You are on page 1of 12

PERIODIC TEST WRITESHOP

Learning Area: ESP 5 Quarter: SECOND QUARTER

Grade Level: GRADE 5 Test Writers

XYRRA MYRNA L. WABAN


Teacher I
Maligaya Elementary School

RHEA MAE M. CAO


Teacher III
Nagkaisang Nayon Elementary School
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Taong Panuruan 2023-2024

Pangalan: _____________________________________________ Iskor :___________


Baitang at Pangkat: ______________________________________Petsa: __________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.

1. Nagkaroon ngmatinding pagbaha sa lugar ng matalik mong kaibigan. Paano mo


maipakikita ang pagmamalasakit mo sa kaniya at sa kaniyang pamilya?
A. Umasang uulanin din sa inyong lugar.
B. Manalangin para sa kanilang kaligtasan.
C. Hayaan lang sila dahil hindi ka naman apektado.
D. Magdiwang dahil tiyak suspendido ang klase sa susunod na araw.
2. Ang pamilya ni Aling Marta ay hirap sa buhay. Wala silang telebisyon, radyo, at
cellphone kung kaya hindi nila agad agad nalalaman ang kalagayan ng panahon sa araw-
araw. Kaklase mo at malapit na kaibigan ang bunsong anak ni Aling Marta. Napanood
mo sa telebisyon na may malakas na bagyong paparating sa susunod na araw. Ano ang
iyong gagawin?
A. Sasabihin sa kaibigan ang tungkol sa paparating na bagyo para makapaghanda sila.
B. Magsasawalang-kibo na lamang ako dahil ayaw kong makialam sa kanila.
C. Sasabihin ko sa aking kaibigan na wala namang paalala ang PAGASA.
D. Yayain ang kaibigan na matulog sa bahay para manood siya ng balita.
3. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagbibigay ng babala o impormasyon?
A. Alamin muna kung totoo ang impormasyong nakalap bago ibahagi sa iba.
B. Dagdagan ang impormasyong iyong nakalap bago ibahagi sa iba.
C. Bawasan ang impormasyong iyong nakalap bago ibahagi sa iba.
D. Wala akong maitutulong dahil bata pa ako.
4. Mula Lunes hanggang Biyernes ay napansin mo ang kaklase na walang baon. Napag-
alaman mong maysakit ang kaniyang tatay at siya lang ang inaasahan para makapaghanap
ng kanilang makakain. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan nalang siya.
B. Hindi ko siya kakaibiganin.
C. Mag-share ako sa kanya ng aking baon dahil sobra naman ang pagkaing
inihahanda ni Nanay.
D. Pagtawanan siya at sabihang huminto nalang sa pag-aaral para makahanap siya ng
trabaho para sa kaniyang pamilya.
5. Ang babala ay ___________.
A. Isang paalala upang makaiwas sa anumang sakuna.
B. Isang opinyon na nais lang ipahayag ng tao.
C. Nakapagpapakaba sa tao.
D. Haka-haka lamang.
6. Nakita mong binubully ng ibang bata sa covered court ng paaralan ang bagong lipat na
mag-aaral. Kanino mo ito ipagbibigay alam?
A. Ireport sa kapwa mag-aaral.
B. Sawayin ang batang nambubully at ireport agad sa iyong guro.
C. Ireport kaagad sa Kapitan ng barangay.
D. Isumbong ang pangyayari sa magulang ng batang binubully.
7. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kapwa sa oras ng pangangailangan?
A. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya.
B. Ipagdadasal ko ang mga taong higit na nangangailangan.
C. Uunawain ko ang kanilang kalagayan at hindi ko sila pagtatawanan.
D. Lahat ng nabanggit.
8. Nakita mong nakikipag-away ang iyong kaklase sa labas ng paaralan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Sasali ako sa suntukan.
B. Bumalik sa loob ng paaralan at isumbong sila sa punungguro.
C. Hayaan na lamang sila para di ka madamay sa gulo na kinasasangkutan niya.
D. Humingi ng tulong sa mga nakatatanda para awatin ang dalawang nag-aaway at
para kausapin sila ng mahinahon.
9. Ang taong may malasakit sa kapwa ay _____ ng Diyos.
A. Kinaiinisan
B. Kinalulugdan
C. Kinakamusta
D. Kinatatakutan
10. May kaklase kang kalilipat lamang galing sa probinsya. Pinagtatawanan ng ibang kaklase mo
ang kaniyang Tagalog. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan na lamang sila.
B. Isumbong sa Nanay ng kaklaseng bagong lipat.
C. Makiisa ka sa mga kaklaseng tumatawa dahil totoo namang tonong Bisaya siya.
D. Pagsabihan ang mga kaklase na masama ang kanilang ginagawa at isumbong sila sa guro.
11. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagsasabi ng kapintasan ng iyong matalik na
kaibigan?
A. Ikwento sa iba ang kaniyang kapintasan.
B. I-post sa facebook wall ang kapintasan niya.
C. Pagsabihan ang iyong kaibigan at wala kang pakialam kahit masaktan siya.
D. Kausapin at sabihin sa kanya nang maayos, sa paraang hindi masasaktan ang iyong kaibigan.
12. Nakita mo ang mukha ng snatcher na kumuha ng cellphone ng babaeng naglalakad sa palengke.
Marami rin ang nakasaksi sa pangyayari ngunit wala ni isa mang nagsalita noong dumating ang pulis.
A. Tama lang na walang nagsalita para hindi balikan ng snatcher.
B. Tama na manahimik na lamang dahil kawawa naman ang snatcher kapag nahuli.
C. Hindi tamang manahimik nalang dahil hindi iyon ang tanda ng pagmamalasakit sa kapwa.
D. Hindi tamang manahimik nalang dahil siguradong pagagalitan sa bahay ang babaeng
nawalan ng cellphone.
13. Kung kayo ay nakakita ng kahina-hinalang kilos ng mga tao na pumasok sa inyong
paaralan, ano ang inyong gagawin?
A. Magsawalang-kibo upang hindi madamay.
B. Tumahimik upang hindi paghinalaan nang masama.
C. Magkibit-balikat na lamang at huwag magsasalita kahit kanino.
D. Ipagbigay-alam kaagad sa guro para magawan ng agarang aksyon at walang
mapapahamak.
14. Inanunsyo ng PAGASA na may paparating n amalakas na bagyo at kasama ang inyong
lugar. Pinaghahanda ang lahat sa posibleng mangyari. Ano ang iyong gagawin?
A. Ihanda ang lahat ng kakailangan habang wala pa ang bagyo.
B. Manalangin na sana mas lumakas pa ang bagyo para walang pasok.
C. Hintaying dumating ang bagyo bago magsiguro sa mga kakailanganin.
D. Ipagwalang-bahala ang anunsyo ng PAGASA dahil wala pa namang bagyo.
15. Paano mo maipakikita ang kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa pagtanggap ng mga dayuhan?
A. Ipakita ang magiliw na pagtanggap sa dayuhan.
B. Ituro ang maling daan kapag alam mong sila ay naliligaw.
C. Pagtawanan sila dahil mukha silang ignorante sa ating lugar.
D. Huwag silang pansinin kapag nagtatanong dahil hindi naman kayo
magkakaintindihan.
16. May kasama kayong dayuhan sa inyong pangkatang gawain. Hindi siya nakaiintindi ng
Filipino at ng inyong wika ngunit ang lahat sa inyong pangkat ay nag-uusap gamit ang
wikang ito. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Huwag narin siyang kausapin.
B. Hayaan siyang makinig nalang dahil dapat inaalam niya rin ang salita natin.
C. Imungkahi sa grupo na tanggalin nalang siya at palitan ng iba para di mahirapan.
D. Sabihan ang mga kasama sa pangkat na isalin sa Ingles ang pag-uusap para maintindihan ng
bagong kaklase.
17. “Kumusta, Amina! Maaari mo ba kaming kuwentuhan tungkol sa iyong bansa? Interesado kaming
malaman ang iyong kultura.”
Ang pahayag na ito ay isang halimbawa ng _______.
A. Pagiging interesado sa buhay ng may buhay.
B. Mabuting pagtanggap o pagtrato sa mga dayuhan.
C. Pagpili ng maaasahang kaibigang dumayo sa isang lugar.
D. Pagpapanggap na maayos na tinatanggap sa lugar ang dayuhan.
18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?
A. Pagiging magiliw sa pagtanggap sa sinuman sa iyong tahanan.
B. Namimili ng papapasukin sa tahanan.
C. Pagsalungat sa opinyon ng iba.
D. Hindi pakikinig sa nagsasalita.
19. Paano mo pinakikitunguhan ang mga pangkat-etniko o katutubo?
A. Tinatanggap sila nang maluwag sa kalooban anuman ang kulay, pananamit,
pananalita, at paniniwala nila.
B. Pinagtatawanan ang kinalakhan nilang paniniwala lalo na ang kanilang
pananamit.
C. Hindi sila sinasagot kapag may tinatanong.
D. Hindi sila kakaibiganin.
20. Paano mo naipahahayag ang iyong ideya o opinyon sa iba?
A. Inilalahad ko ang aking ideya o opinyon nang may paggalang.
B. Nagagalit ako kapag hindi nasunod ang sinabi ko.
C. Opinyon ko lang dapat ang paniwalaan nila.
D. Lahat ng opinyon ko ay tama.
21. Kung pupunta ka sa lugar kung saan may mga maliliit na populasyon ng pangkat-etniko, ano
ang iyong gagawin?
A. Huwag ipadama sa kanila na naiiba sila sa iyo.
B. Hindi tam ana layuan sila o pagtaguan para lang maiwasan ang makipaghalubilo sa
kanila.
C. Iwasan ang pag-iisip ng masama at diskriminasyon.
D. Lahat ay tama.
22. Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong dayuahn.
Paano mo ito ibibigay sa kanila?
A. Hayaan silang sila ang kumuha.
B. Bahala na sila dahil alam na nila kung ano ang gagawin.
C. Ilalapag nalang sa mesa at sabihin sa kanila na kumain na sila.
D. I-abot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin.
23. Nasaksihan mo na binubugbog ng kanyang Tatay ang iyong kaklase. Ano ang iyong gagawin?
A. Ireport sa barangay ang nangyari.
B. Huwag silang pakialaman dahil buhay nila iyan.
C. I-video ang pambubugbog at isend sa mga kakilala at kaibigan.
D. Mananahimik nalang at magkunyaring wala kang nakita.
24. Ang bawat nilalang ay may ____ na tanging sarili lamang niya ang masusunod kung tama bai to o
mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan.
A. isip at gawa
B. hirap at tiis
C. ideya at opinyon
D. galit at pagkapoot
25. Nagpahayag ng opinyon ang iyong kaklase tungkol sa pag-uugali mo. Ano ang iyong gagawin?
A. Respetuhin siya.
B. Sigawan at suntukin siya.
C. Balewalin ang kanyang sinasabi.
D. Magbingi-bingihan at huwag baguhin ang di kanais-nais na pag-uugali.
26. Alin ang nagpapakita ng pagpapaubaya ng sariling kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa?
A. Tumutulong ang United Nations Childrens Funds (UNICEF) na
pangangalagaan ang karapatan ng mga kabataan.
B. Pagod na pagod ngunit hindi nagreklamo ang kasambahay.
C. Pinayagang gamitin ng kapatid mo ang iyong mga mahahalagang gamit.
D. Ipinipilit mong tanggapin ng iyong pangkat ang iyong magandang opinyon.
27. Ang _________ sa mga karapatan ng mga bata ay pangangalaga sa mga
pangangailangan nila at pahihintulot na maabot nila ang pinakamahusay na
kakayahan.
A. paggalang
B. pagsawalang bahala
C. pagkalimot
D. pag-agaw
28. Ang mga sumusunod ay nagpapahayag ng mga karapatan ng bata, maliban sa isa.
Ano ito?
A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
B. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga.
C. Magtrabaho para sa pamilya.
D. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
29. Ang bawat isa may sariling karapatan na dapat igalang.
A. tama B. mali C. hindi ko alam D. parehong tama ang a at b
30. Alin ang hindi dapat gawin ng isang batang katulad mo upang mapahalagahan ang
karapatan ng iba?
A. Tinatawag mo ang ibang tao ng nakaiinsultong pangalan upang maging katawa-
tawa sila.
B. Iginagalang mo ang opinyon ng ibang tao kahit na kaiba ito sa iyo.
C. Sinisikap mong matulungan ang isang kamag-anak o kaibigan na may
kapansanan.
D. Ipaalam sa awtoridad kapag nakaririnig o nakababasa tungkol sa mga pang-
aabuso sa mga may kapansanang tao, manggagawa, o bata.
31. Sino ang batang nagpapakita ng pagpapahalaga sa karapatan ng kanyang kapwa?
A. Binabasa ni Ana mga sulat na hindi para sakanya.
B. Iginagalang ni Andrew ang opinyon ng mga kagrupo niya pangkatang gawain.
C. Pumapasok si Sylvia sa kwarto ng kanyang kapatid nang hindi nagpapaalam.
D. Sinasaktan ni Elsa ang damdamin ng kaniyang mga kamag-aral at kaibigan.
32. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa inyong mga kaibigan. Minsan, kapag nag-uusap kayo,
napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maari mong gawin
upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan.
B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon.
C. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon.
D. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon.
33. Nais mong ipaabot ang ulam sa kapatid mo habang kayo ay kumakain ng hapunan. Ano
ang sasabihin mo?
A. “Ate, pakiabot po ang ulam nating isda.”
B. “Ate, iabot mo nga ang isda sa akin.”
C. “Iabot mo ang isda, ate. Bilis!”
D. “Sige wag niyo na iabot ang isda. Hindi na lamang ako kakain.”
34. Isang araw, bumili ka ng gatas ng iyong kapatid sa grocery. Hindi sinasadyang nakakita
ka ng isang lalaking kumukuha ng paninda. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko nalang ang lalaki na magnakaw.
B. Sasabihin ko sa tindera ang ginawa ng lalaki.
C. Tutulungan ko ang lalaki na magnakaw.
D. Gagayahin ko rin ang lalaki na nagnanakaw.
35. Ikaw lamang ang nasa bahay upang mautusan ng nanay mong bumili ng tinapay. Ano ang
isasaloob mo?
A. “Mabuti, upang matulungan ko si nanay”
B. “Ay! Napakamalas ko naman!”
C. “Nakakainis! Mapapagod lang ako”
D. “Mabuti pang tumambay na lang ako sa labas hindi pa ako napagod.”
36. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kanyang anak at nangangailangan ng
tulong upang ipambili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?
A. Wala akong gagawin.
B. Pagtatawanan ko sila.
C. Kukutyain sila.
D. Tutulungan sa pamamagitan ng paglapit sa barangay.
37. Nakita mong hirap ang isang matanda sa pagtawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan mo siyang tumawid.
B. Itutulak mo siya papuntang kalsada.
C. Pagtatawanan at pagagalitan ang matanda.
D. Pababayaan lang siya sa pagtawid.
38. Nakita mo ang isang taong gras ana tinutukso ng mga bata. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasamahan sila sa pagtukso.
B. Sasawayin at pagsabihan sila.
C. Hahayaan lang sila.
D. Papanoorin lang ang mga bata.
39. Nagkaroon ng isang malubhang karamdaman si Gel. Araw-araw ay binibisita siya ng
kaniyang mga kaibigan at mga kamag-aral upang mapasaya nila siya. Anong katangian
ang ipinakita ng mga kaibigan at kamag-aral ni Gel?
A. Mapagbigay C. Masunurin
B. Mapagmalasakit D. Maunawain
40. Ano ang maaring gawin ni Carlo upang maipakita ang kaniyang pagkamahabagin sa
isang kamag-aral na nahihirapang lumakad dahil bukod sa nakasaklay ito ay marami pa
siyang bitbit na libro?
A. Magkunwaring hindi ito nakita.
B. Tawagin ang dyanitor para tumulong.
C. Tingnan kung kaya niya ang mga dalahin.
D. Magboluntaryo na bitbitin ang kaniyang libro.
41. Bagong lipat sa isang paaralan si Jaime. Nagmula siya sa ibang bansa kaya nahihirapan
siyang makisalamuha sa kanilang mga kamag-aral. Anong klaseng tulong ang maaari
mong gawin?
A. Pahiramin siya ng aklat na maaari niyang basahin.
B. Kausapin ang inyong guro para ipakilala siya sa bawat isa.
C. Ayain mo siya na makipagkwentuhan sa iba ninyo pang kamag-aral.
D. Ituro sa kaniya ang iba’t ibang pasilidad sa inyong paaralan na maaari niyang
puntahan.
42. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa inyong mga kaibigan. Minsan, kapag nag-uusap kayo,
napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maari mong gawin
upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan.
B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon.
C. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon.
D. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon.
43. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamabuting katangian ng isang kaibigan?
A. Madalas na sumasama sa iyo.
B. Nakikinig sa mga kuwento mo.
C. May positibong impluwensiya sa iyo.
D. Ipinagtatanggol ka sa iyong mga kaaway.
44. Sa pagbabasa mo tungkol sa mga napapanahong isyu, may nabasa kang bagong salita na
hindi mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang kahulugang salita at
mapaunlad ang iyong kaalaman?
A. Ipagsasawalang bahala
B. Tatawagan ang iyong kamag-aral
C. Hahanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan nito.
D. Hihintayin ang mga magulang para magtanong.
45. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tradisyonal na media maliban sa isa, ano ito?
A. pelikula B. radio C. social media D. telebisyon
46. Paano maipapakita ang mapanagutang paggamit ng media at teknolohiya?
A. Pagpapaliban ng paggawa ng takdang aralin upang makagamit ng computer.
B. Pagbili palagi ng bagong modelo ng cellphone.
C. Pagpili ng mga bubuksang website ayon sa kagustuhan.
D. Paglimita sa sarili ng panahon na igugugol sa paggamit ng social media.
47. Araw ng pagsusulit, hindi nakapag-aral si Liza dahil nawili siyang manood ng bagong
pelikula. Nakita mong kumopya siya ng mga sagot sa kaniyang kwaderno. Matalik
kayong magkaibigan ni Liza. Nais mo siyang isumbong sa inyong guro subalit
nangangamba kang baka siya ay mawala sa honor roll. Isusumbong mo pa rin ba siya sa
inyong guro sa kabila ng pagiging magkaibigan ninyo? Bakit?
A. Hindi, dahil ayoko kong magalit siya sa akin at mawalan ako ng kaibigan
B. Hindi, dahil gusto ko siyang makakuha na malaking marka
C. Oo, para kasiyahan ako ng aming guro
D. Oo, upang magabayan siya ng aking guro kung ano ang tama.
48. Inatasan kayo ng inyong guro sa Filipino na sumulat ng sarili ninyong tula bilang inyong
takdang-aralin ngunit meron ka nalang konting oras para gumawa nito dahil pinagbantay
ka ng iyong ina ng nakababata mong kapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Kumuha lamang sa internet ng mga tula na kailangan para hindi na mapagod sa
paggawa
B. Lumiban na lamang sa klase kinabukasan.
C. Sikapin makasulat ng sarili mong tula na maipagmamalaki mo sa iyong guro at
kaklase.
D. Umiyak na lamang sa harap ng mga kaklase at guro.
49. Ang pagsunod at paggamit ng netiquette sa online class ay nagpapakita ng ______.
A. pagiging mabait
B. pagiging matapat
C. pagiging magalang
D. pagiging masayahin
50. Paano mo magagamit ang media at teknolohiya upang mapahusay pa ang mga gawaing
pampaaralan?
A. Magsaliksik lang ng mga nais gawin para sa aralin.
B. Laging unahin ang paglalaro sa kompyuter bago gumawa ng takdang aralin.
C. Magtatanong sa ibang tao kung paano ang paggamit nito.
D. Higit pang huhusayan ang pagsasaliksik at pagsasanay para lalong matuto.

Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City


(02) 352-78-91 (02) 352-68-09
sdo.quezoncity@deped.gov.ph www.depedqc.ph
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Taong Panuruan 2023-2024

SUSI SA PAGWAWASTO

1 C 26 A
2 A 27 A
3 A 28 C
4 C 29 A
5 B 30 A
6 B 31 B
7 D 32 B
8 D 33 A
9 B 34 B
10 D 35 A
11 D 36 D
12 C 37 A
13 D 38 B
14 A 39 B
15 A 40 D
16 D 41 C
17 B 42 B
18 A 43 C
19 A 44 C
20 A 45 C
21 D 46 B
22 D 47 D
23 A 48 C
24 C 49 C
25 A 50 A
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City

You might also like