You are on page 1of 5

PERIODICAL TEST IN ESP 4

FIRST QUARTER 2023-2024

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong
gawin?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya.
B. Pababayaan ko na lamang siya.
C. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
D. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.

2. Inutusan ka ng kapatid mong kumuha ng pera sa bag ng nanay niyo. Susundin mo ba siya?
A. Oo, para magkapera kami.
B. Oo, dahil kailangan namin ito.
C. Hindi, dahil masama itong gawain.
D. Hindi, para walang maging problema.

3. Alin kaya ang posibleng mangyayari kung ikaw ay nagsasabi ng katoohanan?


A. Hindi ka magiging masaya.
B. Magiging magaan ang loob mo.
C. Magiging marami ang iyong kaaway.
D. Aawayin ka ng iyong mga kaklase.

4. Binigyan kayo ng inyong guro ng takdang-aralin sa ESP na gumawa ng pangako tungkol sa pagsasabi ng
katotohanan. Para sa iyo, sasabihin mo ba sa iyong nanay na nakabasag ka ng salamin?
A. Oo, para magalit siya.
B. Oo, dahil ito ang tama.
C. Hindi, kasi ito ay nakakahiya.
D. Hindi, kasi tutuksuhin ako ng aking mga kaklase.

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magsalita sa harap ng klase, ano ang iyong sasabihin tungkol sa
pagsasabi ng katotohanan?
A. Ang pagsasabi ng katotohan ay nakakabigat ng loob.
B. Dapat huwag sabihin ang katotohanan para sa kabutihan.
C. Ugaliing magsabi ng katotohanan anuman ang magiging bunga nito.
D. Ang katotohanan ay nakapagbibigay ng hindi magandang bunga sa pagsasamahan.

6. Oras ng recess. Aksidente mong nabuhos ang juice sa bag ng iyong kaklase. Paano mo sasabihin sa kanya
ang nangyari?
A. “Pasensiya ka na. Hindi ko sinasasadyang mabuhusan ang bag mo. Hayaan mo at ito ay pupunasan
ko ng aking panyo.”
B. “Bakit ba kasi diyan mo lang nilalagay iyang bag mo? Hayan tuloy, nabuhusan ko.”
C. “Sana hindi mo nilagay dito sa tabi ko ang bag mo para hindi ko ito nabasa.”
D. “Ilipat mo na lang sa ibang upuan itong bag mo kasi nabasa na.”
7. Nakita mong nagpapasahan ng bola sina Edgar at Roy sa labas ng inyong silid-aralan. Natamaan ng bola ang
salaaming bintana kaya ito ay nabasag. Ano ang sasabihin mo sa inyong guro na alam mong magagalit sa
inyong klase kapag nalaman ito?
A. “Ma’am, hindi ko po alam kung sino ang nakabasag niyan kasi dito lang naman ako sa loob ng silid-
aralan.”
B. “Ma’am, sina Edgar at Roy po ang nakatama niyan kanina habang sila ay nagpapasahan ng bola.”
C. “Ma’am, mga taga-ibang seksyon po siguro ang nakabasag niyan kanina sa kanilang pagdaan dito.”
D. “Ma’am, siguro po sina Ana at Lisa ang nakabasag kasi sila po ang nagtatakbuhan kanina.”

8. Naabutan mong pinapagalitan ng iyong tatay ang kapatid mo dahil nakita niyang sira ang gripo sa inyong
lababo. Alam mong ikaw ang nakasira nito. Paano mo sasabihin sa iyong tatay?
A. “Sila po, Tatay ang nag-iwan niyan kaya dapat lang na sila ay pagalitan.”
B. “Hindi ko po alam na babahain tayo dito kapag iniwan ko lamang ang gripong sira.”
C. “Ako po, Tatay ang may kasalanan kaya huwag mo na po silang pagalitan.”
D. “Pasensiya na po, Tatay at hindi ko agad nasabi sa inyo na nasira ko ang gripo kanina habang ako ay
naliligo.”

9. Bakit mahalaga ang pagiging totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala sa sarili?
A. para sa maging sikat C. para maging magaling
B. para magtiwala ang mga ito D. wala sa nabanggit

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagsasabi ng katotohanan?


A. Inamin ni Jessica na siya ang nakabali ng ruler ng kanyang kuya kahit alam niyang hindi na siya
pahihiramin nito.
B. Hinayaan mo lang na mapalo ng iyong tatay ang kuya mo dahil ito ang napagkamalang kumuha ng
pera sa kanyang pitaka.
C. Sinabi mo sa iyong tatay ang nawawala mong baon kahit alam mong pagagalitan ka niya.
D. Humingi ng pasensiya si Maria sa kanyang nanay dahil ibinili niya ng kendi ang kanyang sukli.

11. Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga palatastas na nabasa o narinig?
A. Oo, dahil ito ay maganda.
B. Hindi, sapagkat dapat muna itong suriin.
C. Hindi, dahil lahat ng narinig o nabasa ay kasinungalingan.
D. Lahat ng nabanggit.

12. Sabi sa isang patalastas, kapag iinom ka ng kanilang produkto, puputi ka. Bibilhin mo ba kaagad ang
nasabing produkto kung gusto mong pumuti?
A. Hindi B. Oo C. Siguro D. Walang pakialam

13. Narinig mo sa iyong kaklase na ibinibida ang patalastas na nabasa niya tungkol sa paraan upang maging
artista. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang para masigurado mo na totoo ang nabasang
patalastas?
A. Tatanungin ko ang aming guro tungkol dito.
B. Makikipag-away ako sa kaniya dahil hindi ito totoo.
C. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para tingnan at masuri ang patalastas.
D. Magsaliksik muna tungkol sa patalastas.

14. Kapag nabasa mo ang unang parte ng patalastas, maaari mo ng ibahagi ito sa iyong kaibigan o kaklase.
Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito?
A. Oo, dahil nalaman ko na ang unang parte.
B. Oo, maniniwala naman sila kaagad sa akin.
C. Hindi, sapagkat nabitin ako sa aking nabasa.
D. Hindi, dapat ko munang basahin ang buong parte ng patalastas bago ibahagi sa iba.

15. Narinig ni Mark na may parating na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit na lugar. Ano ang
dapat gawin ni Mark?
A. Makinig sa radyo o manood ng telebisyon para sa mahahalagang pahayag.
B. Tawagan ang mga kamag aral at sabihin na wala na rin silang pasok.
C. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klase sa kanilang paaralan.
D. Sabihin kay nanay na hindi ka na papasok dahil narinig mo sa radyo na nasuspinde ang klase sa lugar
niyo.

16. Napanood ni Joyce ang bagong patalastas ng shampoo na nangangako ng mabilis na paghaba at pagkapal ng
buhok. Dapat bang maniwala agad si Joyce?
A. Oo, kasi sikat na artista ang nagsabi sa patalastas na siguradong kakapal at hahaba ng mabilis ang
buhok.
B. Hindi, susubukan ko muna bago ako tuluyang maniwala sa patalastas.
C. Oo, kasi nakita ko sa patalastas na mahaba at makapal ang buhok ng model.
D. Oo, kasi idolo ko ang artista na nasa patalastas.

17. May nabasa kang nagshare sa facebook na mabisa daw ang saging para hindi magkasakit ng Covid. Ano ang
gagawin mo?
A. Ishare ko agad sa iba kasi magandang balita ito.
B. Aalamin ko muna kung saan at kanino galing ang impormasyon baka kasi “fake news” ito.
C. Magpapabili ng maraming saging sa nanay kasi mabisa ito laban sa virus.
D. Kakain ng madaming saging para makaiwas sa Covid.

18. Maraming naririnig si Aling Carol na dahilan tungkol sa pagsasara ng kanyang paboritong istasyon na ABS-
CBN at di niya alam kung sino o ano ang paniniwalaan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Maniniwala ako sa kapitbahay na mula sa tsismis lamang nakuha ang impormasyon.
B. Manonood ako sa lehitimong tagapagbalita dahil masusi at maingat silang kumakalap ng mga
impormasyon.
C. Maghihintay ako sa makikita kong Tweet ng mga mapagkakatiwalaan na mga kaibigan.
D. Ibabalita ko sa pamilya ko ang impormasyon na galing kay Aling Carol.

19. Nabalitaan ng nanay mo na namimigay ng ayudang pinansyal sa inyong lugar dahil miyembro kayo ng 4
P’s. Paano mo gagabayan ang nanay mo?
A. Aalamin muna ang katotohanan ng balita pati ang mga tuntunin o paalala na dapat sundin bago
pumunta sa lugar na pagdadausan ng pamimigay.
B. Sasamahan ko nanay ko at susugod kami sa lugar na ipamimigay ang tulong pinansyal kasi baka kami
maubusan.
C. Maniniwala agad sa balita na may magbibigay ng ayuda.
D. Ibabalita ko agad sa ibang miyembro ng 4 P’s na may magbibigay ng ayuda.

20. Paano mo malalaman ang katotohanan?


A. pagtatanong sa kahit sino
B. pagsangguni sa taong kinauukulan
C. pakikinig sa sabi-sabi ng iba
D. pagbabasa ng fake news

Panuto: Suriin ang patalastas at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Gusto mo bang maging matalino?


Huwag nang mag-alala, nandito na ang
“Magic Capsule” na tutulong sa iyo.
Kaya magpabili ka na sa nanay o tatay mo.

21. Tungkol saan ang patalastas? Ito ay tungkol sa ___________.


A. produkto B. pagbili C. magulang D. katalinuhan

22. Ano ang epekto ng patalastas na ito?


A. Nakapagpapatalino sa tao
B. Nakapagpapaputi ng kutis
C. Nakapagpapaganda sa magulang
D. Natututo ng maraming kaalaman

23. Makatotohanan ba ang impormasyong hatid ng patalastas? Bakit?


A. Opo, dahil puwede ito sa mga bata.
B. Opo, dahil may magandang epekto ito.
C. Hindi po, dahil kailangan pa rin ang pag-aaral nang mabuti upang maging matalino.
D. Hindi po, dahil para lamang ito sa mga matatanda.

24. Magpapabili ka ba ng “Magic Capsule” na nabanggit sa patalastas? Bakit?


A. Opo, dahil puwede ito sa batang tulad ko.
B. Opo, dahil magiging matalino ako nito.
C. Hindi po, dahil hindi naman ako sigurado sa magiging epekto nito.
D. Hindi po, dahil hindi naman lahat ng patalastas ay nagsasabi ng tamang mensahe.

25. Ano ang una mong gagawin sa mga patalastas na iyong nabasa? Bakit?
A. Bibilhin ko agad ito upang hindi ako maunahan ng iba.
B. Pagninilay-nilayan ko ito nang mabuti upang malaman ko ang katotohanan.
C. Paniniwalaan ko ang sinasabi nito upang maging masaya ang gumawa nito.
D. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang bumili rin nito.
Gusto mo bang pumuti agad?
Huwag nang mag-alala! Nandito na ang sabon para sa iyo
“Bida Soap” ang sabong babagay sa iyong balat Pilipina
Sa isang linggong gamitan lamang, tiyak puputi ka na!

26. Ano ang nilalayon ng pagpapalabas ng produktong ito?


A. gawing maputi ang gagamit ng produkto
B. gawing mabango ang mga tao
C. maging maganda o gwapo ang gagamit nito
D. hikayatin ang mga manonood na bumili ng produkto

27. Ano ang sinasabi ng patalastas tungkol sa produkto?


A. Ito ay sabon para sa mga bata.
B. Ito ay sabon na babagay kahit kanino.
C. Ito ay sabon para sa lahat upang lalong gumanda.
D. Ito ay sabong pampaputi para sa balat Pilipina na kapag ginamit ay puputi.

28. Sang-ayon ka ba sa inilalahad ng patalastas? Bakit?


A. Opo, dahil kapani-paniwala ito.
B. Opo, dahil maganda ang epekto nito.
C. Hindi po, dahil ang balat ng tunay na Pilipina ay natural na morena.
D. Hindi po, dahil kayang pumuti ang balat sa loob ng isang lingo.

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng MALI tungkol sa pagsusuri ng katotohanan?
A. Hindi ko agad pinaniniwalaan ang impormasyong aking nababasa.
B. Inaalam ko muna ang katotohanan bago ko paniwalaan ang aking mga nababasa.
C. Ikukumpara ko ang totoo at hindi totoo sa aking nabasa sa pahayagan.
D. Lahat ng patalastas ay totoo kaya tatangkilikin ko ang mga produktong tinutukoy nito.

30. Sa aling pagkakataon mo maipapakita ang iyong masuring pag-iisip mula sa katotohanang napanood sa
programang pantelebisyon?
A. Lahat ng napanood na programang pantelebisyon ay pinaniniwalaang totoo.
B. Hindi inaalam ang nilalaman ng isang palabas o panuorin kung ito ay kapani- paniwala.
C. Ipinababatid sa iba ang napanood sa telebisyon kahit na ito ay nakasasama sa iba.
D. Lahat ng pinanunuod sa telebisyon ay agad na susuriin.

31. Ano ang hindi mabuting naidudulot ng paggamit ng teknolohiya?


A. Napabibilis nito ang komunikasyon
B. Nakakaroon ng libangan ang mga tao
C. Nagagamit sa masasamang bagay ang teknolohiya
D. Natutuklasan ang iba’t ibang bagay sa tulong teknolohiya

32. Tuwing kailan dapat gumamit ng internet ang mga mag-aaral?


A. Tuwing araw ng may pasok lamang
B. Paggawa ng takdang-aralin o mga gawain sa pag-aaral
C. Kapag ang kamag-aral ay makikipaglaro ng mobile legend
D. Kung meron kang nais i-bully na kamag-aral

33. Dapat bang ipaalam sa ibang tao ang iyong password sa Facebook?
A. Oo, para kapag nakalimutan mo ay itatanong mo nalang ito sa kanya
B. Oo, upang mabuksan niya ang Facebook account mo
C. Hindi, dahil ito ay personal na bagay na tanging ikaw lang dapat ang may alam
D. Hindi, madamot ako at akin lamang iyon

34. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong paggamit ng teknolohiya?


A. Nakakapasok sa mga social networking sites na may malalaswang panuorin
B. Gumamit ng online games habang nasa loob ng silid-aralan
C. Nakapangbu-bully sa iba ng hindi nila nalalaman
D. Nagagamit sa makabuluhang gawain para sa ika-uunlad ng sarili
35. Paano ka natutulungan ng teknolohiya?
A. Madali kang nakagagawa ng takdang-aralin sa tulong nito.
B. Napapanuod mo ang mga mararahas na palabas sa youtube.
C. Nalalaman mo ang iba’t ibang online games na maaari mong laruin habang nasa klase.
D. Nakagagawa ng video upang gawing panakot sa iba.

36. Gumawa ng takdang-aralin ang iyong kamag-aral tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas, ito ay kanyang
kinuha sa isa sa mga website sa internet. Kokopyahin mo ba ito o magsasaliksik ka na lamang?
A. Kokopyahin ko na lang kasi may tiwala naman ako sa kanya.
B. Kokopyahin ko na lang para hindi na ako gagastos sa pag-iinternet.
C. Magsasaliksik ako ng Kasaysayan ng Malaysia.
D. Magsasaliksik ako mag-isa tungkol sa takdang-araling ibinigay ng guro.

37. Nanonood ka ng balita sa Youtube tungkol sa lindol sa ibang bansa. Nagkataon ay ganun din ang paksang
iuulat ng iyong kamag-aral sa klase ni Bb. Edu. Ano ang gagawin mo?
A. Magsasawalang-bahala nalang ako
B. Kunwari wala akong alam sa kanila paksa at hindi ko sila papansinin
C. Hindi ako magbabahagi ng aking kaalaman sa klase
D. Masigla akong makikilahok sa talakayan

38. Napanood mo sa Facebook ang bagong produktong pagkain na iniindorso ng isang sikat na artista. Ano ang
gagawin ko?
A. Titingnan ko muna at babasahin ko ang nakasulat sa nutrition fact bago ako bumili
B. Bibilhin ko kaagad dahil sikat na artista ang nag-iindorso
C. Bibili ako dahil gusto kong matikman
D. Wala akong gagawin

39. Mahalaga ba na may patnubay at gabay ng magulang sa paggamit ng internet ng batang katulad mo?
A. Hindi, dahil abala lamang sila sa mga gagawin ko
B. Hindi, sapagkat wala naman silang maitutulong sa akin
C. Oo, dahil may mga palabas sa internet na hindi pwede sa mga batang katulad ko
D. Oo, dahil sila ang magbabayad ang aking renta sa computer shop

40. Malaki ang naitutulong ng internet sa mga mag-aaral. Alin ang HINDI kabilang sa mga ito?
A. Nakapagsasaliksik ng mga takdang-aralin sa klase
B. Nakatutulong upang mapabilis ang komunikasyon sa mga malalayong kamag-anak
C. Ginagamit sa paggawa ng malalaswang panuorin
D. Nalalaman ang mga bagay bagay sa pamamagitan ng internet

You might also like