You are on page 1of 6

PERIODICAL TEST IN ESP 4

FIRST QUARTER
Name: ____________________________________ Date: __________________
Section: __________________________________ Score: _______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga
sumusunod ang maaari mong gawin?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya.
B. Pababayaan ko na lamang siya.
C. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
D. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.
____2. Inutusan ka ng kapatid mong kumuha ng pera sa bag ng nanay niyo. Susundin
mo ba siya?
A. Oo, para magkapera kami.
B. Oo, dahil kailangan namin ito.
C. Hindi, dahil masama itong gawain.
D. Hindi, para walang maging problema.
____3. Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?
A. Hindi ka magiging masaya. C. Magiging marami ang iyong kaaway.
B. Magiging magaan ang loob mo. D. Aawayin ka ng iyong mga kaklase.
____4. Ang salitang ___________ ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa mga bagay na
bago sumang-ayon ay nasusuri ng lubos para mapagpasiyahan bago gumawa ng
desisyon.
A. mapanuri B. palatanong C. mabusisi D. padalos-dalos.
____5. Sa pagpapahayag ng balita kailangan ang mga impormasyon ay _______________.
A. totoo at may basehan B. puro kasinungaligan C. gawa-gawa lang D. hula lang
____6. Ang mga batang nanonood ay nangangailangan ng patnubay ng ____________.
A. ate B. kuya C. magulang D. kapitbahay
____7. Anong klaseng palabas ang dapat panoorin ng batang tulad ninyo?
A. marahas na palabas C. comedy
B. nakakatakot na palabas D. makabuluhan at may kapulutan ng aral
____8. Ano ang iyong nararamdaman kapag may magandang balita ang programa sa
telebisyon?
A. masaya B. malungkot C. natatakot D. nagugulat
____9. Sabi sa patalastas, kapag iinom ka ng kanilang produkto ay puputi ka. Bibilhin
mo ba kaagad ang nasabing produkto kung gusto mong pumuti?
A. Oo dahil epektibo ito. C. Hindi, dahil baka ito ay peke.
B. Oo para pumuti kaagad. D. Hindi, dapat muna itong suriin.
____10. Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga patalastas na nabasa o narinig?
A. Oo, dahil ito ay maganda.
B. Hindi, sapagkat dapat muna itong suriin.
C. Hindi, dahil lahat ng narinig o nabasa ay kasinungalingan.
D. Oo, dahil hindi sila gagawa ng patalastas kung hindi ito totoo.
____11. Narinig mo sa iyong kaklase na ibinibida ang patalastas na nabasa niya tungkol
sa paraan upang maging artista. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang
para masigurado mo na totoo ang nabasang patalastas?
A. Magsaliksik muna tungkol sa patalastas.
B. Tatanungin ko ang aming guro tungkol dito.
C. Makikipag-away ako sa kaniya dahil hindi ito totoo.
D. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para tingnan at masuri ang
patalastas.
____12. Kapag nabasa mo ang unang parte ng patalastas, maaari mo ng ibahagi ito sa
iyong kaibigan o kaklase. Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito?
A. Oo, dahil nalaman ko na ang unang parte.
B. Oo, maniniwala naman sila kaagad sa akin.
C. Hindi, sapagkat nabitin ako sa aking nabasa.
D. Hindi, dapat ko munang basahin ang buong parte ng patalastas bago ibahagi
sa iba.
____13. Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang aralin sa ESP. na gumawa ng pangako
tungkol sa pagsasabi ng katotohanan. Para sa iyo, sasabihin mo ba sa iyong nanay
na nakabasag ka ng salamin?
A. Oo, para magalit siya. C. Oo, dahil ito ang tama.
B. Hindi, kasi ito ay nakakahiya. D. Hindi, kasi tutuksuhin ako ng mga
kaklase
____14. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magsalita sa harap ng klase, ano ang iyong
sasabihin tungkol sa pagsasabi ng katotohanan?
A. Ang pagsasabi ng katotohanan ay napakabigat ng loob.
B. Dapat huwag sabihin ang katotohanan para sa kabutihan.
C. Ugaliing magsabi ng katotohanan anuman ang magiging bunga nito.
D.Ang katotohanan ay nakapagbibigay ng hindi magagandang bunga sa
pagsasamahan.
____15. May nabasa kang nagshare sa facebook na mabisa daw ang saging para hindi
magkasakit ng Covid. Ano ang gagawin mo?
A. Ishare ko agad sa iba kasi magandang balita ito.
B. Kakain ng madaming saging para makaiwas sa Covid.
C. Magpapabili ng maraming saging sa nanay kasi mabisa ito laban sa virus.
D. Aalamin ko muna kung saan at kanino galing ang impormasyon baka kasi
“fake news” ito.
____16. Maraming naririnig si Aling Carol na dahilan tungkol sa pagsasara ng kanyang
paboritong istasyon na ABS- CBN at di niya alam kung sino o ano ang paniniwalaan.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Ibabalita ko sa pamilya ko ang impormasyon na galing kay Aling Carol
B. Maniniwala ako sa kapitbahay na mula sa tsismis lamang nakuha ang
impormasyon.
C. Maghihintay ako sa makikita kong Tweet ng mga mapagkakatiwalaan na mga
kaibigan.
D. Manonood ako sa lehitimong tagapagbalita dahil sa masusi at maingat silang
kumakalap ng mga impormasyon.
____17. Nabalitaan ng nanay mo na namimigay ng ayudang pinansyal sa inyong lugar
dahil miyembro kayo ng 4 P’s. Paano mo gagabayan ang nanay mo?
A. Maniniwala agad sa balita na may magbibigay ng ayuda.
B. Ibabalita ko agad sa ibang miyembro ng 4 P’s na may magbibigay ng ayuda.
C. Sasamahan ko ang nanay ko at susugod kami sa lugar na ipamimigay ang
tulong pinansiyal kasi baka kami maubusan.
D. Aalamin muna ang katotohanan ng balita pati ang mga tuntunin o paalala na
dapat sundin bago pumunta sa lugar na pagdadausan ng pamimigay.
____18. Narinig ni Mark na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa
kalapit na lugar. Ano ang dapat gawin ni Mark?
A. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihin na wala na rin silang pasok.
B. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan.
C. Makinig sa radyo o manood ng telebisyon para sa mahalagang pahayag.
D.Sabihin kay nanay na hindi ka na papasok dahil narinig mo sa radyo na
nasuspinde ang klase sa lugar niyo.
____19. Paano mo malalaman ang katotohanan?
A. pagtatanong sa kahit sino C. pagbabasa ng fake news
B. pagsangguni sa taong kinauukulan D. pakikinig sa sabi-sabi ng iba
____20. Napanood ni Joyce ang bagong patalastas ng shampoo na mabilis daw
magpahaba ng buhok at mag-pakapal ng buhok. Dapat bang maniwala agad si Joyce?
A. Oo kasi idolo niya ang artista.
B. Hindi, susubukan niya muna bago gamitin.
C. Oo, kasi Nakita sa patalastas na mahaba at makapal ang buhok ng model.
D. Oo, kasi sikat na artsta ang nagsabi sa patalastas na siguradong kakapal at
hahaba ang buhok niya.
____21. Oras ng recess. Aksidente mong nabuhos ang juice sa bag ng iyong kaklase.
Paano mo sasabihin sa kanya ang nangyari?
A. “Ilipat mo na lang sa ibang upuan itong bag mo kasi nabasa na.”
B. “Sana hindi mo nilagay dito sa tabi ko ang bag mo para hindi ko ito nabasa.”
C. “Bakit ba kasi diyan mo nilalagay iyang bag mo? Hayan tuloy, nabuhusan ko.”
D. “Pasensiya ka na. Hindi ko sinasadyang mabuhusan ang bag mo. Hayaan mo
ito ay pupunasan ko ng aking panyo.
____22. Nakita mong nagpapasahan ng bola sina Edgar at Roy sa labas ng inyong silid-
aralan. Natamaan ng bola ang salaming bintana kaya ito ay nabasag. Ano ang sasabihin
mo sa inyong guro na alam mong magagalit sa inyong klase kapag nalaman ito?
A. “Ma’am, siguro po sina Ana at Lisa ang nakabasag kasi sila po ang
nagtatakbuhan kanina.”
B. “Ma’am, sina Edgar at Roy po ang nakatama niyan kanina habang sila ay
nagpapasahan ng bola.”
C. “Ma’am, mga taga ibang seksyon po siguro ang nakabasag niyan kanina sa
kanilang pagdaan dito.”
Panuto: Suriin ang patalastas at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

Gusto mo bang maging matalino?


Huwag nang mag-alala, nandito na ang
“Magic Capsule” na tutulong sa iyo.
Kaya magpabili ka na sa nanay o tatay mo.

____23. Tungkol saan ang patalastas? Ito ay tungkol sa ___________.


A. produkto B. pagbili C. magulang D. katalinuhan
____24. Ano ang epekto ng patalastas na ito?
A. Nakapagpapatalino sa tao C. Nakapagpapaganda sa magulang
B. Nakapagpapaputi ng kutis D. Natututo ng maraming kaalaman.
____25. Makatotohanan ba ang impormasyong hatid ng patalastas? Bakit?
A. Opo, dahil puwede ito sa mga bata.
B. Opo, dahil may magandang epekto ito.
C. Hindi po, dahil kailangan pa rin ang pag-aaral nang mabuti upang maging
matalino.
D. Hindi po, dahil para lamang ito sa mga matatanda.
____26. Magpapabili ka ba ng “Magic Capsule” na nabanggit sa patalastas? Bakit?
A. Opo, dahil puwede ito sa batang tulad ko.
B. Opo, dahil magiging matalino ako nito.
C. Hindi po, dahil hindi naman ako sigurado sa magiging epekto nito.
D. Hindi po, dahil hindi naman lahat ng patalastas ay nagsasabi ng totoo.
____27. Ano ang una mong gagawin sa mga patalastas na iyong nabasa?
A. Bibilhin ko agad ito upang hindi ako maunahan ng iba.
B. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang bumili rin nito
C. Pagninilay-nilayan ko ito nang mabuti upang malaman ko ang katotohanan.
D. Paniniwalaan ko ang sinasabi nito upang maging masaya ang gumawa nito.
Gusto mo bang pumuti agad?
Huwag nang mag-alala! Nandito na ang sabon para sa iyo
“Bida Soap” ang sabong babagay sa iyong balat Pilipina
Sa isang linggong gamitan lamang, tiyak puputi ka na!

____28. Ano ang nilalayon ng pagpapalabas ng produktong ito?


A. gawing mabango ang mga tao
B. gawing maputi ang gagamit ng produkto
C. maging maganda o gwapo ang gagamit nito
D. hikayatin ang mga manonood na bumili ng produkto
____29. Ano ang sinasabi ng patalastas tungkol sa produkto?
A. Ito ay sabon para sa mga bata.
B. Ito ay sabon na babagay kahit kanino.
C. Ito ay sabon para sa lahat upang lalong gumanda.
D. Ito ay sabong pampaputi para sa balat Pilipina na kapag ginamit ay puputi.
____30. Sang-ayon ka ba sa inilalahad ng patalastas? Bakit?
A. Opo, dahil kapani-paniwala ito.
B. Opo, dahil maganda ang epekto nito.
C. Hindi po, dahil kayang pumuti ang balat sa loob ng isang lingo.
D. Hindi po, dahil ang balat ng tunay na Pilipina ay natural na morena.
____31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng MALI tungkol sa pagsusuri ng
katotohanan?
A. Hindi ko agad pinaniniwalaan ang impormasyong aking nababasa.
B. Ikukumpara ko ang totoo at hindi totoo sa aking nabasa sa pahayagan.
C. Inaalam ko muna ang katotohanan bago ko paniwalaan ang aking nabasa.
D. Lahat ng patalastas ay totoo kaya tatangkilikin ko ang mga produktong
nabanggit.
____32. Sa aling pagkakataon mo maipapakita ang iyong masuring pag-iisip mula sa
katotohanang napanood sa programang pantelebisyon?
A. Lahat ng pinanunuod sa telebisyon ay agad na susuriin.
B. Lahat ng napanood na programang pantelebisyon ay pinaniniwalaang totoo.
C. Ipinababatid sa iba ang napanood sa telebisyon kahit na ito ay nakasasama.
D. Hindi inaalam ang nilalaman ng isang palabas o panuorin kung ito ay kapani-
paniwala.
____33. Naabutan mong pinapagalitan ng iyong tatay ang kapatid mo dahil Nakita
niyang sira ang gripo sa inyong lababo. Alam mong ikaw ang nakasira nito. Paano mo ito
sasabihin sa iyong tatay?
A. “Sila po Tatay ang nag-iwan niyan kaya dapat lang na sila ay pagalitan.”
B. “Ako po Tatay ang may kasalanan kaya huwag mo po silang pagalitan.”
C. “Hindi ko po alam na babahain tayo dito kapag iniwan ko ang gripong sira.”
D. “Pasensiya na po Tatay, hindi ko agad nasabi sa inyo na nasira ko ang gripo
kaninang naliligo ako.”
____34. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong paggamit ng teknolohiya?
A. Nakapangbu-bully sa iba ng hindi nila nalalaman.
B. Gumamit ng online games habang nasa loob ng silid-aralan
C. Nagagamit sa makabuluhang gawain para sa ika-uunlad ng sarili
D. Nakakapasok sa mga social networking sites na may malalaswang panuorin
____35. Paano ka natutulungan ng teknolohiya?
A. Nakagagawa ng video upang gawing panakot sa iba.
B. Madali kang nakagagawa ng takdang-aralin sa tulong nito.
C. Napapanuod mo ang mga mararahas na palabas sa youtube.
D. Nalalaman mo ang iba’t ibang online games na maaari mong laruin habang
nasa klase.
____36. Gumawa ng takdang-aralin ang iyong kamag-aral tungkol sa Kasaysayan ng
Pilipinas, ito ay kanyang kinuha sa isa sa mga website sa internet. Kokopyahin mo
ba ito o magsasaliksik ka na lamang?
A. Magsasaliksik ako ng Kasaysayan ng Malaysia.
B. Kokopyahin ko na lang kasi may tiwala naman ako sa kanya.
C. Kokopyahin ko na lang para hindi na ako gagastos sa pag-iinternet.
D. Magsasaliksik ako mag-isa tungkol sa takdang-araling ibinigay ng guro.
____37. Nakita mong kinuha ni Alex ang pitaka ng inyong guro.Kailangan mong ipaalam
ito sa inyong guro kahit kaibigan mo pa si Alex. Bilang isang mabuting bata,ano ang
gagawin mo para masabi mo ang katotohanan anuman ang maging kahihinatnan
nito?
A. Ibahagi ang totoong nakita at detalyadong ilahad ito.
B. Ikuwento mo nang walang basehan ang mga nakita mo.
C. Maglulubid hangin dahil hindi ka sigurado sa iyongsinasabi.
D. Pasinungalingan ang mga bagay na nakita mo dahil kaibigan mo si Alex.
____38. Inabutan kayo ng inyong guro na maingay sa loob ng klase.Nang tinanong niya
kayo, walang sumagot sa inyo. Ano ang maaari mong gawin para hindi sya magalit?
A. Magsawalang kibo na lang ako.
B. Tatawanan na lang namin ang guro.
C. Tatayo ako at sasabihin kung bakit kami maingay.
D. Hahayaan ko na lang ang aming guro na magalit sa nangyari.
____39. Mahalaga ba na may patnubay at gabay ng magulang sa paggamit ng internet
ng batang katulad mo? Bakit?
A. Hindi, dahil abala lamang sila sa mga gagawin ko.
B. Hindi, sapagkat wala naman silang maitutulong sa akin.
C. Oo, dahil sila ang magbabayad ang aking renta sa computer shop
D. Oo, dahil may mga palabas sa internet na hindi pwede sa mga batang katulad
ko.
____40. Napanood mo sa Facebook ang bagong produktong pagkain na iniindorso ng
isang sikat na artista. Ano ang gagawin mo?
A. Wala akong gagawin.
B. Bibili ako dahil gusto kong matikman.
C. Bibilhin ko kaagad dahil sikat na artista ang modelo.
D. Titingnan ko muna at babasahin ang nakasulat sa Nutrition Fact bago ako
bumili.
Key Answer

1. D
2. C
3. B
4. A
5. A
6. C
7. D
8. A
9. D
10. B
11. A
12. D
13. C
14. C
15. D
16. D
17. D
18. C
19. B
20. B
21. D
22. B
23. D
24. A
25. C
26. D
27. C
28. B
29. D
30. D
31. D
32. A
33. D
34. C
35. B
36. D
37. A
38. C
39. D
40. A

You might also like