. Pananaliksik C. Sanaysay
B. Surimbasa D. Bionote
19. Alin dito ang isang di akademikong sulatin
A. Sanaysay C. Abstrak
B. Tula D. Bionote
20. Ang kabuoang lamanin ng pananaliksik sa paraang maikling paglalahad
A. Lagom C. Degree
B. Rekomendasyon D. Kongklusyon
21. Humihingi ng mga impormasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad, petsa at lugar ng
kapangakan, tangkad, timbang at iba pa.
A. Curriculum Vitae C. Resume
B. Biodata D. Bionote
22. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
A. Bionote C. Komiks
B. Pananaliksik D. Agenda
23. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
A. Liriko ng Kanta C. Literatura ng Sayaw
B. Tula D. Balita

24. Alin sa mga sumusunod ang hindi taglay ng isang Bionote?


A. anekdota sa pagkabata C. Kasalukuyang posisyon o interes
B. Edukasyong natamo D. Karanasang propesyunal

25. Nakasulat sa ikatlong panauhan ang pangungusap. Ito ay paraan ng pagsulat ng aling uri ng
akademikong sulatin?
A. Balita C. Panukalang Proyekto
B. Pananaliksik D. Bionote
26. Ang Akademikong Pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat.
A. Tama C. May ilang pagkakataon lamang
B. Mali D. ito ay ayon sa nagsusulat
27. Alin ang hindi madalas pinapaksa ng isang panukalang proyekto?
A. Edukasyon C. Karahasan
B. Kalinisan D. Kalusugan
28. Saan nakalahad ang kabutihang hatid ng isang panukalang proyekto?
A. Pagpapahayag ng Suliranin C. Planong Dapat Gawin
B. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto D. Deskripsyon ng Proyekto
29. Anong bahagi ng isang proyekto makikita ang mga hakbang sa pagkabuo nito?
A. Pagpapahayag ng Suliranin C. Planong Dapat Gawin
B. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto D. Deskripsyon ng Proyekto
30. Ito ang higit na tinitingnan ng mga donor kung kakayanin ang isang proyekto.
A. Pagpapahayag ng Suliranin C. Planong Dapat Gawin
B. Pondong kailangan sa proyekto D. Deskripsyon ng Proyekto
31. Alin sa sumusunod ang ikatlong hakbang sa pagsulat ng buod?
A. Gumamit ng siya, Apelyido ng awtor o ang manunulat
B. Isulat ang Buod.
C. Mangalap ng datos
D. Ayusin sa lohikal na paraan
32. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang buod, alin ang hindi?
A. Gumamit ng susing salita o talasalitaan
B. Gumamit ng matalinhagang pananalita
C. May obhektibong ayos ng orihinal sa teksto
D. Hindi nagbibigay ng sariling idea at puna
33. Ito ang pinakakaraniwan sa mga uri ng abstrak. Maaaring binubuo 200 salita.
A. Kritikal C. Impormatibo
B. Deskriptibo D. Perpektibo
34. Sulating nagsasaad ng buod ng isang pananaliskik.
A. Agenda C. Sintesis
B. Sanaysay D. Abstrak
35. Bahagi ng Abstrak na nagsasaad ng mungkahi ng binasang pananaliksik.
A. Layunin C. Konklusyon
B. Rekomendasyon D. Lagom
36. Uri ng Abstrak na binubuo lamang ng 100 na salita.
A. Impormatibo C. Deskriptibo
B. Kritikal D. Perpektibo
37. Ito ang pang-apat na bahagi ng isang kritikal na abstrak.
A. Tagapayo C. Rekomendasyon
B. Paksa D. Layunin
38. Ito ang hindi katangian ng isang abstrak.
A. Nagsisilbi itong gabay sa mambabasa.
B. Nagbibigay ito ng aral at direksiyon sa mambabasa na maging mapanuri
C. Naglalaan ito sa mambabasa na maging tiyak sa paglalahad
D. Nagbibigay daan upang mas makilala ang may-akda
39. Ang isang abstrak ay gumagamit ng future tense na pananalita.
A. Tama C. Sa ilang pagkakataon
B. Mali D. Naaayon sa manunulat
40. Anong uri ng sanaysay na naghahanap ng reksyon at opinyon ng manunulat
A. Piktoryal C. Replektibo
B. Lakbay D. Konotatibo

41. Kakikitaan ng mga karanasan at natunghayan sa pagpunta sa Cebu.


A. Piktoryal C. Replektibo
B. Lakbay D. Konotatibo
42. Ginamit ito ni Pedro upang panindigan ang kanyang adhikain at paniniwala.
A. Replektibong Sanaysay C. Abstrak
B. Posisyong Papel D. Katitikan ng Pulong
43. Isang abiso sa gaganaping pulong sa makalawa.
A. Replektibong Sanaysay C. Abstrak
B. Memorandum D. Katitikan ng Pulong
44. Nakapaloob dito ang mga dumalo at hindi dumalo sa isang pulong
A. Replektibong Sanaysay C. Abstrak
B. Memorandum D. Katitikan ng Pulong
45. Naiuugnay ni Luna ang kanyang sarili sa kuwentong nabasa.
A. Replektibong Sanaysay C. Abstrak
B. Memorandum D. Katitikan ng Pulong
46. “Nagtapos siya ng kursong Malikhaing Pagsulat sa Pamantasan ng Santo Tomas,”
sa aling sulatin madalas makita ang ganitong datos?
A. Abstrak C. Sintesis
B. Bionote D. Panukalang Proyekto
47. Lagi na lang bumabaha sa kanilang barangay. Nais ni Ron na makatulong gamit
ang kanyang kaalaman sa pagiging enhenyero. Anong sulatin ang angkop niyang
gamitin?
A. Abstrak C. Sintesis
B. Bionote D. Panukalang Proyekto
48. Nais malaman ni Maria kung sino ang may-akda sa kanyang paboritong kuwento.
Anong sulatin ang makatutulong sa kanya?
A. Abstrak C. Sintesis
B. Bionote D. Panukalang Proyekto
49. Anong sulatin ang mainam na gamitin ni Harry upang lubusang maintindihan ang
pag-aaral na “Social Media: Epekto sa Performans ng mga mag-aaral sa Hogwarts
School”?
A. Abstrak C. Sintesis
B. Bionote D. Panukalang Proyekto
50. Nais ilagay lamang ni Rafael ang mga mahahalagang detalye sa pagbuod niya ng
Noli Me Tangere ngunit ayaw niya ito isulat sa paraang maraming makikitang
salita. Alin paraan ng pagsulat ng sintesis ang angkop sa kanyang plano?
A. Padayagram na Sintesis C. Pabaligtad na Sintesis
B. Patalatang Sintesis D. Palarawan na Sintesis

You might also like