You are on page 1of 4

1. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag may humihingi ng pagkain?

a. Hindi pansinin. C. Turuang maghanapbuhay.


b. Sabihing pumunta sa kapitbahay. D. Bigyan ng pagkain.
2. Biglang dumating ang ulan habang naglalakad kayo ng iyong kaklase pauwi. Napansin mong wala
siyang dalang payong. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Hayaan siyang maglakad sa ulan. C. Anyayahan siyang makisukobsa iyong payong.
b. Samahan siyang hintaying huminto ang ulan. D. Iwanan siya sa daan.
3. Paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa sa mga nasasalanta ng bagyo at iba pang sakuna?
a. Magbigay ng card na naglalaman ng pakikiramay.
b. Magbigay ng mga bagay na magagamit nila.
c. Hayaan lang silang magdusa.
d. Magtago upang hindi mahingan ng tulong.
4. Ano ang pinakamabuting gawin sa bilang pasasalamat sa Panginoon na ibinigay niyang buhay sa iyo?
a. Alagaan ang sarili at maging mabuting bata. C. Kumain ng marami.
b. Magsimba araw araw. D. Mamigay ng regalo araw araw.
5. Nakasanayan na ni Kris Ann na may handa sa kanyang kaarawan ngunit hindi ito nangyari sa taong ito
dahil nagkasakit ang kanyang kapatid. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Magsungit sa kanyang mga magulang.
b. Awayin ang kanyang kapatid.
c. Intindihin ang sitwasyon at magpasalamat sa Panginoon sa kanyang buhay.
d. Magmukmok buong araw.
6. Alin ang isang magandang halimbawa ng pagdiriwang ng kaarawan?
a. Mamili ng maraming kagamitan.
b. Mamasyal sa parke.
c. Magpaparty buong araw.
d. Magsimba at mamahagi ng mga biyaya sa mga kapuspalad.
7. Ano ang mabuting gawin kapag nag-aaway ang iyong mga kapatid?
a. Kampihan ang bunsong kapatid.
b. Hayaan silang mag-aaway.
c. Buwagin at ayusin ang sitwasyon.
d. Isumbong sa pulis.
8. Araw ng inyong pagsamba, ngunit inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na maligo sa dagat. Alin sa mga
sumusunod ang tama mong gawin?
a. Sumama at hindi magpaalam sa mga magulang.
b. Tanggihan at ipaliwanag ang dahilan.
c. Iwasan ang kaibigan.
d. Sigawan at pangaralan ang iyong kaibigan.
9. May isang Muslim na nabugbog at humingi ng tulong sa daan. Ano ang nararapat mong gawin?
a. Hayaan siya dahil hindi mo siya kasamahan.
b. Huminto at ibigay ang nararapat na tulong.
c. Humanap ng ibang Muslim upang tutulong sa kanya.
d. Tumakbo at hayaan siyang mamatay.
10. Ano ang dapat nating gawin sa ating kapwa ayon sa Gintong Kautusan?
a. Gumawa ng mabuti.
b. Bigyan sila ng sakit sa ulo.
c. Hindi sila pakialaman.
d. Hayaan ang kapwa na magdusa.
11. Nakatanggap ka ng mensahe sa iyong cellphone na magkaroon ng total lockdown sa buong Batangas
City sa loob ng dalawang Linggo. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipaaalam ito sa lahat na kasapi ng pamilya.
B. Ipapasa ang mensahe sa ibang mga kaibigan upang malaman din nila.
C Babasahin lang at hayaan na lang ang impormasyong masuri ng ibang makababasa
D. Aalamin ang pinanggalingan ng mensahe at magtatanong sa ibang ahensiyang may
kaalaman ukol sa impormasyon.
12. Napanood mo sa balita na mamimigay ang LGU ng ayuda sa lahat ng
mga taga Pasig, ngunit hindi ito nakarating sa itinakdang araw. Ano ang gagawin mo ?
A. Magtatanong sa kapitbahay
B. Hindi paniniwalaan ang balita
C. Magpopost sa facebook na fake news ang ayuda.
D. Hihintayin hanggang sa makatanggap ang inyong pamilya.

13. Nabalita sa radyo at telebisyon na may mga nakakagamot sa Covid-19. Paano mo maipakikita na ikaw
ay nagsusuri ng balita?
A. Magtatanong sa mga frontliners ukol sa balita.
B. Paniniwalaan kapag may gumaling na sa nasabing sakit.
C. Hindi agad maniniwala dahil ito ay hindi galing sa ahensya ng DOH
D. Pakikinggan ang balita at ipakakalat gamit ang FB para maraming makaalam.
14. Nakatanggap ka ng mensahe, na nanalo ka ng isangdaang libong piso. Ito raw ay ipinamamahagi ni
Senador Manny Pacquiao. Dapat mo ba itong paniwalaan?
A. Oo, dahil mayaman si Senador Many Pacquiao.
B. Oo, dahil matulungin si Senador Many Pacquiao.
C. Hindi, magtatanong muna ako sa aking kapitbahay.
D. Hindi, mag-iimbestiga muna ako at ipaaalam sa tamang ahensiya ang aking natanggap
na mensahe para malaman ang katotohanan.
15. Si Betty ay nakikinig sa doktor na nagsasalita sa radyo tungkol sa mabuting pag-iwas sa Corona Virus.
Kanya itong pinakinggang mabuti at naishare sa kanyang wall sa FB. Samantalang si Faye naman ay
nag post agad ng bagong impormasyon sa FB wall niya tungkol sa balita sa
radyo na magkakaroon daw ng total lockdown. Sino ang dapat tularan sa kanilang dalawa?
A. Wala, dahil parehong mali ang kanilang ginawa.
B. Pareho silang tutularan dahil nakikinig sila sa balita
C. Si Faye dahil nagbibigay ng impormasyon sa Facebook
D. Si Betty dahil ang kanyang pinakikinggan ay tungkol sa pag-iwas sa Virus
16. Makakalap ang impormasyon tungkol sa COVD-19 sa mga sumusunod MALIBAN sa isa
A. Youtube B. Google Chrome C. Facebook D. Diksyonaryo
17. Ang lahat ng nababasa sa internet ay pwedeng paniwalaan?
A. Maaring paniwalaan
B. Mali kapag ikaw ay maniniwala.
C. Pwedeng paniwalaan o suriin dahil hindi lahat ay tama ang impormasyon.
D. Pag marami ang comment ito ay puwedeng paniwalaan
18. Ang internet ay tulong sa mga tao dahil ito ay____________________?
A. maraming impormasyong maibibigay
B. Makatutulong sa nais mong malaman na mga impormasyon sa pag-aaral
C. Makapagbibigay ng negosyo sa mga tao
D. May mga bagay na maitutulong sa mga tao kung sinusuri ang impormasyon bago
paniwalaan .
19. May nais kang sabihin sa kaibigan mo, ngunit hindi mo ito masabi ng harapan sa kanya, ito ay iyong
ipinost sa FB wall mo at itinag sa kanya. Tama ba ang paggamit mo ng social media/ internet?
A. Opo, dahil nailabas ko ang saloobin ko.
B. Pwede dahil nakapag post ako ng gusto kong sabihin sa iba.
C. Mali! Dahil marami ang makababasa ng post kung hindi ito maganda.
D. Maaaring tama ang ginawa ko para mabasa nya ito at malaman angModule 3 Quarter1
saloobin ko sa kanya.
20. May nabasang bagong impormasyon sa internet si Ted hinggil sa di umanong mga gamot at paraan na
makagagamot sa COVID-19. Agad niya itong ipinost sa kanyang Facebook Account upang mabasa din ng
kanyang kaibigan. May pagpapahalaga ba si Ted sa makatotohanang impormasyong nakalap nya sa
internet bago nag post?
A. Pwede dahil bago itong impormasyon
B. Wala, hindi siya nagsusuri ng impormasyon bago magpost sa kanyang FB page.
C. Wala siyang pagpapahalaga sa katotohanan dahil opinyon lang ang kanyang nabasa at
ipinost agad sa FB kahit hindi nasusuri
D. Pwede, dahil hindi naman niya kasalanan ang pag share sa FB dahil
hindi naman niya gawa ang impormasyon sa internet
21. Gusto mong manood ng paborito mong teleserye, subalit nanonood ang iyong tatay ng balita tungkol
sa Covid-19. Ano ang gagawin mo?
A. Magdadabog para mapansin at pagbigyan ni tatay.
B. Ipagpapaliban muna ang panonood ng paboritong teleserye.
C. Kakausapin ang tatay na ipagpaliban muna niya ang panonood ng balita.
D. Kukunin ang remote ang ililipat ang telebisyon sa paborito mong teleserye.
22. Paano mo maipakikita na ikaw ay may mapanuring pag-iisip sa mga balitang naririnig sa radyo o
nababasa sa mga pahayagan?
A. Magdedesisyon agad ayon sa balitang narinig.
B. Magtatanong sa kapitbahay kung totoo o hindi.
C. Ikukuwento agad sa kapitbahay ang balitang narinig.
D. Susuriin nang mabuti kung totoo ang balitang narinig.
23. Napanood mo sa telebisyon na ang pagbababad sa facebook ay may masamang epekto sa kalusugan.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Lilimitahan ang paggamit ng facebook.
B. Magpapatuloy sa paggamit ng facebook.
C. Ipagpapawalang bahala nalang ang napanood.
D. Hindi papansinin ang maaring epekto nito.
24. Nakita mong nagkakatuwaan ang iyong mga kaklase sa isang magasin na may hindi kaaya-ayang
larawan ng babae at lalaki. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag na lamang makikialam.
B. Makikisali sa kanilang katuwaan.
C. Hahablutin ang magasin at punitin.
D. Isusumbong sa guro upang sila ay pagsabihan.
25. Ipinanukala ng Kagawaran ng Edukasyon na sa panahon ng Pandemya
ay maaari paring ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng internet, telebisyon at radyo.
Ngunit dahil sa kahirapan sa buhay ay wala kayong kagamitan katulad ng mga nabanggit. Ano ang
gagawin mo?
A. Makikinood sa kapitbahay.
B. Titigil na lamang sa pag-aaral.
C. Magmumukmok na lamang buong magdamag.
D. Magtatanong sa kinauukulan kung paano makapag-aral ang tulad mong walang
teknolohiya sa bahay.
26. Ang mga impormasyong makukuha sa diyaryo, magasin, telebisyon, pelikula at internet ay magdudulot
ng ______
A. mabuti B. di-mabuti C. saya D. A at B
27. Ang mga sumusunod ay mabuting dulot ng mga impormasyon, MALIBAN sa _____
A. pagkakaroon ng bago at karagdagang mga kaalaman
B. paglawak at paglalim ng pagkaunawa
C. pagkalito dahil sa dami at iba-iba
D. pagkakabatid sa katotohanan
28. Ang hindi magandang dulot ng mga impormasyong natatanggap ay _____
A. pagkakaiba-iba ng mga pinaniniwalaan
B. hindi pagkakaunawaan o pag-aaway
C. pag-aalala o takot sa mga tao
D. lahat ng nabanggit
29. Ang sitwasyong nagpapakita ng hindi magandang epekto ng impormasyon ay _____
A. mas dumami ang kaalaman ni Avria dahil sa mga nabasa
B. natuklasan ni Kurt ang katotohan dahil nagsiyasat siya
C. nag-away ang magkaibigan dahil magkaiba ang alam nila
D. nasasagot ni Rose ang mga tanong dahil updated siya
30. Upang hindi maging biktima ng maling impormasyon, kailangan mong maging _____
A. mapamaraan B. mapaniwalain C. mapagduda D. mapanuri
31. Ito ay kasingkahulugan ng kabatiran o karunungan. Nakukuha ang mga ito sa pamamagitan ng pag-
aaral o pagkakaroon ng karanasan.
A. kaalaman B. talento C. aral D. kapangyarihan
32. Ayon sa sinabi ni Francis Bacon, “Knowledge is _____.”
A. dream B. power C. life D. everything
33. Ang pagiging masipag at matiyaga sa pag-aaral ay magdadala sa katuparan ng iyong _____
A. pagtatapos B. pagyaman C. hiling D. pangarap
34. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang maipakita ang positibong saloobin sa pag-aaral,
MALIBAN sa _____
A. pagdadamot ng impormasyon o kaalaman sa iba
B. paglalaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral
C. pagkakaroon ng kawilihang gawin ang mga gawain
D. pagiging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan
35. Madalas ipinagpapaliban ni Cindy ang pag-aaral kaya nakaklimutan na niyang tapusin. Ang gawaing ito ay
A. tama B. okay lang C. mali D. kahanga-hanga
36. Suriing mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral sa larawan?
A. Nagkakasiyahan sa paglalaro
B. Pinag-uusapan ang ibang kaklase
C. Nagtutulungan sa pangkatang gawain
D. Masusing nag-uusap tungkol sa kahit anong bagay
37. Ano ang ipinapakita ng bawat miyembro ng pangkat sa kanilang ginagawa?
A. Nagtutulungan ang bawat miyembro
B. Nakikinig ang bawat isa sa ideya ng iba
C. Nakikiisa ang bawat isa sa gawain
D. Lahat ng nabanggit
38. Sa iyong palagay, ano ang dapat tandaan ng bawat miyembro ng pangkat upang maging mabilis at
maayos ang gawain?
A. Ipaubaya sa ibang miyembro ang gawain dahil sa tingin mo mas magaling sila sa iyo.
B. Makikilahok ang bawat miyembro upang mapadali ang gawain.
C. Hindi sasali sa gawain dahil walang ibabahaging ideya.
D. Ipagpilitan ang nabuong ideya tungkol sa gawain.

39. Ano ang iyong gagawin kung hindi mo naintindihan ang ipinapagawa sa iyo ng guro?
A. Hayaan na lamang sapagkat nakakahiya.
B. Magtatanong sa katabi kung anong gagawin.
C. Hindi na lamang iintindihin ang sinasabi ng guro.
D. Mahinahon na tatanungin ang guro tungkol sa gawain.
40. Bakit kailangan ang pagkamahinahon kapag may ginagawang proyekto ang
iyong pangkat?
A. Upang maintindihan ang ideya ng bawat isa nang mapabilis ang ginagawang proyekto
B. Upang lalong mapatagal ang ginagawang proyekto
C. Upang bigyan ng malaking marka ng guro
D. Upang purihin ng guro
41. Binigyan kayo ng takdang-araling ng inyong guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagawa sa kuya ang takdang-aralin.
B. Magpahinga sandali at gawin ang takdang-aralin.
C. Hindi gawin ang takdang-aralin.
D. Liliban sa klase kinabukasan.
42. Kaarawan ng kaibigan mo. Iniimbitahan kang sumama sa kanila sa pamamasyal sa ibang pook subalit
ikaw ay may pasok bukas at may pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Lumiban sa klase at sumama sa kanila.
B. Hindi ipagpalit ang pagpasok sa klase sa pamamasyal.
C. Yayain nalang na maglaro ang kaibigan imbis na mamasyal.
D. Utusan ang kaibigan na magpakain sa lahat ng kaklase.
43. Ano ang dapat gawin upang umunlad ang iyong marka?
A. Sikaping mag-aral ng mabuti.
B. Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.
C. Huminto sa pag-aaral.
D. Mangongopya tuwing may pagsusulit.
44. Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?
A. Gawin lamang ang mga madadaling Gawain sa pag-aaral.
B. Tapusin ang sinimulang Gawain, gaano man ito kahirap.
C. Simulan agad ang Gawain at hindi tapusin pagnahihirapan na.
D. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.
45. Sino sa mga tauhan sa salaysay ang hindi mo dapat tularan sapagkat hindi nagpapakita ng positibong
saloobin sa pag – aaral?
A. Nakipagtalakayan si Aiza sa kamag-aral na si Emily gamit ang cellphone. Pinag-usapan nila ang
tungkol sa mga aralin.
B. Hindi sinunod ni Ruben ang payo ng nanay at guro na ipagpatuloy ang pag-aaral. Tuluyan na
siyang huminto.
C. Itinuturo o ibinabahagi ni Marvin sa nakababatang kapatid na si Anchie ang natututuhan niya.
D. Gustong-gusto ni Amara na maglaro ng teacher-teacheran. Pangarap niyang maging guro upang
maturuan ang ibang bata.
46. Si Malia ay palaging nagbabasa ng aklat. Ano ang magiging epekto ng kayang positibong pag – uugaling
ito?
A. Mas malawak ang kanyang kaalaman.
B. Mas malaki ang kanyang mga mata.
C. Mas antukin siya.
D. Mas maging madaldal siya.
47. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay ______.
A. Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.
B. Lumiliban kapag umuulan.
C. Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.
D. Nagsusumikap na mag-aral
48. Nagkataong nagbigay ang inyong guro sa klase ng pasulit. Nakiki-usap ang
iyong katabi na mangongopya sa iyo ng sagot dahil hindi siya nakapag-aral. Ano ang gagawin mo?
A. Pakokopyahin ko siya sapagkat kawawa naman.
B. Pakokopyahin ko siya dahil kaklase ko naman siya.
C. Hindi ko siya pakokopyahin at pagsasabihan ng mahinahon na sagutan na lamang ang mga tanong
sa pagsusulit sa abot ng kanyang makakaya.
D. Hindi ko siya pakokopyahin dahil baka mataasan pa niya ang aking marka.
49. Nagkataon na ikaw lamang ang naiwan sa inyong bahay dahil wala kang pasok
at umalis naman ang iyong mga magulang. Paano mo gugulin ang iyong oras sa pamamalagi mo sa bahay
nang mag-isa?
A. Maglalaro ako ng computer games buong araw.
B. Magbabasa ako ng aming aralin at gagawin ang mga takdang aralin.
C. Matutulog ako hanggang sa bumalik sila.
D. Mageehersisiyo ako hanggang sila ay dumating.
50. Malapit na ang pagsusulit, ano ang nararapat mong gawin upang maipasa ang
lahat ng iyong asignatura at makakuha ng kasiya-siyang marka?
A. Sikaping mag-aral ng mabuti.
B. Kaibiganin ang mga matatalinong kaklase.
C. Gumawa ng kodigo at buklatin sa oras ng pagsusulit.
D. Mangongopya tuwing may pagsusulit.

You might also like