You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF BAGO CITY

Unang Markahang Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
SY 2023-2024
Pangalan: ____________________________________________________
Grado at Seksiyon: _____________________ Iskor: _______________
Direksyon: Basahin ang mga sitwasyon at isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.
1. Habang naglilinis ka sa inyong bahay, aksidente mong nabasag ang paboritong
plorera ng iyong nanay. Ano ang tama mong gagawin?
A. Itapon ang basag na plorera sa lugar na hindi makikita ng nanay mo.
B. Sabihin ang totoo sa kanya at humingi ng pasensya.
C. Sabihin na ang kapatid mo ang nakabasag ng plorera.
D. Hayaan na lang ang basag na plorera.

2. Oras ng recess. Habang kumakain, aksidente mong nabuhusan ng tubig ang damit ng
iyong katabi. Ano ang iyong sasabihin?
A. “Pasensiya ka na, Hindi ko sinasasadyang mabuhusan ang damit mo.
B. “Bakit ba kasi diyan ka nakaupo? Hayan tuloy, nabuhusan ka.”
C. “Sana hindi ka diyan umupo sa tabi ko para hindi ka mabasa.”
D. “Lumipat ka sa ibang upuan para di ka mabasa.”

3. Narinig ni Jen na may parating na malakas na bagyo at sinuspinde na ang mga klase
sa kalapit na lugar. Ano ang dapat gawin ni Jen?
A. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.
B. Makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mahalagang balita tungkol
dito.
C. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klaseng kanilang paaralan.
D. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.

4. Nakita mong naglalaro ng bola sina Mario at Jimboy sa loob ng inyong silid-aralan.
Natamaan ng bola ang plorera na nasa mesa ng guro ninyo at ito ay nabasag. Ano
ang sasabihin mo sa inyong guro na alam mong magagalit sa inyong klase kapag
nalaman ito?
A. “Ma’am, hindi ko po alam kung sino ang nakabasag niyan kasi nandoon ako
sa labas ng silid-aralan.”
B. “Ma’am, sina Mario at Jimboy po ang nakatama niyan kanina habang sila
ay naglalaro ng bola.”
C. “Ma’am, mga taga-ibang seksyon po siguro ang nakabasag niyan kanina sa
kanilang pagdaan dito.”
D. “Ma’am, siguro po sina Jane at Hannah ang nakabasag kasi sila po ang
nagtatakbuhan kanina.”
5. Naabutan mong pinapagalitan ng iyong tatay ang kapatid mo dahil nakita niyang sira
ang gripo sa inyong lababo ngunit ikaw ang huling gumamit at nakasira nito. Ano ang
sasabihin mo sa iyong tatay?
A. “Sila po, Tatay ang nag iwan niyan kaya dapat lang na sila ay pagalitan.”
B. “Hindi ko po alam na babahain tayo dito kapag iniwan ko lamang ang
gripong sira.”
C. “Ako po, Tatay ang gumamit ngunit hindi ko alam na nasira pala ito.”
D. “Pasensiya na po, Tatay at hindi ko agad nasabi sa inyo na nasira ko ang gripo
kanina habang ako ay naghuhugas.”
6. Palagi ninyong nararanasan ang pagbaha sa lugar kapag umuulan. Ano
pangunahing dahilan kung bakit ito nangyari?
A. Tinatakpan lang ng mga tao ang mga drainage.
B. Masyado ng marami ang tao sa inyong lugar.
C. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
D. Maling paraan ng pagtatapon ng basura sa ating paligid na bumabara sa mga
estero at kanal.
7. Napanood ko sa telebisyon ang bagong produkto na iniindorso ng isang sikat na
artista. Paano ko malaman ang katotohanan tungkol sa produkto?
A. Bibili ako at ipatitikim sa kapatid ko.
B. Titingnan ko muna at babasahin ko ang nakasulat sa nutrition fact.
C. Bibilhin ko kaagad dahil idolo ko ang artista na nag-iindorso.
D. Wala akong gagawin.
8. Saan karaniwang nagmumula ang impormasyong nakakalap sa ating paligid?
A. Mula sa usap-usapan ng mga kapitbahay.
B. Sa mga pang-araw-araw na nangyayari sa ating paligid.
C. Sa balita, patalastas na nabasa o narinig, at sa telebisyon.
D. Mula sa sinasabi ng matalik na kaibigan.
9. Nakita mong inagawan ng baon ang iyong kaklase sa loob ng silid-aralan. Ano tamang
gagawin mo?
A. Sisigawan mo ang iyong kaklase.
B. Sasabihin mo sa iyong guro na inagaw ang baon mo ng iyong kaklase
C. Susuntukin ko siya
D. Hahayaan ko na lang siya
10. Nakita at napakinggan mo sa TV ang bagong produkto na iniindorso ng paborito mong
artista. Ano ang gagawin mo?
A. Bibilhin kaagad ang produkto
B. Usisaing mabuti kung may tatak BFAD ito
C. Hikayatin ang kaibigan na bumili nito
D. Ipagmayabang sa iba na ikaw ay bumili

11. May naririnig kang masama tungkol sa iyong kaibigan, ano ang dapat mong gawin
dito?
A. Layuan mo ang iyong kaibigan
B. Takutin mo ang iyong kaibigan
C. Kausapin mo siya tungkol dito
D. Sasabihin mo sa mga kaibigan mo ang balitang ito
12. Napanood mo ang balita sa telebisyon tungkol sa lindol na nagyari sa ibang bansa.
Ano ang dapat mong gawin upang malaman na totoo ito?
A. Hindi ko papansinin ang balita
B. Matutulog na lang ako
C. May alam ako tungkol sa lindol pero ayokong sabihin sa iba
D. Suriin muna ang balita bago ipaalam sa iba
13. Naririnig ni Allan ang balita na walang pasoK ng dalawang araw dahil may sakit daw
ang kanilang guro. Ano ang mabuting gawin ni Jero?
A. Tawagan ang mga mag-aaral at sabihing wala silang pasok sa dalawang
araw.
B. I post sa “group chat” at sabihing wala silang pasok sa dalawang araw
C. Isangguni sa teacher ang katotohanan ng balita
D. Magsawalang kibo na lang sa balita
14. Pinadalhan ka ng isang mensahe o text sa iyong cellphone na nanalo ka ng limang
libong piso. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi agad maniniwala at susuriin kung totoo ito o hindi.
B. Maniniwala agad dahil kailangan ko ng pera
C. Tatawagan ko agad ang nagpadala ng mensahe
D. Magpapasalamat ako sa nagpadala ng mensahe
15. May parating na bagyo at sinuspende na ang klase sa inyong lugar. Ano ang dapat
mong gawin ?
A. Makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mahalagang pahayag.
B. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihin ang narinig an balita
C. Magapasalamat dahil walang klase
D. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.
16. Sa isang patalastas tungkol sa covid 19 Corona Virus. Alin dito ang may katotohanan?
A. Ang buong mundo ay apektado ng pandemya
B. Lahat ng tao ay nagsasaya dulot ng Covid 19
C. Ang sakit na Covid 19 ay hindi nakakahawa
D. Mga matatanda lang ang mahawa
17. Nagbigay ng pagsusulit ang inyong guro sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao
o EsP at nakita mong nangopya ng sagot ang iyong kamag-aral sa kanyang
kuwaderno . Ano ang gagawin mo?
A. Tatawanan na lang namin ang nangyari.
B. Tatahimik na lang ako para makaiwas sa gulo kasi matapang ang kamag-aral.
C. Magsasawalang kibo na lang dahil ikaw lang naman ang nakakita at wala ng
iba.
D. Sasabihin ko ang totoong nangyari sa aming guro upang maiwasto ang maling
nagawa ng kamag-aral.
18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsusuri sa katotohanan upang
makagawa ng isang mabuting hakbang?
A. Kapag nakita mo ang larawan ng iyong idolo sa binabasang patalastas,
maniwala kaagad.
B. Hindi mo na itatanong pa sa iyong mga magulang ang mga nangyayaring
kalamidad sa dahil nakikita ko naman ito sa balita sa telebisyon.
C. Sinabi sa balita na ang gobyerno ay magbibigay ng ayuda sa mga nasalanta
ng bagyo. Kaya’t magtatanong ako sa aking mga magulang kung totoo ang
ayuda.
D. Paniniwalaan ang anomang impormasyong ang nakita o narinig at hindi na
aalamin kung saan ito nanggaling.
19. Nanonod kayo ng iyong nanay ng paborito niyong drama sa telebisyon. Napannod mo
ang patalastas tungkol sa gamot na magpapatalino sa isang bata kahit hindi nag-aaral.
Paniniwalaan mo ba ito?
A. Paniniwalaan ko ang mga patalastas na aking napanood dahil ito ay totoo.
B. Paniniwalaan ko ang mga patalastas na aking napanood dahil parang tama
naman ito.
C. Paniniwalaan ko ang mga patalastas na aking napanood dahil makakatulong
ito sa akin.
D. Paniniwalaan ko ang mga patalastas na aking napanood kung may mga pag-
aaaral na magsasabi na tama ito.
20. May natanggap na text message ang iyong nanay na nanalo siya sa paligsahan kahit
hindi naman siya sumali. Ano ang gagawin mo?
A. Magmamadali sa pagpunta sa opisina na nakasaad sa mensahe.
B. Maniniwala sa text message na natanggap at tatawagan ito.
C. Sasabihin sa mga kapitbahay na nanalo ang inyong nanay sa paligsahan.
D. Sasabihin sa nakatatandang kapatid ang text message na natanggap ng
iyong nanay upang maipagbigay alam sa awtoridad ang numerong ginamit.
21. Nakita ni Helen na ang kaklase niyang si Lita ang nakabasag ng plorera sa kanilang silid-
aralan. Hindi nagdalawang isip si Helen na sabihin ang katotohanan nang magtanong
ang kanilang guro tungkol dito. Tama ba ang ginawa ni Helen?
A. Oo
B. Mali
C. Walang tamang sagot
D. Lahat ng sagot ay tama
22. Gusto ni Ino na tumangkad katulad ng kaniyang Kuya Rico. May napanood siyang
patalastas tungkol sa inuming makakatulong daw sa kaniyang pagtangkad. Ano ang
dapat gawin ni Ino?
A. Bumili agad at inumin ang naturang inumin.
B. Ibalita sa mga kaibigan ang mabuting dulot ng inumin.
C. Suriin ng mabuti at alamin kung may katotohanan ang naturang patalastas.
D. Bumili ng maraming inumin at ipagbili sa mga kaibigan.
23. Kinahiligang manuod ng mga palabas sa telebisyon ni Marie kaya marami siyang alam
tungkol sa mga balita at bagong impormasyon. Natutunan din niya na hindi lahat ng
kaniyang napapanuod ay may katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Si Marie ay
isang batang ___________.
A. mapanuri
B. masipag
C. masayahin
D. mabait
24. Madalas makinig si Ryan ng mga balita. Isa sa nabalitaan niya ang tungkol sa
panganib na dala ng isang virus na nagmula sa ibang bansa. Bilang isang mapanuring
bata, anong hakbang ang dapat niyang gawain?
A. Isangguni sa kinauukulan ang katotohanan ng balita.
B. Ipagbigay alam ito agad sa mga kaibigan at mga kaklase.
C. I “post” sa social media ang narinig na balita
D. Ipagwalang bahala ang narinig na balita.
25. Masama ang lagay ng panahon, malakas ang hangin at ulan kaya hindi pumasok si
Andy sa paaralan. Saang ahensiya dapat manggaling ang mga balita na may
kinalaman sa kalagayan ng panahon?
A. Department of Health
B. Department of Public Works and Highways
C. Department of Social Welfare and Development
D. PAG- ASA
26. Paborito ni Jimmy ang programang “Ang Panday,” ngunit sa kabila nito alam niya na
ito ay walang katotohanan at isang programang pang telebisyon lamang.
Naipamamalas ba ni Tonton ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?
A. Oo
B. Hindi
C. Siguro
D. Walang tamang sagot
27. Si Sonia ay mahilig mag-post at mag-share sa social media. Palagi siyang
pinapaalalahanan ng kaniyang mga magulang na maging mapanuri at responsable
sa mga nababasa niya at ibinabahagi sa social media. Kung ikaw si Carla, susundin mo
ba ang iyong mga magulang?
A. Oo. Dahil tama ang mga paalala ng aking mga magulang.
B. Hindi. Dahil hindi nila alam ang tamang paggamit ng social media.
C. Oo. Dahil kahit mali sila, mga magulang ko pa rin sila.
D. Hindi. Dahil wala silang alam tungkol sa pagpost at pag-share ng mga balita
sa social media.
28. May balita na posibleng magkaroon ng isang malakas na lindol sa inyong lugar. Ang
mga ahensiya ng pamahalaan ay responsableng nagpapaalala sa inyo ng mga
pamamaraan upang mapaghandaan ito. Bilang batang mapanuri at may
pagmamalasakit sa kapuwa, paano mo ito maipapakita?
A. Hayaan na maghanda ang mga magulang at maglaro na lamang kasama
ang mga kaibigan.
B. Makiisa at tumulong sa nga gawain upang ligtas ang lahat sa posibleng
kalamidad.
C. Huwag maniwala sa ibinabalita ng mga ahensiya ng pamahalaan dahil hindi
sila mapagkakatiwalaan.
D. Pawang kasinungalingan at walang katotohanan ang mga balita dahil hindi
naman napatunayan
29. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may idinadaos
na misa. Biglang sumigaw nang malakas ang iyong mga kasama Ano ang gagawin
mo?
A. suntukin sila
B. makisabay ka sa pagsigaw
C. pabayaan sila dahil “trip” nilang
D. Suwayin sila at pagsabihang tumahimik
30. Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang
gagawin mo?
A. awayin mo siya
B. pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito
C. isumbong sa kapitan ng barangay
D. pabayaan lang siya
31. Nanonood ka ng isang ulat ng balita sa TV. Ano ang gagawin mo para matukoy kung
totoo ang balita?
A. Magsaliksik ng mga katotohanan upang mapatunayan ang katumpakan ng
ulat ng balita.
B. Paniwalaan agad ang balita at sabihin ito sa mga kapitbahay
C. Huwag mag-abala na malaman ang katotohanan
D. Ibahagi ang balita sa social media at mangalap ng mga komento
32. Gusto mong mapaunlad nang maayos ang ating bansa. Ano ang tungkulin ng
mamamayan na dapat nating sundin.
A. Huwag pakialaman ang mga tungkulin ng gobyerno
B. Sumunod lamang sa kung ano ang pinapaniwalaan ng iba
C. Alamin ang mga batas at sumunod nang tapat
D. Huwag mag-abala na sundin ang mga batas na itinakda ng komunidad at
mag-aral na lang ng mabuti

33. Tatama daw ang isang meteor sa mundo sa susunod na taon. Nabasa mo ito sa isang
artikulo sa Facebook. Napag-aralan ninyo na masama ang epekto nito sa
planeta natin. Paano mo malalaman kung totoo ang balitang ito?
A. magbasa pa ng ibang artikulo ukol dito
B. magtanong sa magulang upang tulungan kang kumpirmahin ang balita
C. sabihan ang magulang na maghanda upang may magamit kung tatama ang
meteor
D. Ipagkalat ang artikulo sa iyong Facebook account

34. Nagsumbong ang iyong kaibigan na inaway siya ng bago ninyong kapitbahay. Gusto
niyang awayin mo din ito upang iganti siya. Susundin mo ba siya?
A. Hindi. Tatanungin ko ang bago naming kapitbhay kung totoo ba ang sinabi
ng aking kaibigan.
B. Oo. Pupuntahahn ko ag bagong kapitbahay at susuntukin ko ito.
C. Oo. Yayayain ko ang iba pa naming kaibigan at aawayin ang kapitbahay.
D. Hindi. Wala akong pakialam sa kanila. Away nila iyon.
35. Ang mga sumusunod ay mensahe tungkol sa katotohanan maliban sa isa, alin ito?
A. Ang katotohanan ay mabilis malaman kahit hindi na sumangguni sa ibang
tao.
B. Ang pagsusuri ng katotohanan ay kailangan bago gumawa ng anumang
hakbangin.
C. Sa tulong ng mga taong kinauukulan ay malalaman natin ang katotohanan.
D. Ang pagsangguni sa taong kinauukulan ay siyang tamang paraan upang
malaman ang katotohanan.
36. Ang sumusunod ay mga magagandang dahilan kung bakit kailangang maging
mapanuri maliban sa isa. Alin ito?
A. Kailangang maging mapanuri upang masuri ang katotohanan.
B. Kailangang maging mapanuri upang malaman ang tama sa mali.
C. Kailangang maging mapanuri upang ang tama ay mapatunayan.
D. Kailangang maging mapanuri upang malaman ang tsismis.
37. Bakit kailangang sumangguni muna sa taong kinauukulan bago ikalat ang nakalap na
impormasyon?
A. Upang ang katanungan ay masagutan.
B. Upang maging una sa pagtanggap ng impormasyon.
C. Upang malaman ang totoong pangyayari at ang pagkakamali ay maiwasan.
D. Upang maging bida sa usap-usapan.
38. Paboritong programa ni Joshua ang “Ang Probinsiyano.” Hangang-hanga siya sa
pangunahing tauhan na si Coco Martin dahil magaling ito sa pakikipaglaban sa mga
kaaway. Hindi ito natatalo at nais niya itong tularan. Bilang isang kaibigan, ano ang
maipapayo mo kay Joshua?
A. Ipagpatuloy niya ang panonood ng programa.
B. Magiging astig siya kapag tinularan niya ang pangunahing tauhan.
C. Hindi lahat ng ipinakikita sa palabas ay totoo at maaaring mangyari sa totoong
buhay.
D. Ihinto na ang panonood ng palabas na ito sa telebisyon.
39. Nadaanan mo ang grupo ng mga lalaking nagkukuwentuhan sa kalye. Narinig mong
pinag-uusapan ang anak ng inyong kapitbahay. Ito raw ay dalawang araw nang
nawawala. Nais mong makatulong sa paghahanap ngunit hindi mo pa alam ang
totoong nangyari. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatanong ko sa aming kapitbahay kung totoo ang aking narinig.
B. Pupunta ako sa bahay ng nawawalang bata upang tanungin ang kanyang
magulang.
C. Ite-text ko siya upang tanungin kung totoong nawawala siya.
D. Ipamamalita ko rin sa iba na siya ay nawawala.

40. Nagmamadali kang umuwi dahil may dadaluhan kang birthday party ng iyong
kapitbahay. Paglabas mo ng silid-aralan, nakita mong umapaw ang basura sa labas.
Ikaw na lang ang tao dahil nauna nang umuwi ang iyong mga kaklase.Ano ang mabuti
mong gagawin ?
A. Pababayaan ang basura dahil baka mahuli sa birthday party na iyong
dadaluhan.
B. Mabilisang aayusin ang mga basura sa sako bago umuwi.
C. Magkukunwaring hindi nakita ang umaapaw na basura sa sako.
D. Magkikibit-balikat dahil hindi naman ikaw ang taga-linis sa araw na iyon.

God bless!

You might also like