You are on page 1of 7

GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL

First Quartely Assessment Test in Edukasyon sa Pagpakatao


S.Y. 2022 - 2023
NAME : ___________________GRADE/SECTION :____________DATE :_______
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Si Rita bagong lipat sa klase ni Gng. Reyes sa Mababang Paaralan ng Cebu ngunit hindi
siya nahiyang nagpapakilala sa buong klase. Anong magandang katangian ang ipinakita ni
Rita?
A. Kababaan ng loob C. Katatagan ng loob
B. Kahinaan ng loob D. Kawalan ng loob
2. Paano mo maipapakita ang iyong mga natatanging kakayahan o talent nang may lakas o
tibay ng loob sa harap ng maraming tao?
A. Magsasanay sa pagtugtog ng gitara. C. Sasali sa paligsahan ng awit sa barangay.
B. Dadalo sa palatuntunan sa paaralan. D. Sasama sa pamimigay ng mga relief goods.
3. Anong katangian ang ipinakita ni Carlo nang siya ay tumayo at nagpakilala sa mga
bagong kamag-aral?
A. Katatagan ng loob C. Pagiging matapat
B. Pagkamahiyain D. Pagkamatiisin
4. Ikaw ang napipili ng iyong guro na siyang maging tagapagdaloy ng palatuntunan. Ano ang
gagawin mo?
A. Pipilitin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
B. Sasabihin ko na ayokong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
C. Lalakasan ko ang aking loob at tatanggapin ko ang ibinigay na gawain.
D. Magdadahilan ako na masakit ang aking lalamunan at hirap magsalita.
5. Naglaro kayong magkapatid sa hardin. Hindi sinadyang nasagi ng iyong kapatid ang paso
at ito’y nabasag? Ano ang dapat gawin?
A. Tatahimik na lang ako. C. Aangkinin ko na ako ang nakabasag.
B. Ituturo ko ang pusa ang nakabasag. D. Sasabihin ko na hindi sinasadyang nabasag
ng kapatid.
6. Ano ang katangian na kailangan upang makapagsabi ng katotohanan?
A. Matiyaga B. Mapagtimpi C. May lakas ng loob D. Mapagmahinahon
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan sa pagsabi ng totoo.
A. Itinago ni Rosa ang sukli.
B. Pinunit ni Arman ang papel ng kaklase.
C. Kinain ni Roy ang mangga na naiwan ng kapitbahay.
D. Sinabi ni Anna kay nanay na siya ang kumuha ng pera.
8. Nawala ang hiniram mong sombrero ng iyong kapatid at hinanap niya ito. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Magpapabili ako ng bago kay nanay. C. Sasabihin ko ang totoo.
B. Magtatago ako dahil sa takot. D. Iiyak ako sa sulok.
9. May nakita kang laruan na walang nagmamay-ari. Ano ang gagawin mo?
A. Kukunin ko at ibigay sa kapatid. C. Magtatanong at hahanapin ko ang may-ari.
B. Itatago ko dahil hulog ito ng langit. D. Hahayaan ko na lang para iba ang makakuha.
10. Nabasag mo ang baso ng iyong nanay habang ikaw ay naglilinis. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Babalewalain ko ang nangyari. C. Sasabihin ko ang katotohanan.
B. Magsisinungaling ako sa nanay. D. Itatago ko ang nabasag na baso.
11. Nakita ni Arthur ang post sa facebook na sumabog ang kalahati ng syudad ng Beirut,
Lebanon. Paano niya masusuri kong ito’y totoo?
A. Paniwalaan agad ito. C. Ibalita agad ito sa mga kaibigan.
B. Itanong sa kaibigan kung totoo. D. Isaliksik ang pinagmulan ng post.
12. Sinabi ng kapitbahay na pwede nang makapasok sa mga malls ang mga bata. Alin dito
ang dapat mong gawin?
A. Ibabalita agad sa mga kaibigan ang narinig.
B. Makikinig sa radyo para siguraduhin ang balita.
C. Paniniwalaan kaagad ang sinabi ng kapitbahay.
D. Anyayahan ko ang mga kaibigang magpunta sa mall.
13. Ano ang salitang tumutukoy sa pagiging masiyasat sa mga bagay at pagsusurinang
lubos para makapagbuo ng
Wastong pasya?
A. Mapanuri B. Mapagtiis C. Mapagpasiya D. Mapagtimpi
14. Narinig mo sa radyo ang patalastas tungkol sa mga pagkaing nakabubuti sa ating
katawan. Paano mo makukumbinsi ang iyong pamilya tungkol dito?
A. Bibili ka at bigyan sila.
B. Uutusan silang huwag bumili.
C. Tuturuan sila kung saan dapat bumili.
D. Hihikayatin silang bumili ng mga pagkaing masustansya.
15. Binalitaan ka ng iyong pinsan na may matatanggap ang bawat mag-aaral na allowance
mula sa city hall. Paano mo susuriin ang katotohanan nito?
A. Maglulundag ako sa tuwa.
B. Mangungutang agad ako ng celfon.
C. Ikakalat ko ang balitang ito sa iyong mga kaibigan.
D. Maghihintay ako ng opisyal na anunsyo tungkol dito
16. May natanggap si Rico na mensahe na nanalo siya ng bahay at lupa at hinihingan siya
ng bayad para sa tax upang makuha ito. Ano ang gagawin niya?
A. Babayaran niya ito kaagad. C. Makipagkita siya sa nagbibigay ng mensahe.
B. Sisiyasatin niya kong totoo ba ito. D. Aawayin niya ang nagpapadala ng mensahe.
17. Nababalitaan mong on-line class ang gagawin sa darating na pasukan at wala
kang gadget para dito. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatanong ako sa guro. C. Titigil ako ng pag-aral sa taong ito.
B. Ibabalita ko ito sa mga kaibigan. D. Magpost ako ng reklamo sa facebook.
18. Nanonood si Alfred ng programa sa telebisyon. Alin sa mga sitwasyong ito ang
nagpapakita na may bukas siyang pag-iisip?
A. Ayaw niyang manood ng programa tungkol sa kalusugan.
B. Natuwa siya kapag may artista ang programa sa telebisyon.
C. Inilipat niya ng estasyon kapag may ipinalabas na karahasan.
D. Sumang-ayon siya sa mga napanood na programa sa telebisyon.
19. Nakita ni Rica ang patalastas sa telebisyon tungkol sa kahalagahan ng pag-inom ng
bitamina. Paano niya ito ipaliwanag sa kapatid na ayaw uminom nito?
A. Isumbong siya sa nanay.
B. Iwan ang kapatid at maglaro sa labas.
C. Sabihin sa kanya ang kahalagahan ng bitamina.
D. Pabayaan ang kapatid dahil siya naman ang magkakasakit.
20.Nadatnan mong nanonood ang iyong nakababatang kapatid nang programang medyo
may karahasan at kalaswaan. Alin dito ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong ko siya sa tatay.
B. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
C. Isasara ko kaagad ang telebisyon at paliwanagan siya.
D. Ipagpatuloy ang panonood at saka na siya paliwangan.
21. Ang ahensiya ng pamahalaan na responsable sa regulasyon ng telebisyon, pelikula at
sari-saring uri ng de-bidyong medya na makikita o ikinakalat sa bansa ay _______.
A. DENR B. DepEd C. DSWD D. MTRCB
22. Sinabi ng kapitbahay na walang pasok kinabukasan dahil holiday. Alin ang gagawin mo?
A. Maging masaya at matulog. C. Ibalita sa kamag-aral na walang pasok.
B. Makinig sa radyo para siguraduhin. D. Maghintay ng text message sa mga kaibigan.
23. Si Dario ay mahilig makinig ng balita sa radyo at magbasa sa pahayagan tungkol sa mga
bagong kaganapan. Saang katangian dito siya na hanay?
A. masigla B. matalino C. masigasig D. mapagmatyag
24. Napanood o narinig mo sa telebisyon o radyo ang patalastas tungkol sa mga pagkaing
nakasama sa ating katawan. Paano mo matulongan ang ibang tao o ang iyong pamilya
tungkol dito?
A. Hikayatin silang kumain. C. Magtanong kung saan dapat bumili.
B. Humingi ka at bigyan sila. D. Sabihin ang epekto sa pagkain nito.
25. Ibinalita sa radyo o telebisyon na tuloy ang pasukan. Anong ahensiya ng pamahalaan
ang tumutugon kung paano isasagawa ang pamaraan ng pagtuturo ngayong may
pandemya?
A. DENR B. DepEd C. DSWD D. MTRCB
26. Ibinalita ng iyong kaibigan na hindi kailangang pumunta sa paaralan ngayong may
pandemya. Alin ang gagawin mo?
A. Manood at makinig sa balita.
B. Manatili sa bahay na walang ginawa.
C. Ibalita sa kamag-anak na walang pasok.
D. Maghintay ng chat at email mula sa kamag-aral.
27. May nakita o narinig kang patalastas sa telebisyon o radyo tungkol sa kahalagahan ng
pagtanim ng prutas at gulay. Paano mo ito maipapaliwanag sa iyong pamilya na ayaw
magtanim ng mga ito?
A. Sasabihin ang kahalagahan ng pagtanim ng prutas at gulay.
B. Pabayaan sila at ikaw lang ang magtanim.
C. Iiwan siya at maglaro nalang.
D. Isusumbong sa guro.
28. Nanonood ka ng programa sa telebisyon. Alin sa mga sitwasyong ito na may bukas kang
pag-iisip?
A. Ayaw mong manood ng programang may karahasan.
B. Sumang-ayon sa mga napanood na programa sa telebisyon.
C. Natutuwa ka kapag may magandang balita ang programa sa telebisyon.
D. Inililipat mo ng ibang estasyon kapag may ipinalabas na malalaswang panoorin.
29. Tapos na ang programang pinanood ng aking nakababatang kapatid nang biglang
sumunod ang programang medyo may karahasan at kalaswaan. Alin dito ang dapat mong
gawin?
A. Pagalitan ang kapatid.
B. Isara kaagad ang telebisyon.
C. Ipagpatuloy ang panonood at saka na ipaliwanag.
D. Ilipat sa ibang channel at ipaliwanag na ang susunod na programa ay hindi angkop sa
mga bata.
30. May nakita kang patalastas sa telebisyon tungkol sa kahalagahan ng pag-inom ng gatas.
Paano mo ito maipapaliwanag sa kapatid mong ayaw uminom nito?
A. Sabihin sa kanya kung ano ang kabutihang maidulot sa ating kalusugan ng pag-inom
ng gatas.
B. Pabayaan siya at ikaw lang ang iinom nito.
C. Aawayin siya at hindi kakausapin.
D. Isumbong sa Nanay
31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin.
A. Nakikiayon sa sinasabi ng kapwa para maiwasan ang gulo.
B. Nakikipag-usap ng maayos sa kapwa upang magka-unawaan.
C. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
D. Kumakampi sa mas marami ang umaayon upang hindi mapag-isa.
32. Ano ang gagawin mo kapag kinuhang bigla ang iyong bolpen ng iyong nakababatang
kapatid?
A. Aawayin ang kaklase. C. Iiyak at hayaan nalang ito.
B. Isusumbong sa magulang. D. Ibigay na lang sa nakababatang kapatid.
33. Nakita mo ang ambulansya na patungo sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
A. Iiyak na pasigaw. C. Makikisawsaw sa usapan.
B. Lulundag sa takot. D. Manatili sa loob ng bahay.
34. Si Carlo ay hindi agad naiinis kapag siya ay tinutukso. Anong kaugali- an ang ipinakita
niya?
A. Maalahanin B. Mapagmalaki C. Mapagtimpi D. Matiyaga
35. Gusto mong magkaroon ng bagong sapatos ngunit ayon sa iyong nanay wala pang
perang pambili. Paano mo ipapakita ang pagiging mahinahon sa sitwasyon?
A. Iiyak para ibili ng sapatos. C. Ipagpilitan ko ang pagbili ng sapatos.
B. Huwag pumayag na di ka ibili. D. Hintayin kung kalian makabili si
nanay.
36. Alin dito ang hindi mabuting naidulot ng internet?
A. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
B. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
C. Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay ng simpleng mag-aaral na
Pilipino.
D. Nakagagawa ng blog site tungkol sa ganda ng Cebu at iba pang magagandang lugar
sa Pilipinas na napuntahan.
37. Ang mga sumusunod ay mga salitang naiuugnay sa social media maliban sa isa.
A. Facebook B. Instagram C. Printer D. Twitter
38. Masasabi nating malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspekto ng
kaalaman at edukasyon. Subalit hindi lahat ng ating nababasa sa internet ay totoo at tama.
Kailangang maging _______.
A. alerto sa bali-balitang nakukuha
B. aktibo sa pagbibigay ng impormasyon
C. tagapagsubaybay ng mga sikat na sites
D. mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites
39. Alin dito ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng internet?
A. Naisasagawa ang pananaliksik.
B. Maaaring maka pag-chat ng kaibigan.
C. Makikita ang mga di kaaya-ayang video.
D. Natatawagan ang kamag-anak sa ibang bansa.
40. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang totoo?
A. May malaking naitutulong ang internet at teknolohiya sa ating edukasyon ngayon.
B. Ang paggamit ng facebook nang magdamag ay nakatutulong sa kalusugan.
C. Ang facebook ay website na hindi maaaring gamitin sa pagsasaliksik.
D. Lahat ng ating nababasa sa internet ay totoo at tama.

Prepared by:
MS. MA. RHODORA C. CUHIT

Approved by:
MR. QUINCIANO LABISTE JR.
TABLE OF SPECIFICATION

OBJECTIVES ITEM NUMBER PERCENTAGE


PLACEMENT ITEMS
Nasasabi ang katotohanan ano 1,2,3,4,5
man ang magiging bunga.
Nakikilala ang mga katangian 6, 7, 8,9, 10 10 25
upang masabi ang katotohanan.
Nabibigayang kahalagahan ng
pagiging totoo.
Nakapapagsusuri ng katotohanan 11,12,13,14,15
bago gumawa ng anumang
hakbang batay na impormasyon
mula sa iba’t-ibang pinagmulan ng
balita.
Nakapag-uuri ng Mabuti at 16,17,18,19,20 10 25
mapaghamon na balita.
Nakapagpahalaga sa pagsusuri
ng katotohanan sa balitang
narinig.
Nanininilay ang katotohanan 21,22,23,24,25 10 25
batay sa mga impormasyong
nakalap mula sa iba’t-ibang
pinagmulan.
Nakikilala ang kabutihan at
pinsala na makukuha mula sa 26,27,28,29,30
internet.
Nagbibigay ang halaga ng
pagninilay ng mga impormasyong
nakalap.
Nakikilala may positibong 31,32,33,34,35 5 12.5
solusyon na magpapakita ng
pagkamahinahon.
Nasasagawa ang pagtuklas ng
katotohanan
Nasasagawa ang pagtuklas ng
katotohanan na may mapanuring
pag-iisip sa tamang pamaraan.
Nabibigay ang mga halaga sa
ugaling pagkamahinahon sa lahat
ng pagkataon.
Nakikilala ang mga salitang
mauugnay sa internet upang
magamit ng tama.
Nakapagbibigay halaga sa 36,37,38,39,40 5 12.5
kabutihang naidudulot ng internet.

ANSWER KEY
1. C 21. D
2. C 22.B
3. A 23.D
4. C 24. D
5. D 25.B
6. C 26.A
7. D 27.A
8. C 28.A
9. C 29.D
10. C 30.A
11. D 31.B
12. B 32.D
13. A 33.D
14. D 34.C
15. D 35.D
16. B 36.A
17. A 37.C
18. D 38.D
19. C 39.C
20. D 40.A

You might also like