You are on page 1of 2

Pangalan_______________________________________________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa kalakip na sanayang papel.
1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong
gawin?
a. Hihingi ako ng pera sa kanya. c. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
b. Pababayaan ko na la mang siya. d. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
2. Inutusan ka ng kapatid mong kumuha ng pera sa bag ng nanay niyo. Susundin mo ba siya?
a. Oo, para magkapera kami. c. Hindi, dahil masama itong gawain.
b. Oo, dahil kailangan namin ito. d. Hindi, para walang maging problema.
3. Ano ang maaari mong gawin kung nakita mong inaaway ng kapitbahay ninyo ang iyong kapatid?
a. Hindi ko sila papansinin. c. Pababayaan ko silang mag-away.
b. Papaluin ko siya ng kahoy. d. Tutulungan ko ang kapatid ko at pagsasabihan sila
na masama sa kanilang ginawa.
4. Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?
a. Hindi ka magiging masaya. c. Magiging marami ang iyong kaaway.
b. Magiging magaan ang loob mo. d. Aawayin ka ng iyong mga kaklase.
5. Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang-aralin sa ESP na gumawa ng pangako tungkol sa pagsasabi ng
katotohan. Para sa iyo, sasabihin mo ba sa iyong nanay na nakabasag ka ng salamin?
a. Oo, para magalit siya. c. Hindi, kasi ito ay nakakahiya.
b. Oo, dahil ito ang tama. d. Hindi, kasi tutuksuhin ako ng aking mga kaklase.
6. Ano ang maaari mong gagawin kung ang iyong katabi sa upuan ay mabaho ang hininga?
a. Pababayaan ko na lang kasi baka magalit siya.
b. Sasabihin ko ito sa aking mga kaibigan para pagtawanan siya.
c. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sabihin ang totoo.
d. Hindi ko na lamang ito papansinin kasi hindi naman kami palaging magkatabi sa upuan.
7. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magsalita sa harap ng klase, ano ang iyong sasabihin tungkol sa
pagsasabi ng katotohanan?
a. Ang pagsasabi ng katotohan ay nakakabigat ng loob.
b. Dapat huwag sabihin ang katotohanan para sa kabutihan.
c. Ugaliing magsabi ng katotohanan anuman ang magiging bunga nito.
d. Ang katotohanan ay nakapagbibigay ng hindi magandang bunga sa pagsasamahan.
8. Ano ang dapat gawin sa mga balitang narinig?
a. Huwag pansinin c. Ipagsasabi ito sa mga kakilala
b. Suriin muna bago ipagsabi d. Paniwalaan kaagad at magpanik
9. Sabi ng inyong kapitbahay may paparating daw na bagyo sa susunod na linggo. Maniniwala ka ba kaagad?
a. Hindi b. Oo c. Siguro d. Walang pakialam
10. Kung ikaw ay nagsusuri ng impormasyon, ano ang dapat mong isaalang-alang?
a. Susuriin ko ang pinagmulan ng balita.
b. Maniniwala agad ako sa balitang narinig.
c. Magsasawalang kibo na lang ako sa mga balita.
d. Ipasusuri ko sa nakababata kong kapatid ang balita.
11. Alin sa mga sumusunod ang mayroong tamang pagpapasiya?
a. Si Dave ay nakikinig ng patalastas na hindi pwede sa kaniya.
b. Si John ay nagsisiyasat muna bago paniwalaan ang napakinggang patalastas.
c. Ang nakababatang kapatid ni Charlen ay nagbabasa ng mga malalaswang patalstas.
d. Sina Alea at Paul ay basta-bastang nagbabasa at naniniwala sa patalastas na narinig o nabasa.
12. Sang-ayon ka ba sa pahayag na, “Ugaliin ang tamang pagapasiya upang mapalinang ang kaisipan” ?
a. Walang pakialam c. Hindi ako sang-ayon.
b. Oo, sang-ayon ako. d. Depende sa sitwasyon
13. Tumawag ang iyong kaklase na kanselado ang inyong klase dahil malakas ang hangin at ulan sa inyong
lugar. Ano ang maaari mong gawin para makompirma na totoo ang sinabi niya sa iyo?
a. Hindi ko na ito itatanong kung totoo o hindi
b. Tatanungin ko ang aking mga magulang kung tama ang sinabi ng aking kaklase.
c. Itatanong ko sa iba pang kaklase kung talaga ngang may pasok kami o wala.
d. Pupunta ako sa aming kapitbahay at makikinig ako sa kanilang usapan tungkol sa pagkansela ng
klase.
14. Habang nanonood ka ng isang balita sa telebisyon ay biglang ibinalita na mayroong paparating na bagyo sa
susunod na linggo. Sinabi mo ito sa iyong nanay at tinanong ka niya kung saan mo ito nakalap na mpormasyon.
Ano ang iyong sasabihin para maniwala siya sa iyo?
a. Pababayaan ko na lang ang tanong niya sa akin.
b. Tatalikod na lang ako para walang maraming tanong.
c. Sasabihin kong nakita ko na ibinalita sa telebisyon.
d. Magagalit ako sa kaniya dahil ayaw niyang maniwala sa akin.

15. Narinig mo sa radyo na may bagong kaso ng COVID-19 sa inyong lugar? Ano ang dapat mong gawin?
a. Magpapanic ako.
b. Itutuloy ko ang aking paglalakwatsa.
c. Ipagkakalat ko sa ibang tao ang narinig na balita.
d. Alamin ko muna kung totoo ang nasabing balita.
16. Nais ni Rosa na bumyahe papunta sa Isulan, ngunit narinig niya sa radyo ang mga patakaran sa lugar
bago makatungo rito. Ano ang dapat gawin ni Rosa?
a. Magpost sa facebook ng kanyang galit.
b. Makipag-away sa taong naglahad ng balita.
c. Magtanong sa pulisya ng mga requirements sa pagpasok sa lugar.
d. Maghanap ng makapangyarihang tao upang makapasok

17. Saan ka dapat makakuha ng responsableng balita?


a. tsismis galing sa kakilala sa facebook
b. sa awtorisadong balita mula sa telebisyon
c. narinig sa kapitbahay sa inyong barangay
d. ibinahagi sa social media ng isang komentarista
18. Ano ang tungkulin ng Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon o Movie Televion Review and
Classifictaion Board para sa manonood?
a. Nagbibigay ng negatibong babala sa mga manonood.
b. Nagtatag ng limitadong pamamahayag sa telebisyon.
c. Tagapagtanggol sa mga nagbabatikos sa pamahalaan.
d. Responsable sa pagbibigay ng regulasyon sa telebisyon at pelikulang napapanood.
19. Anong website sa internet ang maaari mong gamitin sa pananaliksik tungkol sa paraan ng pag-iwas sa
coronavirus?
a. Facebook b. Google c. Messenger d. Youtube
20. Paano mo maipakikita ang responsableng kaisipan sa balitang nakalap gamit ang internet upang malaman
ang katotohanan sa panahon ng sakuna?
a. Magkalat ng maling impormasyon upang mapag-usapan.
b. Makipagtakayan muna sa mga kakilala bago gumawa ng hakbangin.
c. Makinig sa balita kung ano ang tamang gagawin para maiwasan ang sakuna.
d. Mag-post kaagad ng mga balita na walang katuturan.
21. Nakita mong nag-uusap sina Aling Lita at Aling Linda tungkol sa sensitibong usaping mag-asawa. Ano ang
iyong gagawin?
a. Maglalaro ako sa harapan nila.
b. Sasali ako sa kanilang usapan.
c. Tatawag ako ng iba pang kapitbahay.
d. Iiwas ako sa kanila at uunahin ko ang importanteng gawain.
22. Napansin mong malungkot ang iyong kapatid dahil sa nasagap niyang hindi magandang balita. Ano ang
mabuti mong gawin?
a. Tatanungin ko ang nagkalat ng tsismis.
b. Hahayaan ko na lamang ang kanyang nararamdaman.
c. Ipagsasabi ko sa mga kapitbahay ang tunay na nangyari.
d. Aalamin ko ang totoong nangyari at bibigyan ko siya ng magandang payo.
23. Habang ikaw ay naglalakad ay may nangyaring aksidente. Ano ang iyong gagawin?
a. Manood ako sa pangyayari.
b. Hihingi ako ng tulong sa pulisya.
c. Sasali ako sa mga taong nanood sa aksidente.
d. Pagtatawanan ko ang kanilang pinagdaraanan
24. Bilang mag-aaral, ano ang iyong higit na tungkulin bilang isang responsableng manonood?
a. Maging masaya sa mga eksenang may karahasan.
b. Maging matalino sa pagpili ng mga palabas na panonoorin.
c. Manood ng mga palabas na nangangailangan ng striktong patnubay.
d. Manghikayat sa mga kaklase na manuod ng teleseryeng kinaiibigan.
25. Paano mo maipakikita ang pagiging bukas na isipan sa mga balitang napapanood sa telebisyon tungkol sa
sakit na COVID- 19?
a. Magbahagi ng sariling opinyon sa iba.
b. Maging balisa sa balitang nakalap sa radyo, social media.
c. Magsaliksik at magsuri ng pinagmulan ng balita bago maniwala.
d. Maniwala kaagad sa mga balitang nabasa kahit alam na hindi ito totoo.

You might also like