You are on page 1of 3

LIANGA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

DIAGNOSTIC TEST
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
S.Y. 2022-2023

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.Bilogan ng iyong napiling titik sa nakalaang sagutang
papel.
1. Isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mag-aaral tungo sa paglinang at pagpapahusay sa
mabisang pag-unawa.
A. pagsulat B. pagbasa C. pakikinig D. pagsasalita
2. Upang maging matagumpay ang pagbabasa ng teksto, mahalagang isaalang-alang ang mga
sumusunod MALIBAN sa?
A. pagsulat B. pagbasa C. Tagasulat D. pagsasalita
3. Naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na
paghahanay.
A. impormatibo B. persuweysib C. argumentatibo D. naratibo
4. Patnubay sa pagsulat ng tekstong impormatibo kung saan kailangan piliin niya ang mga
impormasyong higit na magpapaliwanag ng paksa.
A. planong lohikal B. pangunahing kaisipan C. nakawiwili D. paksang maayos ang pokus
5. Maihahalintulad ito sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang nakasaksi sa mga
pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang ginagamit ng manunulat.
A. impormatibo B. naratibo C. argumentatibo D. deskriptibo
6. Ito ay purong pangkaalaman ang detalyeng sinasabi. Mga tiyak na impormasyon at pawing
katotohanan lamang ang ginagamit na mga katangian.
A. di-karaniwang paglalarawan C. masining na paglalarawan
B. karaniwang paglalarawan D. malikhain paglalarawan
7. Naglalahad ng mga konsepto, pangyayari, bagay o mga ideya na nagsasaad ng panghihikayat sa
mga mambabasa.
A. naratibo B. impormatibo C. persuweysib D. argumentatibo
8. Imporma na pagsasalaysay na para bang nagkukwento ka lamang ng isang bagay o pangyayari.
A. naratibo B. persuweysib C. deskriptibo D. impormatibo
9. Madalas na makikitaang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t-ibang estilo ng pagkakasunod-
sunod ng pangyayari. Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan ng kwento.
A. oryentasyon B. estraktura C. paksa D. tunggalian
10. Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng isang kwento.
A. diyalogo B. foreshadowing C. plot twist D. ellipsis
11. Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tanggulian. Maaaring masaya o hindi batay sa
magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.
A. pagsalaysay B. tunggalian C. comic book death D. resolusyon
12. Ang layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig/ tagabasa na tanggapin ang kawastuhan o
katotohanan ng isang paninindigan o di kaya maimpluwensiyahan ang kanilang pananalig o
paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pahayag.
A. argumentatibo B. prosidyural C. persuweysib D. impormatibo
13. “Ang pakikiisa ng mamamayan sa pamahalaan ay mahalaga upang malutas ang mga suliranin ng
ating lipunan.”
A. pangyayari B. kahalagahan C. patakaran D. kaganapan
14. Naghahandog lamang ng dalawang opsyon o pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang
iba pang alternatibo.
A. argumentum B.dilemma C. maling analohiya D. non sequitir
15. Kung ikaw ay nagnanais na buuin o lutuin, ito ang teksto na kinakailangan mong basahin.
A. argumentatibo B. impormatibo C. prosidyural D. naratibo
ANSWER KEY
1. B
2. C
3. A
4. D
5. D
6. B
7. P
8. A
9. E
10. C
11. D
12. A
13. B
14. B
15. C

You might also like