You are on page 1of 1

Panuto: Tukuyin ang uri ng ginamit na lihis na pangangatwiran.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa


sagutang papel.

A. Argyumentum ad hominem
B. Argyumentum Ad baculum
C. Argyumentum ad miscericordiam
D. Argyumentum Ad numeram
E. Argyumentum ad ignorantiam
F. Batay sa Pagkakaugnay ng dalawang pangyayari
G. Batay sa pagkakasunod ng mga Pangyayari
H. Non-sequiter- Walang kaugnayan
I. Paikot-ikot na Pangangatwiran
J. Padalos-dalos na Paglalahat

1. Tiyak na kikita ang kanilang pelikula. Napakaraming dumalo sa Fan’s Day nila.
2. Ayokong mag-aral sa UP dahil sa puro sa aktibista ang mga tao roon. Baka mapabayaan ko ang
aking pag-aaral.
3. Karapat-dapat na Manalo ang batang iyan sa paligsahang ito dahil malaking tulong ang premyo
para sa kanilang pag-aaral.
4. Napaka-play girl mo naman. Linggo-linggo ay iba-iba ang naghahatid sa iyo.
5. Tiyak na pipilahan ang kanilang pelikula. Primier nigt pa lamang ay napakarami na nang nanood.
6. Bagsak na ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa nagkalat ang mga pirated CD at DVD.
7. Galit si Ma’am sa akin. Mula nang hindi ko siya batiin noong isang araw ay lagi na niya akong
tinatawag sa klase kahit hindi ko alam ang sagot.
8. Naghimala sa akin ang Nazareno. Nang hawakan ko ang laylayalan ng kanilang damit ay bigla
akong gumaling.
9. Kapag ipinagpatuloy ko ang paglalathala ng iyong scientific findings, tiyak na tatanggalin ng
gobyerno an gating badyet.
10. GMA Kapuso ang pinakasikat na istasyon dahil lahat kami sa bahay, maging ang aking mga
kamag-anak, at kapitbahay ay pawing sa mga palabas ng GMA nakatutok.
11. Nakatapak ng nuno sa punso si Lotlot. Makalipas ang ilang araw ay nilagnat siya.
12. Dumarami ang masasama dahil sa talamak na kasamaan.
13. Hindi dapat paniwalaan ang sinasabi ni Jejomar Binay. Isa siyang di-mapagkakatiwalaang politiko
na nagpapawa sa mahihirap.
14. Ayokong makipagkaibigan sa kaniya dahil baduy at kakaiba ang kanyang mga hilig.
15. Hindi ako naniniwalang malubha pa rin ang kalagayan ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa
Tacloban dahil wala na akong naririnig na ganitong balita tungkol sa kanila.

You might also like